Lagpas alas-kuwatro na din nang makauwi ako sa bahay namin kaya agad na akong nag-ayos. 6pm kasi mag-uumpisa yung party nina Mommy at Daddy kaya naman naghanda na ako. Ayokong ma-late at baka magalit na naman yung asawa ko.
Nawili kasi akong mag-shopping kasama si Sherwin kaya di namin namalayan pareho ang oras. Dun narin kami nananghalian sa mall at sinamahan niya pa akong mag-grocery.
Kaya pagdating ko sa bahay ay wala na akong sinayang pang oras. Agad akong naligo at nag-ayos. Sinuot ko yung dress na binili ko kanina na black tube at pinarisan iyon ng isang black stilleto.
Naglagay ako ng make up at bahagyang kinulot ang dulo ng aking buhok.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at masatisfy sa ayos ko ay mabilis kong kinuha ang pouch ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
5:30 na at kalahating oras nalang magsisimula na ang party kaya wala na akong sinayang pang oras.
--
"Happy wedding anniversarry Mom, Dad. Pasensya na po at medyo na-late ako. Medyo nawili lang po ako sa paggogrocery." Nahihiyang paumanhin ko sa kanila sabay beso sa mga biyanan ko.
"Thankyou, Hija. And you just come on time so no need to say sorry. Anyways, I missed you." Sabik namang sabi sakin ni Mommy.
Matamis kong nginitian si Mommy bago binalingan si Daddy. Inabot ko sa kanila ang aking regalo. Sinuklian din ako ni Daddy ng isang matamis na ngiti at umamba ng isang yakap na walang pag-aalinlangan kong tinugunan.
"Thank you for coming and for this gift, hija." ani Daddy bago ako pinakawalan.
"No problem, Daddy. By the way nga po pala Mom, Dad, inimbitahan ko po ang iilang kaibigan ko kung okay lang po." Nahihiyang sabi ko sa kanila.
"Nakuuu! Ang bata talagang ito oh-oh! Tatlong taon na kayong kasal ng anak namin at kung makapagsalita ka ay parang iba ka pa din sa amin. Ofcourse, you can invite anyone and as many as you can, anak." Baling ulit sakin ni Mommy.
Magsasalita pa sana ako ng inunahan naman ako ni Daddy.
"Speaking of Jace, where is he? Hindi ba kayo magkasabay sa pagpunta dito? Hindi ka ba niya sinundo?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Daddy.
Natigilan ako sa tanong niya pero pinilit kong wag ipahalata sa kanila.
"A-ah..s-si J-jace po ba? Ano... K-kasi po, napagkasunduan naming d-dito nalang..aah..ah-ahm m-magkita." Balisang sagot ko na alam kong napansin agad ni Mommy.
Nagpaalam siya saglit kay Daddy dahil may iilang bisitang dumating upang batiin sila.
She immediately excused us. Marahan niya akong hinila sa isang pahabang mesa at mabilis akong pinaupo sa hinugot niyang upuan bago ako tinabihan.
Pinihit niya paharap sa akin ang kanyang sariling upuan at marahang hinimas ang balikat ko. Nagtataka man sa ikinikilos niya, ay hinyaan ko nalang siya sa gagawin.
"Gail, can you please tell me honestly? M-may problema ba kayong mag-asawa? Hindi pa din ba kayo nagkakasundo?" sunud-sunod na tanong niya kasabay ng mapanuring tingin sa mga mata ko.
"N-nakuuu! W-wala naman po, Mommy. O-okay lang po kami ni J-Jace. T-talagang nagkasundo lang po kaming d-dito na m-magkita para hindi na hassle sa amin pareho. May kailangan pa po kasi siyang tapusin sa t-trabaho at ako naman po ay naabala sa paggo-grocery kaya hapon na nakauwi." Mahabang paliwanag ko at lihim na nanalangin na kagatin niya ang alibi ko.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Mommy bago ako niyakap. May namuong luha sa mga mata ko na pilit kong pinipigilan. Hinarap niya ako at muling bumunting-hininga.
"If you say so, anak. But...I want you to promise me that if my son's not treating you right, please tell me." malungkot niyang sabi.
"I promise, Mommy."
Saglit pa kaming nagcatch-up bago nya napagpasyahang makihalubilo sa mga bisitang medyo dumarami na. Nanatili naman ako sa kinauupuan ko nang maya-maya'y tumunog ang cellphone ko.
Bebeh Taba(Rojaina):
We're here on the parking lot. Pls meet us at the main door☺
Napangiti ako sa nabasa at mabilis na nagreply.
Me:
Sure beh☺
Malaki ang ngiti sa labi ko bago ko tinahak ang daan papuntang main door upang salubungin sila.
"Whoaaaaa! Ang tangkad natin ngayon ah! Aaahh..kaya pala!" salubong sakin ni Alve Jean na animo'y namamangha pagkatapos hinawi ang dress ko upang silipin ang aking stilleto.
Pabiro ko siyang inirapan bago hinarap sina Rojaina at Pau. Nagbeso kaming apat at muling nagkulitan.
"Tara na nga sa loob at naglalaway na si Rojaina sa lechon. Baka bahain pa sila Mommy dito." pasimpleng binaling ko kay Rojaina ang asar na agad naman niyang binaling kay Pau.
"Oh sige! Pasok na tayo pero bago yun, hintayin muna natin si Pau. Halos sabay-sabay lang kami dumating dito eh hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita." nagngising aso pa si Rojaina bago umambang magtago sa likod ko.
"Hoy! Loka-loka ka. Alam kong morena ako pero hindi ako ganun kaitim para hindi mo makita dito!" kunyaring pikon na ani Pau na agad tumakbo upang habulin si Rojaina.
Napailing-iling nalang ako sa mga inasta namin na lihim kong ipinagpapasalamat. Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko, hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang buhay.
"Nga pala, bi sunod nalang daw dito si Froilan at may dadaanan pa. Baka maya-maya'y nandito na din yun." baling sakin ni Alve Jean habang tinatanaw namin ang dalawang naghahabulan patungong hardin.
"Ganun ba bi? Sige una nalang kayo dun at hihintayin ko nalang siguro siya dun sa main door. Kumain na muna kayo at susunod nalang kami ni Froilan pagkarating niya." sagot ko ng mapansing wala pa nga pala si Froilan.
"Uyyy! Ang sabihin mo, ayaw mo lang maturn off siya dahil alam mong may crush yun sayo." panunudyo niya sakin sabay sundot sa tagiliran ko.
Pabiro kong tinampal ang kamay niya at magsasalita na sana ako ng may isang baritonong boses ang narinig ko.
"Whose the crush of who?" kunut-noong aniya. Wearing a black tux, ay nakatayo sa likod namin ang asawa ko. Nakakunot ang noo at naghihintay sa maaaring isagot ko.
Bahagya kong nilingon si Alve Jean para lang matantong wala na siya dun. Nilaglag pa yata ako ng isang yun! Haaays.
Nilingon ko ulit si Jace sa ganoong posisyon. Kinakabahan ako pero hindi iyon halata sa mukha ko. Bagkus, tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-umpisa nang maglakad pabalik sa main door. Ngunit bago ko pa siya malampasan, hinigit na niya ang palapulsuhan ko.
"Where are you going?" pormal niyang tanong habang ang mga mata'y pinapasadahan ng tingin ang katawan ko.
Ewan ko kung guni-guni ko lang ba iyon o ano pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang adams apple. Binalik niya ang tingin sa mga mata ko at naghihintay pa din ng sagot ko.
"Ahm.. Just waiting for a...friend!" balisang sabi ko dahil hindi na kumportable sa ginawa niyang pagcheck sa katawan ko.
"Uh-huh!"
"Well, e-excuse me." sabi ko at babawiin na sana ang kamay ko ng mas hinila nya pa ako lalo dahilan ng pagkakalapit pa namin.
Hindi nako makatingin ng diretso sa kanya at sobrang bilis na din ng t***k ng puso ko. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid upang maghanap ng excuse pero kung pinaglalaruan ka ba naman ng tadhana ay wala kang makita. Andun na siguro halos lahat ng bisita sa hardin at mukhang kaming dalawa nalang ang naiwan dito.
"You sure that it's just a friend? Tandaan mo, Justine nandito tayo kina Mommy. Hindi pwede dito ang kalandian mo." inis na dagdag niya na ikinagalit ko. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko dahilan ng pagkangiwi ko.
Matapang kong sinalubong ang nga mata niya atsaka ngumisi.
"Don't worry Jace, kung dadalhin ko man dito ang kalandian ko, we won't show off. Hanggang tinginan lang kami." pang-iinis ko lalo sa kanya at mabilis binawi ang kamay ko.
Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa labas nang hindi siya nililingon. Nakakainis ang marinig sa mismong asawa mo na naglalandi ka kahit wala ka namang ginagawang masama.
Mabilis kong pinalis ang luha ko ng maaninag ang headlight ng paparating na sasakyan. Lumabas sa isang Calibre ay si Froilan na nakaputing longsleeves at slocks.
Tipid akong ngumiti at sinalubong siya. Agad naman niya akong niyakap na ikinatigil ko. Hindi ko inaasahan iyon pero mabilis ko din iyong sinuklian.
Siya ang unang bumitaw sa yakap namin at nangingiting pinuri ang suot ko.
"I know I've seen you fitting wearing dress so many times but I really can't help myself to admire you. The dress looks good and it suits you perfectly." namumulang aniya bago ako hinapit sa bewang palapit sa kanya.
Dati kong ceush si Froilan pero nawala iyon ng malaman kong crush niya din pala ako. Ewan ko ba pero naiipang na ako simula nun.
Right now, I'll just ignore the awkwardness between us. I need someone whom I can divert my attention with. At para na rin makaiwas sa asawa ko.
Magpoprotesta pa sana ako pero siya na ang nagpatiuna papasok sa pinto. I guess Froilan will be that someone for tonight. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at hindi na masyadong binigyan pa ng pansin.
Nakakailang hakbang palang kami nang matanaw ko ang isang pamilyar na tindig di kalayuan sa amin. Bahagyang nakataas ang kilay na nakatingin sa brasong nakahapit sa bewang ko. Nahuli niya ang mga mata ko at bago pa ko makalayo kay Froilan ay inunahan na niya ako.
"Let's go. Mommy's expecting us to be in their table already." malamig niyang sabi sabay hila sa akin.
Nabigla man ay hindi ko maiwasang lingunin si Froilan. May pagtataka sa itsura niya at malungkot akong tinignan. Sininyasan ko na lang siyang sumunod at malungkot naman siyang tumango.
Alam ko ang nga tinging yun. Alam kong lahat sila ay concern sa akin pag gantong nagkakalapit kami ni Jace.
"A friend, huh?" walang emosyong sabi ni Jace na nakaagaw ng atensyon ko.
Inirapan ko siya at tikom ang bibig na sumunod sa kanya.