CHAPTER 6

1000 Words
Chapter 6 Fake Tinitigan ko ang aking kuwadernong wala pa ring bakas ng kahit anong sulat hanggang ngayon. Bumuntong hininga ako at sinabunutan ang aking buhok, kanina pa ako naiinis dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga magawang makapag focus sa ginagawa 'kong report para sa isang subject namin. Masyadong maraming bagay ang nagpapanatiling blangko sa isipan ko, ni hindi man lang ako makahagilap ng titulo para dito. Nakakainis nga 'yong Teacher namin eh, dapat ngayon paeasy easy nalang kami pero hindi ata sila titigil hangga't humihinga pa estudyante nila. 2 months nalang ay gagraduate na rin ako sa wakas. Kanina pa ako binabagabag ng mga salitang binitawan ni Luke kahapon. Padabog akong tumayo mula sa aking kinauupuan, tinungo ang aking phone at tinignan ang oras. 5:58pm Ewan ko kung ano mayroon sa akin ngunit namalayan ko na lamang na nagbibihis na ako ng damit. Dinampot ko ang aking mga susi sa ibabaw ng ref, ang aking cellphone at syempre wallet. Patakbo akong bumaba mula sa hagdan. Nang makapasok sa loob ng aking sasakyan ay agad ko itong pinaadar patungo sa lugar na sinasabi ni Luke. 6:30 na at naabutan pa ako ng traffic sa daan, paniguradong pagdating ko roon ay wala na siya. Alam ko namang hindi iyon marunong maghintay, mabilis siya maubusan ng pasensiya. Pagkatapos ng mahabang traffic ay nakarating na rin sa wakas. 6:50 na nga lang, ewan ko kung may maabutan paba ako dito o ano. Lumabas na ako sa sasakyan at tinungo ang isang Restaurant na may pangalang "Seashore". I know that this is what Luke means. Nasabi kasi sa akin ng Mama niya na paborito niya raw ang mga pagkain dito. Pagkalabas ko palang ay bumungad na sa'kin ang pamilyar na Audi, nakapark ito malapit sa kinatatayuan ko. Bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy sa pagpasok. Kinakabahan ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Nang makapasok na sa restaurant ay agad ko siyang nakita, he looks intimidating with his three-piece suit. Nakakagulat na marunong siyang maghintay, akala ko ay umalis na siya. Mukhang kakagaling pa niya sa trabaho bago pumunta rito. Nang makita niya akong papalapit ay awtomatikong nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. Pagkaupong pagkaupo ko palang ay para na akong matutunaw sa mga matatalim na titig na ibinibigay niya. "What took you so long, woman?" Iritadong tanong niya sa'kin. "Ikaw kaya matraffic, tsk! Mamaya mo na nga ako sermunan! Kumain muna tayo, nagugutom ako." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko ngunit kalauna'y tinawag ang isang waiter. Siya na ang umorder sa'kin. Pinabayaan ko nalang na siya na ang umorder, tutal paborito ko naman lahat ng inorder niya. Buti kahit "Seashore" ang pangalan ng Restaurant ay may mga iba pa rin naman silang klase ng pagkain dito. Allergy pa naman ako sa Seafood at buti lang din ay hindi nag order si Luke no'n. Nang matapos siyang umorder ay matapang 'kong sinalubong ang kaniyang mata. "Bakit ba kasi pinapunta mo ako rito?" Deretsong sambit ko, ayokong paligoy ligoy pa. Bumuntong hininga naman siya. Niluwagan niya ang kaniyang necktie at dinilaan ang kaniyang labi. Muntik na akong mapapaypay sa aking sarili dahil sa biglang pagbago ng temperatura ng aking paligid Buti nalang ay napanatili ko pa rin ang aking ekspresyon. "Be my girlfriend." Automatikong namingi ako sa kaniyang sinabi. 'Be my girlfriend' 'Be my girlfriend' 'Be my girlfriend' Paulit ulit na um-echo sa utak ko ang kaniyang mga sinabi. Napakurap ako at maya maya pa'y lumapit ako sa kaniyang noo at leeg tsaka kinapa iyon. Mukha naman siyang nagulat dahil napaatras siya. Kumunot ang noo ko nang wala naman akong makapang mainit sa parteng noo at leeg niya. Natural na temperatura lamang. "What are you doing, woman?" "Tinitignan ko lang kung may lagnat ka," I murmured. "I don't have a fever, okay? I'm serious!" "Nahihibang kana ba?" May diin na tanong ko sa kaniya, gusto kong sumigaw ngunit nakakahiya naman kung mag eeskandalo kami rito sa restaurant. "Just a fake girlfriend! I want my Mom to be happy. I'm not dumb not to know that she's shipping us." 'Yan din ang nararamdaman ko sa mga pinaggagawa ni Tita Luciana. Pero teka-fake girlfriend? Akala ko girlfriend talaga. Gusto 'kong batukan ang aking sarili. Really, Klei? Umaasa ka talaga huh. Nawiwirduhan ako sa sarili dahil may naramdaman akong kirot nang sinambit niya ang "Just a fake girlfriend". Ewan ko rin kung saan galing ang kirot na iyon kaya isinawalang bahala ko nalang. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, well para naman ito kay Tita Luciana. Naawa rin naman ako sa kaniya ng kaniyang labi. "Good, you can't say no anyway." Mayabang na sambit niya na ikinairap ko nalang sa ere. "I have a rule. I know that you're hiring an investigator to investigate about me. No invading personal rights at wala kang karapatang magdesisyon para sa'kin. Bawal ka rin magtanong tungkol sa background ko. 'Yon lang naman." Halata pa sa kaniya pagprotesta ngunit wala siyang magagawa. Hindi na kami nag usap nang dumating na ang aming inorder na pagkain. Nang matapos na kami kumain ay lumabas na kami sa Restaurant. Medyo hindi ako kumportable dahil nakahawak siya sa bewang ko. Pero pinapaalalahanan ko nalang ang sarili ko na parte lamang iyon ng acting namin. Nagpumilit pa siyang ihatid ako sa bahay ko ngunit hindi ko siya pinayagan. Bumuntong hininga nalang siya at walang nagawang tumango. Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan nang pigilan niya ako. "Bakit?" Inilahad niya ang kaniyang cellphone sa harapan ko na siyang ikinataka ko. "Try to eat that, it might be edible," Sarkastiko niyang sambit. Mumurahin ko na sana siya nang kuhanin niya ang kaliwang palad ko at ipinatong doon ang phone niya. "Your digits." Inirapan ko muna siya bago ilagay ang aking numero sa contacts ng phone niya. Nang matapos ay nanggigigil na dinutdot ko sa dibdib niya ang kaniyang cellphone. Akma pa siyang magsasalita ngunit pumasok na ako sa loob ng sasakyan at walang pasabing pinaharurot iyon pauwi. Bahala siya doon. Nanggigigil ako sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD