Chapter 4

1806 Words
Chapter 4: HALOS isang oras rin ang nilagi nila Heylie at Nathan sa may orphanage. Kaya nagdisesyon na rin sila umaliis. Nang makita ang oras dahil kailangan pa nilang pumasok. "Thanks for bring me here" sabi ni Heylie habang nakatingin dito. "Wala yun. Nakita naman kitang masaya." nakangiting sabi nito habang nagdadrive paalis sa orphanage. "hindi tulad kahapon" ngumiti lang siya sa sinabi nito. "Gusto mo bang bumalik uli doon?" Tumingin siya kay Nathan at tumango. Dahil gusto niya ring makita ang mga bata, at parang nawala ang problema niya. Lalo na nang makita niya ang mga ngiti ng mga ito at marinig ang masayang mga tawa mga bata. "Masaya silang kasama diba? nakakawala ng problema." napatingin si Heylie dito. 'May problema ba siya?' Huminto na sila sa may parking lot ng school. "Tara!" nakangiting sabi ni Nathan. Pagkalabas ni Nathan nakita ni Heylie na patakbong itong pumunta sa may pinto para pagbuksan siya. "Nathan! sino yang kasama mo? girlfriend mo? akala ko--" "Si Heylie" nakangiting sabi ni Nathan kaya napalingon siya sa kausap ni Nathan. "Heylie!" Kumaway sa kanya ni Jaymie kasama ang isang lalaking kakilala ni Nathan. 'Siya ba si Nolan?'. Lumapit sila Jaymie sa kanila, habang magkahawak ang mga ito ng kamay. "Parang may something ha?" nakatingin sabi ni Nathan. "Hi! Nathan" kaway ni Jaymie habang inaayos nito ang salamin sa mata. "Si Nolan nga pala boyfriend ko, pinsan sya ni Nathan" napatingin siya kay Nathan. Tumango naman ito habang nakangiti. "Hi! I'm Nolan Morgan. Pinsan ni Nathan sa kambal ng Dad ko" nakangiting pakilala nito sa kanya. Inabot naman niya ang kamay para makipag-kamayan kay Nolan. "Buti na lang nagkakilala na kayo ni Nathan" masayang sabi ni Jaymie. "Bakit nga pala kayo magkasama ng pinsan kong magpa--" sabi ni Nolan. "Pumunta kami sa orphanage. Diba ang saya doon, Heylie?" Tumango naman si Heylie ng tumingin si Nathan sa kanya. "Ah! sige guys papasok na kami. Tara na Heylie" hawak ni Nathan sa kamay niya. "Sige Nathan bye!. Goodluck rin!" sigaw ni Nolan. 'Goodluck?' "Goodluck? tss!" sabi ni Nathan habang naglalakad sila. 'Mukhang may problema nga talaga siya.' "May problema ka?" napatingin si Nathan sa kanya at ngumiti lang ito. Kaya hindi na lang niya inulit dito ang tanong. PAGKAPASOK nila Heylie sa kanilang room ay umupo sila nang magkatabi ni Nathan. Na sila pa lang ang nasa loob room. "Nga pala Heylie, nasaan na yung parents mo? Hindi ko kasi sila nakitang ihatid ka sa labas kanina" tanong ni Nathan habang pinaglalaruan ang kamay niya na tinaggal niya. "Wala na" iwas niya sa tingin ni Nathan. "I'm sorry" Sabi ni Nathan. Biglang nakaramdam kumirot niya ng kanyang puso. Hinawakan naman ni Nathan ang kamay niya kaya napatigil si Heylie sa pag-tayo. "Dito ka lang." sabi ni Nathan at tumayo ito habang hawak pa rin ang kamay niya. "Maupo kana" mahinang sabi ni Nathan sa kanya. "Hanggat nandito ako, hindi ka iiyak ng mag-isa " Hinawakan ni Nathan ang pisnge niya para pinunasan ang kanyang luha habang nakangiti ito. "Thanks Nathan" iyon lang ang nasabi ni Heylie, at naupo na siya. "Basta tandaan mo, hindi kita iiwan hanggat alam kong malungkot ka pa at umiiyak ka pang mag-isa" napangiti si Heylie sa sinabi nito pero may ibang bahagi na malungkot siya at inisip na.. 'Ibig sabihin iiwan niya rin ako?' She smiled bitterly to Nathan. Hanggang sa isa-isa nang nagsidatingan at pumapasok ang lahat ng classmate nila, at pumasok na ang professor nila at nag umpisa na ang kanilang klase dito. AFTER ONE WEEK, laging magkasama sila Jaymie, Nolan, Nathan at Heylie kapag meron silang vacant dahil halos magkakasabay lang naman ang mga time nila. "Uuwi na kami, bye guys!" Paalam ni Nolan sa kanila ni Nathan habang kasama nito si Jaymie. Kumaway naman sila ni Nathan sa dalawa hanggang makaalis na ang mga ito. "So? uuwi kana? nandyan na ang sundo mo." turo ni Nathan kay Manong Alponzo at tumango naman si Heylie habang nakangiti. Isang linggo na silang magkasama at naging open si Heylie kay Nathan. Masaya siyang kasama at naging panatag siya kay Nathan. "Sige kita na lang tayo bukas." paalam ni Nathan sa kanya. Naglakad si Heylie papunta kay Manong Alponzo. "Manong mauna na po kayo" sabi niya kay Manong Alponzo. Madali si Heylie na bumalik kay Nathan. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito nang lumapit siya dito. "May nakalimutan ka?" tanong ni Nathan. "Wala. M-Magpapasama sana ako sa'yo, kung okey lang?" sabi niya. "Sa Orphanage?" tanong nito pero umiling naman lang si Heylie. "Sa family ko" nakita niya ang pagkagulat si Nathan sa sinabi niya. "Talaga?" tanong pa nito. "Yes. Sasamahan mo ba ako? payag ka ba?" tanong niya. "Oo naman. Sige tara na. Pumasok kana..." binuksan ni Nathan ang pinto ng sasakyan nito para pasakayin si Heylie sa passenger seat. Nakita ni Heylie ang paghinga ni Nathan malalim pero hindi niya na lang sinabi dito. "Lets go?" tanong nito sa kanya. "Sige." sagot ni Heylie kay Nathan. Habang bumabyahe ay napapansin ni Heylie na parang kinakabahan si Nathan. Na hindi malaman kung bakit?. "Okey kalang ba?" tanong ni Heylie. "Oo naman." sagot naman ni Nathan sa kanya. "Takot ka ba sa sementeryo?" napalingon si Nathan sa kanya. 'Baka nga...' sabi niya sa isip ng hindi magsalita si Nathan. "Hindi. Bakit?" kunot noo tanong nito. "Doon tayo pupunta" sabi niya "Diba wala na nga ang parents ko. Ang pamilya ko" paglilinaw niya. "Pamilya?"tanong ni Nathan. Pero hindi na sinagot ni Heylie si Nathan ng makita niya na papasok na sila sa sementeryo. Tinuro ni Heylie ang daan para makarating sa puntod ng magulang. Pinahinto na ni Heylie si Nathan. "Tara." yaya niya kay Nathan ng maisara niya ang pinto ng sasakyan nito. Sumabay si Nathan sa kanya sa paglalakad, papunta sa puntod ng kanyang pamilya. Nang kanyang magulang at nag-iisang kapatid na araw-araw pa rin naman niyang pinupuntahan. "Sila ang pamilya ko, Nathan" umupo si Heylie sa may lapag. Nakalimutan niyang bumili ng bulaklak para sa kanyang magulang. "Sorry Mom, wala po akong dalang flowers. Si Nathan nga po pala friend ko" napatingin siya kay Nathan na nakatingin lang sa puntod. "April 23? diba birthday mo--" napahinto si Nathan pagsasalita ng tumango si Heylie. "Yes. My eighteenth birthday namatay sila" naninikip na naman ang pakiramdam ni Heylie dahil tuwing naalala niya ang mga nangyayari ay naiiyak at nasasaktan pa rin siha. "Heylie.." Tumabi si Nathan sa kanya at niyakap siya nito gamit ang isang braso nito. "Ang saya ko nang araw na yun. Alam mo ba yun? kasi birthday ko tapos bakasyon pa" tumulo na naman ang luha ni Heylie habang nag-ki-kwento kay Nathan. "Pero yun rin palang ang pinaka-masamang at pinakaayaw kong nangyari sa buhay ko" pinunasan ni Heylie ang luha niya. "Ang mawala ang pamilya ko. Ang akala ko nga panaginip lang. Pero totoo pala na nangyari yun dahil ngayon hindi ko pa rin tanggap" sabi ni Heylie at kinuwento niya ang lahat ng nangyari na masasakit na bagay na nangyari sa kanya. HABANG nakikinig si Nathan, humahanga siya sa tibay at lakas ng loob ni Heylie sa mga nangyari sa buhay nito. Alam niya kung gaano ito nahihirapan at sa tingin niya na gusto na rinitong sumuko. Pero nakikita niya na kinakaya pa rin ni Heylie ang mga nangyayari. "Sana nga nandyan yung pangalan ko. Sigurado ang saya-saya ko..." biglang nanikip ang pakiramdam ni Nathan sa sinabi ni Heylie. Pero hindi niya na lang pinahalata at nakinig na lang dito. "...kasi makakasama ko na sila, kaso wala. Hindi pa nila ako sinusundo." sabi ni Heylie habang nakasandal ito sa kanya. "Everything happens for a reason, Heylie" niyakap niya ito nang mahigpit. Napansin ni Nathan na mas lalo pa itong umiyak sa ginawa niyang pagyakap dito. Alam niya na nakakagaang ng loob na sabihin ni Heylie ang mga kanyang problema at sa loobin sa ibang tao para mailabas nito ang sakit na nararamdaman nito. Na nakikita niyang ginagawa nito sa harapan niya. ILANG oras na ang nakayakap si Nathan kay Heylie. Alam ni Nathan na medyo gumaang na ang pakiramdam ni Heylie kahit na tahimik lang itong nakatingin sa kawalan at hindi na umiiyak. "Nathan" tawag sa kanya ni Heylie kaya napatingin siya sa mukha nito. Namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak ng nagdaang oras. "Hmm?" tanong niya. "Salamat sa pakikinig mo ha?" tingin ni Heylie sa kanya. "Wala yun. Basta habang nandito ako may makikinig sa'yo. Habang masaya ka pang kasama ako, nandito lang ako sa tabi mo. Promise yan" nakangiting sabi niya kay Heylie. Nakita niya tumango ito at ngumiti. "Salamat sa lahat Nathan" sabi ni Heylie. Hinawi naman ni Nathan ang hibla ng buhok ni Heylie. "NATHAN!." tawag uli ni Heylie nang ilang minuto na silang tahimik. "hmm?.." tingin ni Nathan sa kanya. "Bakit ang drama mo?" tanong niya dito. "A-Ako madrama?" tumango si Heylie. "Madrama pala ha?... ito sa'yo" Kiniliti siya ni Nathan kung saan-saan banda ng katawan niya pero hindi siya tumawa. "Wala kang kiliti?" takhang tanong ni Nathan sa kanya. "Meron naman" sagot niya. "Eh? Saan?" takhang tanong ni Nathan. Ngumiti siya kay Nathan. "Secret.." tawa ni Heylie kay Nathan. "Uwi na tayo gabi na." Umupo si Heylie sa tapat ng pangalan ng kanyang ama. Nakita niya sa kanyang tagiliran si Nathan na napakamot at parang nagtataka sa kanya. "Mom, Dad, and my bro, uwi na kami." napalingon siya kay Nathan na nakatayo na sana likuran niya habang nakatingin rin sa pangalan ng pamilya niya. "Sige po. Aalis na kami." kumaway pa si Nathan. Napangiti naman si Heylie at napalingon sa pangalan nang kanyang pamilya. 'Thanks to him, Mom, Dad and My bro dahil nakakaya ko na rin kahit paano'. Humarap si Heylie kay Nathan para makapaglakad na sila paalis, papunta sa sasakyan nito. "Tara?" tanong ni Heylie. "Sige" sabi ni Nathan at naglakad na sila paalis ng sementeryo sakay ng sasakyan ni Nathan. Nang bigla silang magkatinginan ni Nathan at biglang nag-ngitian. "Thanks talaga sa lahat, Nathan" Umiling ito at ngumiti lang uli sa kanya. NANG na sila Heylie at Nathan sa tapat ng bahay. Nagkatinginan na naman silang dalawa at napatitig sa isa't- isa. Napailing si Nathan pero nakangiti pa rin sa kanya. "So, see you again?" sabi ni Nathan. "Yeah!. Salamat uli ha?" nakangiting sabi niya. Binuksan ni Nathan ang pinto at bumaba. Pumunta ita sa pintuan na bubuksan niya pa lang. Pinagbuksan siya ni Nathan ng pinto. Nang makalabas si Heylie ay naglakad siya papunta sa malapit sa may gate. "Ingat, Nathan" kaway niya. "Thanks, pumasok kana para makaalis na ako" sabi nito at ngumiti. "Sige salamat uli" naglakad na si Heylie sa loob ng bahay at nagtuloy-tuloy na papunta sa kanyang kwarto. Nang mabuksan niya ang ilaw ng kwarto, kasunod naman niyang narinig ang pag-andar paalis ng sasakyan na sigurado si Heylie na kay Nathan iyon. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD