Episode 2 - Atheana's Surprise party

1316 Words
Bumaba si Atheana para kumuha ng maiinom sa kusina ngunit nagtaka siya bakit nakasarado ang ilaw at walang katao tao, hinanap ang switch ng ilaw at binuksan ito. Atheana POV "Hala nasan sila? Bakit nakapatay ang ilaw? Sandali nga at mabuksan ang ilaw." Nagtaka siya sa pagbukas ng ilaw ay maraming lobo sa paligid ng kusina. Napalingon siya sa likod bigla umilaw ang ibang ilaw sa kanila bahay at nakita ang pamilya niya. Flashback moments Faye POV "Maganda yata na patayin ang mga ilaw para sa pag baba niya siya ay masupresa". Ngunit ano oras kaya baba ang ang aking anak. Minsan lang namin masopresa siya ng ganito kasi lagi kaming nasa out of town para makipagkita sa ibang clients namin para sa negosyo. Hindi man mahilig sa party ang anak o handaan gusto namin bumawi kahit sa maliit na bagay sa pgapapasaya sa kanya "Happy birthday Atheana!" sigaw nilang lahat. Hindi mawari ang reaksyon ni Atheana na halos lumuha sa saya ng makita niya ang efforts ng kanyang pamilya. "Salamat sa inyo mahal na mahal ko kayo". Ani ni Atheana sa kaniyang pamilya at niyakap group hug. "Halika na kayo at kumain na nagluto ako ng mga paboritong pagkain ng aking pamangkin" Aya ni tita Ash sa lahat. At nag umpisa na sila magsandok ng kanya kanyang pagkain sa plato. Habang si Atheana nilapitan ang tita Ash niya sabay sabing "maraming salamat tita sa pagluto mo ng masasarap na pagkain sa aking kaarawan". Umakyat si Atheana sa kanyang kwarto upang maibigay ang supresa sa kanyang pamilya. Pagbaba ni Atheana dala ang mga nakabalot na mga regalo unang inabutan niya ay ang kanyang ina, sumunod ang ama, si ley at ang tita Ash niya. " Anak ikaw ang may kaarawan bakit mo kami binibigyan ng regalo?" nagtaka ang ama. Ngumiti si Atheana at sinabing "pa, nais ko rin kayo mapasaya tulad ng binibigay niyo sa akin na kasiyahan hindi lamang sa materyal na bagay lalo na sa oras na nilalaan sa amin kahit kayo ay sobrang busy sa negosyo". Ayon kay Atheana gusto niya maramdaman nila ang reward sa mga bagay na laging binibigay nila ng hindi naman hinihingi ni Atheana. Lubos na nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng ganitong pamilya. Lumipas ang araw matapos ang kaarawan ni Atheana. Atheana POV "Ano ang aking susuotin para sa masquerade party bukas?" habang ako ay nakatingin sa salamin. Inaayos ang mga make ups ko. Napaisip siya kung pink na bistida o purple ano ba ang babagay. Naalala ko may bagong bili ako na bistida sa plaza. Nilabas niya ang makintab na pink na bistida mula sa paper bag. "Ayan ang saktong sakto para sa masquerade party" Kinuha ang isang maskara mula sa kanyang damitan na malaginto ang kulay nito at nangingintab sa beads na disenyo nito. "perfect! nakakita na ako ng ootd ko para bukas". Don Facundo POV Aalis na naman kami bukas maiiwan na naman si Atheana at Ley sa aking kapatid na si Ash. Babawi na lamang kami pag bakasyon namin sa kumpanya. "Para sa mas ikalalago ng pera ng pamilya, at para sa kinabukasan ng aking mga anak" sabi sa kanyang sarili. Alas syete ng umaga ng Sabado Nag aalmusal ang buong pamilya sa hapag kainan. "Mga anak mag ingat kayo rito kami ay babalik sa susunod na linggo pag may kailangan kayo magsabi lang agad kayo tumawag kayo sa amin" ani ni Faye sa mga anak. Tumango si Atheana at Ley. At nagpatuloy kumain, at bigla nagsalita si Atheana "ina, mamayang alas otso ng gabi ang masquerade party maari bang mahuli ako ng kaunti sapagkat wala si tita Ash para mag make up sa akin at mag ayos ng aking buhok". "Sige anak,huwag lang masyadong late na pumunta baka dumating ka roon ng patapos na ang party" sagot ng kanyang ina. At dumating na ang oras ng pag alis ni Doña Faye at Don Facundo. Inihatid ni Atheana at Ley ang kanilang mga magulang sa airport at nagpaalam sa kanila. Ilang minuto ay nakasakay na ang mga magulang nila at lumipad na ang eroplano. Umuwi ng bahay ang magkapatid at naghanda para sa masquerade party. Kumatok si Ley sa kwarto ni Atheana "tok! tok! Ate, maari bang mauna ako sa party kasi pupunta din daw ang aking mga kaibigan dahil imbitado sila". " Sige Ley doon na lamang tayo magkita mamaya" sagot ni Atheana habang nag aayos ng kanyang buhok. At umalis na si Ley para magbihis at mag ayos ng sarili. Atheana POV "Sino kaya ang prinsipeng makikilala ko mamaya? Gwapo at matangkad kaya ito?" tanong niya sa sarili habang nag make up ng kanyang mukha. Sana may mga bagong kaibigan ako makilala sa partybna iyon. Ilang oras ay natapos na si Atheana sa kanyang pag aayos sa sarili. Suot niya ay pink na bistida na may mga beads na kumikintab kintab at maskara na ginto na may bulaklaking beads na disenyo. Nagdala siya ng maliit na bag lagayan ng kanyang pang retouch na make up. Alas dyes na ng gabi ang lumipas "Hala, mahuhuli na ako sa party!" ani ni Atheana habang nagmamadali sumakay sa kanilang sasakyan. "Kuya Carding maari mo bang idaan sa shortcut sapagkat late na late na ako sa party" sabi niya sa kanilang drayber. "Sige po, ma'am Atheana" sagot ni mang Carding. At dumaan sila sa shortcut papunta sa lugar kung saan gaganapin ang masquerade party. At makalipas ng 20 minuto nakarating sila sa venue nito. Bumaba ang dalaga mula sa kotse, may redcarpet na nakalatag papunta sa pintuan ng venue. "Ang daming iba't ibang ilaw na nakalagay sa rosas na lampara" ani ni Atheana. Namangha siya sa ganda ng lugar hanggan nakapasok na siya at nakita ang mga nagsasayawan naupo siya sa isang lamesa sa bandang gilid habang umiinom ng tubig. Nang biglang may dumating na lalaki at inaya siya makipagsayaw. "Magandang gabi binibini maari ba kitang maisayaw?" tanong ng lalaking matangkad nakamaskara na amoy rosas ang pabango nito. "A-ah sure " sagot ni Atheana napaisip siya kung saan ba niya naamoy ang kaparehas na pabango ng lalaki. Tumayo si Atheana habang inabot ang kanyang kamay sa lalaki at gumitna sila upang magsayaw. Habang sila ay sumasayaw naka ngiti ang lalaki kay Atheana sabay tanong "binibini, nag iisa ka lang ba sa pagpunta rito?" "Uhm, hindi nauna ang aking kapatid rito pero hindi ko pa siya nakikita". sagot ni Atheana. Hinawakan ng lalaki sa beywang si Atheana at muling sumayaw. Amoy na amoy ni Atheana ang pabango ng lalaki. Atheana POV Napakabango niya may naalala akong kasing amoy niya ngunit hindi ko alam kung saang lugar ko siya nakita. Ang tangkad niya ang amo ng kanyang wangis kahit naka maskara pa siya. At huminto na sila sa pagsasayaw inalok ng lalaki si Atheana ng wine " Wanna drink some wine binibini?". "Oum,Salamat!" kinuha niya ang wine mula sa lalaki. "Let's have a toss". sabi ng lalaki. At nakipag toss siya sa lalaki. Hindi maalis ni Atheana ang tingin sa lalaki gayundin ang lalaki. Nang hindi mamalayan ni Atheana na mag alas dose na pala at kailangan na niya umalis at baka nauna na ang kapatid na umuwi. At nagpaalam na si Atheana sa lalaki "Ginoo, maraming salamat sa pagsama sa akin ngayong gabi ako ay uuwi at baka inaantay na ako ng aking kapatid sa bahay" At lumabas na ito at sumakaybsa kanilang kotse. Cris POV Napakaganda ng babae ito kahit naka maskara kitang kita ang maamong mukha at parang hindi ito ang unang pagkakataon ko ng makita ang babaeng ito. Uuwi na siya "ay, teka hindi ko naitanong ang kanyang pangala" ani sa sarili. Nakasakay na siya at nakaalis hindi ko man lang naitanong ang pangalan sana sa susunod magkita muli kami. At nakarating na si Atheana sa kanilang bahay , nakita niya si Ley na nakatulog na nga sa sala kakanood ng tv. At pinatay ni Atheana ang tv at umakyat na sa kwarto upang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD