Kinabukasan ay pinagstay na namin si Tita Maris para naman di na siya muling matunton nung mayor ng kanilang bayan sa Bulacan. Grabe napakaobsess niya kay Tita Maris kahit saan magpunta may natatanggap pa rin siyang notes sa flowers minsan pa nga may threat note na nga.
“Hay naku nag-aaway na naman sila” nagluluto na ako ng almusal habang si Abi ay hinahanda na yung mga plato.
“Pupuntahan ko na sila at may kukunin din ako sa kwarto” tumango ako at saka ako nagtimpla ng gatas para sa buntis. Bumili kasi kami ni Abi kagabi sa botika mabuti na lang meron kahit maliit lang.
Nakita ko si Tita Maris na bumaba galing sa kwarto ni Abi. Magkasama kami ni Abi sa kwarto ko and then yung couple naman ay sa kwarto ni Abi.
Inayos ko na lamang ang mga tinimpla ko at pinigilan ako ni Tita.
“Ako na rito umupo ka na dyan may kinuha lang si Abi sa room niya” saka pumunta siya sa kusina para kunin ang mga niluto kong ulam. Nilagay niya yun sa lamesa at umupo na. Kumuha na rin siya ng kanin at ulam.
“Tita di pa rin kayo okay?” tumingin siya sa akin at di ngumiti ng pilit.
“Di ko alam sa Tito mo di niya ako maintindihan dapat pala di ko muna sinabi sa kanya na buntis ako” sumandal siya sa balikat ko at inaalo-alo ko siya.
‘Mukhang may mapapagalitan na naman mamaya’
***
“Okay sweetie ako na lang kakausap sa Tito mo later” binaba ko na ang tawag. Tumawag si Mommy kanina and syempre sinabi ko sa kanya ang nangyari kagabi at kaninang umaga.
“Hmm…. May kailangan kang ichika sa akin” napalingon ako bigla kay Yam.
“Tss! Yung Tito ko lang yun saka yung girlfriend niyang buntis” saad ko.
“Ahh akala ko kung ano na, teka anong ginagawa nila sa bahay niyo?” tanong niya.
“Umalis si Tita sa bahay nila ni Tito dahil naasar siya at di siya pinapansin. Alam mo naman yun buntis at iba talaga ang mood ng buntis” sagot ko.
“Anyway, mamaya na daw ang pagpunta ng visitor dito sa klase natin and after that next daw ay yung mga nursing student naman ang kanyang pupuntahan” tumango na lamang ako at nagbukas ng cellphone at nakita ko ang chat ni Matt.
‘Lunch date?’ natawa na lamang ako ng mahina dahil parang patanong ang tinext ni Matt.
“Oy, sino yan?” sinamaan ko ng tingin si Yam. Parehas sila ni Jessa na mahilig mangbasa ng message.
“Si Matt nag-aaya para kumain ng lunch” sagot ko.
“May pagseselosin na naman niya si Izumi noh?” kumibit balikat ako.
“Di ko alam, kayo lang naman nag-uusap ni Matt” nireply ko na naman siya ng “sige”.
“Mukhang nagstop na ata magpadala yung secret admirer mo ah” biglang sambit ni Yam.
“Oo nga mabuti na rin yun para naman di magtaka sina Tito at Tita pero sana di nila makita yung mga baunan sa cabinet” hiling ko.
“Sana nga girl” saka kami umayos ng upo nung dumating na yung prof namin.
***
Napaawang ang labi ko dahil ang sinasabi nilang visitor walang iba kung di si Xieron Caballero.
“Uy crush mo” siniko ko si Yam at napahawak siya sa braso niya.
“Grabe yung siko mo matulis” sinamaan ko siya ng tingin.
“NAGCHAT si Winslet nasa Sweet Cafè daw sila ngayon” tumango ako at lumabas na ng classroom para puntahan sila.
“Grabe di ako makapaniwala na siya pala ang magiging acting president ngayon ng school natin. Mabuti din para naman turuan ng leksyon yung Laila na yun” kinurot ko siya sa tagiliran para sawayin.
“Ano ka ba naman! Hinaan mo yung boses mo baka may makarinig pa sayo at makarating pa kay Laila. Alam mo naman ang mga student rito isang bulong mo lang ay makakarating na agad kay Laila” saway ko.
“Sorry naman” hinila ko na siya palabas ng building.
Pagkadating namin sa sweet cafe ay nakita namin sina Abi at mukhang nagtutuksuan pa ata.
“Nagchat na ako kay Jessa papunta na daw siya dito” tumango naman ako. Pagkapasok namin ay rinig na rinig pa namin ang tuksuhan nila.
“Narinig namin yung tuksuhan niyo sa labas pa lang” lumingon sila at nakita nila kami.
“Pumunta rin ba sa inyo yung visitor?” tanong ni Yam.
“Gwapong-gwapo nga yung mga kaklase namin at eto pa si Sir Xieron nahuli namin nakatingin kay Abi dahil kanina parang hinahap siya tapos nung nakita niya si Abi di na naalis yung titig sa kanya” kwento pa ni Megan. Kinurot naman siya ni Abi sa tagiliran.
“Bakit ba?”
“Type ka ata ni Xieron mhie” sabat ni Yam. Sumimangot naman ito at tila kinakabahan niya akong tingnan.
‘Bakit naman ito kinakabahan?’
“Tss! Umiral na naman ang pagiging mahilig sa gwapo” sumimangot naman siya sa akin.
“Baliw! Sadyang lapitin talaga ako ng mga gwapo” mahangin niyang tugon. Binatukan ko lang siya.
“At saka ngayon lang ako nakita nun type na agad” nakita ko ang pagkain ni Abi akmang kukuha sana ako pero tinapik niya ang kamay ko.
“Bumili ka ng iyo” angil niya. Wala akong choice kung di tumayo.
“Pabantay ako ng bag” kinuha niya ang bag ko at binuksan.
“Pengeng candy” paghingi niya.
“Nasa baba lang” sagot ko.
“Ano ito?” kinuha niya ang baunan na kinuha ko. Napalunok naman ako bigla.
“Wala for entrep lang yan” palusot ko.
‘I-shasharon ko kapag nag-iba ng ihip ng hangin si Matt’ umorder na ako at tumabi kay Yam.
“Ano yun? Bakit may dala kang baunan?” bulong niya.
“For purposes lang yan kasi kapag tuluyan na talagang magselos si Izumi at kailangan na nang suyuin ni Matt syempre i-take out ko yung food. Sayang naman kasi ihh” sagot ko.
“Mukha kang pagkain mabuti na lang di ka nataba” natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
“Ano na naman ang pinag-uusapan niyo?” humigop na lang ako ng Iced coffee at tumayo na si Yam para puntahan si Jessa.
“Wala tungkol lang sa subject namin” sagot ko. Di naman sila makareact dahil balik usap na naman sila.
***
“Taray! Ang ganda” namangha ako dahil ang galing ng mga design na nakapalibot sa bawat dingding.
“Actually kay Kuya ito but may times kasi na ako ang namamahala dito” saad niya.
“Wow! Di lang gym ang minamanage mo pati pala ito pero mabuti nagiging maayos yung pamamahala mo rito kahit nag-aaral ka pa lang sa business management”
“Actually nung first hawak ko nito mahira pero tinuruan ako ni Kuya kaya nakaya ko rin pamahalaan ito” paliwanag niya.
“Pero anong naisipan mo ay ayain mo ako makipag-lunch date sayo wag mong sabihin pagseselosin ulit natin si Izumi” saad ko.
“Mukhang alam na alam mo na ah” napakamot siya sa ulo niya.
“Lagi naman ihh”
“Narinig ko kasi sa mga tauhan niya na may kalunch date siya ngayon so inaya na rin kita” napatango na lang ako.
“Tara umorder na tayo medyo nagugutom na rin ako” aya ko sa kanya.
“Halata naman” napanguso na lang ako sa kanya. Umorder na rin siya ng food.
Lumipas ang isang oras ay wala pa rin si Izumi kasama ang kadate nito.
“Mukhang di ata sila natuloy ah” saad ko. Dumighay naman ako at nagexcuse me.
“Mukha nga” saad niya.
“Tara na bumalik na tayo sa campus may klase pa tayo kay Ms. Mallare” pag-aya ko sa kanya.
“Okay sige” tumayo naman siya at binigay ang card niya sa mismong waiter niya. Pagkaabot pabalik sa kanya ay sumibat na kami pabalik sa campus pero di pa nakakatakbo ang sasakyan ay biglang kumunot ang noo ni Matt.
“Bakit?” tiningnan ko at nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon pa lang dumating si Izumi kasama ang kadate nito pero….
“Wait, is that Kuya Jarred?” napalingon ako bigla at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
‘Siya ang kadate ni Izumi?’