KABANATA V

2209 Words
HINDI maaaring magkamali si Felipe sa boses na narinig niya saka ito kinilabotan at hindi malaman kung titingnan niya ba ito. " Ah hindi, paniguradong guniguni ko lang iyon " tawa pa nito saka naglakad muli para baliwalain ang takot nitong naramdaman. " Ako ay hindi iyong guniguni, Felipe " at natigilan naman ito pagkatapos marinig ang boses na naman pagkwan tuloyan itong nagtungo sa tubig at binalewala itong muli dahil ayaw niyang isipin na totoo itong nasa isip niya. " Anong klaseng kababalaghan na naman ba ito? Papaanong naririnig ko ang sarili kong boses gayong hindi naman ako nagsasalita " pagkwan narinig nito ang mga lagapak ng paa na sumunod sa kanya at nakaramdam ito ng takot ng maramdaman niya ang presensya nitong mga paang narinig niya pagkatapos nitong maramdaman ang hanging dala dala nito at napalunok siya ng maramdaman niyang nagtungo ito sa tabi niya. " Kung ganon may kasama talaga ako? Pe-pero sino at ba-bakit kaboses ko? " sa takot na nadarama niya hindi nito magawang lingonin basta ang nasa isip lang niya ay tumakbo at bumalik sa bahay nila Elias " Kainis sabi naman kasing sa bubwit na yon na samahan ako tapos sasabihing matalas ang pang-amoy, eh ngayon kaya ba niyang amoyin na nasa panganib na naman ako? " naiinis nitong pag-iisip at natigilan siya ng magsalita na naman muli itong sinasabi niyang kaboses niya. " Ako'y labis na nagagalak at nagpapasalamat sa iyong pagkakaligtas o tulong na iginawad mula saakin " nabawasan naman ang takot nito sa sinabi nitong nasa tabi niya. " Nagpapasalamat saakin? Saan? " pag-iisip pa niya pagkwan tumingin siya sa lawa at sa sobrang linaw nito ay nakita niya ang repleksyon nito kaya naman bigla itong nagka-idea kaya huminga ito ng marahan saka lumunok at mahinang tumingin sa tubig para tingnan ang repleksyon ng taong nasa tabi niya na kaboses nito at ganon na lang ang gulat niya ng kamukha niya ito habang nakatingin sa kanya kaya alam niyang hindi ito ang repleksyon niya. " Felipe.. " paghawak nito sa ulo ni Felipe kaya mabilis itong umiwas rito at ganon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makitang kamukha niya talaga ito. " Nananaginip na naman ba ako? " kusot pa nito sa mata niya. " Ako'y hindi isang panaginip.. ang mga nakikita mo ay totoo " titig niya pa rito. " Kung ganon a-anong klasing halimaw ka na naman at bakit kamukha kita? " mabilis nitong pagtayo " Kung ganon.. may balak ka bang kunin ang pagkatao ko saka ako papatayin? " panghuhula pa nito habang nakikita ang takot sa mukha niya. " Wala akong balak na ika'y saktan sapagkat ikaw ang siyang tumulong saakin " " Heee!!! wala akong maalala na may tinulongan ako at isa pa ba-bakit kamukha kita? Bakit kailangan mong gayahin ang mukha ko? " masama niyang mga tingin rito " Well, alam ko namang masyado talaga akong gwapo para pagka-interisan mo ang mukha ko kaya naiitndihan kita " mayabang pa nitong sabi na para bang natutuwa pa " Pe-pero syempre, hi-hindi tamang gayahin mo ang mukha ko!!! " masama niyang tingin rito pagkatapos matauhan sa pagyayabang niya at natigilan naman siya ng biglang malungkot ang sinasabi niyang kamukha niya. " Well, kahit naman pala malungkot ako ang gwapo ko pa rin " pag-iisip nito habang pinagmamasdan ang sarili at nakakalimotan ang mga nangyayari ngayon " Ah Oo, anong sadya mo para pagka-interisan ang mukha ko? " pagbawi na naman nito muli sa dapat niyang maramdaman kung saan ang mainis dahil sa pagkuha ng taong nasa harapan niya sa mukha niya. " Aking kinuha ang iyong larawan sapagkat alam kong ika'y matatakot kung iyong masisilayan muli ang totoo kong anyo " natigilan naman si Felipe sa sinabi nito saka naalala ang mga nangyari sa kanya kagabi. " Ku-kung ganon ikaw ang puting anaconda?! " hindi pa nito makapaniwalang tanong saka nakaramdam muli ng takot kaya mabilis nitong kinuha ang isang maliit na patpat. " Ano ang iyong ibig pakahulogan sa mahiwagang salita na iyong binigkas? " tukoy nito sa anaconda na salita habang nagtataka ang mga tingin nito kay Felipe saka naglakad sa direksyon nito pagkatapos nitong umatras. " Ah! ah! ah! wag kang lalapit kundi masasaktan ka saakin " babala niya rito kaya huminto naman ito. " Ikaw ba ay nangangamba saakin? Subalit wala akong balak na ika'y saktan kaya ikaw ay hindi dapat matakot saakin " nagtataka naman ito ng tumawa ng malakas si Felipe. " Natatakot? HOIIII!! IMPOSTOT PARA SABIHIN KO SAYO WALA PA AKONG KINAKATAKOTAN " pagsisinungaling nito pero ang totoo kanina pa nga nito gustong sumigaw at humingi ng tulong kela Elias pero dahil ayaw niyang isipin nilang duwag siya kaya nilalabanan nito ang takot niya. " Ngunit nababasa kong ikaw ay nangangamba sa maaari kong gawin sayo " nag-aalala niyang tingin rito kaya naman agad na tumayo ng maayos si Felipe mula sa kanina pa nitong paghahanda sa maaari ritong gawin ng kamukha niya. " Sino ka ba at kailangan mong gayahin ang mukha ko at anong kailangan mo mula saakin? " seryoso nitong tanong " At kung wala ka namang balak na saktan ako at wala kang kailangan saakin puwedi bang umalis ka at tigilan ang kagagaya sa mukha ko? " at natigilan si Felipe ng biglang sumulpot si Mary. " Anong nangyayari at hindi ka man lang nababasa? Ano yan natatakot ka sa tubig? " Ani Mary habang tinatamad na nakatingin sa tubig at mabilis namang tumingin sa kaninang kaharap niya si Felipe at natigilan ito ng wala na ito sa harapan niya kaya agad niya itong hinanap at wala na ito kahit ang presensya niya ay hindi niya maramdaman. " Nakita mo ba siya? Nakita mo ako? Yong kamukha ko? Nandito yon kanina pero nasaan siya? " Pagtingin pa nito sa likod ng bawat punong naroon kaya para tuloy itong nababaliw pagkwan dumating din si Elias. " Buhay pa naman siya noh? " tanong nito agad kung saan inutosan ng matanda itong dalawa na sundan si Felipe pagkatapos hindi makabalik agad. " Oo, buhay pa naman siya pero mukhang nasiraan na ata ng bait " ani Mary habang pinaanood nito si Felipe na hinahanap pa rin ang sinasabi niyang kamukha niya. " Ano bang ginagawa niya? " " Ikaw na ang magtanong dahil hindi ko na siya maitindihan, maayos naman siyang gumising kanina hindi ba? " na-aawa pa niyang tingin rito. " Elias ikaw hindi mo rin ba nakita o kaya hindi mo naramdaman o naamoy? " tungo nito sa dalawa. " Ang alin? " " Ako!! ang ibig kong sabihin yong kamukha at kaboses ko " " Mukhang nabaliw na nga siya " ani Elias kay Mary. " Hindi ako nababaliw! kamukha ko talaga yon kaso bigla siyang nawala " hindi naman sila umimik pa " Sige, kung ayaw niyong maniwala e anong klaseng maligno na naman ang ganon sa lugar niyo? " tanong pa nito. " Kaya nga hindi kami naniniwala dahil wala pa namang ganon rito saamin " Ani Elias " Baka namalikmata ka lang at inisip na kamukha siya dapat kasi naghilamos ka para hindi kung ano ano ang nakikita mo " " Tsst! totoo ang sinasabi ko " asar nitong sabi " Ang sabi pa nga niya nandito siya para makipagkasundo saakin " ani Felipe at nang makita niyang ayaw talaga nilang maniwala kaya hindi na siya umimik saka naglakad at nagtungo sa lawa. " Baka nga namamalikmata lang ako pero imposible yon dahil matagal kaming nag-usap at saka ang weird nga dahil masyado siyang malalim magsalita " ani Felipe " Ah! tama, isa nga pala siyang anaconda at ginaya lang ako " sabi nito saka nilingon ang dalawa, " Ano isa siyang anaconda___ I mean isa siyang ahas at ginaya lang ang pagkatao ko para hindi ako matakot.. Oo, tama yon!! " at natigilan siya ng hawakan ni Elias ang noo niya habang nakatuntong ito sa may putol na puno para maabot itong si Felipe. " Okay ka naman, wala kang sakit kaya bakit ganyan ang mga naiisip at nakikita mo? " " Bakit ba ayaw niyong maniwala? " " E kasi nga walang ganon dito sa pook liwanag " ani Mary at Elias kaya tumahimik na din siyang muli pagkatapos mapagtantong hindi talaga sila naniniwala saka nito hinila pataas ang damit niya at tinanggal para maligo at ganon na lang ang asar niya ng paglingon nito ay titig na titig rito si Mary. " Grabe ang ganda ng katawan mo " ngiti niya pa rito kaya agad pinalo ni Felipe ang tubig dahilan para tumalsik rito at lumayo sa kanya. " Umalis ka nga Mary!! tssst! ang bata mo pero napaka m******s mo ah! " at ganon na lang din ang gulat niya ng maging si Elias titig na titig sa kanya. " Problema mo rin? " " Maganda ang hugis ng katawan mo " ani Elias din kaya agad nitong tinakpan ang katawan niya " Kaya hindi naman naipagkakailang mataas ang kompeyansa mo sa mukha o sa sarili mo kaso sayang naman yan kung tinapon ka lang rito " mahaba pang sabi ni Elias na para bang pakahulogan nito ay masasayang din ang katawan nito at hindi makakaligtas sa lugar nila. " Aba! mukhang excited ka naman atang mamatay ako noh?! " " Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan " paglusong din nito sa ilog at naligo kaya asar na asar ding naligo si Felipe pagkatapos ang pang-aasar nito at hindi nila paniniwala rito. ***** " Papasok na ako " ani Felipe pagkatapos nitong magbihis. " Hindi ka pa kumakain " ani matanda. " Oo, hindi ako pumapasok ng hindi kumakain kaya hindi kita sasamahan " ani Elias. " Puwedi ako " pagpipresenta ni Mary. " Tara na, Mary " pagsuot ni Felipe sa bag niya " Hindi ako puweding ma-late kung gusto kong umalis rito hindi ba? " sabi pa nito " At saka ang sabi niyo kakatay kayo ng manok ni Elias " agad namang lumingon rito ng masama ni Elias. " WAG KA NG KUMAIN! " at kakatapos lang magsalita ni Elias ng paloin siya ng lolo niya sa ulo. " Magpakabait ka lang ngayon at mamaya mismo ay iluluto ko sayo " " AKO ANG HINDI KAKAIN!! " ani Elias kaya tawang tawa naman rito si Felipe. " Sige lang, Lolo " ani Felipe " Wag na kayong kumatay ng manok kaya ko naman talagang kumain ng gulay at saka dapat masanay ako matagal din ang anim na buwan " sabi nito saka naglakad at natouch naman rito si Elias saka nakaramdam ng kunting guilt. " Mag-iingat kayo " ani matanda bago sila umalis. " Sa ngayon nagpapagaling pa rin ang grupo nila Gato kaya kung hindi ka gagawa ng gulo walang gulo na mangyayari ngayon " ani Mary habang naglalakad sila " Maliban lamang sa babaeng sinasabi mo na nakakilala sa totoo mong pagkatao " " Anong ibig mong sabihin? " " Gaya ng sabi ni Lolo kailangan ingatan mong malaman nang lahat ang pagkatao mo sa mga Neto kung gusto mong mabuhay dahil ang mga Neto ay uhaw yan sa mga dugo at sa oras na matikman ka nila paniguradong hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka nila nakukuha at kapag mamamatay kana saka nila kukunin ang puso mo " " Ahhhh!! puwedi ba masyado pang maaga para manakot " kinikilabotan nitong reklamo. " Hindi kita tinatakot ang gusto kong sabihin ay mag-ingat ka " " Nandiyan naman kayo hindi ba? " " Oo, syempre hindi ko hahayaang saktan ka nila " " Dahil ba gusto mo din ang dugo ko? " umatras naman ng bahagya si Felipe sa sinabi nito pagkatapos ritong tumitig ni Mary pagkwan binawi niya ito. " Dugo at puso ng mga hayop ang kinakain ko at hindi ko pa nasusubokan ang sa tao kahit gustong gusto ko " " Kung ganon isa ka nga talagang Neto? " " Oo.. dahil nakakahawa ang uri ng mga Neto at nangyari iyon ng may ipagtanggol akong katulad mong bago din rito sa lugar namin pero nakakalungkot lang dahil hindi din siya nakaligtas " " Kung ganon tao ka noon? " " Hindi... dahil ang mga magulang ko nga ay salamangkero at ang mga taong hindi tunay na tao sa lugar na ito ay hindi maaaring patayin ng mga Neto dahil iyon ang isa sa batas ng pinuno nila " " Pinuno? " " Oo, at nino man ay hindi kilala kung ano o sino o anong hitsura ng pinuno nila " ani Mary " Maaaring nasa loob lang siya ng school o saan mang parte ng pook Liwanag kaya mahigpit siyang pinagbabawal na pag-usapan ng lahat kaya kung itatanong mo saakin kung anong klase siyang nilalang ay maging ako hindi yan masasagot basta ang alam ng lahat nakakatakot at sobrang lakas niya " pakiramdam ni Felipe nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito kahit sa kwento lang ay talagang kikilabotan ka kaya alam niyang nakakatakot talaga kung sino man ang pinuno nila. " Wala na akong pakialam basta kailangan ko lang mag-aral ng maayos at makakaalis rito hindi ba? " tumango naman rito si Mary. " At tutulongan ka namin " hindi malaman ni Felipe kung matutuwa siya sa sinabi nito gayong buhay naman niya ang nakataya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD