Chapter 5

529 Words
Chapter 5: ILANG araw ang nakalipas, mas lalo pang naging close si Heylie at Nathan. Mas lalo na rin nilang nakikilala ang isa't isa sa mga nagdaang araw. Pero tulad noon, may pagkatahimik pa rin kung minsan si Heylie. Kaya kung minsan hinahayaan lang siya ni Nathan at kung minsan kinukulit siya nito. "Ilan ang alaga mong pusa sa inyo?" tanong ni Nathan pero umiling lang si Heylie. "Eh? Aso?" umiling uli siya. "Ibon?" tanong uli ni Nathan. "Wala akong alagang hayop" sabi ni Heylie ng mahinahon dahil alam niya na kinukulit lang siya ni Nathan para magsalita siya. " Wala? Edi ako na lang ang alagaan mo" nakangiting sabi ni Nathan. Nagulat siya sa sinabi nito kaya napangiti na lang siya. Nakita niya na napaiwas ito ng tingin. Medyo natahimik si Nathan. "Ilan kwarto ninyo sa bahay?" tanong uli ni Nathan sa kanya. "Anim?" sagot niya. "Wow! naman.. mayaman." nakangiting sabi nito. "Ilang taon na kayong magkaibigan ni Jaymie?" tingin nito sa mukha niya. "Four? since grade eight?" sagot ni Heylie. "Ahh! buti hindi kayo nagkasawaan ng mukha?" sabi ni Nathan at tumawa pa ito sa harap niya. Ngumiti si Heylie at umiling-iling. "Syempre naman" sabi niya. Nakita ni Heylie na papalapit sila Jaymie sa kanila ni Nathan at lumapit sa kanila sila Jaymie. "Mall tayo sa friday ha?" nakangiting sabi ni Jaymie. "Sige ba?. Sama ka Heylie?" tanong ni Nathan. Tumango naman siya at ngumiti. "Syempre, sasama yan. Sige bye! alis na kami" paalam ng dalawa sa kanila. Nagmamadali ang mga maglakad paalis. Nagkatinginan sila ni Nathan dahil sa pagtataka sa dalawa. MABILIS lumipas ang araw at madaling nag-biyernes. Magksama na silang apat sa isang mall. "Manood tayong movie?" sabi ni Nolan. "Maglaro na lang muna tayo" sabi naman ni Heylie sa tatlong kasama. Tinignan niya ang mga ito kung papayag. "O? alam mo na?" sabi ni Jaymie kay Nolan. "Sige, Heylie, Tara" nakangiting sabi ni Jaymie sa kanya. "Tara maglaro na tayo" sabi ni Nathan at hinawakan siya bito sa kamay. Napatingin siya kanila Jaymie at Nolan. "Gusto ko ng pink na bear" sabi ni Jaymie kay Nolan. "Bili nalang tayo" sabi naman ni Nolan. "Gusto ko yung kinuha dun oh!?" turo ni Jaymie sa nakaupong bear na nasa loob ng glass cubicle. "Mahirap kaya yun." kamot ang ulong sabi ni Nolan, napangiti si Heylie sa reaksyon ni Nolan. "Kung ayaw mo, okey!?. ako na lang" pumunta si Jaymie sa bilihan ng token. Napabitaw si Heylie kay Nathan ng mapansin niya ang dalawang bata. Napangiti siya. "Ate may token ka pa? gusto kong maglaro doon oh!" turo ng bata lalaki sa basketball. "Wala na. Hingi na lang tayo kala Mom ng pangbili, mamaya. Nag grocery pa sila eh!" sabi naman ng batang babae. "Puntahan na natin kaya sila" sabi naman ng bata lalaki sa ate nito. "Hindi pwede, hihintayin natin sila dito okey?" hawak ng bata babae sa kamay ng kapatid nito. Napatingin si Heylie sa mga token. "O? libre ko na muna kayo" abot ni Nolan sa kanya. "Salamat" kinuwa niya ang inabot ni Nolan at naglakad. "Heylie saan ka pupunta?" tanong ni Nolan sa kanya pero hindi niya ito sinagot at naglakad na lang. "Hayaan mo na sya" rinig ni Heylie sabi ni Nathan. Kaya lumapit na siya sa dalawang bata. "Hi!" kaway ni Heylie sa mga bata at kumaway naman ang mga ito sa kanya. "Here sa inyo na lang basta i-love n'yo ang isa't isa ha?" nakangiti sabi niya sa bata. 'I missed you, bro' "Salamat po" sabi ng batang babae sa kanya, tumango naman siya at ngumiti. 'Sana nandito rin yung mga bata sa orphange. Siguro magugustuhan nila dito.' "Heylie! Lets go?" yaya ni Nathan sa kanya habang nakataas ang dalawang plastic ng token. "Ang dami naman n'ya?" tingin niya kay Nathan. "Tss. Okey lang yan. Tara maglaro na tayo, saan mo ba gusto mo?" lumingon siya at nagtingin-tingin sa may paligid. "Doon tayo" turo niya sa maliliit na stuff toys. "Sige tara" nakangiting sabi naman ni Nathan sa kanya at naglakad na sila sa tinuro niya. Habang magkatabi silang dalawa ni Nathan sa tag-isang cubicle na pag-kukuwaan nila ng laruan ay nagkangitian sila at naglaro na sila. ILANG oras na ang nakalipas hindi pa rin tumitigil sila Heylie at Nathan sa pagkuha ng mga stuff toys. "Hindi pa ba kayo napapagod? halos mauubos na yung laman o?" turo ni Nolan sa pinaglalaruan nilang dalawa ni Nathan at pa-straight ng tayo. "Sige dun nalang tayo sa kabila" turo ni Heylie kay Nathan. Nakita ni Heylie ang pagkagulat nila Jaymie at Nolan. "Langya! nung trip nn'yong dalawa?" tanong ni Nolan. "Ah!? friend, saan mo ba yan dadalhin magtitinda ka ba?" tanong naman ni Jaymie sa kanya, habang hawak nito ang isang malaking teddy bear. Napangiti si Heylie dahil nag-eenjoy naman siya sa pagkuha ng stuff toys, kaya naisip niya na ibigay nalang niya nakuha mga stuff toys sa mga bata sa orphanage. "Ibibigay ko sa orphanage, sa mga bata" nakangiting sagot niya. Hindi na nagulat si Jaymie sa kaibigan, dahil kilala nito at ang mga magulang ni Heylie na sobrang matulungin sa kapwa. "Talaga bang uubusin n'yo yan?" tanong ni Nolan. "Hindi ba kayo nagugutom man lang?" sabi ni Nolan. "Uubusin ko na lang 'to sayang naman kasi" tinaas ni Heylie ang mga token. "Sige, gusto n'yo bang bilhan pa namin kayo ng plastic para dyan?" pagbibiro ni Nolan sa kanilang dalawa ni Nathan. "Sige, salamat!" nakangiting sabi nila ni Nathan habang seryoso sa paglalaro. "Tara, bili na tayo" kalabit ni Jaymie kay Nolan kaya naglakad na sila paalis. "OMY Gosh! ang dami nilang nakuha" tingin sa kanila ng tatlo babae na halos ka-edad lang nila. "Ang swerte naman ni Girl sa boyfriend n'ya, pero bakit maliliit?" napatingin naman si Heylie kay Nathan na ngumiti sa kanya. "Lets go?" hawak ni Nathan sa mga stuff toys na nagsisilaglagan dahil sa dami. "Hintayin natin sila Jaymie para hindi ka mahirapan." sabi niya kay Nathan. "Wow! Dami ha? kulang yata 'tong paper bag" taas ni Nolan. "Ang dami naman yan. Bilangin natin" umupo si Jaymie habang nilalagay yung mga laruan sa paper bag. "Mukhang expert na kayo sa pagkuha ha? Subukan n'yo ngang kuwain yung pinakamalaki" turo ni Nolan sa nag-iisang teddy bear sa isang glass cubicle. "Subukan natin" tingin ni Heylie kay Nathan. "Bahala ka" sabi ni Nathan sa kanya. Tumingin si Heylie kay Jaymie. "Pakilagay nalang Jaymie ha?" sabi niya. "No. Problem. Twenty-one.." sagot nito at ngumiti habang nagbibilang. "Ito tatlong token" abot ni Nolan sa kanya ng token, na kinuwa naman niya at naglakad. "Ako muna Tapos ikaw, okey lang?" abot ni Heylie kay Nathan ng dalawang token at hinulog na niya yung isa. Bina-balance ni Heylie at pinindot niya na yung bottom. Hanggang sa makuha niya ang bear, pero biglang naman nalaglag kaya napasimangot siya at tumingin kay Nathan. "Ako na para sa'yo 'to" sabi ni Nathan sa kanya. Nilusot ni Nathan ang token tapos binalance niya ang magkukuha sa bear at nag-pinidot niya. "Wow!. umaakyat na" singit ni Jaymie habang nakatingin sa bear. "Yes!" patalon na sinabi ni Nathan. "Nakuha ko!" excited na sabi nito. Nagulat naman siya nang lumapit ito sa kanya at niyakap siya nito. "Ang galing! mas malaki yung kay Heylie" rinig kong sabi ni Jaymie. Pero nararamdaman ni Heylie na nag-iinit ang pisnge niya dahil sa pagkakayak ni Nathan sa kanya. "Uy! Nathan" lumayo si Nathan ng pagkakayakap sa kanya habang nakawak ito sa magkabilang sa balikat niya. Nakikita ni Heylie na sobrang saya ni Nathan. "Kukuwain ko lang ha?" sabi ni Nathan sa kanya at yumuko ito para kuhain yung bear. "Picture naman dyan.." sabi ni Nolan habang nakatayo hawak ang cellphone niya. "Sige ba" inakbayan si Heylie ni Nathan habang nasa gitna na ang teddy bear. "Ngiti naman dyan Heylie!" nakangiting sabi ni Nolan kaya ngumiti si Heylie. "Ayos din." sabi ni Nolan naka-tingin sa cellphone niya. "Patingin" tumingin si Jaymie. "Inferness ha? bagay talaga kayo" nangiting sabi ni Jaymie. Napatingin si Heylie sa ibaba 'Kami ni Nathan bagay?'. "Hay! gutom na ako, tara kain na tayo" sabi ni Nolan habang hawak yung apat na paper bag na tag-dalawa sa magkabilang kamay nito. 'Nakuha talaga namin yun?' tingin ni Heylie sa hawak ni Nolan. "84 pieces nga pala yan." sabi ni Jaymie. "Akin na" kukuwain na sa ni Heylie ang mga stuff toy para hindi na sana mahirapan si Nolan. Pero binigay sa kanya ni Nathan ang bear na nakuha nito. "Ayan ang hawakan mo. Kasi nga, diba? para sa'yo yan." nakangiting sabi ni Nathan sa kany at kinuwa ang paper bag kay Nolan. "At ako ang maghahawak nito" taas nito sa paper bag. "Nakakakilig" sabi ni Jaymie. "Ikaw talaga, baby ko. Kinikilig ka sa iba, tara dito papakiligin kita" akbay ni Nolan kay Jaymie, kinurot naman ni Jaymie sa tagiliran si Nolan. "Ang harot mo" sabi ni Jaymie Napangiti si Heylie sa sinabi ni Jaymie. Hindi niya na aakalain na sinasabi ng nerd niya kaibigan ang narinig mula dito. "Tara na?" Yaya ni Nathan sa kanya kaya sumunod sila sa dalawa magkaakbay. Pagkarating nila sa upuan ay naupo na silang dalawa. "Kami na ang mag oorder" Tumango na lang silang ni Nathan at naglakad ang dalawa para mag-order. "Ang dami pala nating nakuha no?" sabi ni Nathan sa kanya habang nakatingin sa lapag kung saan nakalagay yung mga nakuha nila. "Oo nga eh!" sagot niya. "Akin na ba talaga to?" taas niya sa teddy bear. "Ayaw mo ba?" tanong ni Nathan. "Hindi naman sa ganun.. pero baka may pagbibigyan ka pang iba." sabi niya. "Akin na nga." Kuwa ni Nathan sa kanya ng teddy bear. 'Diba? may pagbibigyan nga talaga siya' bulong ni Heylie sa kanyang sarili. Nakita ni Heylie na may kinuha si Nathan sa leeg nito, na nilagay sa teddy bear. "Ayan!.. bagay ba?" harap nito sa kanya ng teddy bear habang nakangiti. "Ikaw wala kabang ibibigay sa kanya?" tanong ni Nathan sa kanya. "Ha?" gulat na tanong niya. "Kahit ano para matuwa naman siya, ikaw pa naman ang mag aalaga sa kanya." sabi pa ni Nathan. 'Ako ang mag aalaga?.' Napatingin si Heylie sa mga bracelet nakasuot sa kanya, na yung iba ay bigay sa kanya ng kanyang pamilya at yung isa binili niya. Hinubad naman niya ang isang bracelet at inabot kay Nathan. "Okey na ba to?" taas niya sa bracelet. "Gold yan ha?" turo ni Nathan sa bracelet. "Silver naman yung sa'yo, okey na yan bawal kasi 'to" taas niya sa ibang bracelet. "Isuot mo muna yan, ilagay mo na lang pagkauwi okey ba?" nagthumbs up si Nathan sa kanya. "Sige" sagot niya. Dumating na sila Nolan at Jaymie, dala ang mga pagkain na in-order ng mga ito at kumain na silang apat na magkakasabay-sabay habang nagkwe-kwentuhan. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD