Chapter 16

1501 Words
“Teka baba ka?” tanong ko. “Oo” di ko na siya napigilan pa at bumaba na siya. Sumunod na rin ako sa kanya. “Pshh! Mayayari ako nito” bulong ko. Malapit na kasing magtime at mukhang di na kami aabot pa. Ipapaliwanag ko na lang mamaya kay Yam at sana di ito malaman ni Abi dahil mayayari ako nito sa bahay lalo na kay Tito dahil baka magsumbong ito kay Mommy. “Good afternoon Sir may nakalimutan po kayo?” tanong ng isa sa mga waiter niya. “I forgot na magtake out ng dessert for her” turo niya sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Matt dahil ako pa talaga ang dinahilan niya. “Okay po sir” pumunta na kami sa counter at umorder ng dessert. Hinampas ko ang braso nito at napanguso sa kanya. “Ginawa mo pa akong dahilan para lang makita yung ginagawa nung dalawa” simangot kong tugon. “Wala na akong maisip na dahilan” napairap na lang ako sa kawalan at pagtingin ko ay nakatitig sa akin ang kadate ni Izumi. Napaiwas naman ako ng tingin. “Take out po ba?” tanong ng cashier. “Hindi na po dine in na lang” sagot ko. “Bakit?” “Anong bakit? Late na po di na tayo aabot sa klase basta ikaw ang bahala sa akin dahil alam mo naman ayokong makarating sa mommy ko yung pag-absent ko ng walang dahilan” sagot ko. “Oo ako ang bahala” pero ako ang kawawa. “Gusto mo?” tanong ko. Pero ang gago ay sumubo doon sa kutsarang may ice cream kong inorder. “Hmm… masarap naman” napataas bigla ang kilay ko dahil di sa akin ang tingin niya kung di kay Izumi. ‘Kapag talaga inaway ako ni Izumi siya ang gagawin kong panangga’ “Kalandi mo” bulong ko. Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan ko lang ito sabay subo ng ice cream. “ANO uuwi na tayo?” tanong ko. Tumango siya. “Saan kita ihahatid?” “Sa waiting shed na lang malapit naman yung papunta sa amin” sagot ko. “Okay” saka kami umalis sa restaurant. Pagkadating namin ay bumaba na ako sa waiting shed. “Thanks Matt” at lumakad na ako papasok ng iskinita. Shortcut ito papunta sa bahay namin. Malawak naman ang kalsada doon kaya lang baka kasi may nakakita sa akin at maisumbong pa ako nila kay Abi. Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko si Tita Maris na nanonood ng TV. ‘Paktay! Paano ako nito papasok’ tiningnan ko ang oras at mag-alas tres pa lang ng hapon. Kung dadaan man ako sa likod ay mapapansin niya pa rin ako. Muli akong sumilip at mukhang nakaidlip na siya. Pumunta na ako sa likod at pumasok ng dahan-dahan at ganun din sa paglakad. Dahan-dahan din ako umakyat sa kwarto at sinisilip ko pa kung gising na si Tita at pagkarating ko sa kwarto ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Nagtext ako kay Matt at minura siya pero ang reply ng gago ay tumawa lang. “Tss! Kaasar siya” nagpalit na lamang ako ng damit at saka humiga para umidlip. ‘Bahala na mamaya kung paano ko mapapaliwanag sa kanila yung maaga kong pag-uwi’ *** Pagkababa ko ay naabutan ko si Abi na kakadating pa lamang at si Tita naman ay kumakain ng singkamas na sinawsaw sa aruba. ‘Iba talaga ang buntis, kakaibang maglihi’ “Ang aga mo naman ata?” tanong ni Abi. Eto na di ko na alam kung paano ko sasagutin yan. “Maaga naman talaga uwian ko ah” sagot ko. “Bakit di kita napansin kanina” singit ni Tita Maris. “Ihh Tita tulog pa po kayo kanina kaya di niyo ako nakita” palusot ko. “Oo nga pala nakatulog pala ako” saad niya. “Dumaan na ako sa supermarket para bumili ng manok. Balak ko nga sana isda pero alam mo naman may kasama tayong manyaman” saad ni Abi. Tumawa lang ako ng mahina at si Tita ay umirap lang. ‘Tss! Pustahan makalipas ng ilang araw magkakabati na din sila’ “Sa sabado ka na lang bumili ayoko rin ng isda alam mo naman ganitong hapon iba na itsura nun” “Ay oo nga pala sorry” pumunta na si Abi sa kusina para lutuin na ang manok. “MUKHANG tama ang hula ko” napatingin sa akin si Abi. “At bakit?” pinakita ko sa kanya ang chat ni Tati Gayle sa akin. “Nagdate sila sa cruise ship?” “Tompak” bumalik ako sa pagbabasa sa social media. “Kaya pala wala si Tita kanina” saad niya. “Hayaan muna natin sila kaysa naman magbangayan na naman yung dalawa” saad ko. Nagulat ako nang nagchat sa akin si Mommy at ngayon lang ako nagtaka. ‘Siguro, wala nang load si Mommy’ kahit mayaman kami ay nakakalimutan pa rin nagpaload si Mommy sa sobrang dami ng trabaho niya’ “Oh bakit tila gulat na gulat ka?” pinakita ko sa kanya ang chat ni Mommy. “Woah first time!” natawa na lamang ako sa reaction niya. “Pupunta pala yung mga kasamahan sa trabaho ni Tita Maris dito para bisitahin siya” “Ahh ganun ba sayang late na ako makakarating bukas” saad niya. ‘Oo nga pala dahil di pala ako nakapasok nung isang araw ay sermon ang naging bungad sa akin ni Yam pero syempre pinakiusapan ko ang gaga na wag sabihin kay Abi dahil mayayari ako nito kay Mommy’ *** “Morning po Tita” bati ko. “Himala tumutulong ka na rin pala Tito sa paghahanda ng almusal” sinamaan niya lang ako ng tingin. “Baks kaaga mo naman mang-asar” tumawa lang ako ng mahina. Umupo siya para kumain na. “Ano yung niluluto niya?” tanong ko. “Pancake na may margarine para kay Tita” di na lang ako umimik at kumain na lang kahit gustong-gusto kong humingi. Naalala ko kasi sinabi nung kaklase ko na kapag humati ka sa pagkain ng buntis ay mabubuntis ka rin. “Ohh bakit di ka humingi sa Tita mo?” tanong ni Tito. “Wala po busog na rin po kasi ako” palusot ko. Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko. “Aalis na po kami Tita, Tito” tumango naman sila. Sumabay naman si Abi sa akin palabas. “Ano nga ba ang dahilan kung bakit di ka humingi kanina ng pancake di kasi pani-paniwala yung palusot mo” ngumuso lang ako kay Abi. “Kasi sabi raw ng kaklase namin kapag kinain or humati ka sa pagkain ng buntis mabubuntis ka din daw” saad ko. Tumawa naman ng malakas ang gaga. “Naniniwala ka na sa sabi-sabi?” tumango ako. “Effective daw sabi nila” sagot ko. “Paano effective wala ka naman jowa” pasmado niyang tugon. “Alam mo masyado nang pasmado yung bibig mo” nauna na akong maglakad sa kanya at tumawa-tawa pa ang gaga sa likod ko. *** “So, hati na lang yung ire-report natin?” tumango kami. “Okay sige pag-usapan na lang natin sa sabado” tumayo na kami at lumabas sa library. Kamalas lang dahil di ko kasama si Yam dahil tinopak na naman yung prof namin at ginawa nang alphabetical order ang mga magkakasama sa group sa reporting at 1st group pa. Pupuntahan ko na sana si Yam nang may tumawag sa cellphone ko. “Si Mommy bakit kaya?” tanong ko pero himala may load na siya kaya tumawag na sa calling. “Mom bakit po?” tanong ko. “Tapos ka na sa klase niyo?” tanong niya. “Yes po pauwi na po kami ni Yam” sagot ko. “Pumunta ka rito sa Five Star Hotel may pag-uusapan lang tayo” akmang magtatanong ako pero binabaan ako ng tawag. ‘Ngayon lang niya ako binabaan ng tawag’ nagchat na lamang ako kay Yam at pumunta na sa Five Star Hotel. Pagkadating ko doon ay itinuro ako ng mga staff doon sa isang restaurant at nakita ko si Mommy at Daddy na seryosong nag-uusap sa katapat nila. ‘Ano kaya ang pag-uusapan namin’ “Oh nandito na pala ang anak mo” ngumiti ako kay Mommy. “Sit down first” umupo ako at ngumiti ako sa mag-asawa. Wala lang napansin ko kasi yung kamay nila may singsing. “Mommy bakit niyo po ako pinatawag at kasama pa po si Daddy and sino po sila?” bulong ko. “Easy anak dahan-dahan ka naman sa pagtatanong” napanguso ako at umayos na lang ng upo. “Oh dumating na pala ang hinihintay natin” may napansin akong isang tao na papasok sa loob ng restaurant. Lumapit ito sa table namin at nanlaki ang mata ko kung sino yun. ‘Kadate ni Izumi ito ah anong ginagawa niya dito?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD