Chapter 3

1950 Words
Chapter 3: NAUPO si Heylie sa tapat ng mga puntod, hindi niya pa rin mapigilan ang sakit na kanyang nararamdaman at pag-iyak habang nakikita ang mga pangalan ng mga ito, na wala talaga ang mga ito. Nagsisisi siya sa mga nangyari dahil hindi siya nagpumilit na sumama sa mga ito. Na kung sana nagpilit na lang siya; 'Hindi sana siguro ako ngayon malungkot at nag-iisa'. Dahil sa nangyaring aksidente kinahantungan ng kanyang pamilya. Isang buwan na ang lumipas ng mawala ang mga ito, isang buwan na rin siyang malungkot at sobrang namimiss niya ang mga ito. 'Sana hindi na lang ako humiling na bahala na kayo. Siguro hindi mangyayari to!. Bakit kinuwa n'yo sila sa akin? bakit hindi na lang ako? Para hindi ako nasasaktan ng ganito?. Sobrang sakit na kasi..' Napayuko si Heylie habang nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa kanyang tuhod. 'Ano bang ginawa kong masama para kuwain mo sila sa akin? malaki ba?.' tanong niya sa kanyang isip. Napatingin si Heylie sa mga pangalan ng magulang at ng kapatid. 'Kung bakit sila pa ang kinuwa n'yo sa akin'. Naninikip na naman ang kanyang pakiramdam dahil nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari at hindi pa rin niya matanggap na nagbago na ang kanyang buhay. Tumayo na rin agad si Heylie habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Uuwi na po ako. Dad, Mom" napatingin siya sa pangalan ng kanyang kapatid. "My bro". Tumalikod na si Heylie at naglakad papaalis nang may maramdaman siyang malakas na hangin ng dahilan ng pagtayo ng kanyang balahibo sa braso. Napahinto siya sa kanyang kinatatayuan. 'Niyayakap n'yo po ba ako?' tanong niya sa kanyang isip. 'Kung oo, I missed you guys'. Naiyak na naman siya. Na kahit gusto niyang pigilan ay hindi niya magawa. Napatingin si Manong Alponzo sa kanyang amo. Nagtataka ito kung bakit nakatayo lang si Heylie habang umiiyak. Kaya nilapitan ni Manong Alponzo si Heylie upang tawangin. "Miss Heylie!" napatingin si Heylie kay Manong Alponzo na nakatayo na sa harapan niya na may pag-aalala sa mukha nito. "Miss Heylie, ayos lang po ba kayo?" Tumango lang siya dito at naglakad papunta sa kotse na naka-parada sa di kalayuan. Alam ni Heylie na nakasunod na si Manong Alponzo sa kanya. Sumakay na agad siya sa sasakyan habang hinihintay si Manong Alponzo na makapag-drive. "Miss Heylie, uuwi na po tayo?" tanong nito. Tumango lang siya at pinaandar naman ni Manong ang sasakyan paalis ng sementeryo. PAGKAUWI ay pumunta agad si Heylie sa kanyang kwarto. Pagpasok niya ay may nakahanda na ang mga pagkain ng nakatakip sa may lamesa sa kanyang kwarto. Pumunta muna si Heylie sa kanyang banyo upang makapagbihis ng pangbahay. Pagkalabas ni Heylie sa kanyang banyo ay umupo na siya sa tapat ng lamesa para kumain. PAGKATAPOS kumain ni Heylie ay nilikpit naman niya ang pinagkainan, para hindi na mahirapan pa ang kanyang kasambahay sa pagkakuha ng hugasin. Kinuwa niya ang laptop niya matapos niya ang kanyang ginagawa. Nag-login si Heylie sa kanyang f*******: na matagal na niyang hindi nabubuksan. Nakikita niya ang mga new feeds ni Jeymie. 'She looks happy' sabi ni Heylie sa kanyang isip. Nang mapatingin siya sa message. Jeymie: Hi! Heylie. Jaymie: Sabi ko sa'yo ipapakilala kita kay Nolan. But wala kana. BTW classmate mo pala si Nathan. 'Nathan? yun ba yung kaninang lalaki?. Heylie Romero: I think so.. Jaymie: Gnun b?. K. bye. kita na lang bukas. May ggwn pa ako. Nilogout na ni Heylie ang f*******: niya, nang mapansin ang notebook emvelop na nakalagay ang pangalan ng dalawang orphanage na tinutulungan ng kanyang magulang. Binaksak ni Heylie ang kanyang katawan sa kanyang kama at natingin sa kisame ng kwarto niya. 'Ano nang gagawin ko?' tanong niya sa kanyang sarili at napapikit. KINABUKASAN maaga nagising si Heylie, nagpunta agad siya sa kanyang banyo para makapaligo at makapagbihis. Nang matapos ay bumaba na rin agad si Heylie. "MISS Heylie? maaga po kayong nagising alas singko pa lang po ha?" Tanong ni Manang Beth sa kanya habang iniipit nito ang buhok. "Hindi pa po ako nakakapagluto" aligagang sabi nito. "O-"napatingin si Heylie kay Manang Beth na halatang nagulat ito ng marinig siya nito na magsasalita na dapat. Agad naman itong ngumiti para hindi mailang si Heylie. "O-Okey lang po" sabi ni Heylie at naglakad na paalis. "Heylie, Anak!" Napalingon si Heylie kay Manang Beth. Lumapit ito sa kanya at hinawakan nito ang magkabilaan niyang kamay. "Magpakatatag ka iha. Wag kang mahiya magsabi sa amin." nakangiting sabi nito. Napatingin si Heylie sa mata nito at tumango na lang siya bilang sagot dito. Ngunit bigla siyang niyakap nito. Humiwalay rin naman agad ito sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanya habang nakangiti. "Tatawagin ko lang si Alponzo iha" palakad na sana si Manang Beth. "No. wag na po." Ngunit pinigilan niya ito. Tumango naman ito na nakangiti pa rin. "Aalis na po ako" paalam ni Heylie dito. PAGKALABAS ni Heylie ay nagkita niya si Manong Alponzo na naghihilamos. "Miss Heylie, naku, ang aga nyo naman po?" lapit nito sa kanya. "Sunduin n'yo na lang po ako sa school. Sige po aalis na ako" paalam niya. Alam niya nagulat ito sa pagsasalita niya pero sa ngayon kailangan niya munang umalis mag-isa "Sige, Miss Heylie, mag-ingat na lang po kayo" kaway nito. Naglakad na naman si Heylie palabas ng gate, nagtext na rin siya ng taxi para ihatid siya sa kanyang pupuntahan. "Hi!" nakangiting kaway ng nasa kotseng itim. 'Siya si Nathan? Diba?' tukoy niya sa lalaki sa kanyang isip. "Sumabay kana sa akin" nakangiting sabi nito sa kanya. Napansin ni Heylie na masyadong maaga pa ito para pumasok sa school ng mga oras na yun. Umiling si Heylie dito at tumingin sa paparating na taxi na agad namang huminto sa tapat ng sasakyan ni Nathan. Papalakad na si Heylie papunta ng taxi dahil sa isip niya baka maghintay pa ang driver ng matagal. "Here, manong bayad n'ya." Abot ni Nathan sa driver ng one thousand. Nagulat si Heylie sa ginawa nito, lalo na nang bigla siyang hilahin nito, upang makapasok siya sa sasakyan nito at inupo siya sa may passenger seat. "Wag kang matakot, hindi ako bad person" sinara nito ang pinto sa bahagi ni Heylie at tumakbo na papunta sa may driver seat. PAGKAPASOK ni Nathan sa sasakyan ay tinignan niya si Heylie. Bigla siyang lumapit kay Heylie nang nakangiti. Nakita niya ang panlalaki ng mata nito. "Your seat belt" inayos niya sa seat belt ni Heylie at umaayos na rin ng upo para makapag-drive. Napalingon siya kay Heylie. "Hmm!? maaga pa naman, gusto mong isama kita sa masayang lugar?" nakangiting sabi ni Nathan. Napatingin si Heylie kay Nathan ng masama pero ngumiti lang si Nathan habang nakatingin sa kanya. "I mean... sa happy place para sa akin, like kids?" napataas naman si Heylie ng kanyang kilay. Tumawa si Nathan sa reaksyon na nakita niya kay Heylie. "Basta.." sabi ni Nathan at nagdrive na nang mabilis. Nakikita ni Nathan na parang gusto ni Heylie na ipahinto yung pagpatakbo niya pero hindi niya na lang sinabi at hindi naman ito nagreklamo. "NANDITO na tayo!" sabi ni Nathan. Kaya napatingin si Heylie sa malaking gate na nasa harapan nila. Binuksan naman ito ng guard at inaandar na nito papasok ang sasakyan. "Dito maraming bata..." nakangiting sabi ni Nathan "...at ito ang happy place para sa akin". Pagkapark ni Nathan ng sasakyan ay bumaba na rin naman ito kaya sumunod na siya. May kinuwa si Nathan sa likod ng kanyang sasakyan, hindi alam ni Heylie kung bakit siya nito dinala sa lugar lalo pa't hindi naman sila lubos na magkakilala. "Wait lang ha?" sabi nito. Tumingin naman si Heylie sa mga batang nagwawalis sa malayo. Napangiti naman siya sa batang lalaki na papatakbo na papalapit sa kanila. "Kuya Nathan!.." Nakangiting tawag nito at huminto sa harapan nila. Mataba itong bata kaya ang cute nito, para kay Heylie at nakikita pa niya dito si 'Henry.' Nanlalabo ang mata ni Heylie dahil sa naalala niya ang kanyang kapatid. "Bakit po kayo umiiyak ate?" nakatingin ang bata kay Heylie. Napailing siya bilang sagot dito at tumingin sa iba, para hindi nito makita ang mga luha niya. NAG-ALALA si Nathan nang makita si Heylie na umiiyak, habang nakatalikod sa bata. Kaya hinawakan niya ito sa balikat. "Napuhing lang si Ate Heylie" nakangiting sabi ni Nathan habang nakatingin kay Heylie. Nagkatinginan silang dalawa, agad naman ni Heylie pinunasan ang kanyang pisnge."Napuhing lang ako." tingin ni Heylie sa bata habang nakangiti siya. "Anong pangalan mo?" tanong niya rito. "Henry po. Ate Heylie" Nakita ni Nathan na natigilan si Heylie ng marinig nito ang pangalan ni Henry. Bigla tumakbo si Heylie palayo sa kanila. Nilapag ni Nathan ang paper bag sa harap ng kanyang sasakyan at hinabol si Heylie, habang nakatingin naman ang bata sa kanila. "Heylie!" tawag ni Nathan habang nakatalikod si Heylie na umiiyak. Hindi alam ni Nathan kung ano ang nangyayari kay Heylie. At kung ano ang dapat niyang gawin. Kaya alalang-alala ang kanyang mukha habang nakatingin sa likuran ni Heylie na umiiyak. PINUNASA ni Heylie ang kanyang pisnge at humarap na kay Nathan. Tumingin siya sa mukha nito. "Heylie, anong bang nangyayari?" tanong ni Nathan sa kanya. Umiling lang si Heylie kay Nathan pero lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Okey lang yan" at humiwalay na rin naman ito sa pagkakayakap sa kanya sabay ngumiti. "Tara na" hinawakan ni Nathan sa kamay niya at naglakad na sila papalapit kay Henry. "Nagdadrama lang ang ate Heylie" sabi ni Nathan ng makalapit sila sa mga bata na kasama ni Henry. "Ganun po ba?" kinuwa ni Nathan ang dalawang paper bag. Habang hawak pa rin nito ang kamay niya. "Tara pumunta na tayo dun" turo nito gamit ang nguso. "Kuya Nathan!" tawag ng mga bata at lumapit ito sa kanila. "Goodmorning po sa inyo!" sabay-sabay ang mga bata na bati sa kanila. "Goodmorning rin!. Siya nga pala si Ate Heylie" pakilala ni Nathan sa kanya. "Girlfriend nyo po? Diba mag--" "kaibigan ko." sabi nito. "Hello po Ate Heylie na kaibigan ni Kuya Nathan" sabay-sabay ang mga ito. Kumaway lang si Heylie sa mga ito at nag-aalangan na ngumiti. Habang napapatingin pa rin kay Henry. "Mahiyain kasi si Ate Heylie. Tara pasok na tayo" sabi ni Nathan. Kasunod nila ang mga bata na pumasok sa loob. Pagkarating sa loob, na may mahabang lamesa ay umupo yung mga bata. Habang nilalabas ni Nathan ang mga pagkain. "Kumain kayo ng marami, pinaluto ko yan lahat kay Manang" sabi ni Nathan. Spaghetti at cake ang nilabas nito. "Happy birthday kuya Nathan" sabi naman ng mga bata. "Thank you" sagot naman ni Nathan sa mga ito. Kumakain na yung bata, habang binubuksan naman ni Nathan yung isang lagyan, na may spaghetti. "O, kain ka na rin" lapag nito sa harapan ni Heylie sa pagkain. Tumabi si Nathan sa kanya. "Lets eat?"abot nito sa tinidor sa kanya. Kumain rin naman si Heylie, habang nakatingin sa mga batang masayang kumakain. "Ang saya nila, 'diba? kaya masayang pumunta dito" rinig niyang sabi ni Nathan. Napalingon si Heylie kay Naathan at nakita niya madumi ang pisnge nito. Nakita niya tumawa ito habang nakatingin sa kanya. "Ang dumi ng mukha mo" turo ni Nathan sa mukha niya habang tumatawa pa rin. "Ikaw rin naman" nakangiting sabi ni Heylie. Nang mapansin niya na nanlaki ang mata nito. Pero ngumiti lang uli habang nakatingin sa kanya. "Ang dungis na natin!.." malakas na pagkakasabi ni Nathan kaya nagsitawanan ang mga bata. "Si Ate Heylie ayaw tumawa" sundot ni Nathan sa tagiliran niya kaya natawa na rin siya at napatingin kay Nathan. 'Thanks to him nakatawa uli ako ng ganito kahit sandali lang' napangiti si Heylie kay Nathan na masayang nakatingin sa mga bata. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD