Chapter 8

2296 Words
Hila-hila ako ni Jace papuntang parking lot. Marahas ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko at pakiramdam ko’y namumula na iyon sa paraan ng pagkakahawak niya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at saya. Kaba, dahil sa reaksyon niyang ipinapakita. At saya, dahil kahit papano'y nag-effort siyang sunduin ako pauwi. Dire-diretso ang lakad namin hanggang sa tumigil kami sa harap ng kanyang kotse. Galit niya akong hinarap! “What was that, woman? Talaga bang kating-kati ka nang makapiling ang kabet mong yun ha? Kaya hindi ka nakatiis kagabi at ikaw pa mismo ang sumugod dito sa lugar niya?” sigaw niya sa akin na ikinagulat ko. Alam kong galit na galit siya kanina pero hindi ko inaasahang ganto pala kababaw ang iisipin niya saken. Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Nagsi-unahan na ring magsitulo ang mga luha sa mga mata ko. Agad niya namang sinapo ang mga pisngi niya nang hindi nagbabago ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Don't you dare accuse me of something I can't take to do, Jace! Sa ating dalawa, kung meron mang makati ay ikaw yun at hindi ako.” Galit kong asik sa kanya sabay talikod. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Agad ko na siyang tinalikuran at iniwanan doon. My heart is ripped in a million pieces again. I thought he's there to fetch me back home. I thought that anger in his eyes earlier is beacause he's mad that I didn't tell him where I was last night! But I was wrong all along! His anger is all because of his false accusations! He is mad because I might drag his name in disgrace. I can't believe how fast my mood switched in an instant! Kani-kanina lang ay nakaramdam ako ng konting saya dahil kahit papano'y hinanap niya ako. At ngayon naman ay galit na galit na ako sa kanya dahil sa pagka selfish niya! All this time, sarili at pangalan niya lang pala ang inaalala niya when I thought it was me he's concerned of. I feel so disappointed! Ganito pala ang feeling nang umaasa. Hindi ka nila pinaasa pero kusa mong pinapaniwala ang sarili mo sa maling akala. Dire-diretso lang ako ng lakad hanggang sa may nakita akong taxi. Agad ko iyong pinara at mabilis na sumakay. I don't know if sumunod ba siya saken o hindi. Ayoko ng lumingon dahil ayokong ma disappoint pa lalo. Sinabi ko sa driver ang address ng bahay namin. At kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya ng masulyapan niyang panay ang punas ko ng mga luha sa pisngi ko. I know I look so horrible right now but I don't care! Dali-dali akong bumaba pagkarating namin sa harap ng gate. Ni hindi ko na nagawang magpasalamat sa driver pagkatapos kong magbayad. D*mn, I am so broke! Dire-diretso ako patungo sa aming kwarto at mabilis na inihiga ang sarili ko sa kama. I cried my heart out! Nag-umpisa na akong humagulgol sa iyak. Naninikip na rin ang dibdib ko sa sakit na tila ba'y pinupunit. -- Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Grabeng pagod ang nararamdaman ko ngayon at ramdam ko din ang paghapdi ng mga mata ko dulot ng pag-iyak ko. Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at agad na dumiretso sa kusina upang maghanap ng makakain. Nakaramdam ako ng sobrang gutom. Hinahanap ng mata ko si Jace pero wala akong mahagilap. Bahala siya sa buhay niya! Hmp! Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa ginawa at sinabi niya. Kanina nga ay naisip kong iwan nalang siya dito at magpakalayu-layo na muna pero may isang parte sa puso ko na umaayaw. Malakas akong napabuntung-hininga at mabilis na kinuha ang sandwich at palaman sa ref. Eto na lang ang kakainin ko dahil tinatamad na akong magluto. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong lakas pa kahit na ang magluto. Patapos na ako sa kinakain ko nang makarinig ako ng tunog ng saasakyan. Dali-dali akong sumilip sa bintana at nakita ko si Jace na bumaba ng sasakyan. Mabilis akong bumalik sa pwesto ko at nagkunwaring hindi ko napansin ang pagdating niya. “Justine?” rinig kong sigaw niya pagkapasok niya. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at hindi pinansin. Masama pa rin ang loob ko sa mga pinagbibintang niya sa akin kanina. “Nasan ka bang babae ka?” “Andito ka na ba?” Hindi ko pa rin iyon sinagot. Nanatili lang ako dito sa kinauupuan ko at nagpatuloy lang sa pagkain ko. “Tang**a! Andito ka lang pala, ba't hindi ka nasagot?Bingi ka ba?” asik niya sakin ng mapadpad siya dito sa kusina. Nanatili lang akong walang imik. Manigis siya! ”Aba't! Hindi mo ba ako naririnig, babae? Ang sabi ko, tulungan mo akong makaakyat sa kwarto. Hindi ako makalakad ng maayos kaya alalayan mo ko.” singhal niya nang hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. “Kinaya mong nagpakalasing, kayanin mo ring ayusan ang sarili mo.” sagot ko sa kanya. ”Eh, ano pang silbi mo rito? Asawa kita diba? Dapat gawain mo yun!” pagak akong natawa sa narinig ko mula sa kanya. ”Asawa? Naririnig mo ba ang sarili mo Jace? Asawa mo lang ako sa papel pero sa loob ng bahay na to, ni minsan hindi mo ako tinuring bilang asawa mo.” inis na sabi ko sa kanya bago siya tinalikuran. Padabog akong tumayo. Okay na kasi sana eh. Tutulungan ko na siya pero napansin ko kasi ang kissmark sa leeg niya. D*mn him! Matapos niyang magpakalassing at magpakasasa sa babae niya tapos ako itong pahihirapan niya? Bago pa ako makalayo ay marahas na niya akong hinawakan sa mga braso ko. ”Ang tapang mo ngayon, ah! Saan ka nakuha ng lakas ng loob? Doon sa kabet mong g*go?” nanlilisik ang matang aniya. ”Tumigil ka nga saa kahibangan mo, Jace! At kung pwede lang, wag mo na ulit akong aakusahan ng mga kasalanang ikaw naman ang gumagawa!” sigaw ko sa kanya at iwinaksi ang mga kamay niya. Nakita ko naman ang pagngisi niya. ”Bakit,nagseselos ka?” pang-aasaar niya. ”Siguro nga. Kasi tinuturing kitang asawa ko eh. Pero ipagpasalamat mo yan ngayon habang nakakaramdam pa ko ng ganyan. Baka kasi isang araw magulat ka nalang, wala na akong pakialam kahit sa harap ko pa ikaw gumawa ng mga kabab*yan!” inis na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. Kita ko naman na natigilan siya sa mga sinabi ko. Sinamantala ko iyon at tuluyan na siyang tinalikuran. Mabilis kong tinungo ang guest room. Ayoko munang makatabi siya kahit sa pagtulog ngayon. Ayokong makita ang ebidensya ng kabab*yang ginawa niya. Isinarado ko ang pinto at ini-lock iyon. At doon ko inilabas lahat ng sama ng loob ko sa araw na ito. -- Kinabukasan, maaga akong gumising. Medyo masama pa ang pakiramdam ko dahil sa kaiiyak at kulang sa tulog pero ininda ko iyon. Pinilit ko ang sarili kong bumangon atsaka naghanda ng makakain namin ng asawa ko. Araw ng Sabado ngayon kaya wala siyang pasok sa opisina. Sa tuwing wala siyang pasok ay dito siya kumakain ng almusal. Madalas din siyang umalis kahit wala namang trabaho. Pakiramdam ko tuloy, naghahanap lang siya ng paraan para hindi ako makasama. Patapos na ako sa niluluto ko ng marinig ko ang mga yapak niya pababa ng hagdan. Mabilis kong isinalin sa plato ang mga niluto kong bacon at hotdog. ”Kumain kana. Nakapagluto na ako!” sabi ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitignan. ”Sabayan mo na ako.” sabi niya na ikinatigil ko naman. Nakakapanibagong marinig iyon mula sa kanya. Ni minsan kasi ay hindi niya ginustong magsabay kami sa pagkain. Marahan akong umupo sa upuang katapat niya at sinabayan siya sa pagkain nang bigla siyang makipag-usap sakin! Yep besh! Ang asawa kong super duper snob sa akin ,ngayon ay kinakausap ako! Kung siguro sa ibang pagkakataon na wala akong sama ng loob sa kanya at hindi ko ngayon nakikita ang mga k*ssmark nya sa leeg ay siguro kikiligin na ako. “Anong namamagitan sa inyo ng Froilan na yun?” tanong niya sa akin habang tinitignan ako na animo'y nanunuri. “Froilan and I are just friends.” plain na sagot ko sa kanya habang ipinagpapatuloy ang pagsubo ko. “Nakita ko kung paano ka titigan ng isang yun kaya alam kong hindi lang pagiging friends ang namamagitan sa inyo." akusa niya na lalong nagpainit ng ulo ko. “Tinanong mo ako,sinagot na kita. Ngayon kung hindi ka kumbinsido sa mga sagot ko, much better not to asked me. In the end, sarili mo lang din naman ang paniniwalaan mo.” sabi ko pa na halata ang pagkainis. Tinalikuran ko na siya kahit hindi pa ako nangangalahati sa kinakain ko. Tuluyan na talaga ako nawalan ng gana. How dare him accused me? Eh siya nga itong may milagrong ginagawa? Ni hindi niya man lang inisip kung masasaktan at mababastos ako kapag nakita ko ang kung anuman ang nasa leeg niya! Hmp! Bumalik ako sa guest room at napagpasyahang maligo na lang muna. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nang makitang si Froilan iyon ay agad ko itong sinagot. ”Hello Froi, napatawag ka?” bungad ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag. “Ah-hehe. Kakamustahin lang sana kita.” medyo nahihiyang aniya. ”Sus. Akala ko naman kung ano na. Eto, medyo maayos naman na. Nagkaproblema lang kami ng kunti ni Jace pero sanay na naman na ako sa ganto.” malungkot na kwento ko sa kanya habang napapabuntung-hininga. “Well, hindi na nga bago yan. Anyways, want to unwind with me? Para naman mabawasan yang pagkabagot mo jan sa bahay nyo.” “Unwind? At saan naman, aber?” napapangiti na ako dahil sa kalokohan ng kaibigan ko. “May alam akong resort ng kaibigan ko sa may Palawan. Overnight tayo dun. Aayain ko na rin sina Pau, Alve at Rojaina tapos makikipag videocall tayong lahat kay Aian.” Masiglang sabi niya sa kabilang linya. Nagustuhan ko naman ang ideya niya kaya pumayag na rin ako. Parang mini reunion na rin ng grupo namin kaya hindi na ako nag dalawang isip pa. Besides, wala naman akong gagawin dito sa bahay sa buong weeekends kundi ang makaharap si Jace. Agad akong nag-impake ng nga gamit na kakailanganin ko. 2days and 2nights kami dun. Monday morning na ang balik namin dito sa Manila. Napag-usapan din namin ni Froilan na siya na ang bahala sa lahat. Mula sa pag pabook ng aming reservations at pati na rin sa pagkontak sa grupo. Pakanta-kanta pa ako saa banyo habang naliligo. Naisip ko na malaking bagay rin itong pag unwind na sinasabi ni Froilan. Makakapag-isip ako ng maayos at makakapagpahinga muna saglit kay Jace at sa mga pasakit niya sa akin. Nakatapis lang ako palabas ng CR at pangiti-ngiti pa ng lumabas ako. Agad naman nawala iyon ng makita ko ang asawa ko na marahang nakaupo sa kama ko habang mariing nnakatitig sa akin na nakakunot ang noo. “What's with the smile and these baggages?” seryosong tanong niya. Saglit akong natigilan doon. Ngayon ko lang nareealize na hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa kanya. Kailangan pa ba yun? Eh siya nga kahit saan siya pumunta ni hindi man lang nagpapasasabi sa akin. Napasimangot ako dahil dun. Bahala na! “We're going to Palawan. 2days and 2nights kami dun. Monday morning na ang balik ko. Ikaw na muna ang bahala sa bahay.” I honestly answered him. Wala naman ng rasun para magsinungaling pa ako. Nabigla naman siya sa mga sinabi ko. “What the--? You're planning to leave without asking my permission?” frustrated niyang aniya. “Why? Saglit lang naman kami dun. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay dahil nakapaglaba na ako nung isang araw pa. At isa pa, mga tropa ko lang din naman ang kasama ko.” mahabang paliwanag ko sa kanya. “Tropa also means--Froilan!” seryosong sabi niya. Napakunut-noo naman ako. Ano na naman ang problema niya kay Froilan? Malamang kasama siya dahil kabilang siya sa mga Tropa ko. Di ko nalang siya pinansin at dumiretso sa closet ko. Kumuha ako ng isang white maong shorts at isang yellow na crop top. Mabilis akong pumasok sa banyo upang doon magbihis. Habang si Jace naman ay tahimik lang akong pinagmamasdan. Well, I hope marealize niya na pumayag man siya o hindi ay aalis pa rin ako. Paglabas ko ng banyo ay sinalubong ako ng inis na mukha ni Jace. “You're really going,huh? Ni hindi pa kita binibigyan ng permiso, Justine!” he grinned his teeth out of frustration. “I'm not asking your permission, Jace! Personal na lakad ko ito. Ang importante lang naman ay alam mo kung saan ako pupunta. Pumayag ka man o hindi, aalis pa rin ako. Katulad ng pag-alis mo na hindi ko kailanman pinakialaman!” mahabang litanya ko na mas lalong nakadagdag ng inis niya. Padabog siyang tumayo sa kama ko at mabilis na lumapit sa akin. Itinaas niya ang baba ko dahilan upang magkatinginan kaming dalawa. Halu-halong emosyon ang nakita ko doon na hindi ko mapangalanan kung anu-ano ang mga iyon. Agad kong iniwas ang mga mata ko dahil sa pagkailang. Nakakailang ang nga titig niya at hindi ko iyon kinaya. His eyes speak power! Na kung tititigan mo iyon ay parang wala kang magagawa kundi ang sumunod na lamang sa mga gusto niya. “Seems like you're already decided. Okay, I'll let you go ... but in one condition.” sabi niya ng nakangisi. “W-what condition, Jace?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Muli kong nakita ang ngisi sa mukha niya sabay sabing, “You'll go if you'll let me go with you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD