KABANATA II

3588 Words
NAPABANGON si Felipe ng marinig niya ang tilaok ng mga manok. “ Nakakainis naman owwhhh!! “ Asar nitong pagbangon at ganon na lang ang gulat niya ng nakapaligid rito si Elias kasama ang lolo niya at si Mary “ Bakit? “ nakakunot nitong tanong habang may pagtataka ang mukha. “ Mag-almusal kana “ mahinahon ritong sabi ng matanda kaya marahan naman nitong inayos ang mukha niya. “ Hindi naman uso yan saakin at saka masyado pa pong maaga “ “ 7:05 na “ pagpapakita ni Mary sa selpon niya. “ Tulog mantika ka kaya kahit anong gising namin sayo ay hindi ka magising “ “ Tssst! Kakahuni pa nga lang ng mga manok “ “ Ako yon! “ ani Elias at bago pa makareklamo itong si Felipe ay tumilaok ito ng gaya sa manok at kumpara sa ordinaryong tao kuhang kuha nito ang huni ng manok at mas malakas pa. “ Sa lugar na ito marami kang makikita at masasaksihan na hindi normal ayon sa nakasanayan mo kaya naman mas magandang balewalain mo ito para mabuhay ka ng tahimik at maiwasan ang mga nangyari katulad ng kahapon “ Hindi maipaliwanag ni Felipe pero pakiramdam niya nakaramdam siya ng kaba “ Mabuti na lang at hindi ka nasaktan “ napahawak naman ito sa natamaan ritong suntok kahapon at wala siyang maramdamang kahit anong sakit. “ Ginamot ka ni Lolo kaya maayos ka pa ngayon “ ani Elias. “ Tsk! wala lang talaga yon saakin at saka bakit ba kailangan nakapalibot kayo saakin? “ pag-alis nito at bumaba sa kubong bahay nila Elias “ Alam ko namang kaparusahan ko ito kay mama pero bakit naman sa ganitong lugar napaka pangit “ pagkuha nito ng sigarilyo sa pantalon niya. “ May lighter kayo? “ bastos pa nitong tanong at natigilan ito ng bumaba ang matanda habang humahawak sa paligid na animo’y isang bulag. “ Bulag siya pero mas malinaw ang pakiramdam at pandinig niya sayo “ ani Mary kaya naman marahan nitong tinago ang sigarilyo niya. “ Ang alam ko dito ako tutuloy ayon kay mama “ tumango naman rito si Elias kaya ganon na lang ang asar ni Felipe “ Kung ganon makakasama ko kayong dalawa araw at gabi? “ nakangiti namang tumango rito si Mary habang si Elias masungit ritong nakatingin. “ tsk! kung hindi kay lolo hindi ako papayag na bantayan ka rito sa lugar namin kaya wag kang umastang parang ako pa ang may kailangan sayo “ suplado nitong pag-upo sa may hagdan. “ At ano naman ang maitutulong ng isang bubwit na tulad mo saakin? “ “ Kagaya ng sabi ko kanina marami kang magiging katanungan sa oras na lumabas ka sa bahay natin “ ani lolo “ Si Elias ang sasagot sa mga katanongan mo at tutulong sayo para hindi na masangkot pang muli sa gulo “ “ At kung masangkot ka naman ay ako ang tutulong sayo “ yakap ni Mary sa braso nito. “ Bitiwan mo nga ako masyado pang maaga “ paghila nito sa braso niya pero akala mo linta itong si Mary na nakakapit pa rin rito “ Oh sige, unang katanongan anong klaseng tao ba itong si Mary at yong mga tao kagabi? “ nagtataka nitong tanong “ Bukod sa ang lalakas nila ay may kakaiba akong nararamdaman sa kanila “ “ Makinig ka.. noong unang panahon isa ang kinaroroonan mo ngayon sa mahiwagang lugar, maraming mahiwagang kwento at nilalang ang naninirahan rito “ pag-uumpisa ng matanda mataman namang nakikinig si Felipe “ Magpahanggang ngayon ay may mga natira pa rin sa mga taong sinasabi ko kaya ang lugar natin ay halos mabura na sa mapa ng Pilipinas upang pagtakpan ang mga nangyayari