Chapter 18

1286 Words
“Ano bang nangyari at bigla kang nawala nung hapon?” “Oo nga di kita matawagan nakasilent pa yung phone mo” “Saka dapat magpaliwanag ka sa amin kung bakit ka nagtatago sa likod ng upuan namin. Napatawag tuloy kami” bigla tuloy ako nakaramdam ng frustration sa mga tanong nila. “Baks, di ko sinabi sa kanila mukhang ikaw dapat ang magkwento sa mga yan” saad ni Abi. Nagtago kasi ako kanina sa likod ng classroom nila yun nga lang dahil may cctv kaya yun nahuli ako at binalik sa classroom mabuti na lang di pa dumadating yung prof namin kaya ayun pumasok na lang ako sa klase at ang gago ay nakamonitor sa akin at mas lalo akong nagulat na siya pala ang vice president ng University na pinapasukan namin. ‘Putsa! Gusto kong kausapin si Matt pero di ko magawa’ Magpapasalamat lang naman ako sa kanya dahil sa tinulungan niya ako na lumabas yung secret admirer ko yun nga lang pinsan pa ni Izumi sa father side niya. “Ano? Go!” wala na akong magawa kung di ikuwento sa kanila. “OMG! sabi na nga ba ihh” sigaw ni Yam at nagkatinginan ang mga tao sa kanya. “Bunganga mo!” saway ko. “Ibig sabihin yung vice president ng university siya ang mapapangasawa mo?” tumango ako. “Ay, lakas ng tama sayo ng isang Jarred Guamez” sabay apir kay Jessa. Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. “Ikaw, alam mo ito di ba?” tumango si Abi. “Actually nasa bahay nga yung parents ni Xiara kahapon pero umuwi rin sila nung umaga kasi may mga trabaho pa sila naiwan” sagot ni Abi. Hinatid lang ni Daddy si Mommy sa Pampanga at kumuha lang ng ilang important things saka siya bumalik sa Taguig para siya muna ang mamahala sa kumpanya nila. Si Tati Gayle kasi ay pumunta sa Cebu para umattend ng convention. “So, anong plano mo?” tanong ni Winslet. “Ewan masyado pa kasing di pa matanggap ng utak ko ang nangyari” sagot ko. “Mayaman naman ang mapapangasawa mo biruin mo second billionaire yan sa buong Pilipinas” saad ni Yam. “Tss! Ikaw di mo sinabi sa akin na pinsan niya pala si Izumi” angil ko. “Huh? Wala naman akong natatandaan na pinsan niya si Izumi basta ang alam ko lang ay ang surname niya ay Palaez” saad ni Yam. Napanguso na lang ako. May nagpop up naman sa cellphone ko at binasa ko yun. “Tss!” Saka naman ako nagreply. “Sino yan?” pinakita ko ang chat ni Jarred. “Woah! Mukhang hinahanap ka na ng future hubby mo ah” sinamaan ko ng tingin si Abi. “Hayaan mo siya” saka ako humigop ng iced coffee. “Huy! Di mo ba kakausapin si Matt?” tanong ni Yam. “Mamaya na kapag wala nang asungot” sagot ko. Kumain lang siya ng cake ko at tinapik ko ang kamay niya. Nakita ko na ubos na yung cake niya. ‘Katakaw naman ni akla’ *** “Sabi na nga ba siya yun” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Matt. “Bakit? Paano mo nalaman na siya yun?” tanong ko. “Napansin ko pa lang sa sama ng titig niya sa akin naalala mo nung inaya kita nung sa restaurant ko para kumain” tumango ako. “Alam ko na magpinsan sila di ko lang sinabi sayo dahil gusto kong malaman kung siya ba yung tinutukoy mo at mukhang tama ang hula ko may gusto siya sayo at syempre nagtanong ako kay Kuya Mico dahil kaibigan niya si Kuya Jarred” kwento niya. “Paanong tanong ang ginawa mo?” “Well blackmailed” nanlaki ang mata ko at hinampas ko siya sa braso. “You’re so rude” tumawa lang siya sa akin. “Kaysa naman di ko mapapaamin si Kuya may kinakatakutan din kasi yun” sagot niya. “Sino?” tanong ko. “Secret” napanguso na lang ako. “Pero okay na talaga di mo need yung tulong ko?” tanong niya. “Baka magselos na ng tuluyan si Izumi niyan” sagot ko. “Alam naman niya tungkol doon sa pagpapanggap natin inamin ko naman para naman di siya magselos sayo ng sobra” saad niya. May biglang tumikhim sa likod at napalingo ako walang iba kung di si Jarred. ‘Ano naman ang ginagawa ng tukmol na ‘to dito?’ “Kuya Jarred” tumango naman siya. “Can I borrow my fiancé?” nagalinlangan pang sumagot si Matt. “Tara na Matt may klase pa tayo” hinila ko na patayo si Matt pero mas hinila ako ni Jarred kaya napasubsob ako sa dibdib niya. ‘Tangina! Ang tigas!’ “Mauna ka na Matt kakausapin ko lang si Xiara” umalis na si Matt. Akmang tatawagin ko siya nang takpan niya ang bibig ko. “Hmppp!!” saka pa lang niya ako binitiwan sa office niya. “What are we doing here? Babalik na ako sa klase” akmang bubuksan ko na ang pintuan ng bigla itong naglock. “Hoy! Buksan mo ‘to!” sigaw ko. “Babalik ka sa klase mo later but samahan mo muna ako kumain dito” saad niya. “Ano ka bata?” “Anyway if you're hungry kumuha ka na lang ng food dito” sabay turo doon sa baunan niya. “Busog pa ako kakatapos ko pa lang kumain” wala na akong choice kung di umupo sa sofa pero sa totoo lang ay nabitin ako dahil hinila ako ng kapreng ito. Oo kapre dahil mas matangkad siya sa akin. “Okay madali naman akong kausap” saad niya. Bigla naman ako nagtakam dahil chicken curry ang ulam niya. Bumuntong na lamang ako ng hininga at wala akong choice kung di kumuha ng pagkain sa baunan niya. “Kakain ka naman pala” binigyan niya ako ng kanin sa baunan niya. “Tss! Nabitin lang ako kanina kung di mo ako hinila edi nakakain ako ng matino” angil ko. Sumubo na lang ako ng kanin kahit gustong-gusto ko nang bigwasan ang lalaking ito. *** “See you tomorrow mon amour” saad niya. Tumango na lang ako at saka pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko naman sina Tita at Abi na nanonood ng netflix. “Ohh, hinatid ka ng fiancé mo?” tumango ako. “Oo nga pala may binili pala akong karyoka kanina” saad ni Tita. “Lumabas po kayo ng bahay Tita?” tanong ko. “Sa loob lang ng bakuran pero syempre may dumaan na naglalako ng meryenda at bigla akong nagcrave sa kamote cue kaya ayun bumili ako at karyoka sa meryenda niyo” sagot niya. Kumuha naman ako ng isa at kinain yun. “Ikaw, kumuha ka na dito?” tumango siya. “Di mo ba napansin yung plato ko kanina?” ngayon ko lang nakita na may karyoka ito sa platito niya. “Di ko naman nakita na may platito ka dyan” sagot ko. Nagbukas ako ng phone ko at nagtext sa akin si Jarred. Kapre: I fetch you up later, mom wants to have dinner at home with you. Napahinto naman ako bigla sa pagkain ng karyoka. “May problema ba?” umiling ako. “Nagyaya si Tita Dhalia na doon na magdinner sa bahay nila” saad ko. “Susunduin ka ni Jarred?” tumango ako. “Ano pa ang ginagawa mo dyan? Umakyat ka na at maligo” pagmamadali ni Abi sa akin. “Ay grabe siya atat ba” umakyat na ako sa taas bago pa siya mainis sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD