Umupo ito sa tabi nila.
“Mom anong ginagawa niya rito?” tanong ko. Di niya ako sinagot at si Daddy na ang sumagot.
“We decided na i-arrange marriage kayo” nanlaki ang mata ko sa sinabi nila.
‘Tangina!!!’
“What?” tumingin ako sa kanila.
“Mom, Dad are you serious?” tanong ko.
“Yes, why?” napalunok ako bigla at napapikit ng mariin.
“Mom, I have a suitor na” palusot ko.
‘Sorry Matt pero ayoko pang matali ihh’
“What! Bakit di ko alam yan?” Tanong ni Daddy.
“Daddy kapapayag ko pa lang po magpaligaw at isa pa di ba may kadate yan” turo ko sa mapapangasawa ko dapat
“Sinong kadate?” tanong ng mommy nung guy.
“Yung pinsan po ng kaibigan ko po nakita kasi namin siya kasama niya yun” sagot ko.
“Tinutukoy mo ba si Izumi?” sagot ng lalaki.
“O-oo” sagot ko.
‘Taena! Mapapaamin pa ata ako wala sa oras nito kapag nalaman nila na di ako pumasok nung hapon lagot ako’
“Ahh actually iha she's my niece” ‘Eh?’
“P-pamangkin niyo po siya?” nauutal kong tanong.
“Oo inaya kasi niya si Izumi kumain” napatingin ako kina Mommy at mukhang may mahaba-habang paliwanag ang mangyayari.
“Let’s order” iniba muna nila ang usapan at tumawag na ng waiter para umorder ng food.
“SO kailan ang magiging kasal nila kung ganun?” di pa rin ako makaget over sa sinabi nila at feeling ko ay wala akong ganang kumain.
“Maybe next year or after ng 20th birthday ni Xiara” sagot ni Mommy.
“Iha, di ba masarap ang food?” tanong ni Mrs. Guamez.
“Masarap naman po” ngumiti ako sa kanya saka ako sumubo ng food. May nagtext naman sa akin bigla.
“Saan ka ba pumunta gaga ka?” text niya.
“Tumawag sina Mommy pero sa Sweet Cafè ko na lang ipapaliwanag kapag nandun na kayong lahat” sagot ko.
“Sinong kachat mo?” nagulat ako kay Daddy.
“Si Yam po yung pinsan ni Izumi di po kasi ako nakapagpaalam sa kanya” sagot ko. Tumango naman siya.
Kilala niya si Yam at Jessa kaya wala siyang naging problema sa mga nagiging kaibigan ko.
“Marami akong magandang theme para sa kasal nila” pero tumikhim ako.
“Pwedeng pag-isipan ko po muna?” tanong ko. Nakita ko naman ang lalaki na umigting ang panga niya sa sinabi ko.
“Bakit kailangan mo pa pag-isipan pa Xiara?” Tanong ni Daddy.
“Dahil masyado pa akong bata para sa ganyan!” Di ko na mapigilan sumigaw dahil sa inis.
“Xiara Ellaine don't raise your voice!” tumayo na lang ako at nagpaalam na para naman may respeto pa ako sa kanila.
“Xiara!” Dali-dali akong lumabas at naghanap ng taxi. Di ko pala alam na sumunod din pala sa akin si Jarred. Kilala ko naman siya sa name niya kaya pinangalanan ko na.
“Ihahatid na kita” sinamaan ko siya ng tingin.
“Just stay away from me!” pumara na ako ng taxi at sumakay na. Doon ko binuhos ang luha ko sa sobrang frustration at disappoinment ko sa araw na ito.
‘Paano nila naiisip ang isakripisyo ang kaligayahan ng sarili nilang anak’
Pagkabayad ko ay bumaba na ako at dali-dali akong pumasok sa loob. Pinunas ko muna ang luha ko at pagkapasok ko ay nakita ko ang kanilang mukha na ngumingisi.
“Bakit kayo nakangisi?” takang tanong ko.
“Napikot ka ba ng anak ni Mr. Guamez?”
‘Pikot?’ napanguso ako dahil nakakaasar ang mga tingin nila lalo na si Abi. Umupo ako sa single sofa.
“Ewan ko ba simula nung may pinayagan akong may manligaw sa akin biglang tumawag si daddy tapos sabi niya kailangan kong pumunta sa Five Star Hotel dun sa may restaurant tapos bigla-bigla nilang sinabi na ipapakasal nila ako dun sa anak niya pero nung nakita ko yung anak nila. Abi! Yun yung naaksidente kong nakahalikan nung nagbar hopping tayo” bigla akong napaiyak pero imbes na damayan nila ako ay pinagtawanan pa nila ako.
‘Wahhh!!!’
“At least mayaman at gwapo yung mapapangasawa mo” biro ni Abi. Sinamaan ko ng tingin ito. Pero pumalahaw na lang ako ng iyak.
“Ayoko pang magpakasal! Di ko gusto ng ganitong pangyayari!” inaalo-alo ako ni Tita ngayon.
“Bakit ka naman kasi nakipaghalikan dun sa taong iyon kaya yan nabaliw sayo at gusto ka nang maitali ka sa kanya” napanguso ako at umiyak akong muli. Wala lang para naman makaganti ako kay Tito sa pang-aasar niya sa akin. Tiklop ito kay Tita Maris.
“Hay naku kayo talaga wag niyo na ngang asarin si Xiara” saway niya. Napatigil na lamang sila at inaalo ako ni Tita.
***
“Huwag kang magtanim ng sama ng loob sa parents mo, Xiara. Bakit di mo kaya sila kausapin kung totoo talaga yung sinasabi ng Tito Kyron mo?” napaangat ako ng tingin kay Tita.
“Sa tingin ko naman may dahilan din sila kung bakit humantong sa ganun set up” saad ni Tita.
“Di naman po nanganganib yung kumpanya nila di po ba?” tanong ko. Umiling naman sila.
“Walang nangyayaring problema sa kumpanya” biglang may kumatok sa pintuan.
“Tita, nandito po sina Tito Xiera at Tito Ellian” napatingin ako bigla kay Tita.
“Shhss…. Dito ka muna ako nang bahala kumausap sa kanila” Tumango naman ako at lumabas na sila.
“SWEETIE, pwede ba kaming pumasok” bumangon ako sa kama at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Bumungad sa akin sina Mommy and Daddy.
“Pwede ba kaming pumasok?” tumango naman ako. Umupo ako sa kama at tumabi naman sila sa akin.
“I don't want to feel you na kinukuha ko ang kaligayahan mo” saad ni Mommy.
“Pero mommy totoo po ba yung sinabi ni Tito Kyron?” tanong ko.
“Anong sinabi ng Tito mo?” tanong ni Mommy.
“Na pinikot niya po ako” napatingin naman sila sa isa’t isa.
“Kahit kailan si Kyron napakadaldal!” bulong niya pero nadinig ko pa rin.
“Ganito kasi sweetie” at ayun na nga kinuwento niya sa akin ang totoong nangyari.
“Pumunta siya sa Pampanga?” tumango siya.
“Gusto lang niya na ipakilals lang kita sa kanya parang getting to know each other pero bumalik siya last week and he said na gusto ka na niya matali sa kanya” napalunok ako bigla.
“Ibig sabihin po siya rin nagbibigay ng mga foods and flowers sa akin?” tanong ko.
“Why, pinapadalhan ka ng mga foods and flowers?” tumango ako.
“Kaya pala sabi sa akin kanina ni balae”
‘Balae talaga’
“Na lagi raw nagluluto ng pagkain at nagpapasabay sa mga maid nila na bumili ng baunan” napatango na lang ako sa kinuwento ni Mommy.
‘Sabi na nga ba ihh’
“Grabe talaga yung tama sayo ni Jarred anak” napanguso ako kay Daddy at sinaway naman siya ni Mommy.
“Ikaw naman di ka nagdahan-dahan sa pagsasalita kanina tuloy kung ano-ano iniisip ng anak natin” napakamot na lang si Daddy sa kanyang buhok.
“Sorry naman hon” niyakap ako ni Mommy.
“Basta kung ano ang desisyon mo susuportahan ka na lang namin. Alam ko masyado ka pang bata para ikasal pero wag kang mag-alala mabait naman si Jarred” napahiwalay naman ako bigla kay Mommy.
“Parang pinamimigay niyo na po ako sa kanya ihh” tumawa lang ng mahina si Mommy.
“Wag mo na lang pansinin ang mommy mo” sinamaan siya ng tingin ni Mommy at napaiwas na lang siya ng tingin.
‘Tiklop si Daddy’