rito na maging ang malalaking tao sa Pilipinas ay hindi na kayang takpan at tinanggap na lang ito “ “ Anong ibig niyong sabihin? “ “ Hindi ordinaryong tao ang ilan sa naninirahan rito.. ang iba rito ay malimit ng namuhay ng ilang taon at kung hindi man ay may mga dugong nananalaytay sa kanila na nagmula pa sa angkan ng mga taong nanirahan rito nong unang panahon na may hindi pangkaraniwang kakayahan “ “ Ang nanay ko ay nagmula sa angkan ng mga salamangkero kaya marunong ako ng ilang magic at sobrang lakas ko rin dahil abilidad na yon ng angkan namin “ ani Mary at hindi naman makapagsalita si Felipe ngunit base sa mga nangyari kahapon alam niyang maaaring hindi ito nagsisinungaling. “ At ang iba ay galing sa itim na mahika na hiniling o sumumpa ang mga tao noon na makuha lang ito para sa walang hanggan na buhay at kapangyarihan “ pagkukwento ng matanda at nagulohan naman si Felipe. “ Para saan ang walang hanggang buhay na yon at kapangyarihan? “ nagugulohan nitong tanong. “ Dahil sa bakunawa.. “ natigilan naman ito at naghintay sa susunod nitong sasabihhin “ Ang bakunawa ay naninirahan sa ilalim ng tubig noon___ “ “ Alam ko na! “ pagputol nito sa pagsasalita ng matanda “ Naninirahan sa ilog at kinakain niya ang buwan “ tawa nito “ Pambihira! Sabi ng pinagtitripan niyo ako, e kwentong pambata lang iyon “ asar nitong sabi. “ Marahil tama nga ang kwentong iyan na naririnig niyo sa matatanda at sa mga telebisyon ngunit ang hindi alam ng nakakarami ang bakunawa ay nag-aanyong tao ito mula sa isang napakabangis na dragon na kahawig ng isang isda.. ang bakunawa ay isang babae..isang magandang dilag.. isang magandang dilag na umibig sa isang binatilyong mangingisda ngunit ang hindi alam ng bakunawa ang lalake ay naghahanda na ring ikasal at ang tunay na pag-ibig nayon ay ginamit ng mga tao upang puksain ang bakunawa “ “ Hindi ko maitindihan.. anong kasalanan ng bakunawa kung umibig lang ito bakit kailangan puksain? “ curious na ding tanong ni Felipe. “ Ang pagkain ng bakunawa sa buwan ay totoo at talagang kinatatakotan ito noon dahil walang makapalaot sa dagat para sa hanapbuhay ng lahat ang pangingisda dahil ginagambala sila ng Bakunawa ngunit dahil sa pag-ibig nito sa binata nakipagkasundo ito sa binata na mananahimik ito sa ilalim ng karagatan na ang kapalit nito’y tuwing kabilogan ng buwan kailangan itong tugtogan ng binata nang isang musiko gamit ang isang Kudyapi at dahil sa pagkikita ng dalawa ay unti unting lumalapit ang loob ng binata rito dahil kung pagmamasdan ay tela ordinaryong tao lang ito at higit na magiliw sa kahit sino mang babae “ “ Ikakasal siya hindi ba? E cheater naman pala ang lalaki eh! “ “ Ganon naman kayo diba? Kahit ano mang henerasyon ang ugali ng mga lalake pagdating sa babae ay ganon pa din “ ani Mary na tela ba'y may pinanghuhugotan ito. “ Tsst! Kasalanan ba naming mas marami kayo saamin at madali kayong mapaniwala “ at bago pa ito mahampas ni Mary ay winasiwas ng matanda ang kamay hudyat na itigil ito. “ Dahil nga sa umibig rito ng hindi sinasadya ang binata nagalit si Celo, ang babaeng nakatakdang makasal rito kaya bago pa mahuli ang lahat gumawa ito nang plano para hulihin ang bakunawa gamit ang lalake kasama ang ilang salamangkero kung saan pinatugtog nila ito sa kalagitnaan ng karagatan at dahil umiibig na nga ito sa bakunawa bago pa ito makalabas ay nagbigay ito ng hudyat rito upang makaligtas at sa galit ni Celo.. hindi niya matanggap na hindi na siya ang iniibig ng lalakeng pinakamamahal niya at dahil sa hudyat ng lalaki ay hindi na lumabas pa ang bakunawa hanggang sa napilitan si Celo na gawing pain sa marahas na paraan ang binata pagkatapos niya itong sugatan upang kumalat sa dagat ang dugo nito at nang makita ito ng bakunawa ay mabilis nga itong umahon sa tubig kaya mabilis na ginawa ng mga salamangkero ang rituwal para tuloyan itong puksain subalit sa lakas ng bakunawa pagkatapos iwasiwas ang buntot nito ay tumilapon ang mga salamangkero at mabilis na pinuntahan ang binata “ “ Lumayo kana___ “ hindi na muli pang nakapagsalita ang binata pagkatapos nitong makita ang pagwasiwas ng puso niya sa Liwanag ng buwan pagkatapos itong hugotin ni Celo mula sa dibdib niya. “ MULA SA ITIM NA MAHIKANG NAGBIGAY NG KAPANGYARIHAN SAAKIN INAALAY KO ANG AKING KALULUWA AT PUSO NG AKING PINAKAMAMAHAL KAYA IGAWAD NIYO SAAKIN ANG KAPANGYARIHAN PARA WAKASAN ANG BAKUNAWA “ sumpa ni Celo at kasabay nun ang pagkain nito sa puso ng kanyang pinakamamahal “ MAG-IISA KAMI MULA SA PUSO NIYA “ At pagkatapos ng pangyayaring iyon nagdilim ang langit at nawala ang buwan subalit ang bakunawa ay nanatili itong nakatingin sa lalaking iniibig niya at unti unting nag-anyong tao habang nagtutungo rito ng hindi napapansin ang mabilis na orasyon ni Celo kasama ang mga salamangkero kaya Madali nila itong nahuli at naikulong “ “ Hindi namatay? “ ani Felipe pagkatapos kilabotan sa mga narinig niya. “ Walang nakakaalam ngunit ang sabi ng lahat hindi na ito nagparamdam pang muli at saka ang tirahan niyang dagat noon ay natuyo na rin kaya marahil hindi na nga siya nabubuhay “ “ E yong si Celo? “ kitang kita naman niya ang pag-iwas nila ng tingin rito. “ Makinig ka.. ang tulad ni Celo ay nabubuhay pa rin sila sa panahon natin “ Natigilan sila ng matawa ng malakas si Felipe. “ Baka gusto niyong sabihin na sila na ang mga tinatawag nating aswang ngayon at saka ang alam ko si Celo lang ang sumumpa kaya ibig sabihin buhay pa siya kung mayron niya dito sa lugar niyo “ “ Hindi sila aswang.. kumpara sa aswang at bampira mas nakakatakot ang mga Neto “ “ Neto..? “ Ani Felipe. “ Yan ang tawag sa mga uri ni Celo.. mas mabilis sila kompara sa isang tiktik, mas matalas ang pang-amoy kumpara sa mga aswang, at mas uhaw sa dugo kumpara sa mga bampira at ang gusto nilang biktima ay mga tulad niyong walang halong dugo ang katawan “ “ Pinagsasabi niyo? “ may halong kaba nitong tanong. “ Mula ng kainin ni Celo ang puso ng mahal niya ay nawili na siya rito.. ang sumpang kailan man ay hindi niya matatakasan kaya kinatakotan siya ng lahat at para makakuha ito ng kasama isinalin niya ito sa mga taong magustohan niya “ nakakunot noo naman si Felipe pagkatapos magulohan “ Puwedi nila itong ihawa sa isang tao kung gugustohin nila at maaari ding patayin nila ang sinumang maibigan nila “ pagpapatuloy nito “ Ang tulad mong tinapon sa lugar namin ang gustong gusto nila dahil sariwa at siguradong walang halo a dugo mo “ “ LOLO SOBRA NA YANG PANANAKOT NIYO!!! “ Pagtayo nito “ At saka kahit pasaway ako mahal ako ni mama para itapon rito at ibigay sa mga walang kwentang Neto na yan!! “ “ TOTOO___ “ “ Lubayan niyo ako!! “ pagsuot nito ng tsinelas saka naglakad at naramdaman nitong sumunod rito si Elias at Mary. “ WAG NIYO AKONG SUSUNDAN!! “ “ Kailangan mong pumasok! “ ani Mary. “ Pagkatapos ng pananakot niyo umaasa pa kayong papasok ako at saka tinapon nga ako rito dahil hindi ako nag-aaral ng Mabuti kaya paanong gagawin ko yan gayong wala naman rito si mama para pilitin at pagalitan ako! “ paglalakad nito pero natigilan siya pagkatapos sumigaw ni Mary. “ YAN LANG ANG PARAAN PARA MAKABALIK KA SAINYO!!! “ Gusto niyang magtanong pero sa asar na nadarama niya binalewala niya ito saka naglakad. “ BALIW BA SILA?! MAY MGA SALTIK ATA SILA SA ULO EH! ANO NAMAN ANG KINALAMAN NG PAG-AARAL KO SA MGA NETO NA KWENTO NILA!! AT SAKA TAMA BANG TAKOTIN AKO? BAKUNAWA?? SA TV LANG IYON AT ANONG SALAMANGKERO.. WALANG GANON__ “ Natigilan ito nang maalala ang kakaibang bilis at lakas ni Mary at ang werdong katangian ni Elias. “ Kapag naniwala ako sa kanila parang sinasabi ko rin na may saltik na din ako sa utak! “ tawa nito na akala mo nababaliw kaya naman natigil ito ng mapansin ang mga tawa niyang malakas. SA INIS na nararamdaman niya hindi na nito namalayang nalalayuan na siya sa bahay nila Elias. “ TALAGA BANG MAGAGAWA SAAKIN NI MAMA NA IPADALA SA GANITONG LUGAR? “ Pagkwan kinapa nito ang phone niya mula sa mga bulsa niya “ Alam ko namang hindi niya ako mahal pero tama bang dalhin ako rito kung totoo ang kwento ni Lolo “ sabi pa nito at ganon na lang ang inis niya ng wala itong makalap na signal. “ Buwesit!! Anong klaseng lugar ba ito? “ Paglalakad pa niya para maghanap ng signal pagkwan nakita nito ang isang maliit na grocery nang hindi kalayuan sa harapan niya. “ Mayron din palang ganito rito “ pagtago nito sa cellphone niya at nagtungo rito pero natigilan ito ng walang tao rito. “ Libre ba ito? “ tanong pa niya pero kagaya ng iniisip niya wala ngang sumagot rito. “ E paano ba bumili rito? “ pagkuha pa nito sa isang soft drinks saka binuksan gamit ang ngipin niya. “ Rena..! “ Napasandal si Felipe sa may pader ng may magsalita mula sa likuran niya “ Para ka namang nakakita ng multo “ mabilis nitong inayos ang sarili niya pagkatapos siyang tawanan ng babaeng nasa edad lang niya. “ Sa-saiyo ba yan? Kumuha na ako kanina pa ako tumatawag wala namang sumasagot “ nauutal nitong sabi “ At saka saan ka galing ba-bakit di man lang kita napansin? “ nagtataka pa nitong tanong at naiinis siya pagkatapos maalala ang kwento rito nila Elias. “ Badtrip naman oh! “ sigaw nito para alisin ang takot na puwedi na naman niyang maramdaman. “ Hitsura mo pa nga malalaman mo nang pasaway ka “ nakangiti ritong tingin ng babae na para bang natutuwa rito. “ Si-sino ka? “ ganon na lang ang gulat ni Felipe ng hawakan siya nito sa mukha at hindi niya nagawang umiwas dahil parang kisapmata ang bilis nito. “ Anong pangalan mo? “ “ Ano naman sayo___ “ ganon na lang ang gulat ni Felipe ng bigla nitong maramdaman ang labi ng babae mula sa mga labi niya ngunit alam niyang hiindi isang halik ang nangyayari pagkatapos niyang maramdaman ang mahinang paghigop ng babae sa hanging nagmumula sa bibig niya at ganon na lang ang gulat niya ng gumalaw ang bibig ng babae at bago pa tumapat ang dila nito sa mga dila niya mabilis niya itong tinulak saka pinunasan ang bibig niya. “ NABABALIW NABA KAYONG LAHAT?!! ANONG MGA PROBLEMA NIYO? “ Asar na asar niyang tingin rito at natigilan siya ng para bang nababaliw ang babae rito habang titig na titig sa kanya at napalunok siya ng biglang umitim ang mga mata niya kaya agad niyang kinusot ang mata niya para klarohin ang nakikita niya bago pa atakihin sa kaba na naman at napahinga ito ng malalim pagkatapos makitang maayos naman ang mata nito. “ Sabihin mo saakin anong pangalan mo.. “ paglapit pa niya kay Felipe pero mabilis siyang umatras. “ Felipe!! “ “ Felipe..? napakagandang pangalan “ ngiti nito “ Makinig ka… sa lahat ng taong nandito saakin ka lang dapat magtiwala “ nakakunot noo naman itong tumitig rito. “ Bakit dahil sa mga Neto? “ natigilan si Felipe ng biglang matawa ang babae. “ Makinig ka.. sa bawat banggit mo sa pangalan nila ay mas malalaman nila kung nasaan at ano ka “ napalunok naman ito “ Marami ka namang katulad rito kaya hanggga’t itinatago mo ang pagkatao mo maaaring hindi nila malaman at makaalis pa ritong ligtas “ “ Anong sinasabi mo? “ “ Sa tingin ko hindi ka naman babaero kaya baka maging ligtas ka pa ng ilang araw “ nagulohan naman siya rito “ Iwasan mong may humalik sayo para hindi nila malaman kung anong klaseng dugo ang bumubuo sa loob ng katawan mo “ babala pa nito pagkwan naisip ni Felipe ang ginawa niya rito. “ Ku-kung ganon isa kang Neto? “ ganon na lang ang gulat ni Felipe ng bigla itong lumapit sa kanya at hawakan ang dibdib niya kaya mabilis niya itong pinalo at lumayo rito. “ Tama nga sila may pambihira kang lakas at hindi ordinaryo para sa mga nakakarating rito “ natutuwa nitong tingin kay Felipe habang nakangisi. “ Dug..dug..dug “ natigilan ito ng maramdman niyang sumasabay ang sinasabi ng babae sa heart beat niya “ Ngayon alam ko na ang bawat pintig ng puso mo pero gagawan kita ng kasunduan total naiingganyo ako sayo dahil naiiba ka sa mga nauna nang naitapon rito “ tumitig naman rito si Felipe. “ Kukunin ko lang ang puso mo kapag nanghihina na ito.. kapag mamamatay kana “ takot na takot naman si Felipeng nakatingin rito “ Pero sa isang kondisyon.. ang dugo mo “ ganon na lang ang takot nito ng makita niyang dilaan ng babae ang dugo sa kamay niya at doon lang niya napansing nasugatan siya pagkatapos ng pag-iwas niya rito at hindi man lang niya ito napansin. “ Umasa ka! Akin lang ang dugo ko “ pag-sipsip niya sa sugat niya saka ito idinura “ Hindi ko alam anong nangyayari pero ang puso, dugo, o ang buhay ko ay akin lang! ako ang magdedesisyon para kanino ito “ desidido niyang tingin rito saka umayos ng tayo. “ Nakakatuwa naman.. “ At hindi na makakilos si Felipe ng para na naman itong kidlat sa bilis na ngayon nakapulopot sa kanya habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Felipe ang legs ng babae habang hilahila nito paitass ang braso ni Felipe dahilan para maiangat nito ang ulo niya at naramdaman niyang nasa may leeg niya ang bibig ng babae na sa ano mang oras ay puwedi siyang kagatin nito at sa lakas nito hindi siya makagalaw. “ Akin ka lang.. “ mahina nitong tinig at napaupo ito ng maglaho bigla ang babae kaya ganon na lang ang takot niya saka siya kumaripas ng takbo at hindi na niya alam saan siya nagtungo basta ang alam niya kailangan niyang tumakbo. “ Elias!! Mary!! “ Tawag nito pero walang sumasagot kaya tumakbo pa siya ng tumakbo hanggang sa manghina ito at maupo sa isang bato. “ PANAGINIP BA ITO? “ sampal nito sa sarili niya at sa sakit na nadarama niya alam niyang totoo ang mga nangyayari. “ PERO SA LIBRO O TELEBISYON LANG ITO NANGYAYARI, WALANG ASWANG.. MALIGNO O NE..TO? ANO BA TALAGANG NANGYAYARI? “ Mga tanong niya at sa pagod niya nakatulog ito. NAPAUPO bigla si Felipe ng magising ito mula sa kagat ng mga lamok kaya ganon na lang ang gulat niya ng mapansing gabi na pero napawi ang takot na nadarama niya pagkatapos mapagmasdan ang liwanag ng buwan na nagsisilbi para makita nito ang buong kakahoyan habang binabalot ito ng lamig dahil sa simoy ng hangin. “ Nasaan ba ako? “ pagtayo nito at tiningnan ang paligid at nakaramdam ito ng takot pagkatapos maisip ang mga nangyari bago pa rito mapunta “ Grabe naman atang parusa ito “ may pagtatampo nitong upo pagkatapos maisip ang mama niya “ Talaga bang kaya niya akong ipakain sa ano mang mga nilalang rito? Tssst! Edi sana hinayaan na lang akong maging palaboy laboy sa lugar naming kaysa itapon rito na hindi ko alam ano bang nangyayari rito “ asar pa niyang sabi. “ tssst! Deserve ko ba talaga ito o sumusobra lang talaga si mama “ paghinga nito ng malalim “ AAaaahhhh!! “ Sigaw pa niya tsaka muling pumikit pagkatapos maisip na hindi niya rin alam paano uuwi sa kanila. " Iyo bang naririnig ang aking tinig? " Mula sa malamig na boses napalingon ito sa paligid ngunit wala itong makita kaya mabilis itong tumayo pagkatapos makaramdam ng takot. “ Isa na naman ba itong neto? “ bulong pa niya saka kinuyom ang mga kamao at naghanda sa mga puweding mangyari. " Ako'y iyong tulongan.... Ako ay nakikiusap saiyo " natigilan naman ito sa mga narinig niya at pakiramdam niya napawi ang kabang nadarama niya. “ Pakiusap.. ako’y iyong tulongan.. “ Mula sa boses na narinig nito mabilis niyang hinanap kung saan ito nanggagaling ngunit alam niyang walang tao rito maliban sa kanya dahil sa liwanag ng buwan ngunit wala naman siyang maramdamang takot kaya alam niyang hindi siya dapat mag-alala. " Nais kong masilayan ang liwanag ng buwan... Pakiusap iyong tanggalin ang taleng nakapalibot sa kawayang nasa harap mo " agad naman hinanap ni Felipe ang tinutukoy ng tinig pero wala naman siyang makita pagkwan lumapit siya sa kawayan at dito nakita ang isang lumang tale na hindi isang normal na tale lang ngunit sa sobrang luma nito naging marupok na ito tingnan. " Multo ka ba? Bakit hindi kita nakikita? At saka ano ba sayo ang taling ito? " Mga tanong nito. " Ako ay hindi isang multo ngunit alam kong hindi ka maniniwala kung akin mang sabihin kung ano ako____ " " Di bale na nga! Wala naman akong paki sa bagay na yon sa dami ng nangyari ngayong araw di ko na alam saan pa ako matatakot pero malakas ang pakiramdam kong mas okay ka naman kumpara sa babaeng nakilala ko kanina " pagputol nito sa pagsasalita ng tinig dahil naaasar ito sa lalim nitong magsalita mula sa kawalan saka nito hinila ang tali at sa lakas ng pagkakahila niya at daling maputol ng tali bumagsak ito sa lupa. Ngunit napapikit siya ng biglang humangin ng malakas at dumilim ang paligid, ang liwanag ng buwan ay tela natakpan ng ulap. " Ahhhhhhh!!! " Sigaw nito ng makita ang isang nakakasilaw na tumakip sa liwanag ng buwan " A-a-ana-anaconda?!!! P-puting anaconda!!! " Sigaw nito saka kinusot ang mata niya para siguradohing hindi siya namamalikmata. " Oh! Felipe!! " tuloyan na itong nakatulog nang magsalita ang tinutukoy niyang malaking ahas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD