Alora’s POV:
“Tapos, hinatid ka nila sa bahay mo. Oo, na Alora! Nakailang ulit ka na sa kuwentong ‘yan.” Sabi ni Franny at irita siyang kumagat ng chicken.
“Ay ganon? Hehehe, sorry, peace tayo,” Natawa na lang ako. Aber, malay ko bang nakailang ulit na’ko sa kuwento. Masyadong maganda at memorable siya, paano ko siya hindi iku-kuwento ng paulit-ulit.
“Da’t pa hindi na ko umuwi muna eh,” Pabulong niya pero hindi ko na siya narinig. Mukhang wala siya sa mood ngayon. Kanina pa siya ganiyan.
Na sa mall kasi kami ngayon. Inaya ko si Franny na lumabas kami ngayon dahil Sabado naman ngayon pero mukhang ayaw niya kahit um-oo naman siya. Kaya’t naman nandito kami ngayon sa KFC at kumakain ng tanghalian.
“Nako Alora, nasasawa na ko sa kuwento mo na yan, wala ka na bang iba?” Tanong niya, hindi ako sanay na ganito siya.
Kahit mataray o ano man si Franny, hindi ako sanay na parang wala siya sa mood. Tinignan ko siya ng mariin.
“ Anong meron diyan sa labi mo?” Tanong ko nang makita na may sugat siya do’n. Mukhang nabigla siya sa tanong ko at yumuko na lang habang pinaglalaruan niya ang kanin na nalunod na sa gravy.
“A-ah yan, wala nasagi lang ng pinto.” Palusot niya. Hindi pa rin siya tumitingin sa’kin.
“Franchesca, ang totoo.” Serioso kong sinabi.
“Totoo nga ‘yon nasagi lang ng pinto pagbukas ng pinto ni Mama.” Sabi niya. But, eyes don’t lie.
Alam ko ang meron sa loob ng bahay nila. Dahil ako ay naka-witness rin no’n. Hiwalay ang kaniyang magulang, na sa tatay ang kaniyang kapatid habang siya naman ay na sa kaniyang nanay. Nag-away sila sa harapan ko no’n noong bata pa kami nila Franny at halos magpatayan na sila no’n.
Pagkatapos nong hiwalay nila, naghimagsik si Franny. Sa mata ng iba mukha siyang siga na tapang-tapangan pero pagkaharap na niya ang kaniyang ina hindi niya kinakaya. Sino naman hindi? Kahit sa’kin.
Selfish ba na hindi ko muna inisip ang kalagayan ni Franny bago ko siya inaya at ganito ako kasaya ngayon sa harapan niya?
“Hindi ka nauntog sa pinto,” Sabi at hinihiwalay ang chicken ko at hindi tumingin sa kaniya. “At alam ko hindi ‘yan akisidente.” Narinig kong binitawan niya ang kutsra’t tinidor niya kasi tumunog sa pinggan niya.
Nagangat at tingin ko at nakita kong nakayuko siya at umiiyak sa mga palad niya. Buti na lang at nasa likod kami ng KFC kaya’t naman walang masyadong tao na makakakita sa eksenang ito.
Tumayo ako at lumapit kay Franny, niyakap niya ang bewang ko at umiiyak ng umiyak. Halata na matagal na niyang pinuno ang mga ito sa loob at ngayon niya lang nailabas. Halata naman na pinipigilan niya ang mga luha niya pero hindi niya kaya kasi patuloy pa rin itong tumutulo.
Nararamdaman kong humigpit ang kaniyang yakap sa bewang ko.
She’s weaker than you thought she is.
Hinimas-himas ko ang kaniyang likod habang patuloy parin ang kaniyang pag-iiyak. “H-Hindi ko na kaya Alora, a-ayaw ko na!” Sabi niya, nanginginig ang kaniyang boses at mapaos-paos pa.
“Ba’t di ka na lang umalis do’n? Tutal na sa legal na age ka naman na.” Sabi ko. Alam kong parang tanga naman ng tanong ko pero may sense naman na rin.
“Madaling sabihin pero ang gawa ay hindi, hindi ko alam anong gagawin ko kahit man gusto kong umalis, kung may lakas ng loob lang ako edi sana ginawa ko na dati pa. Ayaw kong iwanan ni Mommy, kahit ganiyan siya sa’kin. Ayaw ko pa rin siyang iwan…” Nanghina ang boses niya. “I need her.” Dagdag niya. Naiiyak naman ako dahil nakikita ko siyang ganito.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko pa dahil baka ma-offend ko na pa siya o may masabi ako na isipin niyang kay dali ng kaniyang sitwasyon, kaya tumahimik na lang ako at hinyaan siyang umiyak at ilabas ng kaniyang nararamdaman.
Hindi ko na itatanong kung ano pa ang nangyari, tsyaka na, sa tamang oras.
“Ingat ka ha,” Mahinhin kong sinabi sa kaniya at niyakap ko siya. “i love you.” dagdag ko.
Gabi na kami nakauwi, tumango na lang si Franny at bumitaw na sa yakap ko. Tinalikuran na ko ni Franny at naglakad na siyang papalayo.
Hindi na siya nagsalita na at alam kong hindi pa talaga siya tutungo sa bahay nila.
Nagbuntong hininga na lang ako at pumunta sa bahay nila Tita Morrie para masundo ko sila Hail at Hunter.
Si Papa ay na sa kaniyang trabaho pa, na-accept siya isang full time na in-applyan niya pero mababa ang sahod, mas maigi na ‘yon kesa sa wala.
Hindi, hindi puwede ito.
Nanginginig ang mga kamay ko. Nasa loob ako ng CR ngayon. Nanginginig kong kinagat ang ibaba kong labi at nararamdaman ko na ang pagtulo ng aking luha.
Ano na gagawin ko? Gugulpihin na ko ni Papa.
Huminga ako nang malalim at tumitingin sa taas para mapigilan kong umiyak. Naging kamao ang mga kamay ko at tilang nalulukot na ang papel.
Naghilamos at nagtali muna ako ng ng buhok bago lumabas ng CR.
Absent si Franny ngayon kaya naman wala akong kasama ngayon, message ako ng message pero puro seen lang ang nakukuha ko sa kaniya. Sinubukan ko siyang tawagin pero hindi niya ito sinasagot.
Wala akong karamay. Ayaw kong umiyak.
Sigurado ako ay alam na ni Papa.
Buong araw sa klase ay hindi ko siya matanggal sa utak ko hanggang sa shift ko.
“Good evening, may I take your order?” Nakatitig lang ako sa cash register, handa na ring kunin ang order ng pumasok na costumer.
“I’ll have a large coffee jelly please.” Sabi niya. Pinunch ko naman ang order niya at binigay sa kaniya ang resibo.
“Dalhin ko na lang po sainyo,” Mahina kong sinabi at tumingin sa kaniya. Tumango naman siya at umalis na para umupo.
Ang bigat ng pakiramdam ko, ang bigat sa dibdib at ang sakit, sumasakit na ang ulo ko.
Patuloy pa rin akong nagtratrabaho pero mukhang napapansin na ng mga co-workers ko na may problema ako o mukhang nanghihina ako.
“Lora? Ayos ka lang ba? Mukhang kulang ka sa tulog.” Sabi ng isa. Habang hawak-hawak niya ang braso ko para matayo ako ng maayos.
“H-huh? Ay, hindi po! Ayos lang po ako.” Rason ko para hindi na sila magaalala pa.
“Alora? Magpahinga ka na muna, mukhang hindi maganda ang iyong lagay ngayon, ako na ang mag-co-cover ng shift mo.” Sabi naman ng isa.
Pinagkakaguluhan na nila ako. “Alora! ‘Yong ilong mo! Dumudugo!” Nagaalalang sabi ng nakakatanda naming co-worker do’n.
Kinapa ko ang ilong ko at dumudugo nga, nagtataranta ako at dali-daling pumunta sa CR para malinis ko ang sarili ko.
Naghilamos ako at pinunasan ang ilong ko. “Ito nanaman tayo,” Sabi ko habang nakatingin sa salamin, “Ang putla ko ata ngayon.” Dagdag ko at nakitang tumutulo ulit ang dugo mula sa ilong ko.
“Uwi na muna kaya ako ngayon?” Sabi ko ulit sa sarili ko. Tinanguan ko na lang ang repleksyon ko at pumunta sa loob kung saan ang locker room.
Sinundan ako ng isang co-worker ko, “Lora? Ayos ka lang?” Tanong niya.
Oo, kakadugo lang ng ilong ko, ayos lang talaga ako.
“Uuwi muna ako, puwede ba ‘yon?” Tanong ko, at nagsimulang magayos ng gamit.
“Eh, ah, oo naman Lora, sige magpahinga ka na muna, mukhang pagod ka ata, ako na lang mag-co-cover ng shift mo, sabihan ko na lag advisor natin.” Sabi niya, nginitian ko na lang siya.
“Thank you.” Sabi ko. At tumango naman rin siya at umalis na.
Madali akong lumabas ng cafe, ayaw ko munang umuwi. Ayaw kong makita ang nabigong itsura ni Papa pagkauwi ko.
Pumunta muna akong parke at tumambay sa playground do’n at umupo sa swing. Madilim na, alas-siyete na ng gabi, onting ilaw lang ang nagpapaliwanag sa buong playground at alam kong delikado.
‘Wag nila akong subukan sinasabi ko talaga.
Nilalamig ako, kaya naman hinimas ko ang mga kamay ko sa aking mga braso. Magpapasko na nga naman.
Naramdaman kong tumutulo na naman ang dugo ko sa ilong, ba’t ba dumudugo ang ilong ko? Hindi naman ako ganito dati. Naghalungkat ako sa loob ng bag ko para makahanap ng panyo o tissue manlang
“Here.” Nagulat ako ng biglang may nagabot sa’kin ng panyo.
Sinundan ko kung kaninong galing ang kamay na ‘yon at napalunok ako nang makita ko si Colton.
SHIT!
Napatulala na lang ako at umupo siya sa tabing swing kung saan ako. Hawak-hawak niya pa rin ang panyo niya.
“Lord, ‘wag niyo na po ako gisingin kung panaginip man ito.” Mahina kong sinabi habang nakatingin ako sa langit.
PAANO TULOY AKO KIKILIGIN NITO NG MAAYOS?!
“Punasan mo muna ya’ng ilong mo,” Nilapag niya ng panyo niya sa lap ko. s**t! PANYO NIYA! Kinuha ko iyon at pinunasan ang ilong ko. ANG BANGO!
Pero na-realize ko lang na...KATABI KO SI COLTON FUENTES, THE COLTON FUENTES! NA SA AKIN ANG PANYO NIYA! Pero bakit siya nandito?
“U-um, B-ba’t po kayo nandito?” Tanong ko habang na sa ilong ko pa rin ang panyo niya. Palusot para maamoy ko pa, charot!
“Well, I was just taking a walk and saw you here. Thought you looked familiar and I was right.” Sabi niya habang tinutulak niya ang sarili niya sa swing.
“Ah, eh, hindi po ba delikado dahil siyempre gabi na po tapos kayo lang po magisa,” Sabi ko, “san po sila Warren o ‘yong ibang miyembro, kahit bodygaurd manlang po wala?” Tanong ko, hindi ako makapaniwalang nandito siya.
“Drop the act, stop being formal. Hindi mo naman kailangang mag-po at alam kong fan ka kaya wag ka nang magpanggap pa, puwede?” Serioso niyang sinabi sa’kin.
Tumango naman ako at yumuko na lang, s**t ANONG GAGAWIN KO. Bigla akong nabahing.
Napatigil naman si Colton sa pagduduyan niya. Hinubad niya ang hoodie niya at binigay sa’kin.
Napatayo naman ako sa ginawa niya, “Shuta ka! ‘Wag!” Pagtataranta ko, kumunot naman ang noo niya.
“Wear it, it’s cold. Sinisipon ka na.” Walang emosyon niya akong tinignan at inaalok ang hoodie niya.
Tinulak ko ang kaniyang kamay. “Kuya, Please, ‘wag na po! Ayos lang po.” Sabi ko kumunot naman ang noo niya ulit at napatawa.
HAY ANG GWAPO!
“Kuya? I told you to drop the formalities,” Sabi niya at nagkibit balikat na lang siya at sinuot ang hoodie niya ulit, “suit yourself then.” Dagdag niya.
Pamilyar ‘yong hoodie na yan at ayon nga, nakita ko yan sa cafe kanina. Baka namalik mata lang ako, may posibilidad na magkaparehas lang ng suot di’ba?
“Sigurado ka ba na walking ka lang dito?” Tanong ko, tinignan naman niya ako, tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumis naman siya, “You’ve caught me.” Sabi niya, ‘yon na ‘yon? Walang rason o ano man? “I saw you leave the cafe immediately, you looked like you weren’t at your best. Sorry I followed.” Dinuyan na naman niya ang sarili niya ulit.
FOLLOWED ME? AKO? SINUNDAN NIYA AKO? JUSKO! ANONG NAKAIN NI COLTON? ‘YONG COFFEE JELLY ANG MAY KASALANAN!
“A-ah,” Nauutal ako, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung malulungkot ako o kaya kikiligin.
“You know usually fangirls like you would have already engulfed me in a hug or worse kidnap me and take me their house but you? You haven’t.” Mausisa niyang tinanong.
Ako naman ang kumunot ang noo, “Luh? As if magagawa kong makidnap, sigurado na sa presinto na ko bago pa kita naiuwi at tsaka kaya ko i-control ang sarili ko.” Sabi ko at tinutulak na rinang sarili ko sa swing.
Hindi! Hindi ko kayang i-control ang sarili ko. Marunong lang talag akong magpanggap.
“Really now.” Ngumisi siya.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nandito, na san na ba sila Warren? Nananaginip ba ako? Panaginip lang ba ang lahat na ito? What a painful thing to exprience.
“Hindi naman ako nananaginip no’h?” Bobong tanong, alam ko pero gusto ko lang talangang malaman.
“No, I don’t think so.” Sagot naman niya.
Hindi ko siya matignan sa mukha dahil una, baka mahimatay ako pagtumingin ako. Pangalawa, naaalala ko ang issue niya. s**t, naalala ko lang pala may issue siya.
Feelings suck for people like him.
My feelings for him are messed up.
Ba’t nga ba ako hindi nag-fa-fangirl ng todo kagaya ng iba? One time thing lang ito at sinasayang ko lang. Ang iba diyan ay pinapangarap na makita nila ang taong gustong-gusto nilang makita samantalang ako ay inaakasayang ko ang moment na ito.
“Are you crying?” Tanong niya bigla.
Napahinto naman ako sa pagduduyan ko at naramdaman kong tumutulo ang luha ko. The tears that were held for long.
Lumunok at napatawa at tinakpan ang mata ko, pero mas lalo lang ako naiyak. s**t! Nakakahiya.
Hindi ko na napigilan. Humihikbi na po ngayon at tahimik si Colton, wag sana siyang umalis.
Tumingala ako, “Ma, san ka na?” Tanong ko, “Gabayan niyo naman po ako…” Mahina kong sinabi.
Wala na kong pake kung ano man isipin ni Colton, tumayo nalang ako.
“M-mauna na ko.” Sabi ko at daling-daling tumakbong pauwi. Tumayo siya pero bago man niya ako kausapin pa ay malayo na ako.
‘Wag muna ngayon. ‘Wag.
Patuloy pa rin ang luhang pumapatak at pagbukas ko ng pinto nang makauwi na ko ay nakita ko si Papa sa kitchen table, umiinon ng alak at nakita ko ang kopya ng report card ko sa lamesa at malukot.
Naramdaman kong bumigat ang pakiramdam ko, ramdam kong masusuka na ko. Hindi nagsalita si Papa, tilang nakatingin lang siya doon, napalunok ako niyakap siya sa likod, humihikbi na ako ngayon at humagulgol. Hindi na siya kumibo.
Ramdam ko ang bigo sa kaniyang katawan. “P-Pa…” Nanginig ang boses ko. Tumayo naman siya at pumiglas sa yakap ko, umakyat siya at nagulat nang ibagsak niya ng malakas ng pinto. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi niya marining ang aking iyak na tilang hindi tumitigil.
Umakyat ako at nakita sila Hail at Hunter sa hagdan, halata sa mukha nila na hindi nila alam ang nangyayari, nilagpasan ko na lang muna sila at pumunta na sa kuwarto.
Nakatulog ako habang uumiiyak.