bc

The Girl Behind the Mask

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
HE
arranged marriage
brave
prince
princess
heir/heiress
bxg
highschool
chubby
love at the first sight
civilian
like
intro-logo
Blurb

Sino nga ba ang taong nasa maskara? Bakit hindi niya maiharap ang kanyang sarili sa madlang? Alamin natin ang buong storya ni Atheana tungkol sa mga pangyayaring bakit kailangan itago ang identidad niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1 — Atheana's Big day
Pumunta si Atheana sa plaza upang mamasyal. Namili siya ng mga damit at sapatos. Habang siya ay namimili may isang lalaki na nagtanong "Magandang binibini, maari bang magtanong saan rito ang tindahan ng mga bulaklak?." Natulala si Atheana ng makita niya ang mga mata ng binata na napakaganda, amoy na napakabango at medyo natagalan sa pagsagot ni Atheana. Kaya't nagtanong muli ang binata, "Binibini, ayos ka lang ba?". Tugon ni Atheana "Ahh.. Oo ginoo, sa ano ang tindahan ng bulaklak sa ikalawang kanto pagliko mo makikita mo ang tindahan ng bulaklak ni Mang Tonio. Tugon ng binata "Maraming salamat binibini!". Hanggang sa makaalis ang binata naamoy pa din ni Atheana ang pabango nito na amoy halimuyak ng rosas. Lumipas ang ilang minuto, tumawag ang tita Ash ni Atheana, "ring, ring,ring!" naka tatlong tawag ito bago masagot ni Atheana. Sinagot ni Atheana ang tawag, "pasensya na tita sapagkat malakas ang stereo sa plaza, hindi ko namalayan na natawag ka". " Ay siya iha, umuwi ka na rito at hinahanap ka na ng iyong mga magulang ang alam nila ay ikaw ay natutulog pa sa iyong kwarto, sila ay naghahanda ngayon ng almusal magmadali ka ng umuwi" tugon ni tita Ash. "Sige po tita uuwi na rin po ako pagkatapos ko po rito nakapila pa po ako sa bilihan ng mga damit" sagot niya sa tita Ash niya. "Sige iha ikaw ay mag ingat sa iyong pag uwi" at binaba na ang tawag ng kanyang tita. At malapit na rin naman siya sa pila ngunit napaisip siya sino kaya ang lalaking nagtanong kanina sapagkat napukaw ang kanyang atensyon sa maamong mukha, maganda mga mata at mabango na amoy nito. "Sana magkita muli kami ng binatang yun, ng maitanong ko ang pangalan niya."sabi ni Atheana sa kanyang sarili. "Next! in line po." sabi ng cashier. At umusod na si Atheana at binigay sa cashier ang basket na kanyang pinamili. Nagbayad sa cashier at lumabas na sa tindahan ng mga damit. Sumakay na siya ng tricycle pauwi. At lumipas ng trenta minuto ay nakarating na siya sa kanilang bahay nagmamadali pumasok baka makita siya ng kanyang mga magulang na lumabas ng walang paalam. Sinalubong siya ni tita Ash para kuhain ang mga pinamili nito at sinabing "umakyat ka na sa iyong kwarto at magpalit, tayo ay kakain na ng almusal kanina ka pa inaantay sa hapagkainan". Tumango si Atheana sa kanyang tita at nagmadaling umakyat sa kanyang kwarto at nagbihis ito ng pambahay na damit. Bumaba na si Atheana upang sumabay sa pagkain ng almusal kasama ang pamilya. "Anak, kaarawan mo ngayon ano ang iyong hiling o gusto mo naming bilhin ng iyong ina?" ani ng kanyang ama. "Pa, huwag na po kayo mamili ng kahit ano sapat na po ang makasama ko po kayo sa aking kaarawan" sagot ni Atheana sa kanyang ama. Napangiti ang kanyang pamilya sa kanyang sagot at ipinagmamalaki ng lubos sapagkat hindi mahilig sa materyal na bagay ang anak mas gugustuhin na nag iipon siya kesa humingi sa kanyang mga magulang. Nang matapos ang pagkain ng almusal, si Atheana ay dumiretso muli sa kanyang kwarto tinignan ang kanyang mga pinamili para sa kanyang pamilya. Pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto nakita niya sa kama nilagay ni tita Ash ang lahat ng kanyang pinamili. "Paano ko kaya babalutin itong mga ito?" tanong niya sa kanyang sarili. Siya ang may kaarawan pero mas gusto niya supresahin ang kanyang pamilya mula sa kanyang naipon na pera. "Alam ko na papatulong na lang ako kay tita ngunit ako ang magbabalot ng regalo ko para sa kanya" sabi niya sa sarili. At bumaba si Atheana hinanap si tita Ash, wala sa kusina wala sa sala kundi nasa kwarto pala nagtutupi ng mga damit ng kanyang mga anak. Kumatok si Atheana sa kwarto ng tita niya "tok, tok!" , "tita, maari ka bang istorbohin sandali?" tanong niya rito. Hangga't napagbuksan siya ng pinto sabay sagot ng tita niya "ano iyon iha, ano maitutulong ko sa iyo?". Ngumiti si Atheana sabay sabing " maari mo ba ako tita tulungan magbalot ng regalo kong mga damit kila mama, papa at Ley?". Tumango ang kanyang tita at ngumiti. Niyakap niya ito at nagpasalamat. Umakyat na sila sa kwarto ni Atheana upang masimulan na ang pagbabalot ng mga regalo. Kinuha ni Atheana ang gift wrapper, scotch tape at double sided tape at nag umpisa na sila sa pagbabalot. Habang nagbabalot sabi ni tita Ash niya "Lagi mo na lang sila sinosopresa iha tuwing kaarawan mo, na dapat ikaw itong nasusupresa ngunit ayaw mo magpabili sa mga magulang mo ng iyong gusto o hilig na bagay." Ngumiti si Atheana sabay tapik kay tita Ash sa braso. "Tita naman kasi kahit hindi ko kaarawan lagi naman nila ako binibilhan ng mga gamit ko kaya bilang pambawi sa kanila ako naman ang magbibigay sa kanila sa tuwing kaarawan ko". sagot ni Atheana. Ngumiti ang tita niya ang pinagmamalaki siya ng husto sa kanyang ugali. Ilang oras makalipas may dumating na hindi kilala at sumigaw " tao po, may tao po ba may sulat po kayo may nais ipabatid ang aking amo na mensahe". Sumilip ng bintana ang ina ni Athdumalo"a si Faye at nagsalita "Sandali lamang po ako ay baba". Bumaba ang ina ni Atheana at pumunta sa gate nila at kinuha ang sobre na may amoy ng halimuyak ng rosas at bumalik sa loob ng bahay. Umupo sa sala si Faye at binuksan ang sobre na naglalaman ng sulat ng isang imbitasyon sa isang masquerade party. "Magandang araw, inaanyayahan namin kayo na dumalo sa masquerade party ng prinsiper sa darating na sabado, lahat ng kasapi sa iyong pamilya ay maaring dumalo" ang mensaheng nakalahad sa sulat. Lumapit si Don Facundo kay Faye sabay tanong "asawa ko ano ang nilalaman ng sulat?". Napangiti si Faye at sinabing " tayo ay inaanyayahan na dumalo sa isang party, ngunit tayo ay pupunta ng France sa Sabado maari nating padaluhin ang ating dalagang si Atheana". Sumang ayon si Don Facundo at tinawag ang anak "Atheana, anak halika rito". Bumaba si Atheana mula sa kanyang kwarto at nagtanong " bakit ama ano pong problema?". Nagtatakang mukha ni Atheana. "Wala anak mayroong imbitasyon lamang dito, ito ay imbistasyon para sa masquerade party nais namin ng iyong ina na ikaw ang dumalo sapagkat ito ang araw ng aming pag alis upang makipag kita sa ibang negosyanteng kausap namin sa France" sagot ni Don Facundo. Tumango ang anak ay kinuha ang sulat na inaabot ng kaniyang anak at umakyat mulinsa kanyang kwarto. Humiga sa kama ang dalaga at napaisip kung siya ba ay pupunta o matutulog na lamang sa buong araw ng Sabado. Ngunit may naamoy siya mula sa kanyang kwarto amoy ng bulaklak napagdanto niya ito ay nagmumula sa sobre hinawakan at inamoy "hmm, napakabango naman ng imbitasyon na ito". Napaisip siya "kasing bango din siguro ng lugar kung saan magdiriwang ng party, ay siya sige ako ay dadalo". Sa kusina, Ash Pov gagawa ako ng cake ng aking pamangkin ako na rin magluto ng kanyang handa tulungan niyo na lamang ako sa mga rekado maghiwa at maghanda sabi niya sa mga kasambahay. Tumango ang mga kasambahay. Habang sa sala ang mga magulang ni Atheana ay nag ayos ng mga lobo at bandera na may pink at purple theme. Ang pink at purple ay ang mga paboritong kulay ni Atheana. Hindi alam ng anak na may supresa nag aantay sa kanya habang siya ay nagrerelax sa kanyang kwarto. "Ayan tapos na tayo, ang ganda ng disenyo bagay na bagay sa mala anghel na anak natin" ani ni Faye. "Wala man darating na kaibigan o bisita ni Atheana sapagkat nasa ibang bansa at nasa bakasyon ang lahat tayo na lang magpasaya sa ating anak ngayong kaarawan niya" dagdag ni Don Facundo

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook