Lucy povs:
Sa nakalipas na apat na taon ay ang dami ng nangyare, nagkabalikan na si jieun at sir steven kasama ang kambal nila.
Nandito nga kami ngayon sa bar ni topher dahil nagcecelebrate kami.
Kung tinatanong nyo ako kung kamusta na ko ito hopia pa din.
Baka mamatay nalang akong virgin kakahintay sa kanya na mahalin di ako, hanggang kaibigan lang talaga siguro ako para sa kanya.
Napabuga ako ng hangin saka ko inabot ang baso ko na may laman Brandy at inisang lagok ko ito.
Napangiwi pa ko dahil sa pait na sumayad sa lalamunan ko, pero mas mapait pa din ang lovelife ko nakasimangot na isip ko.
"best ok ka lang.? " tanong sakin ni jieun katabi ko sya habang nasa kabila naman si sir steven na nakalingkis sa bestfriend ko akala mo walang ginawang kalokohan.
"tsk.. "mahinang sabi ko sabay pasimpleng umirap at saka muling nagsalin ng alak sa baso ko.
" hey... easy, "natatawang sabi ni topher sakin na nakamowestra pa ang mga kamay.
Di ko sya pinansin bagkus ay inisang lagok ko muli ang baso ko at napangiwi muli ako dahil sa pagsayad nito sa lalamunan ko.
" best dahan dahan lang, "nag aalalang sabi ni jieun sakin, nginitian ko lang sya para sabihin ayos lang ako.
" ano ka ba best di ba nga nandito tayo kasi magcecelebrate tayo. "pilit kong pinasigla ang boses ko at sana ay hindi iyon mahalata ni jieun.
"ayos ka lang ba talaga.? "tanong muli nito na nakatingin sakin at nakahawak sa braso ko.
Hindi lingid sa kaalaman ni jieun na mahal ko si zeus kahit na alam ko naman na may mahal na u***g iba.
Wala eh nainlove ang lola nyo eh, sana talaga sa kpop nalang ako nagmahal'sabi ko sa isipan ko at napailing nalang.
" oo naman best tara na shot puno na.! "sigaw ko saka ko itinaas ang baso ko, sumunod naman si topher na tatawa tawa pa kasabay si sir steven at jieun.
Sabay sabay kami uminom sa baso at kagaya kanina inisang lagok ko ulit ang laman ng baso ko.
Nakakailang shot na ko at feeling ko umiikot na ang paningin ko.
" best mauuna na kami baka kasi naghihintay na ang mga bata, "dinig kong sabi ni jieun kaya agad ko syang nilingon saka niyakap.
" masaya ako sayo best.. "sabi ko habang nakayakap.
" salamat best sa inyong lahat, "sagot naman sakin nito at humigpit din ang yakap. Kumalas na ako kasi gusto ko pang uminom, nakita ko pa si jieun na kinuha yung cellphone ni topher at parang nagtype pa ito pero di ko na pinansin saka uminom ulit ng alak.
Pinipigilan na ko ni topher pero iwinawaksi ko lang ang mga kamay nya.
"ano ba kashee nang aagaw ka, akin yan eh... " sabi ko na pilit inaabot ang baso na hawak nito.
"aishhh ano ba sabing akin na yan eh.. " sabi ko na naiirita at salubong na ang kilay na nakatingin kay topher.
Pero biglang nangunot ang noo ko dahil bakit parang tumangkad si topher, kaya pilit kong iminumulat ang mga mata ko para tignan ang lalaking nakatayo sa harap ko at may hawak ng inumin ko.
Tumayo ako at nilapitan sya para kunin ang baso na may laman alak.
"teka ikaw si kang tae mu di ba, bakit ka nandito huh.? " tanong ko habang pilit kong tumatayo ng maayos.
"let's go ihahatid na kita. " sabi lang nito sakin saka ako hinawakan sa pulsuhan ko na agad ko naman tinanggal.
Nakita ko na kumunot ang noo nya kaya tinignan ko sya.
"alam mo manhid ka kasi di mo nakikita na nandito ako. " madiin sabi ko habang nakatitig sa mga mata nyang kulay blue na halatang may lahi sya.
"Lasing ka na, tara na. " balewalang sabi lang nito kaya nainis ako.
"ganon ba ko kahirap mahalin? panget ba ko?. " sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Nakita ko na bumuntong hininga sya saka sya tumingin sakin.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
"alam mo ba na mahal na mahal kita sa loob ng apat na taon umaasa ako na baka matutunan mo din akong mahalin, " sabi ko dito kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa pisngi ko.
Tumawa ako ng pagak.
"oh di ba ganon ako katanga at asang asa dahil kahit alam ko may mahal ka ng iba patuloy pa din kitang minamahal. " sabi ko saka ko marahang pinahid ang mga luha sa mukha ko saka akmang tatalikuran na sya ngunit agad nya naman akong hinawakan sa pulsuhan ko na ikinatingin ko sa kanya.
"and where did you go.? " mariing tanong nito sakin.
"wag ka ng magkunwaring concern ano ka ba, ito na ohh asang asa na nga di ba," sabi ko saka mahinang tumawa kasabay ng mahinang pag iling.
Tumalim naman ang tingin nya sakin.
"ang sama mo alam mo ba yun.... " sabi ko habang nakayuko at muling lumuha.
Medyo nahihilo na ko na gusto ko ng pumikit.
Nararamdaman ko nalang na tumaas ako dahil doon ay mas lalo akong nahilo.
"ikaw ng bahala sa kanya, grabe iba din ang tama sayo nyan. " dinig ko pang sabi ni topher na tumawa pa.
Gusto ko sanang tumutol na sumama kay zeus kaso di ko na kaya yung sarili ko hilong hilo na ko.
"because of what you did to me earlier,I will punish nyo sweetheart. " dinig ko pang bulong nito sa tenga ko at naramdaman ko nalang na pumasok kami sa kotse nito.
Hindi ko naramdaman na inilapag ako nito dahil sa hilong hilo na ko di ko na alam kung anong nangyayari sakin.
Ang alam ko naiinitan ako kahit ramdam ko naman na malamig.
Dumilat ako ng mata at nakita ko ang pares ng mga matang kulay blue na nakatitig sakin.
Maya maya unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya.
Hanggang sa naramdaman ko na naglapat ang mga labi namin, akala ko hindi sya tutugon sa halik ko, nagulat ako ng tugunin niya ang mainit kong halik.
Di ko maiwasang hindi makaramdam ng saya at di napigilan na di pumatak ang mga luha.
Hanggang sa ginalugad nya ang bibig ko at sinipsip ang dila ko na nagpaungol sakin.
"ahm... " munting ungol ko sa gitna ng paghahalikan namin.
May naramdaman akong gumalaw sa bandang pwetan ko.
"sh*t aston faster. " dinig kong sabi nya pagtapos namin sumagap ng hangin dahil sa walang patid na halikan.
Nanatili akong nakapikit dahil pakiramdam ko nananaginip lang ako at gusto ko itong lasapin bago magising sa katotohanan na di ako mahal nito.
Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ay mas lalo akong nahilo kaya pumulupot ang mga braso ko sa leeg ni zeus, napagtanto ko na nakakandong ako sa mga hita nya.
Lalo akong nag iinit dahil sa paghaplos nya sa buhok ko.
.
.
.
.
Zeus povs:
Kasalukuyang akong nasa headquarters ko dahil nagtratraining ako,sasali kasi ako sa underground.
Si aston ang kaisoparing ko dahil ito lang ang di nangingiming saktan ako.
"Lord" maya maya ay untag sakin ni henry.
Napalingon naman kami ni aston habang nasa ring kami.
"si mam celia po tumatawag, " sabi nito sakin kaya agad akong bumaba ng ring saka kinuha ang cellphone ko.
Agad ko itong sinagot na nakakunot ang noo.
"ohh tanggalin mo yan pagkunot ng noo mo at nawawala ang pagka gwapo, " bungad nito sakin.
"ya where are you,? "kunot noong tanong ko dito.
Alam ko na hindi sya magpapakita sakin kapag hindi importante ang sadya nya.
Narinig ko pa na tumawa ito kaya lalong nangunot ang noo ko.
"anak wag kang mag alala nasa tabi tabi lang ako nag uunwine. " sagot lang nito sakin pero ramdam ko na may iba pa syang gustong sabihin sakin.
Nagpaalam na ito kaya di ko nalang pinansin, magsasabi naman ito kung may problema baka namiss lang ako nito, miss ko na din sya lagi kasing sa phone lang kami nag uusap eh di pa kami nagkikita simula ng bumalik ko dito sa Pilipinas.
Bumalik kami sa training pero mayamaya ay lumapit muli ang tauhan ni at iniabot ang cellphone ko na tumutunog pa din.
Nang tignan ko kung sino ito ay nagtataka ako dahil hindi nakaregester ang numero na ito.
Agad ko naman sinagot ito dahil baka importante.
"hello, who is this,? " tanong ko dinig ko na parang maingay doon.
"hello si Zeus ba ito,? " tanong sa kabilang linya.
Kaya muli kong tinignan ang number di ko talaga alam kung sino sya, isa lang naman binigyan ko ng number eh si jieun lang at wala ng iba.
"yes, why,? " takang tanong ko pa din.
"ahh topher ito kaibigan ni jieun, pinatawagan ka kasi nya sakin eh. " sabi naman nito.
Nagtaka naman ako kung bakit hindi sya ang tumawag sakin, ng maalala ko na nagkabalikan na nga pala ito at si Steven.
Alam ko na mahalaga sya sakin pero hindi sa romantic way, parang kapatid na ang turing ko sa kanya.
Siguro noon nalaman ko na sya yung babae sa puno ay alam ko na nainlove talaga ako sa kanya, pero nun naging close na kami at sinubukan ko na umamin sa kanya para masiguro ko na tama ang nararamdaman ko ay nagtapat ako sa kanya.
Wala naman akong naramdaman sakit noon ireject nya ko, parang mas gumaan pa nga ang pakiramdam ko noon nalaman ko na wala syang gusto sakin.
Kaya simula noon ay tinuring ko na syang nakababatang kapatid.
Tinatawag ko syang babe kasi iniinis mo si steven dahil sa ginawa nya kay jieun noon lalo na ng nagbubuntis ito.
"hey, are you still there, " untag sakin ng kausap ko kaya nabalik ako sa huwisyo ko.
"yes, bakit may nangyari ba sa kanya,? " bigla akong nag aalala para dito.
"wala naman kaso sabi nya sunduin mo daw dito si lucy. " sagot naman nito sakin na nagpasalubong sa kilay ko.
"bakit daw nasan ba si lucy,? "balik tanong ko naman dito.
" nandito sya sa bar ko naglalasing broken hearted ata. "natatawa naman sagot nito.
"sige papunta na ko. "agad sagot ko saka pinatay ang tawag saka nagmadaling magbihis.
Si aston ang nagdrive ng kotse ko papunta sa bar ni topher.
Pagdating ko doon sa loob ay mausok at maingay na kapaligiran ang bumungad sakin. Agad umikot ang mga mata ko para hanapin ang babaeng matigas abg ulo.
" wag nyang sabihin namatayan sya ng kpop or may ikinasal na o kaya naman ay ay umalis sa grupo, "sabi ko sa isipan ko ayun lang ang alam ko na nakakapagbroken hearted sa kanya eh.
Nakita ko sya na lasing na lasing na pero sige pa din ang lagok nya ng alak.
Nang makalapit ako agad kong inagaw sa kanya ang basong akma nyang iinumin.
Halos hindi na ito makadilat at makapagsalita ng maayos.
Kaya naiiling ako na nilapitan sya pero nagulat ako dahil tumayo ito at inaway ako.
" mahal kita alam mo ba yun apat na taon na manhid ka lang. "sabi nito sakin na ikinatuod ko.
Di ko alam kung ano ang sasabihin o mararamdaman alam ko na may puwang si lucy sa puso ko.
Nakita ko na lumuluha sya habang sinasabi nya sakin ang nararamdaman nya.
" let's go, ihahatid na kita. "sabi ko at hinawakan sya sa pulsuhan nya pero agad din nya itong iwinaksi.
Binuhat ko sya ng akmang tatalikuran nya ko.
" ano ba bitawan mo nga ko. "pagpupumiglas nitong sabi.
" ikaw na bahala sa kanya, ang lakas ng tama sayo, "natatawang sabi ni topher saka ako tinapik sa balikat.
Dahil sa kalasingan nya hindi na sya nagprotesta habang karga ko sya.
Pumasok kami sa kotse at hindi ko sya magawang ibaba dahil mahigpit ang hawak nya sa leeg ko, kaya kinandong ko nalang sya na malaki kong pagkakamali dahil paglapat palang ng mga hita nya sa hita ko ay sumikip na agad ang pantalon ko.
Mas lalo pa ko nag init ng halikan nya ko, wala sana akong balak tugunin kaya lang ay nabuhay ang dugo ko at nag init sa ginawa nya.
" aston, faster. "sabi ko agad kay aston ng maghiwalay ang mga labi namin.
Hindi ko na kaya tiisin dahil sobrang init na ng pakiramdam ko na kahit may aircon ay di tumatalab sakin.
Ibinaba ko ang harang sa pagitang ng driver seat at backseat.
Ayoko maiskandalo si aston at sesermunan na naman ako nito.
Akala ko tulog na si lucy pero pagbaba ko ng tingin sa kanya ay nakatitig lang din sya sakin at marahang hinahaplos ang mukha ko.
" alam mo bang ang gwapo mo, ang ganda ng mata mo at ang labi mong ang sarap halikan. "sabi nito sakin habang nakatitig sa mga labi ko.
Agad kong sinunggaban ang mga labi nyang nakauwang at saka ginalugad ng dila ko ang bibig nya.