Lucy povs:
Kausap ko ngayon si nanay para ipaalam sa kanya na pupunta ako ng probinsya dahil doon kami madedestino.
"Anak pasensya ka na huh, "sabi ni Nanay sakin habang may namumuong luha sa mga mata nya.
Agad akong ngumiti kay nanay saka hinawakan ang mga kamay nya.
"Nay,ayos lang yun ano ka ba,sapat na sakin na napag-aral mo ako at ako naman ang tutulong sa mga kapatid ko para sila naman ang makapagtapos."naluluha ko din sabi kay inay sabay pisil sa mga kamay nya.
Nakaupo kami sa lumang sofa na kawayan namin.
Ayoko din sanang iwan sila nanay dahil namimiss ko din sila.
Pero ayoko naman hayaan mag-isa si Jieun lalo na at may kinakaharap pa itong problema.
"Mag..iingat ka doon anak huh,"putol pang sabi ni nanay habang may pumatak na luha sa mga mata nya.
Agad ko naman syang niyakap maging ako ay di na napigilan maluha.
Yumakap na din ang mga kapatid ko samin ni nanay.
"Tulungan nyo ang nanay huh, wag kayo pasaway mag-aral kayo ng mabuti gagawin ni ate ang lahat, ok."maluha luha kong sabi sa mga kapatid ko.
Tumango naman ang mga ito.
"Sige na aalis na ko magpapadala nalang ako sa inyo ok."nakangiting sabi ko sa kanila saka ko ginulo ang mga buhok nila.
"Mag-iingat ka anak."maluha-luhang bilin pa ni nanay sakin.
Nginitian ko sya para di na sya mag-alala sa akin.
Ngayon kasi ang alis namin papuntang Catanduanes ni Jieun, doon kami pinadala ni Gm para pamahalaan ang isang branches ng SC company na di na napagtutuunan ng pansin ni Sir Steven.
Hindi pa din ako makapaniwala sa nagawa nila.
Nakasakay na kami ng bus patungong tabaco para doon sumakay ng barko.
"Best." tawag ko kay Jieun na nakatingin lang sa labas ng bintana.
Alam ko na sobrang bigat ng dinadala nya. Hinawakan ko ang mga kamay nya na nakapatong sa hita nya.
Agad naman syang napatingin sakin.
"Ok ka lang?."tanong ko sa kanya habang mahigpit na hawak ang mga kamay nya.
Agad naman syang ngumiti sakin na hindi umabot sa mga mata nya.
"Oo best ok lang ako, kakayanin ko 'to para sa magiging anak ko." sagot nya sakin na hinigpitan din ang hawak sa mga kamay ko.
Hindi na ko umimik dahil kahit sabihin nya na ok lang sya nag aalala pa din ako sa kanya.
Umaga na kami nakasakay ng barko dahil ang haba din ng byahe isang araw din ang binyahe namin.
Nasa labas ako ng barko at nakatingin sa malawak na karagatan.
Sumagap ako ng sariwang hanging saka ako napangiti.
"Parang ang sarap tumira dito.Ang tahimik at ang simple ng pamumuhay, malayong-malayo sa maynila na mausok na at sobrang gulo pa."kausap ko sa sarili ko habang nakahawak sa railing ng barko.
Isang oras lang ay dumaong ang barko na sinakyan namin.
Sabay kaming bumaba ni Jieun habang hawak namin ang bagahe namin.
"Best ano ba sabi ni Gm?."tanong ko kay Jieun habang nakatayo kami at nag aantay ng magsusundo samin.
"May magsusundo daw satin dito. "balewalang sagot nito sakin habang lumilibot ang paningin.
"Maayong adlaw sa indo." napatingin ako sa nagsalita sa may gilid ko.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Hi po taga-SC po kami kayo po ba susundo samin?." magalang na tanong ko habang nakatingin ako sa may edad na lalake sa harapan ko.
Kumamot naman ito sa batok nya.
Napansin ni Jieun kami kaya agad itong lumapit samin.
"Ahm... kuya saan po ba dito papunta sa SC company."singit ni Jieun habang minomostra nya ang mga kamay nya.
Mas lalo naman napakamot sa batok si kuya at lalo naman nangunot ang noo ko.
"Nako best mukhang maloloka ako sa language nila dito."sabi ko kay Jieun habang nasasapo ko ang noo ko.
Napataas kilay naman ako ng madinig namin na may tumatawa sa likuran namin.
"Excuses me pinagtatawanan mo ba kami Mr?."taas kilay na tanong ko sa lalaking naka-maong na short at polo na may panloob na puting tshirt.
Nakashades din sya mukha syang turista.
"I'm sorry miss hindi ko sinasadya." natatawa pa din sagot nito,kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.
"Manoy tagaSC company sila, ihatod mo sinda sa balay na tutuluyan nila."sabi nito kay kuya na nakatingin samin.
Agad naman itong ngumiti at tumango.
Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Sige na miss sumama na kayo sa kanya, wag mo na kong titigan pa." nakangising sabi nito sakin kaya para akong napahiya dahil di ko napigilan ang pag titig sa kanya.
"Excuse me Mr. hindi kita tinititigan."taas kilay na sabi ko sabay irap sa kanya saka ko sya iniwan.Nadinig ko pa ang mahinang pagtawa nya.
" Tsk.. yabang porket gwapo."bulong ko sa sarili ko habang nakasunod kay kuya.
Nadidinig ko na magkausap sila ni Jieun, hinayaan ko na lang saka ako sumakay sa trycicle na maghahatid samin sa tutuluyan namin.
Hanggang sa nakarating kami sa tutuluyan namin na di pa din nawawala ang inis sa lalaking nakausap namin.
Mas lalong nadagdagan ang inis ko ng salubungin kami ng isang dalagita at ito na naman ang lenggwahe nila.
"Mababaliw ako dito mauna na ko best." napapasapo ako sa noo ko habang papasok sa kwarto na nakalaan sakin.
Nakaramdam ako ng pagod kaya di ko napigilan na makatulog ako.
Nagising ako sa mahihinang katok sa pintuan kaya napamulat ako ng mga mata saka ko tinignan ang oras sa cellphone ko.
"10 am na pala,nakatulog pala ako."sabi ko sa sarili ko saka ko tinungo ang pintuan.
"Kakain na po ng agahan Ate Lucy" nakangiting bungad nito sakin.
"OMG nagtatagalog ka?." di makapaniwalang tanong ko habang nanglalaki ang mata.
"Opo tinuturuan kami sa eskwelahan ng tagalog na salita." banayad na sabi nito sakin.
"Sige susunod na ko salamat"masiglang sagot ko saka ako nagpunta ng banyo para maligo.
"Ang sarap din ng tubig nila katamtaman lang ang lamig."kausap ko muli sa sarili ko.
Nang matapos ay pumunta na ko sa kusina at nakita ko si Jieun na nakaupo na at kumakain.
"Morning best."nakangiting bati ko bago ako pumunta sa lababo para magtimpla ng kape.
"Morning best, bilisan mo kasi pupunta tayo sa SC company para magpakilala, tumawag si Gm sakin sabi nya alam na ng vice president na dadating tayo."bigay paalam sakin ni Jieun habang sumusubo ng pagkain.
Tumango ako saka nagsimula na din sumubo ng sinangag at scramble egg na may tuyong kasama.
.
.
.
Zeus povs:
Umalis ako ng Maynila para puntahan ang hacienda ko sa bicol.
Wala akong kasamang tauhan ko dahil nauna na silang pumunta dito.
At alam ko na may nagbabantay sakin sa malayo kaya di ako masyadong nangangamba.
Sumakay ako sa lancha o barko sa tagalog.
May mga hacienda ako sa iba't ibang probinsya na isa sa mga negosyo ko.
Ako din ang isa sa mga suppliers ng mga prutas at gulay sa mga sikat na hotel at restaurant.
Lumabas ako para sumagap ng sariwang hangin.
Nakahawak ako sa railing ng barko sa harapan.
"Hindi talaga nakakasawang tignan ang malawak na karagatan."kasalukuyang akong nakatingin sa asul na dagat ng madinig ko ang tila reklamo ng isang babae kaya napatingin ako sa gawi nya.
"Ang sarap ng hangin dito parang ang sarap tumira, hindi kagaya sa Maynila mausok na magulo pa."dinig kong reklamo nito.
"Ang cute nya." sabi ko sa isipan ko at di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
Bigla akong napabaling ng tingin ng lumingon ito sakin.
"Sh*t buti nalang naka-shades ako. "kabadong sabi ko sa sarili ko at binaling ang tingin sa dagat.
Di ko malaman ang sarili ko pero ang bilis ng t***k ng puso ko.
"f**k!ngayon lang ako kinabahan ng ganito huh!."bigla akong napahawak sa sarili kong dibdib.
Pasulyap-sulyap ko lang syang tinitignan hanggang sa pumasok na ito sa loob.
Napabuga naman ako ng hininga saka muli tumingin sa isla na malapit na namin marating.
Nang huminto ang lancha ay naghanda na ang mga pasahero sa pagbaba.
"Lord."mahinang tawag sakin ni Aston, sya ang kasama ko ngayon dahil bukod sa hacienda ay may iba pa kong negosyo dito kaya kasama ko sya.
"Aston,Cole nalang ok."madiin sabi ko naman sa kanya saka ko sya tinapik sa balikat nya.
Nag-aalangan man ay marahan itong tumango bago kami bumaba ng barko.
Naunang bumaba si Aston sakin para icheck ang lugar kahit wala nakakaalam ng tunay kong pagkatao ay di pa din ako ligtas sa mga taong halang ang kaluluwa dahil isa din akong bussiness man.
Nahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko ulit yung babae kanina.
Napakunot ang noo ko dahil mukhang problemado sya.
Kaya nilapitan ko ang mga ito, paglapit ko ay narinig ko na nagpapaliwanag yung isang kasama nya.
Di ko napigilan tumawa dahil hirap na hirap sila magpaliwanag.
Nahinto ako ng lapitan ako nun babae saka taas kilay na tinanong ako.
Di ko talaga mapigilan titigan sya, maging sya ay nakatitig na din sakin mabuti talaga at nakashades ako di nya halata na nakatitig ako sa kanya.
"Sige na miss sumama na kayo sa kanya wag mo na ko titigan. "pambubuska ko sa kanya na ikinataas nya pa ulit ng kilay.
"Bakit ang cute nyang asarin. " tanong ko sa isipan ko.
"Tsk.. yabang porket gwapo"dinig ko pang sabi nya pagtapos ako ikutan ng mata.
Napangiti naman ako dahil doon sa narinig ko.
Ako na nagsabi kay kuya ng gusto nilang sabihin.
"Salamat huh."sabi ng kasama nya nakilala ko naman sya kaya napangiti ako saka ako nakipagkilala.
"Zeus nga pala."pakilala ko at naglahad ng kamay.Huminto ito at bumaling ng tingin sakin.
"Jieun." pakilala naman nya at tinanggap ang kamay ko.
Hindi ko agad nabitawan ang kamay nya dahil sya yung batang babae sa puno.
Nabalik lang ako ng tumikhim sya.
"Ahm.. nice meeting you. "naiilang na sabi nito, saka ko binitiwan ang kamay nito.
"Bakit kaya hindi ko maramdaman yung naramdaman ko noon sa kanya?."takang tanong ko sa isipan ko.
Hindi ko nalang pinansin ang gumugulo sa isipan ko dahil hindi din ako pwede maging malapit sa kanya dahil baka mapahamak lang sya.
Nauna na yung masungit na babae samin.
"Pasensya ka na sa kaibigan ko huh," hinging paumanhin nito.
"Ayos lang. "nakangiting ganti ko.Hinatid ko lang sya sa trycicle na sasakyan nila.
"Lucy ang pangalan nya. "makahulugan ngiting sabi nito sakin.
Kahit nagtataka sa pagkakasabi nya ng pangalan ay tumango nalang ako saka nagpaalam na at umalis, tinanaw ko pa ang papalayong trycicle.
Sabay naman lapit ni Aston sakin."Sir nakahanda na yung kotse"sabi nito na tinanaw din ang tinatanaw ko.
"Let's go."tapik ko sa balikat nito bagi kami lumapit sa kotseng itim na nakaparada sa gilid.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Aston saka naman sya umikot sa driver seat.
Nakaalis kami sa pier at tumungo sa headquarters ko dito.
May gagawin kasi ako dito sa bicol kaya pumunta ako dito.
May mga smuggle dito ng mga baril na ipapasok kaya kelangan ko harangin at pagplanuhan ang pag atake namin.
"Lord ngayon gabi ibaba ang mga kahon kahon na isda na galing China. "seryosong sabi ni Aston sakin habang ipinakikita sakin ang mga kahon na naglalaman ng mga isda daw pero mga iba't ibang klase ng baril ang laman.
"Sabihan mo yung nagmamanman na tauhan natin doon na wag lulubayan ng mata ang mga nakabantay doon." sagot ko naman habang nakatingin sa ipod nya habang nakakuyom ang mga kamay.
"Ihanda mo yung mga tauhan natin na nagkalat sa tabi na maghanda para sa gagawin natin paglusob mamaya." dugtong kong bilin kay Aston na ngayon ay seryoso ang hilatsa ng mukha.
Kinagabihan ay pinuntahan na namin ang pagbabagsakan ng mga kahon.
Pagdating namin sa pier ay nakita namin agad ang mga tauhan ng kalaban na nakakalat din.
"Lord nakahanda na po ang mga tauhan natin at may mga snipers na din tayong nakakalat sa paligid."sabi ni Aston sa earpiece ko.
Lahat ng mga tauhan ko may may mga earpiece na magkakakonekta.
"Ok hintayin natin ang hudyat kay Jacob at make sure no civilian involved understand."sagot ko sa kanilang lahat na agad naman nilang sinagot.
"Yes Lord!."sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Si Jacob ay isa sa tauhan ko na masasabi kong magaling at hindi basta basta.Kaya sya lagi ang pinapadala ko kapag may kelangan akong pabantayan mga kalaban.
Maya-maya binaba na ang mga kahon kasabay ng paghudyat ni Jacob ng pagtaas ng flashlight.
"Let's go."sabi ko kaya nagkanya-kanya ng labasan ang mga tauhan ko na nakakalat sa pantalan.
Wala kang madidinig kundi putukan ng baril, mabuti nalang at malayo ito sa kabahayan kaya di na masyadong mapapansin ng mga tao ang nagaganap dito.
Isa-isang nagtumbahan ang mga bantay at agad kong nilapitan ang mga kahon.
"Lord mga baril nga."bulaslas ni Jacob pagkabukas nya ng mga kahon.
"Anong ginagawa ng isang evil shadow dito sa pantalan ko?."napalingon kami sa nagsalita at nakita ko doon si Mr.West na may mga kasamang tauhan na nakatutok na sa amin ang mga baril.