kabanata dalawa:Mga daga

2148 Words
Zeus povs: Sa ibang bansa ako pinag aral ni daddy, habang nandoon ako sinabay ko naman pag aralan ang martial art, combat training saka pano gumamit ng baril. Si Yaya Celia ang nag training sakin at humasa sakin bilang paghahanda sa pagiging heirs ng Grayer's clan. Nakapagtapos ako with flying colors. At ito na ako ngayon isang sikat na young CEO sa buong bansa. Maging sa mundo ng mafia ay gumagawa din ako ng pangalan. Nakilala ko din ang pamangkin nyang si Aston na kabilang din sa organization na hawak ng mga magulang ko. Sya ang napili ko bilang congsigelier ko matagal na syang nasa organization at kagaya ni Yaya Celia ay mahusay din itong makipaglaban.Halos sabay kaming nagtraining dahil hindi nalalayo ang edad namin dalawa. Sa labas isa akong masayahin na tao hanggang ngayon ay tago pa din ang pagkakakilanlan ko. Bigla akong natumba ng biglang may dumapong suntok sa mukha ko. "Pay attention sa kalaban my Lord, kung totoong laban ito ay patay ka na." malamig na sermon nito sakin. Ito ang gusto ko sa kanya wala syang takot sakin saka sasabihin nya lahat ng gusto nyang sabihin. "Tsk... " sabi ko bago dumura at tumayo. "Lord Zeus kapag sa labanan kelangan ang atensyon mo ay laging nasa kalaban, hindi ka pwede magpakita ng emosyon sa kanila at lalong lalo na yung mawawala ka sa focus." sabat naman ni Yaya Celia habang nakaupo at nagbabasa ng libro. Di ako umimik dahil tama sila pano ko maproprotektahan ang mga mahal ko sa buhay kong sa simpleng pagpokus sa kalaban ay di ko magawa, sabi ko sa isipan ko at muli kaming naglaban ni Aston. Sumasali na ko sa underground gumagawa na din ako ng pangalan sa mundo ng mafia at sa mundo ng business. Sa pagtutuos muli namin ni Aston ay napatumba ko sya. Napalingon ako kay Yaya Celia na tumayo ito habang pumapalakpak. "That's great Lord Zeus kaya ka tinatawag na The evil shadow dahil sa galing mo, di namamalayan ng kalaban ang galaw mo." malapad na pagkakangiting sabi nito. Tinulungan kong makatayo si Aston saka ito napangiwi. "Lord tutuluyan nyo ba ko isang sapak lang nagawa ko parang buhay ko na agad ang kapalit?." nakangiwing sabi nito sakin, kaya napatingin ako sa kanya. Napasobra 'ata ako sa pagpokus, namamaga yung kaliwang mata nya habang putok ang labi naman. Magsasalita sana ako ng dumating si Henry ang capo ko. Kahit di pa ko pinakikilalang heirs ng Grayer ay meron ng nakalaan sakin mga tauhan na si Yaya Celia ang nag ayos at halos lahat ay mga nakasabayan ko mag training kaya di lang tauhan ang tingin ko sa kanila kundi mga maasahan kaibigan din. "Lord." magalang na bati nito at yumuko ng bahagya. Sumeryoso ang mukha ko dahil kapag sa loob ako ng mafia ay hindi ko kelangan magpanggap na mabait. "Lord may nangahas na pumasok sa transaksyon natin sa Pilipinas."seryosong sabi nito na kaagad ikinatingin ni Aston at Yaya Celia. "Nalaman nyo na ba kung sino ang nag lakas loob na pumasok doon?." madilim ang aurang tanong ko. Sa underground kasi walang nakakakilala sakin dahil hindi ako nagpapakita sa kanila ng mukha. "Gustong gusto talaga nilang malaman kung sino ka Lord." nakangising sabi ni Aston na parang walang nangyare. Napatingin naman si Henry sa kanya at di napigilan matawa. Sinamaan naman sya ng tingin ni Aston. "Capo baka nakakalimutan mo na kung sino ako."sabi ni Aston na nagpipigil ng galit. "N'yare sayo Congsigelier?."natatawang tanong ni Henry na binalewa ang titig ni Aston. Bigla naman itong sumimangot kaya mas lalong natawa si Henry maging si Yaya natawa din ako naman ay palihim na napangiti. "Mukhang napaglaruan ka na naman ni Lord Zeus ahh." natatawa pa din turan nito. Nang akmang hahabulin na ito ni Aston ay tumikhim na ko. Pag naumpisahan na naman kasi sila ng kalokohan ay derideritcho na. "Tama na na yan, let's go manghuli tayo ng daga."makahulugan sabi ko na agad naman tinanguan ng dalawa saka ngumisi ng malapad. "Nak,malaking daga sana wag yung bubwit huh." natatawang sabat naman ni Yaya Celia. "I don't think so ya," walang ganan sagot ko, saka kami umalis para puntahan ang isa sa casino na pag mamay ari ko bago lumipad papilipinas. Kelangan ko muna ayusin ang negosyo ko dito bago ko iwan. Si Yaya Celia muna ang mamahala habang nasa pilipinas ako. Bigla kong naalala yung batang babae sa puno,pagtapos kasi non di ko na sya nakita silang dalawa nun kaibigan nya. Pag dating sa casino ay sinalubong ako ng staff dito. "Kamusta naman dito?," tanong ko sa staff ko, karamihan kasi na kinukuha kong staff ay pilipino. "Ok naman Sir mas dumami ang players at visitor natin." nagagalak na sagot nito. "That's good." sabi ko saka ko tinapik ang balikat nito at tumungo sa opisina ko. "Lord the airplane is already." magalang na sabi ni Aston sakin. Kaya naman ng pamahalaan ni Yaya Celia dito kelangan ko kasi puntahan yung negosyo ko din sa Pilipinas na pinapasok na ng mga daga. "Ok let's go." sabi ko kay Aston saka kami umalis sa casino de gray di ko binuo ang apelyido dahil baka matuntun nila ako. Kaya ko na silang harapin pero hindi pa sa ngayon dahil may mga plano pa ko. Nabalitaan ko din na ng molesya na naman si Mr. Chua. "Ano na naman ginawa ni daddy?." tanong ko kay Aston habang papunta kami ng airport. "May pinagtangkaan na naman syang halayin." sagot ni Aston sakin,napahilot ako sa sintido ko dahil sakit ko talaga sya sa ulo. Kung hindi lang maganda ang pagpapalaki nya sakin at itinuring talaga akong anak ay matagal ko na syang pinapatay dahil sa sakit nyang pagiging maniac. "Lord pinakulong na sya ni Mr. Steven Cha dahil secretary nya ito at naabutan nya sa opisina ng daddy nyo ang pagtatangka nito." seryosong sabi ni Aston sakin habang nakatutok lang sa daan. "Sounds familiar, "kunot noong sabi ko. "Lord Mr. cha is a businessman too sikat din sya dahil sa company nya na SC COMPANY, franchise naman ang business nya."bigay information sakin ni Aston. Napatango tango ako saka pumikit. Kaya pala pamilyar sakin ang pangalan nya dahil businessman din sya. Di na ko umimik hanggang sa nakarating kami sa private plane ko. After 15hours ng byahe ay nakarating kami dumeretcho muna ako sa quarters ko. Pumasok kami sa tagong lugar na di mo mamalayan na may nakatayo dito dahil wala kang ibang makikita dito kung di mga puno at halaman. Nadaanan namin ang bahay sa gitna ng bukid umilaw ito sinyales na nagbibigay galang. Bago ka makarating sa headquarters ko ay dito ka muna dadaan ang ilaw na yung ay sensor, ito ang magsasabi sayo kung mabubuhay ka o hindi. Nakalagay sa system nito kung kalaban ka o hindi. Paglagpas namin ay pumasok pa kami sa mas masukal pa na daan. Hanggang sa huminto kami sa isang malaking puno. May kinalikot si Aston sa computer nya, sya ang may hawak ng mga key para makapasok sa bawat quarters ko. Maya maya ay biglang nahawi ang mayayabong na halaman at bumungad dito ang isang gate na pagkalaki laki. Pumasok ang kotse ko kasunod ng mga tauhan ko pero bago sila pumasok kelangan nilang dumaan ulit sa sensor sa puno. Makaligtas ka man sa sensor sa gitna ng bukid dito di ka makakaligtas. "Lord may sumama palang bubwit satin pabalik ng Pilipinas." makahulugan sabi ni Aston sakin. "I know."balewalang sagot ko alam ko na yung pagsakay palang namin ng eroplano. "Hayaan mo lang sya maggala sa quarters wag nyo lang tatanggalin ang mga mata nyo sa kanya."seryosong sabi ko bago bumaba ng sasakyan. "Welcome Lord Zeus!." sabay sabay bati ng mga tauhan ko sakin na mga nakahilera sa harapan ko. Pumasok na ko sa loob habang nasa likod ko si aston,si henry naman ay naiwan sa labas sya na ang bahala sa nakapasok na bubwit dito. Sumakay ako ng elavator pababa sa underground. Makikita mo sa salamin na elevator ang bawat floor na madadaanan mo. Mga nagsasanay sa pakikipaglaban at paghawak ng baril ang karamihan na nandito. Sa basement doon ko dinadala ang mga dagang mahilig pumasok sa lungga ko. Pagbukas ng elavator ay isang madilim na daan ang sasalubong sayo na talagang pangingilabutan ka. Pumasok ako sa pintuan bakal na may nakabantay na dalawang tauhan ko. "Lord Zeus." magalang na bati nito sabay yuko. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Aston at bumungad sakin ang tatlong lalaki na kapwa bugbug na dahil sa pagpapaamin ng tauhan ko. "Hindi pa rin ba nagsasalita?.seryosong tanong ni aston. "Congsi hindi pa po,"magalang na sagot naman nito. Nakatalikod lang ako habang hinahawakan ang mga gamit sa pagpapahirap sa mga dagang ayaw magsalita. Nahawakan ko ang isang knife na kumikinang na wari'y mo ay inaayaya akong gamitin sya. Kaya agad ko itong hinawakan at hinimas himas. Wala pang segundo ng biglang sumigaw ang isang lalaki na katabi ng ginilitan ko ng leeg. Kaya napatingin sakin si aston saka yung tauhan ko na nagpapahirap. "Magsasalita na, mag... sa.. salita na ko boss... " nahihingtakutan sabi nito. "Pa-sen-sya na lord."nanginginig na sabi naman ng tauhan ko sabay yuko. Tinapik ko lang ito sa balikat saka bumalik sa pwesto ko kanina. Kinuha naman ni Aston ang knife na ginamit ko, at hinubad yung gloves ko na may mga bahid na dugo. "Sino nag-utos sa inyo na pasukin ang negosyo ko?."sila yung sinasabi ni Henry na pumasok. Hindi pa man ito nagsasalita ay may nadinig na kaming nagsisigaw din na lalaki. Pumasok ito sa loob kasama si Henry saka dalawa ko pang tauhan. "Nalulusutan ka na 'ata Capo." makahulugan sabi ko kay Henry. Agad naman ito yumuko at humingi ng tawad. "Hindi na ito mauulit Lord." sabi nito habang nakayuko.Yung dalawa naman ay itinali yung lalakeng nakuha nila na sumama samin na nagpanggap na tauhan ko. "Humihina na 'ata ang pang-amoy mo Capo" nang-aasar na turan naman ni Aston. Hindi na nagsalita si Henry alam nya na ayaw na ayaw ko na hindi inaayos ang trabaho. Marahan ko na itong tinapik sa balikat senyales na ok lang. "Sige na umpisahan nyo na yan."baling ko kay Aston. "Sino nag-utos sa inyo?."madilim ang aurang tanong ni Aston habang hawak ang latigo. "Boss...si ...Mr. Fuentebella po." nanginginig na sagot nito. Habang ako tahimik lang na nakamasid sa kanila. "Anong gusto ng amo nyo?."si Henry naman ang nagtanong. "Gusto nilang malaman kung sino ba si Evil Shad.. dow."sagot naman ng isang nahuli ni Henry. "Atat na atat na sila na makilala ako p'wes sorry sila dahil hindi pa panahon para makilala nila ako."sabi ko sa isipan ko. Tumayo na ko saka lumabas pero tinignan ko si Henry at nakuha naman nya ang gusto kong sabihin. Ibig sabihin tapusin na nila at ipadala nila sa mga Fuentebella. Lumabas na ko sa basement saka pumasok kami ni Aston sa elevator. "Lord anong gagawin natin sa mga Fuentebella?." nagtatanong na sabi ni Aston. "Bigyan nyo ng regalo pasalubong ko kamo bukod doon sa mga tauhan nilang pinadala bigyan nyo ng magarbong pasabog" sagot ko na malapad ang pagkakangisi. "Mukhang masaya yan Lord."sagot naman ni Aston sakin, bumukas naman ang elevator sa pinakataas. Lumabas ako at ang bumungad sakin ay malawak na sala ng bahay na pinaglalagakan ko ng quarters sa ilalim. Dumeretcho ako sa opisina ko habang nakasunod naman si Aston sakin. Pagpasok ay naupo ako sa swivel chair ko sabay tingala at pumikit, dahil parang nakakaramdam na ko ng pagod dahil sa byahe. "Lord tumawag ang Attorney ng daddy nyo at tinatanong daw kayo." biglang sabi nito kaya napamulat ako ng mga mata. "Asan yung info ng secretarya ni Mr. Cha?," tanong ko saka inabot sakin ni Aston yung ipod nya. Kinuha ko ito saka ko binasa ang information nito. Nabigla ako sa pangalan na nabasa ko at inulit ulit ko pa ito sa isipan ko. "Pamilyar sakin yung pangalan nya, saan ko ba sya nakita?."tanong ko sa isipan ko at bahagyang pumikit. Nang biglang pumasok sakin yung mukha ng batang babae na nakangiti sakin. Bigla akong napamulat at napabangin bigla dahil naalala ko na sya. "Bakit Lord?," nagtatakang tanong ni Aston sakin. "Hanapan mo pa ko ng ibang inpormasyon sa babae na 'to." sabi ko sa at inabot sa kanya yung ipod nya. Tumango naman ito at yumuko bago Ako iniwan mag isa sa opisina ko. Tumingala ako habang iniikot ang ballpen na hawak ko sa kamay ko. "Akalain mo yun tadhana 'ata na magkita tayo ulit" kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame ng opisina ko. "Makikilala mo pa kaya ako?."tanong kong muli sa sarili ko. Bigla akong tumahimik saka ko tinignan ulit ang pinasa sakin na picture ni Aston sa laptop ko. Hinimas ko ang mukha nya sa screen ng laptop ko. "Bakit pakiramdam ko parang hindi ikaw yan?mag-ka-pangalan lang ba kayo?." kausap ko dito habang nakatingin sa babaeng nakangiti sa picture sa laptop ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD