someone povs:
Magkaharap ang dalawang grupo na parehas nakatutuk ang mga baril sa isa't isa at kapwa nakakatakot ang mga awra.
"So isa ka pala ang nagpapasok ng mga iligal na armas dito"walang emosyon sabi ni zeus sa lalaking kararating lang.
" bakit ba lagi kang nagtatago sa maskarang yan bakit hindi mo hubarin at ipakita ang panget mong mukha"sa halip na sagutin ang tanong nya ay mapanghamon pang nagsalita si Mr. west habang nakapamulsa.
"bakit ba lahat kayo atat na makita ang mukha ko, hahaha alam mo ba kahit nakamaskara ako eh mas gwapo pa ko tignan kesa sa mukha mo. " mapang asar naman sagot ni Zeus na nananatiling kalmado.
Nagtangis ang bagang ni Mr. west sa narinig nya na tinuran ni Zeus.
Dahil sa galit ay akmang bubunot na ng baril si Mr. west ng paputukan agad sya ni Zeus na ikinagulo ng lahat at nagkanya kanyang tago ang mga ito habang nagpapalitan ng putukan.
Tumakbo si Mr. west sa gilid ng pantalan, napansin naman agad sya ni zeus kaya agad nya itong sinundan.
Nakita nya na nakatalikod ito sa kinaroroonan nya kaya nagdahan dahan syang lumapit dito ng di nito namamalayan.
Nang magtagumpay sya sa paglapit ay agad nya itong henead lock.
"alam mo ba na lahat ng nakakakita ng mukha ko ay patay na" bulong ni Zeus dito na nagpanginig ng katawan ng matandang west.
"i.....ikaw si e....vil shadow? " nahihintakutan na sabi nito ng tanggalin ni zeus ang maskara nya at iniharap ang mukha nya.
Ngumisi sya dito saka nya ito binaril sa ulo na agad ikinasawi nito.
"tsk.. daming daldal kasi" sabi pa nya saka sya lumabas sa pinanggalingan nya.
"Lord are you ok? " nag aalalang tanong ni aston.
Natawa naman si Zeus dahil sa inasal ng congsigelier nya.
"I am still breathing don't worry,clean up the mess and you know what to do. " natatawang sagot nya sa kanya saka nya ibinigay ang baril na hawak nito.
Tumango naman ito saka sya iniwan, umalis na sya sa pantalan saka umuwe sa mansion nya sa hacienda RIDHI.
Kaya ng ayusin lahat ni aston ang nangyareng kaguluhan doon.
Pagdating nya sa mansion ay binati sya ng mga tauhan nya saka sya dumeretso sa kwarto nya dahil pagod na pagod sya.
Bago sya nahiga ay naligo muna sya.
Lumabas sya ng banyo saka tumungo sa closet nya at nagbihis ng pantulog saka sya pabagsak na nahiga sa kama.
Dahil sa pagod ay di nya namalayan na nakatulog na sya.
.
.
.
.
Lucy povs:
Pagkagising ko ay agad akong naligo at sinimulan ang morning routine ko.
Pagtapos ko ay agad na ko kung lumabas para mag almusal.
Napakunot ako ng noo ng makita kong malinis pa ang kusina.
Kaya agad ako nagtungo sa kwarto ni jieun para katukin.
"best tulog ka pa. " tanong ko habang kumakatok.
Inikot ko ang saraduhan ng walang sumagot.
"best." tawag ko ulit saka ako dahan dahan pumasok sa loob.
"be.. st" nakangiwing sabi nito na akmang babangon sa higaan.
"bakit best masama ba pakiramdam mo,? "nagmamadali akong lapitan sya at hinipo ang noo nya.
"oo eh nahihilo kasi ako saka panay suka, " sagot nito sakin habang nakahiga at pikit ang mga mata.
Nakaramdam naman ako ng awa sa sitwasyon nya.
"sige best pahinga ka na muna huh, may gusto ka ba kainin o ipabili para mamaya pag uwe ko,? " nakangiting tanong ko sa kanya habang inaayos ang kumot nya.
"bili mo lang ako best ng mangga na walang buto huh, "balewalang sagot nito sakin na nagpangiwi sakin.
" meron ba non,? "nakangiwing tanong ko na agad naman nyang sinagot ng tango.
" ok sige aalis na ko magpahinga ka nandyan naman si Angela walang pasok. "bilin ko sa kanya saka ako tumayo at lumabas ng kwarto nya.
Napapailing sya habang palabas ng bahay.
Paglabas nya ay agad syang sumakay kay manong berting.
Dito sila palagi sumasakay kaya kilala na nya ito.
" maayong adlaw magayon, "masiglang bati nito sakin.
" magandang umaga din po manong berting at salamat po, "magalang naman na sagot ko dito na nakangiti.
Saka nya pinaandar ang trycycle ilang minuto lang ay nakarating na ko ng SC COMPANY.
Ilang buwan na din kami nandito kaya nakakasabay na ko sa takbo ng buhay dito sa bicol.
Lumanghap ako ng sariwang hangin habang nakapikit ng biglang may gumulat sakin.
" ay! palakang multo. "sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko, napaharap ako sa nagsalita at bumungad sakin ang nakangising mukha ng lalaki.
"ganito ba ang mukha ng palakang multo,? " nakangising tanong ni zeus.
Oo si zeus nga po wala ng iba, nagtataka kayo kung bakit? ganito kasi yun.
Sige si author na bahala magpaliwanag, hahaha.
(A/ so dinamay mo pa ko,?)
Flashback:
Nagulat ako ng makita ko si zeus sa bahay na tinutuluyan namin ni jieun.
"best bakit nandito yan mokong na yan,? " bulong ko kay jieun.
"ano ka ba best kilalang tao yan dito nagmamay ari sya ng mga lupain dito saka isa sya sa supplier ng mga gulay at prutas dito" balik na bulong sakin ni jieun, kasalukuyang kami nasa kusina dahil nagtitimpla sya ng juice.
"eh ano naman bakit sya nandito wala naman tayo restaurant ahh,? "nakakunot noong tanong ko dito.
Marahan naman tumawa si jieun kaya lalong nangunot ang noo ko.
" sorry best sa kanya kasi ako nakahanap ng kine-crave ko eh sa hacienda nya kaya nagkakilala kami, "paliwanag nito sakin.
At dahil nga doon kaya ito magkakaibigan na kaming tatlo.
"tulala ka na naman sa kagwapuhan ko. "sabi ni zeus na nakapose pa.
Napairap ako sa kanya.
" tsk.. aga aga ano na naman ba kelangan mo.? "tanong ko sa kanya habang nakatayo pa din sa labas ng SC company.
" wala lang may pupuntahan din kasi ako eh tapos nakita kita na nakapikit, "sagot nito sakin na bahagya pang tumawa.
" may nakakatawa,? "taas kilay na tanong ko sa kanya saka sya hinarap.
" sh*t ang yummy nya talaga para talaga syang si kang tae mu ng business proposal. "kinilikilig na sabi ko sa isipan ko.
" ang sungit mo meron ka ba,? "balewalang tanong nito sakin na agad nagpamula ng pisngi ko kaya bumaling ako ng tingin sa pinto ng company.
" tsk.. dyan ka na nga at malalate na ko."sabi ko saka ako nagmadaling lumakad papasok ng company.
Nahinto ako kasi nakita ko sya sa tabi ko, kaya bumaling ako ng tingin sa kanya.
"anong ginagawa mo.? " iretableng tanong ko habang nakasalubong ang kilay.
"wala, dito din kasi ang punta ko kakausapin ko si mrs. Hernandez" balewalang sagot nito sakin saka nauna ng maglakad.
Napabuntong hininga ako saka lumakad na din.
"sunduin kita mamaya. "biglang sabi nito saka bumaling ng tingin sakin.
Nagulat naman ako at di agad nakasagot sa kanya.
"dadalawin ko kasi si jieun eh. " nakangiting sabi ulit nito sakin.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, alam ko naman na may gusto sya kay jieun eh pero di ko maiwasan di masaktan.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.
"sige, " pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya, saka ito umalis at tinungo ang elevator.
Ako naman ay tumuloy na din sa opisina ko. Pagpasok ay pabalang akong naupo.
"aisshhh, nakakainis. " naiiritang sabi ko sa sarili ko saka bahagyang sinabunutan ang sariling buhok.
"bakit ka ba nagkakaganyan huh? porket gwapo mahuhulog ka.Alam mo naman may gusto syang iba di ba kaya tigil tigilan mo na." sermon ko sa sarili ko habang tinuturo pa ang dibdib ko.
"bakit kasi sa kanya ka pa tumibok, " sisi kong muli sa puso ko at di ko namalayan na may nalaglag na luha sa mga mata ko na agad ko din pinunasan.
"hala baliw ka na self, " natatawang sabi ko saka ko pinahid ang mga takas na luha sa mga mata ko.
Huminga muna ako ng malalim saka muling inayos ang sarili.
Nang maramdaman kong ayos na ako ay bumalik na ko sa trabaho ko.
Maya maya nagscroll ako sa t*****r ko at nagulat ako dahil sa nabasa kong news.
"OMG,! " nabulaslas ko pagkabasa ko sa news at di ko namalayan umiiyak na ko.
"grabe ka naman Lord dinagdagan mo pa talaga yung sakit ng kalooban ko, " reklamo ko habang nakayuko ako sa desk ko at patuloy na umiiyak.
"bakit sya namatay? anong nangyare? pano na sila, "mga tanong ko sa sarili ko habang patuloy na lumuluha.
"bakit ka namatay binnie?" tanong kong muli at di ko napigilan humagulgol.
Para na kong tanga na umiiyak, pinahid ko ang mga luha ko saka tumayo dahil nanghihina talaga ako sa dobleng sakit na naramdaman ko.
Lumabas ako ng opisina at mabuti nalang may shades akong dala dahil kung wala ay makikita ng ibang tao ang mugto kong mata.
Di ko pa di matanggap na namatay ang iniidolo kong kpop.
Pasensya na talagang fans kasi ako ng kpop kaya talagang apektado ako sa nangyayare.
Sumakay ako ng trycicle at di ko napansin na hapon na din pala.
Tinext ko nalang si zeus na bilhan ng mangga si jieun dahil gagabihin ako ng uwe.
Pagtapos ko itext ito ay binaling ko na ng tingin ang mga mata ko sa labas habang umaandar ang trycicle.
Nagpahatid ako sa may tabing dagat, pagbaba ko sumalampak ako sa buhangin saka tumingin sa langit.
"bakit ka namatay,? "muli ay lumuha ang mga mata ko at hinayaan ko lang ito dahil wala naman taong makakakita sakin.
Baka sabihan lang ako ng OA at maarte kapag nalaman nila ang iniiyakan ko.
Bumaling ako sa dagat na naghahalo na ang kulay kahel dahil papalubog na ang haring araw.
Nanatili lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang papalubog na araw hanggang sa magdilim na.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil nahihirapan na din akong huminga kakaiyak.
Masakit na nga ang puso ko dahil di ako gusto ng taong gusto ko, dumagdag pa ang pagkawala ng inspirasyon ko at nagpapangiti sakin.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko sinubsob ang mukha ko na di maawat awat ang pagpabagsak ng luha.
Mayamaya ay may naramdaman akong tumabi sakin,kaya nag angat ako ng tingin sa taong tumabi sakin.
Napatitig lang ako sa kanya samantalang sya ay nakatingin sa dagat.
" anong ginagawa mo dito,? "tanong ko saka tumingin din sa karagatan na ngayon ay payapa.
"kanina pa nag aalala si jieun sayo, " sagot naman nito sakin.
"pano mo nalaman na nandito ako,? " imbis na sagutin sya sa tanong nya ay tinanong ko din sya.
Nakita kong bumuntong hininga sya saka humarap sakin.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at binaling sa mga paa ko ang mga mata ko.
"sinabi ni jieun sakin ang nangyare, ok ka na ba,? " nag aalalang tanong nito sakin kaya agad ko din syang binalingan ng tingin.
"hindi mo ba ko tatanungin o sasabihan ng oa at maarte,?"naluluhang tanong ko sa kanya habang nakatitig kami sa isa't isa.
Agad nyang pinunasan ang luhang bumagsak sa mata ko.
" bakit naman kita pagsasabihan, nirerespeto ko ang nararamdaman mo, kung nasasaktan ka kahit di ka naman kilala ng iniiyakan mo nakakaramdam ka pa din ng sakit kaya naiintindihan kita. "malumanay na sabi nito habang hawak ang pisngi ko at marahan pinupunasan ang mga luhang nag uunahan ng bumagsak.
" ahhhhh... "hagulgol ko hindi na dahil sa idol kong namatay kundi masaya ako dahil nandito sya sa tabi ko at kasama ko.
Niyakap nya ko at umiyak ako sa mga balikat nya, hinihimas naman nya ang likuran ko.
Ilang minuto din kami sa ganon posisyon ng bumitaw ako sa pagkakayakap.
Iba na kasi ang nararamdaman ko sa mga haplos nya may parang kumikiliti sakin at nag iinit ang katawan ko.
" Ahm.. maraming salamat, "naiilang na sabi ko saka ko tumingin sa karagatan.
" ok na ba pakiramdam mo,? "tanong nito sakin kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.
Nakita ko na nakangiti sya kaya ngumiti na din ako sabay tango.
Tahimik kami na nakatingin lang sa karagatan, hanggang sa tumayo na ko at nagpagpag.
"tara na gabi na din. " aya ko sa kanya saka sya tumayo at nagpagpag din ng buhangin na dumikit sa pantalon nya.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil sinamahaan nya ko.
Nakatingin lang ako sa likuran nya dahil nauuna syang maglakad sakin.
Di ko maiwasan di ngumiti ng palihim habang pinagmamasdan ko sya na naglalakad.
Maya maya ay huminto sya at nilingon ako na ikinahinto ko din.
Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay saka nya ko hinila para makasabay sa kanya sa paglalakad.
Nakatingin lang ako sa kamay namin na magkasakop.
At ito na naman ang mga paruparo sa tyan ko na naglilipana.
Bahagya akong yumuko dahil feeling ko ay ang pula pula na ng pisngi ko dahil sa paghahawak kamay namin dalawa habang naglalakad.