" Ang lamig " hawak ko sa mga braso ko pagkatapos maramdaman ang lamig ng panahaon pero napaupo ako bigla ng pagmulat ko ng mata ay nakitang nasa may mga kakahuyan pa rin ako saka ako tumingin sa paligid at hindi ko maitatago ang nararamdaman kong takot pagkatapos maalala ang mga nangyari kung bakit ako nawalan ng malay " Ang ahas.. " bulong ko pa saka marahang tumayo dahil paniguradong kayang kaya akong lulunin nun sa oras na makita ako rito " Pe-pero kung kakainin naman ako edi dapat nong mawalan ako ng malay hindi ngayon " pagkapawi ng nararamdaman kong takot pagkatapos ng naisip ko " Maaari bang panaginip lang iyon? " Tingin ko pang muli sa paligid at wala akong maramdamang takot maliban sa lamig ng hangin.
" Kung ganon panaginip nga lang ang lahat " paglalakad ko pero napaupo ako ng masilayan ng mata ko ang taling inalis ko sa kawayan kanina dahil sa isang tinig tsaka sinundan ng isang nakakakilabot na anyo.. hindi naman iyon ahas pero anong tawag doon? mas malapit sa ahas.. imposible namang dragon? pag-iisip ko pa.
" Kung ganon totoo ba talaga ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay? " at muli akong nakaramdam ng takot " Dapat nakinig ako kela Elias pero malay ko bang hindi nila ako ginogood-time at saka nasa 21st Century na tayo kaya paanong may mga ganito pang nangyayari " At mabilis akong nagtago sa may nagtataasang d**o kung saan may malaking bato rito pagkatapos kong makarinig ng ingay " Anong gagawin ko kung iyong ahas na namang iyon o kaya yong werdong babae sa may grocery? Pambihira kasi.. paano ako nakayang itapon rito ni mama? sobra naman atang kaparusahan ito para ipakain ako ng buhay sa mga nilalang na nasa lugar na ito at saka kahit ang sinasabi niyang kapatid ni Lola mukhang malabo ko din ipagkatiwala ang buhay ko tssst! ngayon ko lang naman sila nakilala, paano kung matagal ng wala ang totoo kong kamag-anak rito at ang totoo ay nagpapanggap lang sila Elias para gawin din akong hapunan..! " natigilan ako sa mga naisip ko bigla.
" Ang OA ko naman hindi ba puweding patayin muna bago gawing hapunan? " pagpapagaan ko pa sa loob ko " Tama, patayin muna bago hapunan " mga tawa ko pa at talagang nababaliw na ako sa mga naiisip ko pero natigilan ako ng bigla akong may maisip " Tama!! uuwi ako! " at nangislap ang mata ko sa naisip ko " Kaso paano kung nandoon na naman sina Gato?! Dahil sa mga nalaman ko, nakakaramdam na rin ako ng takot.. tssst! ano nga rin ba ang laban ko kung hindi sila totoong tao " at natigilan ako sa pag-iisip ng lumakas ang ingay na naririnig ko at sa tingin ko patungo ito sa direction ko.
" Ano pa bang magagawa ko kundi lumaban.. haist! dito ka naman magaling sa bagay na ito Felipe hindi ba? kaya ka nga tinapon rito dahil sa kapasayawan mo " pagkuyom ko sa mga kamao ko " Ahhh!! nakakainis " pagpipigil ko sa sigaw ko dahil talagang natatakot ako at diretso akong napahiga ng may biglang sumulpot sa harapan ko at ngayon nasa ibabaw ko ito habang naka-upo sa tiyan ko kaso hindi ko magawang tingnan sa takot na baka ito iyong ahas.
" Sabi na nga ba buhay ka pa " at napamulat ako sa boses na narinig ko.
" Mary!!!! " hawak ko sa kamay niya saka ito niyakap habang nakaupo pa rin ito sa tiyan ko at pakiramdam ko ligtas na ako.
" Namiss mo ba ako? " Ngiti pa niya saakin " Kung ganon bakit di mo ako bigyan ng halik? " Ngiti pa niya at dahil sa sinabi niya mabilis ko itong pinaalis sa pagkakaupo saakin saka lumayo rito dahil ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit gusto niya akong halikan hindi dahil nagugwapohan siya saakin kundi gusto niya ako, gustong kainin.
" Tigilan mo ako!! Alam ko na ang dahilan bakit gusto mo akong halikan " nagagalit niyang tingin rito at mas lalo kumunot ang noo nito ng tumawa ng malakas si Mary.
" Kung ganon may mga nakilala kana rito? " curious nitong tingin kay Felipe.
" Oo, at narealized ko dapat wala akong pagkatiwalaang nino man sa lugar na ito " marahan namang tumango si Mary sa sinabi nito.
" Maliban saakin wala kang dapat pagkatiwalaan " ngiti pa nito " Kung ganon may nakahalik na sayo? Kung ganon maaaring nanganganib kana " nakaramdam ng takot si Felipe sa sinabi nito.
" Hu-huwag mo nga akong tinatakot " paglunok pa nito kaya hindi tuloy nito maitago ang takot na nararamdaman niya.
" Napaka angas mo talaga.. unang tapak mo rito grupo na agad ni Gato ang nakabangga mo na ngayon naman ay pinakilala mo na rin ang pagkatao mo sa lahat " may asar nitong sabi kay Felipe " Sa bagay bakit ka nga naman itatapon rito kung hindi ganyan ang pag-uugali na mayron ka sana talaga magawa mo pang bumalik sainyo "
" Aba! talaga " sabi agad rito ni Felipe ' Dahil bukas na bukas din ay uuwi ako!!! "
" Kung hindi mo nga malaman ang pauwi saatin sa bahay niyo pa kaya? At saka pagkatapos ng ginawa mo ngayon malabo ng makauwi ka pa sainyo dahil panigurado may mga mata ng nakabantay sayo kaya dapat doble ingat ka "
" tssst! Hindi ako ganon kaduwag para madala sa mga sinasabi mo at saka panigurado namang mamamatay din ako kapag nagtagal pa ako rito kaya uuwi na lang ako at least kung mamatay man ako ay wala akong pagsisisihan dahil nilaban ko ang buhay ko " matapang nitong sabi.
" Wag kang isip bata dahil hangga't hindi mo nakukuha ang ticket pasakay sa sasakyan na naghatid sayo rito hindi ka makakaalis sa lugar na ito " pagdating na din bigla ni Elias habang hingal na hingal " Kanina ka pa namin hinahanap pambihira ka! tas ikaw hindi mo man lang ako hinintay paano kung ako ang naligaw? " Ani Elias habang matalim itong nakatingin kay Mary at kung nkakamatay lang ang titig baka pinaglalamayan na ngayon si Mary.
" Sa talas ng pang-amoy mo imposibleng hindi mo ako masundan " ani Mary.
" Alam mong may limitasyon lang ang pang-amoy ko hindi ito makakaabot ng ganon kalayo " bangayan pa nila.
" Tssst! Tumigil nga kayo at ipaliwanag ang tungkol sa ticket na yan! Well, di bale na nga! Uuwi rin naman ako kahit wala yan dahil baka takot ang pumatay saakin rito! Basta uuwi ako, kung kailangan kong lakarin ang bahay namin mula rito gagawin ko basta makaalis lang sa lintik na lugar na ito! "
" Gaya ng sabi ko hangga't wala kang ticket hindi mo mahahanap ang lugar pabalik sainyo dahil hindi ordinaryong lugar ang kinaroroonan mo ngayon at saka ang tanging daan lang pabalik sa lugar mo ay ang sinakyan mo papunta rito at makakasakay ka lang doon kung may ticket ka "
" Edi! Kukuha ng ticket!! Paano ba yon? "
" Ang diploma mo!! " Ganon naman ang tawa ni Felipe sa sinabi ni Elias.
" Diploma? Diploma sa school? " tawa pa nito " Mas madali ko pa atang makita ang kamatayan ko kaysa magkaroon niyan! At saka anong kinalaman ng lintik na lugar na ito tungkol sa pag-aaral o pagkakaroon ng diploma? " Asar nitong sabi.
" Mula ng itapon ka rito ng mama mo parang nakipagsugal na rin siya sa mga tao mula rito kung saan buhay mo ang nakataya " ani Elias at nanahimik naman si Felipe at naghintay sa susunod nitong sasabihin " Kung magbabago ka at kukuha ng diploma mananalo ang mama mo at magkakasama kayo at kung sapilitan ka namang uuwi sainyo syempre pareho kayong matatalo at ang marahas mamamatay ka.