Prologue – Eavesdrop
April 28, 2009
William’s POV
I held my breath so I could button up my suit. I am wearing a single breasted suit jacket. Kakabili ko lang nito last week pero masikip na agad sa akin. Hinimas ko ang tiyan ko at tumagilid para mas higit kong mapagmasdan ang aking sarili sa salamin.
Napadami na naman ang kain ko kanina kaya bloated na naman ang pakiramdam ko. Dapat ay kinontrol ko ang sarili ko dahil ngayon ang graduation ball ng girlfriend kong si Gyiah. I am her escort tonight.
Twenty-one pa lang ako pero pakiramdam ko ay hindi na ako nababagay sa ganoong mga affairs. Kahit kaedad ko lang si Gyiah, I am three years ahead of her in terms of schooling. It only took me seven years to finish primary and secondary education. I am accelerated thrice and considered genius by many. I obtained my pre-law degree three years ago and now I'm enrolled in a Law School. Isang taon na lang kukuha na ako ng Bar Exam.
"Hindi ka pa ba tapos? Daig mo pa ang babae sa tagal mo sa harap ng salamin." Sita ng pinsan kong si Lucas.
Nagkibit-balikat lang ako at hindi ko pinasin ang puna niya. Schoolmate ni Lucas si Gyiah at sabay na silang grumaduate kanina. Nagpadaan na ako sa kanya para may kasabay ako papuntang hotel. Usapan namin ni Gyiah ay sa hotel, kung saaan gaganapin ang ball na lang kami magkita.
"Wala ka na bang ibang suit? Parang napagliitan mo na iyan, magpalit ka kaya muna. Maaga pa naman." Puna uli ni Lucas.
Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin at naintindihan ko naman kung bakit nag-suggest si Lucas na magpalit ako. Bakat kasi sa suot ko ang bilugan kong tiyan at mukhang kapag umupo ako ay tatalsik ang butones ng suot kong suit.
"Kakabili ko lang nito. Ito nga lang kasya sa akin. Mas masisikip yung iba kong suit." Pag-amin ko.
"Bakit kasi bumili ka ng sakto lang sa iyo eh alam mo naman na ang bilis mong tumaba. Mukha ka tuloy suman sa suot mo. Huwag mo ng ibutones ang jacket para hindi mukhang puputok."
Hindi ako nainsulto sa sinabi niya. Tanggap ko naman na mataba talaga. Malakas kasi akong kumain lalao na kapag nag-aaral ako. Balewala sa akin ang timbang ko. Saka ko na lang iyon iisipin kapag malapit na kaming ikasal ni Gyiah.
It's too early to plan for a wedding since it's only been a week mula ng maging kami. Pero kahit bago pa lang kaming magkarelasyon, I've known her all my life. Anak si Gyiah ng business partner ng ni Papa kaya mula pa pagkabata ay madalas ko na siyang makasama sa mga business at family gatherings. Hindi rin nakapaggtataka kung may plano na rin ang mga mnagulang namin na ipakasal kami. Most of Chinese families still choose the prospective lifetime partner of their children.
At wala akong anumang pagtutol kapag nagkataon. Si Gyiah naman talaga ang gusto kong makasama habambuhay. Kaya laking tuwa ko ng yayain niya akong maging escort niya ngayong gabi. Iisa lang ang ibig sabihin nun. Gagawin na naming public ang relasyon namin. Wala pa kasing nakakaalam na sinagot na niya ako. Ayaw pa kasing ipaalam ni Gyiah sa iba. Mahigpit daw kasi ang Papa ni Gyiah.
"Bakit kasi hindi ka sumama sa aking mag-gym. William, magkakaroon ka ng malalang sakit kapag hindi ka pa nagsimulang magkontrol sa pagkain. Start living healthy. At saka kung gusto mong mapansin ka ni Gyiah, simulan mo ng mag-diet ngayon pa lang. Ngayon na tapos na iyong mag-college malamang na payagan na iyon ng Daddy niya na makipagdate. Hala ka, ikaw din dadami ang mga karibal mo kay Gyiah."
"Hindi ko kailangan na magpapayat kung iyan lang ang dahilan ko."
"Wow confident." Nang-iinis ang tawa ni Lucas.
"Oo naman dahil huli ka na sa balita. Last week pa ako sinagot ni Gyiah. Gyiah and I are already a couple."
"PAKIHINTAY na lang po si Ma'am Gyiah. Pababa na rin po iyon." Nakangiting sabi ng kasambahay nila Gyiah. Hindi maalis ang tingin nito kay Lucas
Naisipan kong sorpresahin si Gyiah. Ang usapan nila ay sa hotel na sila magkikita pero dahil ayaw pa ring maniwala ni Lucas na sila na ni Gyiah, naisipan kong sunduin na lang ang nobya para sabay-sabay na kaming pumunta ng hotel.
"Pwede po bang magpa-autograph?" Kinikilig na sabi ng kasambahay kay Lucas.
"Okay sige walang problema." Magiliw na pinagbigyan ito ni Lucas.
"Ayos, sikat ka na nga talaga." Bulong ko sa kanya pagkatapos kaming iwan ng kasambahay.
Nakakatuwa na kahit saan sila magpunta ay may nakakakilala na sa pinsan niya. Maliban sa pagmomodelo nito sa ilang magazine, lumalabas na rin ito sa ilang commercials. Kaya lalong dumami ang mga babaeng nahuhumaling rito. Isa na roon ang kasambahay nila Gyiah.
"Yes, He'll be my escort tonight." Narinig ko ang boses ni Gyiah sa intercom malapit kung saan kami nakaupo. "Lot, pakisabi sa driver ihanda na ang kotse bababa na ako."
Lumapit ako sa intercom para sabihin sa kanya na sinusundo ko siya pero natigilan ako sa narinig.
"Yah, right. Kailangan na pagtiisan ko na makasayaw si taba-ching-ching." Narinig kong sabi ni Gyiah. Hindi niya marahil napansin na naka-on pa rin ang mic ng intercom sa kwarto niya kaya naririnig namin ni Lucas ang sinasabi niya. Mukhang may kausap siya sa telepono dahil wala naman akong naririnig na ibang boses.
Napahiya ako kay Lucas ng marinig ko ang tawag sa akin ng girlfriend ko.
"Oo alam ko nakakahiya na makita ng mga ka-batch natin na kasayaw ko si taba-ching-ching kaso wala akong choice. Kung gusto kong mapansin ako ni Lucas, kailangan na i-close ko ang pinsan niya. Alam mo namang mailap si Lucas at hindi masyadong namamansin."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ginagamit lang pa ako ni Gyiah para mapansin siya ni Lucas. Ang ibig sabihin hindi bukal sa loob niya ang ginawa niyang pagsagot sa akin last week.
"Kristen stop laughing!" Sabi ni Gyiah sa kausap. "Mas may nakakatawa pa. Alam mo ba na sinagot ko si taba-ching-ching last week para hindi naman masyadong obvious." She paused. "Subukan mong ipagkalat na boyfriend ko iyon at hindi na kita kakausapin pa kahit kalian." She paused again. "No I mean it! Ayokong bumaba ang tingin sa aking ng mga tao kapag nalaman nilang ako, si Gyiah Ramos-Sy, may boyfriend na fat geek. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin, wala akong taste."
Hindi ko na natiis pa ang mga naririnig kaya nasuntok ko ang intercom na nakakabit sa dingding. Napipi iyon pero hindi naman nasira dahil narinig ko pa rin ang boses ni Gyiah.
"What's that? Lot, anong nangyari? Ano iyong maingay?" Tanong ni Gyiah.
"This is Taba-ching-ching." Paangil kong sagot. I've heard her gasped. "Narinig ko ang lahat ng sinabi mo. Pasensya na lang pero hindi kita ganoon kamahal para magpagamit sa iyo. Kung gusto mo si Lucas, labas na ako diyan. Saka huwag kang mag-alala sa maaring sabihin sa iyo ng mga tao. Ngayon pa lang habang wala pang ibang nakakaalam, tapusin na natin ang lokohang relasyong ito."