Chapter 19

1335 Words
Pagkadating namin dito sa bahay nila ay namangha ako dahil sobrang ganda at malapalasyo yung bahay nila. “Good evening po Sir Jarred” bati ng mga kasambahay nila. ‘Ang daming kasambahay nila siguro dito’ Kami kasi ay mga 7 lang yung kasambahay namin sa bahay pero mas marami kina Lola dahil medyo malaki ang bahay nila sa San Fernando kung saan nakatira si Xiander doon pansamantala. “I'd like to introduce to my fiancé” “Hello po I’m Xiara Ellaine but you can call me Xiara” pagpapakilala ko. “Magandang gabi po ako po si Klarita ang mayordoma ng pamilyang Guamez. Nagagalak ko po kayong makilala” ngumiti ako kay Manang Klarita. “Ahh manang where’s mom?” “Nasa dining room na po Sir tumutulong po sa paghahanda ng hapunan” sagot ni Manang. ‘In fairness ni Tita may alam sa kusina siguro doon namana ni Jarred ang hilig sa pagluluto’ Pumunta na kami sa dining room at nakita ko si Tita Dhalia na patapos pa lang ilagay ang mga plato. “You’re here na Xiara” ngumiti ako sa kanya. “Good evening po Tita” bati ko. “Sit down na iha ipapatawag ko na ang Tito mo” tinawag niya ang isa sa mga kasambahay nila para tawagin si Tito Joseph. “2ND year college ka pa lang ba iha?” tanong ni Tito Joseph. “Yes po and kumukuha po ako ng Business Management po” ‘pero po ang totoo ay ayoko lang kumukuha ng course ng may board exam’ di ko na lang sinabi baka mapasama pa ako sa paningin nila. “Di ko talaga expect na ikaw ang magugustuhan ni Jarred dahil matagal na rin ang huli niyang naging girlfriend” kwento ni Tita Dhalia. ‘Nagkaroon pala ito ng girlfriend dati’ pero ang kumag ay tahimik lang na kumakain. ‘Siguro di naging maayos ang hiwalayan nila nung girlfriend’ bigla naman ako nakaramdam ng kirot sa puso ko. ‘Bakit naman nakaramdam ng ganito? Kailan ko lang naman siya nakilala ah’ napasubo na lang ako ng pagkain pero bigla akong narealize na wala pala ako sa bahay namin. “Are you okay Xiara?” napatingin ako kina Tita na tila nag-alala sa akin. “Okay naman po ako” sabay inom ng tubig. ‘Kailangan ko na nga talagang magpahinga’ *** “Kanina ka pa tahimik okay ka lang ba talaga?” napatingin naman ako kay Jarred na kanina pa ako tiningnan dahil sa pagiging tahimik ko. “Oo naman masyado lang ako maraming iniisip” sagot ko. “Anong iniisip mo?” bigla niyang tanong. “Sa school yun lang mayroon kasi kami presentation next week” sagot ko. Di na siya nagsalita pa at hinatid na niya ako pauwi sa bahay. “Susunduin kita bukas” ‘na naman!’ di ko na lang siya tinanguan at pumasok na ako sa loob. “Kamusta yung dinner niyo?” Pagkapasok ko sa kwarto namin ay yun agad ang bungad na tanong ni Abi. “Okay naman nakakatuwa nga ihh kasi marunong din sa gawaing bahay si Tita Dhalia tapos ang sarap pa niya magluto” kwento ko. “Halata nga laki na naman ng tiyan mo” nakita niya ang tiyan ko at napansin ko naman na di naman bloated ito. “Sira! Kahilig mong mang-asar at isa pa pineapple ang ininom namin kanina kaya di masyadong lumaki yung tiyan ko” “Oo nga pala nabanggit mo na yung pineapple nasubukan mo na bang uminom nun kasama yung snowbear?” sinamaan ko ng tingin si Abi. “Bakit?” takang tanong niya. “Tss!! Kung ano-ano ang binabasa mo” kumuha na ako ng damit pantulog at pumasok na sa loob ng banyo. Alam ko yun dahil sa mga kaklase namin nung freshman pa lang kami. May mga naging kasex daw sila at tinry nila yun. Kahit mga kakalegal age pa lang ay ginagawa na nila yun. May nagsasabi din kasi na magiging malamig at manamis-namis daw yung lasa ng sperm cell. Di ko na tinagalog masyadong vulgar at di ko carry pakinggan. Pagkalabas ko ay naabutan ko pa rin si Abi na nagbabasa ng libro. “Ano yan?” tanong ko. “Mga diagnosis ito pinapagawa kasi kami ng NCP sa hospital” sagot niya. “Oo nga pala anong oras ang pasok mo bukas?” tanong ko. 9:00 am pa start ng klase ko dahil wala ang prof namin sinamahan ang mga 4th year sa Techno Institute Inc. doon daw sila mag-OJT after ng semester. Parang orientation lang daw yun pero iilan lang daw ang mapupunta doon dahil iba naman ay sa ibang company. “6:00 am may tatapusin pa ako sa library bakit?” tanong niya. “Sasabay ako” “Huh at bakit?” “Basta” sagot ko sumpa na ako sa kama at humiga na. Sinarado niya ang libro at binaba ang salamin niya. “Tell me, iniiwasan mo ba si Jarred?” tanong niya. “Hindi noh” sagot ko. “Sus! Wag ako Xiara kilala kita kapag nanlaki ang butas ng ilong mo alam ko nagsisinungaling ka” napanguso na lang ako sa kanya. ‘Talagang magpinsan kami at wala talagang lihim na di niya nalalaman’ “Oo na ayoko lang na ihatid niya ako sa school” sagot ko. “Bakit?” “Ihh pakiramdam ko iba yung tingin ng mga ibang student sa akin” sagot ko. “Ano naman? Bakit masama ba maging fiancé mo si Jarred?” umiling ako. “Hindi naman bakit papansinin mo mga yun, hayaan mo sila at mamatay sila sa inggit tapos” sermon niya. “Sige na sasabay lang naman ako sayo sa pagpasok” “Sige na pero libre mo akong pamasahe ahh” wala na akong magawa kung di tumango. ‘Tss! Babawi din ako sa susunod. “Ang aga mo naman pumasok?” tanong ni Tita sa akin. Kakagising lang niya at mukhang tulog pa si Tito. “Opo kasi uumpisahan na po namin yung report presentation po namin ngayon saka bukas” sagot ko. “Ikaw?” turo ni Tita kay Abi. “May tatapusin lang po akong case study sa library malapit na kasi yung deliberation namin” sagot niya. “Di ka ba susunduin ni Jarred, Xiara?” tanong muli ni Tita. “N-nagtext po ako sa kanya na maaga po akong makakapasok” palusot ko. “Sige ingat kayo” lumabas na kami at nakita ko na tatas na ang araw. “Tara na baka maabutan pa niya tayo rito” aya ko sa kanya kaya dali-dali kaming lumabas at nakasakay na ng dyip papuntang school. *** “Anong ganap?” kumunot ang noo ko. Nalate pa ako ng punta dahil pinagusapan pa namin kung ano gagawin sa gagawin presentation bukas. “You mean naging dinner with in laws mo kagabi” parang gustuhin kong murahin si Abi sa isip ko pero bad pala yun. “Wala, kwentuhan lang” umupo na ako at kinuha ko ang inorder nilang Iced coffee. “Weh?” sinamaan ko ng tingin si Yam. “Nasaan sina Abi?” tanong ko. “15 minutes na lang daw ay malapit nang magtime kaya doon na lang daw sila magmemeryenda sa cafeteria” sagot ni Jessa. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. “Ano? Bakit doon? Baka awayin sila lalo na si Megan” Nakipagbreak na kasi si Jervy kay Leila dahil sa pagseselos niya. Ang huling kinaseselosan ng babaeng yun ay pinsan ni Jervy na si Hersey. Galit na galit ang Lolo nila sa sinapit ni Hersey dahil naisugod ito sa hospital pero mabuti na lang ay kalmot lang ang natamo niya. “May tumatawag sayo” kinuha ko ang phone ko at si Jarred ang tumatawag. ‘Paktay! Di pa pala ako nagpapakita dito!’ “H-hello” “Xiara, your cousin” nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pinsan ko. “Anong nangyari kay Abi?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD