Chapter 2

1879 Words
Chapter 2: NAGISING si Heylie na mugto pa rin ang kanya mga mata, dahil sa kakaiyak ng nagdaang gabi at dahil sa naalala na naman niya ang kanyang pamilya. "Miss Heylie!" rinig niyang tawag sa kanya ng kanyang kasambahay. "Gising na po ba kayo?" katok nito sa kanyang pinto. Tumayo si Heylie sa kanyang kama at binuksan niya ang pinto upang malaman nitong gising na siya. Simula dumating ang mga kasama niya sa bahay ay hindi pa rin siya nga mga ito ns naririnig na magsalita. "Ay! nagising ko po ba kayo? Sorry po, na sige po" nakita niya na nakatingin ito sa kanya mg nakangiti at agad rin naman umalis. Sinara na ni Heylie ang pinto at naglakad na papunta sa banyo. Ang abogado ng magulang ni Heylie ang nag-hire sa kasama niya tatlong kasambahay, at sa isang driver para magdala kung saan niya gustong pumunta. Simula nang mamatay ang magulang at ang kapatid ni Heylie ang lagi na lang niyang ginagawa sa araw-araw na dumadaan, ay ang pumasok, pupunta sa sementeryo para dalawin ang magulang at uuwi para magkulong sa kanyang kwarto at umiyak. PAGKATAPOS ni Heylie maligo at makapag-ayos ng kanyang sarili, lumabas na rin siya sa kanyang kwarto at pumunta na siya sa may kusina. "Miss Heylie, nakaluto na po akong breakfast n'yo... Itlog,ham at hotdog tyka nakapag-timpla ko na rin po kayo ng gatas nyo. May gusto pa ba kayo?" tanong ni Manang Beth isang may edad na babae na may kaputian na rib ang buhok. Umiling lang si Heylie bilang sagot dito at umupo na sa may upuan katapat ng mga pagkain inihanda nito. Napatingin si Heylie sa dalawang upuan sa kanyang harapan at isang upuan na katabi. Kung saan dati ay doon naka-upo ang kanyang kapatid at magulang. "Ate, pwede akin na lang yang hotdog mo? ubos na kasi yung niluto ni Mom" nakangiting sabi nang kanyang matabang kapatid. "Ayoko nga" Iwas niya sa pagkain sa kapatid, nakita niyang napanguso ito. "Sige na ate, gusto mo nang chocolates?" labas ni Henry ng chocolates sa bulsa hinaharap sa kanya. "Wow! penge ako" kukuwain na sana ni Heylie ang chocolate na nasa kamay nito pero iniwas nito ang kamay. "Akin na lang yung hotdog" sabi nito. "Sige, akin na muna yung chocolates" turo niya. "Sige sabayan ha?" Nilagay nito sa kamay niya ang chocolates, sabay bigay naman ni Heylie ng hotdog gamit ang tinidor. "Thanks, My bro" nakangiting sabi ni Heylie sa kapatid nang makuwa niya ang chocolates, na paboritong niya. "MISS Heylie, okey lang po ba kayo?" tanong ni Manang Beth bakas sa mukha nito ang pag-alala sa kanya. Tumango naman si Heylie, pagkatapos kainin ang tatlong ham at uminon ng gatas na agad na ring tumayo. Hindi niya ginalaw ang hotdog dahil naalala niya ang kapatid na si Henry. Pagkalabas niya ng bahay nila. Sa bahay na dating sakto lang para sa kanila nang kanyang pamilya. Pakiramdam niya na bigla na lang itong lumaki para sa kanya. "Miss Heylie, tara na ho?" tanong ni Manong Alponzo. Tumango lang siya at pumasok sa sasakyan para maihatid na siya nito sa school na papasukan. Napatulala siya sa tapat ng bintana ng sasakyan ng maalala ang unang pasukan, noong kasama pa niya ang pamilya. "MY Princess, Dalian mo" tawag ng ama ni Heylie. "Naiinip na si bunso" tingin ng ama niyang si Harris sa likod ng upuan habang nakasilip si Heylie sa sasakyan. "Sige na ate!, first day nang college life mo goodluck" nakangiti sabi ng kanyang ina pagkatapos nitong ayusin ang buhok niya. "Okey, Mom bye!" hinalikan ni Heylie ang pisnge nito at naglakad na papunta sa sasakyan. "Bye guys!" kaway ng kanyang ina sa kanila. "Bye! Mom" kaway rin at umalis na. "Goodluck, mamaya ate ha?, lalo na ikaw bunso. Make your parents proud ha? bawal makipag away" paalala ng kanyang ama. "Yes, Dad" tipid na sagot ni Henry. "Dad, susunduin nyo po ba ako?" tanong niya habang inaayos ang bag. "Yes. May family dinner nga pala tayo mamaya" nakangiting sabi nito sa kanya. Tumango naman siya habang nakangiti. "MISS Heylie, nandito na po tayo" Napalingon si Heylie kay Manong Alponzo na bumaba pala ito sa sasakyan para pag-bukas siya ng pinto. Lumabas na siya sa sasakyan at naglakad na siya papasok ng campus. "Ingat po kayo. Miss Heylie" masayang sigaw ni Manong Alponzo. Napalingon si Heylie dito at tumango lang siya. Naglakad na uli siya papasok sa may campus. Noon sa tuwing maglalakad ang Heylie Romero papasok ng campus. Nakangiti siya dahil marami siyang kasamang mga kaibingan sumasalubong at sinasabayan siya. Ngunit nang mawala siya ng ganang magsalita at makipag -usap sa mga kaibingan. Isa-isa na ang mga ito na lumalayo sa kanya at may iba naman na kailangang ng lumipat ng ibang school. Pwera sa isang taong palaging nandyan sa kuma-kamusta sa kanya. "Heylie! kamusta kana?" nakangiting tanong ni Jaymie sa kanya, habang inaayos nito ang malaking salamin nito sa mata. Ngunit walang sagot itong nakuwa mula sa kanya. Kaya huminga ito nang malalim at ngumiti na lang. "Alam mo ba may nakilala akong new friends si Nolan. He's cute and kind naman. Gusto ko sanang ipakilala siya sa'yo. If okey lang?" Napahinto si Heylie at napatingin kay Jaymie. Hindi niya alam kung bakit kinakausap pa rin siya nito dahil yung iba taong mas malapit sa kanya noon ay sumuko nasa kanya. "Sorry" nakayukong sabi ni Jaymie. "Sorry kung nakukulitan kana sa akin. Basta nandito lang ako Heylie" nakangiting sabi nito na ikinagulat niya. Umiling siya. "Thanks Jaymie" napayakap siya kay Jaymie. "Thanks sa lahat". "You're my bestfriend kahit di tayo nagsasabihan masyado ng secrets noon. No matter what happened I'll still your friend, Heylie" Niyakap niya ang kaibingan nang maghigpit. Yung taong alam niyang matagal nang nagtiis sa kanya at ito nga si Jaymie. Tinangal niya ang pagkakayakap kay Jaymie. "Hindi mo ako iiwan ha?" tingin niya sa mata nito. "Promise!" sabi nito at napangiti siya. "Buti ngumiti kana" sabi ni Jaymie sa kanya habang naglalakad papunta sa kani-kanyang room. Nang huminto si Heylie sa tapat ng pinto ng room nila."Kita na lang tayo mamaya ha?" sabi ni Jaymie at kumaway pa ito. Tumango naman siya at pumasok na rin sa loob ng room. Pagkaupo ni Heylie sa upuan niya ay may mga lumapit sa kanya. "Hi! I'm Jess. and you are?" tanong ng babae. Tinignan niya ito, maputi at may kulay brown na buhok. Hindi siya sumagot at tinignan niya lang ito para basahin kung anong nasa isip nito at bakit siya pa ang kinikilala nito?. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng babae. "Hays! Ang bago ko pa naman dito, tapos ganito yung mga students duh!" reklamo nito at tinignan siya ng masama. "Alam mo, Miss. Kung gusto mong mag in-arte wag dito. School to, hindi tv show" sabi ng lalaki na katabi niya. "Kinakausap ba kita?" tanong naman ng babae pero hindi na sumagot ang lalaki. Nakita rin niya na napatigil yung babae at tumingin sa lalaki. Napatingin si Heylie sa mukha ng lalaki, na bago rin sa paningin niya. Nakita niya ang pagngiti nito sa kanya. Kaya agad rin niyang binalik ang tingin sa white board, na saktong pasok naman ng professor nila. "Goodmorning Class..." bati ng kanilang professor, habang nilalapag nito ang mga gamit sa lamesa. Second weeks ng pasukan nila Heylie kaya halos marami na silang pumasok kumporme sa unang linggo na halos wala pa sila sampu na pumasok. Medyo maingay na ang room nila. Kaya mas nakinig na lang si Heylie sa sinasabi nang kanilang professor. Hindi tulad ng iba na pasimpleng nakikipag-kwentuhan sa mga katabi ng mga ito. Second year college na si Heylie. Hindi na dapat siya magpapa-enroll pa dahil mas gusto na lang niya sana na nasa loob lang siya ng kanilang bahay. Para magkulong, at umiwas sa tao na makakakita sa kanyang sitwasyon niya. Dahil baka kapag may nakilala siyang tao, paki-alaman nito ang kanyang buhay. Nang malaman ni Heylie ang mga naiwan ng mga magulang na negosyo at yaman ng mga ito. Lalo na ang ibang taong, tinutulungan ng mga magulang. Kaya nakapag-desisyon siya na ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral para sa naiwan ng mga ito at tulungan ang mga tinutulungan ng mga ito. PAGKATAPOS ng unang class nila Heylie ay lumabas agad siya ng room pagkalabas ng kanilang professor, dahil wala na naman siyang susunod pa na subject na papasukan. Kaya itinext na niya ang kanyang driver na si Manong Alponzo upang sunduin siya sa school. Naupo si Heylie ng nag-iisa upang hintayin ang kanyang driver sa pagdating nito. Nang mapansin niyang may umupo sa harapan niya pero hindi niya na lang tinignan. "Hi!" Napatingin siya sa lalaki na nasa harapan niya. "I'm Nathan" nakangiting sabi nito. "Ako yung classmate kanina, remember?" tanong nito. Tumango lang si Heylie sa lalaki habang nakatingin dito. Umiwas na rin agad siya ng tingin dito. Nakita niya ang patango-tango nito. "Buti naman. Ano nga pala ang pangalan mo?" Napatingin uli si Heylie sa mata nito. Para tignan kung sincered ba ito o may gusto lang itong may malaman sa kanya. Nakita naman niya na sincered ang tanong nito pero hindi niya pa rin ito sinagot. "Miss Heylie!" napalingon si Heylie. Nakita niyang papalapit sa Manong Alponzo. "Tara na po?" Tumayo naman si Heylie at iniwan ang lalaki. "Nice to meet you, Heylie!" Napalingon siya dito, nakita niyang nakangiting ito at kinawayan pa siya. Napatango lang si Heylie sa lalaki at naglakad na siya papunta sa sasakyan. Pagkarating niya sa tapat ng sasakyan ay pumasok na agad siya sa loob. "Miss Heylie sa mga magulang mo po tayo?" tanong ni Manong Alponzo sa kanya. Na ang tinutukoy nito ang pagpunta nila sa simenteryo. Tumango naman si Heylie habang nakatingin sa may bintana dahil alam niya na doon lang siya nakakakuha ng lakas ng loob para malaman ng mga ito na kalayanin niya. Kahit pa alam niya sa kanyang sarili na nahihirapan na siya. Naalala pa ni Heylie ang sinabi ng magulang na "kung makakatulong ka, tumulong ka na walang naghihintay na kapalit". Kaya gusto niya na ipag-patuloy ang nasimula at ginawa ng kanyang magulang upang makatulong sa iba. Na kahit alam niya na hindi na niya makikita ang pamilya alam niyang masaya ang mga sa ginagawa niya. HUMINTO ang sasakyan sa tapat ng bilihan ng mga bulaklak napatingin naman si Heylie kay Manong Alponzo. "Miss Heylie, ibibili ko po ba kayo ng bulalak?" tanong nito. Inabot naman ni Heylie ang pera at kinuha naman ni Manong Alponzo at lumabas na para bumili ng bulaklak. Naghintay lang si Heylie kay Manong Alponzo hanggang sa makabalik ito sa loob ng sasakyan dala ang bulaklak at nagsimula na uli ito sa pag-drive papunta sa may simenteryo. PAGKARATING nila Heylie at Manong Alponzo sa sementeryo ay bumaba na siya sa sasakyan, habang hawak niya ang bulaklak na paborito nang kanyang ina. "Miss Heylie,maghihintay na lang po ako dito" sabi ni Manong sa kanya. Kaya tumango naman si Heylie at naglakad na siya papunta sa pintod ng kanyang magulang at kapatid. Habang naglalakad si Heylie papalapit sa puntod ng pamilya ay unting-unti na naman nahuhulog ng kusa ang kanyang mga luha. Sa tuwing nakikita niya na wala sa puntod ang pangalan niya, na hinihiling niya na sana nandoon na lang siya. * * * * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD