11

1606 Words
Alora’s POV:  “Alora?” Umangat ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko at napangiti nang makita ko si Warren sa harapan ko. “Hindi ko alam na nag-tatrabaho ka pala rito.” Sabi niya nang nakangiti rin.  Pinunas ko ang kamay ko sa apron, “Hi po! Ano po order niyo?” Tanong ko. Handa nang kunin ang order niya.  “Hm,” Sabi niya habang nag-iisip ng o-order-in at nakatingala para makita ang menu. “Kuha lang ako ng black iced coffee.” Kinuha na niya ang wallet niya mula sa bulsa.  “ ‘Yon lang po?” Tanong ko sa kaniya. Nakangiti siyang tumango at nag-pindot-pindot ako para malagay ko ang order niya. “99 lang po.” Sabi ko at inabutan niya ako ng 100 bill.  “Keep the change na” Sabi niya bago ko pa maibigay. Tumango naman ako.  “Tawagin ko na lang ang pangalan mo po.” Sabi ko at ngumiti. “Warren,” Tawag ko sa kaniya. “Nandito ba ‘yong mga members?” Pabulong kong tinanong. Kapal ng mukha ‘no? Pero ako lang ‘to at syempre hindi ko palalampasin ‘yong moment. Ngumisi naman siya.  “Kaya naman ako nandito, ‘di ba?” Kindat niya sa’kin at umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita na umupo siya do’n sa grupo ng lalaki sa bandang sulok.  Lumaki ang mata ko’t napanganga ako, bakit hindi ko napansin iyon? OWEMJI! NANDITO SILA!  Pinipigilan ko na naman ang kilig ko. ‘Wag muna ngayon! Grabe ang timing!  Kalma lang, Alora. Kakayanin mo pa ito.  Patuloy ko pa rin ako sa pag-tatrabaho at hindi ko muna inisip na nandito ‘yong grupo kung saan ako nag-tatrabaho. Tamang ‘wag mag-pahalata lang.  Onti na lang ang customers sa loob ng cafe at mag-a-alas-dose na ng gabi. At, nag-aayos na kami para mag-sara.  “Alora, pasabi nga sa mga customers na mag-sasara na tayo.” Utos sa’kin ng co-worker ko. Tumango naman ako at isa-isa ko silang nilapitan para mapag-sabihan na mag-sasara na kami.  Napahinto ako sa pag-lalakad nang maalala ko na patungo na ako ngayon sa lamesa nila Warren. Hinanda ko ang sasabihin ko at syempre ang itsura ko na rin, para naman hindi tayo mag-mukhang haggard mula sa trabaho.  “Ahem,” Pag-ubo ko, huminto naman sila sa pag-uusap at napatingin sa’kin, nararamdaman kong humihina ang tuhod ko.  ‘Wag niyo naman akong tignan ng ganiyan. Grabe naman ang mga titig na ito. “Pasensya na po sa abala. Um, gusto ko lang pong sabihin na mag-sasara na po kami. Salamat po.” Sabi ko at aalis na sana.  “Miss, you seem familiar, where have I seen a face like yours?”  mag-a-assume na lang ako na si Jax iyon.  Dahil hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatakip iyon ng face mask. Ano? Sabihin ko ba ang totoo? Kapalan ko ba ang mukha ko at sabihin na ako ‘yong mga nag-asikaso sa kanila no’ng foundation day? Bago pa naman ako makasagot ay inunahan na ko ng isa sa kanila.  “Ow! I remember you! Ikaw ‘yong na sa foundation day, right? ‘Yong stage manager? What was your name again?” Tanong ni Sebastian.  HALA NAALALA NIYA PA AKO! OWEMJI! I FEEL SO HONORED TT+TT “U-um, Alora Lim po! You can just call me Lora if you want.” Ngiti ko, pigil na pigil talaga ang kilig ko ngayon. Langit! Gabayan ninyo ako! Mabuti naman at sila na lang ang customers dito sa cafe. “Alora! Mauuna na ko!” Rinig ko ang isang kasama ko kasama na rin niya ang mga chef. Handa na silang umalis pero bago pa ‘yon ay nag-bilin pa siya. “Nag-linis na kami roon, kaya ikaw na lang ang mag-sara ha! Ito ‘yong susi. Ingat ka Alora at hating-gabi na.” Hinagis niya sa’kin ‘yong susi at nasalo ko naman ito.  Tumango na lang ako, “Opo! Kayo rin po!” Sabi ko at umalis na rin sila. Napa-buntong hininga na lang ako.  “Kailangan mo ba ng tulong Lora?” Tanong sa’kin ni Geddrick. Nanlaki naman ang mga mata ko. Jusko! Anong nangyayari? “U-um, h-huwag na po, nakakahiya naman. Kaya ko na po ito! Hating-gabi na rin po eh kaya po mauna na po kayo.” Nauutal at dali-dali ko siyang tinaggihan.  Totoo ba ito? O inaantok na ko dahil hating-gabi na. “Sigurado ka, Lora? We could give you a hand.” Sabi naman ni Warren at nakangisi naman siya ngayon.  Hindi ko alam ang nakain nila o nainom pero tatanggihan ko pa rin, alam ko kung kayo ang na sa position ko ngayon ay hindi niyo tatanggihan ito. Pero ako? Parang nakakahiya naman dahil bakit nila tutulungan ang isang babae na nag-fafangirl lang sa kanila.  “Ah-eh, a-ayos lang po! Hindi niyo na po kailangan aksayahin ang oras niyo rito. K-kaya ko na po ito. ‘Wag na po kayo mag-alala. Sige na po!” Gusto ko murahin ang sarili ko dahil nautal na naman ako. Pasensya na ha, kinakabahan lang talaga ako dahil kaharap ko sila ngayon.  “Hmm, mukhang hindi ka na namin makukumbinsi pa. Mauna na kami Lora, ingat ka ha.” Tayo ni Warren at tinapik niya ang braso ko. Nginitian naman ako ng ibang miyembro.  Lumabas na sila at nakahinga naman ako nang maluwag. Parang natanggal ang bigat sa mga balikat ko.  PERO OWEMJI! KINAUSAP NILA AKO!  Masampal nga ang sarili para alam kong hindi ako nanaginip.  Imbis na sampal, kinurot ko na lang ang sarili ko. Masakit nga. HINDI ITO PANAGINIP! Nag-ta-tatalon ako mag-isa rito, kinikilig ako ng sobra.  Habang nag-lilinis ako at inaayos na ang mga upuan at lamesa at nakangiti ako na parang tanga lang. Hindi ko talaga mapigilan. Gusto kong tawagin si Franny kaso baka tulog na siya, ayaw ko naman maging istorbo. Pinatay ko na ang mga ilaw at ni-lock na ‘yong glass door sabay baba ng mga metal shutters at nilock rin iyon. Sinaksak ko sa phone ang earphones ko at hinarap ang backpack ko. Kinakabahan ako. Usually, kasama ko si Franny umuwi.  Napatalon ako nang biglang may bumusina sa likod ko. “Ay palaka!” Sigaw ko. Ano ba naman ‘to, gabi na eh ang dilim-dilim pa naman.  “Alora! Sabay ka na!” Baba ni Warren ng bintana. Napatulala ako.  Ano daw?  “Nagulat ka ba? Hehe, pasensya na. Gabi na eh, delikado ang daan ng ganitong oras. Sumabay ka na.” Baba ni Warren at binuksan ang likuran ng van. Bumungad ang mga miyembro. Ang iba ay tulog at si Sebastian lang ang gising, Inaalok niya pa ko na pumasok. Ang suspicious ha!  “Alora! Dito ka oh, may bakanteng upuan.” Sabi ni Sebastian. Nag-dadalawang isip pa ako kung sasakay ba ko o hindi.  “Baka maabala ko pa po kayo, saka baka po iba ‘yong way niyo eh.” Mahina kong sinabi pero natawa naman si Warren sa’kin at si Sebastian.  “Hindi yan. ‘Wag mong isipin yan.” Sabi sa’kin ni Warren.  OWEMJI! WILLING NAMAN AKO MA-KIDNAP!  Hindi na ko sumagot pa at sumakay na. Naiilang ako. ANG UNREAL TALAGA! HINDI ‘TO POSIBLE!  Nananaginip ako! Oo! Nananaginip lang ako. Tinuro kay nila Warren kung saan ako nakatira. Gusto ko sana bumaba na lang sa kanto pero ininsist pa nila na bumaba na ko sa bahay.  “Ito na po, dito na lang po.” Turo ko sa labas ng bintana at pumarada na ang van sa labas ng gate namin. “Pasensya na, inabala ko pa po kayo.” Buti na lang at gabi na kaya naman hindi na masyadong nakikita ang exterior ng bahay.  “Wala lang ‘yon Alora, ano ka ba. Chill ka lang, ang sama naman namin kung sisingilin ka pa namin para sa pag-hatid sa ‘yo. Pumasok ka na at magpahinga ka na.” Sabi ni Warren. Napangiti naman ako sa kaniya at pinasalamatan ko siya.  “Ibabalik ko rin ‘yong favor sa inyo. Salamat talaga.” Sabi ko kay nila Warren, sa driver at kay Sebastian.  Pumasok na ko ng gate at kumaway sa kanila nang makapasok na sila ng van at umalis na.  Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at tumakbo sa kuwarto ko, siyempre dahan-dahan ko binuksan at sinara ang pinto. Naligo na muna ako bago matulog, pagkatapos no’n ay humilata ako sa kama at tinakpan ang mukha ko gamit ng unan sabay sigaw.  Uod talaga ako tuwing kinikilig, half human, half uod ako talaga. Kung panaginip ‘to ayaw ko nang gumising! Sayang kung gigising pa ako. Humarap ako sa poster ni Colton, tinitigan ko siya habang nakangiti, hindi ko alam kung ilang oras ako nakatitig sa kaniya ng gano’n.  “Hay, bina-baliw niyo ko masyado ha. Sobra na ‘yon! Foul!” Sabi ko habang nakangiti pa rin sa poster ni Colton. Ngunit nang maalala ko ang issue ni Colton, unti-unting nawawala ang ngiti ko, niyakap ko na lang ang unan ko at tinitigan ko ang kisame ko na puno ng glow in the dark stars.  Napaisip ako nang malalim. Totoo ba talaga ang issue niya? Parang ayaw ko pa paniwalaan kasi wala pang statement ang agency nila, pero base sa pictures niya na nakita ko sa internet, mukha ngang totoo. Napa-buntong hininga na lang ako’t umayos ng higa. Ah, basta! At least ngayon nakasama ko ang banda sa isang van, at parehas pa ang hangin na hinihinga namin! I’ll treasure that moment ‘til I die! Hindi ko na namalayan na nakatulog na ko. Ang saya ng puso ko! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD