“Abi, ano ba talagang nangyari?” Tanong ko. Pagkatapos ng klase namin ay sinabihan ko si Jarred na hintayin namin si Abi na matapos ang klase niya pero parang gusto niya akong tirisin dahil pumunta pala siya sa bahay niya para sunduin ako at sinabi ni Tita ang sinabi ko kanina.
‘Kaasar! Alam niya lahat ng ginagawa ko dito sa school baka pati pagtae at pagtulog ko alam din niya’
“Nadamay lang naman kami nila Patricia and sila yung nauna inaway kasi ni Leila si Megan dahil sa nilalandi siya ni Jervy pero totoo bang hiwalay na sila ni Leila?” ang tinutukoy niya ay si Jervy.
“Oo, dahil galit na galit siya sa ginawa niya sa pinsan niya lalo na yung lolo nila” sagot ko.
“Pinagselosan ba din niya yung pinsan niya?” tumango ako.
“Ay grabe siya! Pati sariling kadugo ni Jervy pagseselosan niya” komento niya.
“Ganun na talaga nung umpisa sabi pa nga daw ng iba boto daw siya ng mga magulang ni Jervy pero noong lumabas yung tunay na ugali ni Leila ayun wala na halos pilitin na nga ng parents ni Jervy makipaghiwalay kay Leila pero dahil noon tanga pa sa pag-ibig si Jervy katulad mo” turo ko sa kanya na ikinasimangot naman niya.
“Pero nung unti-unti ay nararamdaman niya na parang sinasakal siya kaya ayun parang gusto na niyang kumawala sa kanya” kwento ko.
“Ganun mabuti na rin yun at nauntog na siya pero ngayon si Megan naman pinupuntirya niya” saad niya.
“Wala na tayong magagawa mukhang nahulog bigla si Jervy sa kaibigan natin” saad ko.
“Oo nga pala edi anong nangyari?” tanong ko.
“Dumating si Sir Xieron and inexpell niya sina Leila at mga alipores niya” sagot niya.
“Si Xieron? Pumunta sa office?” tumango siya.
“Bakit?” Umiling ako.
“Wala sige baba na ako” saka ako lumabas sa kwarto.
‘Matanong nga si Jarred bukas’
***
“Mukhang may lakad ka ah?” nakita ko si Tito na naghahanda ng breakfast.
“May tatapusin lang kaming report presentation and presenting na next week kaya kailangan na rin po kasi namin tapusin yun” sagot ko.
“Tulog pa si Tita?” tumango siya.
“Tinatamad pa siyang bumangon kaya ako na ang bumangon para magluto ng agahan”
“Nagtext ka ba kay Jarred baka pumunta na naman dito at di niya alam na umalis ka?” napanguso na lang ako.
“Opo kagabi pa”
“Mabuti pumayag siya?”
“Subukan lang niya na di ako payagan baka makakita siya ng tatlong bituin” tumawa lang siya sa sinagot ko.
“Sige na umalis ka na baka matraffic ka pa niyan”
“Bye Tito” tumango naman siya at saka ako tumalikod para lumabas na. Sa isang subdivision ng kaklase namin kami gagawa. Gusto nga nila sa bahay at ang sabi ko ay baka maingayan sila lalo na’t may mga kapitbahay namin na kaaga-aga nagbubunganga at nagliliparan ang mga kaldero, pinggan o kung ano-ano pang pwedeng pangbatikal nila sa bahay.
‘Mabuti na lang soundproof yung kwarto namin baka kami din ay maingayan din sa kanila’
***
“Pstt!” tawag ko sa kanya.
Nandito kasi kami sa office niya dito sa kumpanya para kumain ng tanghalian. Kakatapos lang kasi namin matapos yung pinapagawang report presentation para sa next week. Nagtext naman siya sa akin kanina at sinundo naman niya ako dahil malapit lang naman doon sa bahay ng kaklase ko ang pinuntahan niyang bahay saka kami dumiretso dito sa company niya. Pero ang kumag ay nagpaliwanag pa sa akin na may kinausap lang siya isang buyer ng lupa. Mukhang may balak pa atang magpatayo ng ibang business si Jarred.
“What?”
“May itatanong lang ako”
“What is that?”
“About Xieron” napatigil siya sa pagsubo. At dumilim naman ang tingin nito pero di na naman sa akin.
‘Feeling ko minumura na niya si Xieron sa isip niya’ napanguso bigla ako.
‘Grabe selos agad may itatanong lang ihh’
“Ano ka ba naman ang dilim agad ng tingin mo nagtataka lang kasi ako di ba sabi mo kameeting mo kahapon si Xieron pero anong ginagawa niya kahapon sa school?” tanong ko. Nagulat naman siya sa tinanong ko.
“Actually mon amour siya ang nagsabi sa akin tungkol sa nangyari away kahapon” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“OMG! Really?” tumango siya.
“And you know what, he moved our meeting in dinner time and syempre bumawi ako sa ginawa niyang pagmoved ng time ng meeting so ginawa ko nang 8 pm yung meeting namin” sagot niya.
“Ano naman kaya ang dahilan kung bakit niya ginawa yun?” tanong ko.
“I think he likes Abi” sagot niya. Napahinto ako sa pagsubo ng food.
“Huh? Seryoso ka?” tanong ko. Tumango siya.
“I think if you're doubting what I say, you should ask your friend, Winslet” kumunot bigla ang noo ko.
“Ano naman ang kinalaman dito ni Winslet?” tanong ko.
“You ask her na lang mon amour” di ko na lang siya pinilit pa dahil di naman niya sasabihin yun.
***
“Mukhang importante yung sasabihin mo ah and di mo pa kasama sina Abi”
“Hmm can I ask you?”
“Sure, what's that?”
“Do you know that he likes Abi?” tanong ko.
“He? Who?”
“Xieron” maikling kong sagot at nasamid pa ito sa ininom niya.
“Why are you asking like that?”
“Jarred said na tanungin kita tungkol kay Xieron so what’s your relationship with Xieron?”
“Actually he’s my brother” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“You mean you're a billionaire's daughter?” tumango siya.
“Nakakatampo ka bakit di mo sinabi sa amin?” tanong ko.
“Kuya wants to hide my identity, especially Abi, because he wants to know about her and he plans to court Abi.” she said.
“Ay mukhang mahihirapan siya”
“Why?”
“You know how Tita Maris strict on her?” tumango siya. Nakukwento naman namin minsan kasama si Abi kaya alam niya kung gaano kastrikto si Tita Maris.
“Edi I ask him to paalam kay Tita Maris para payagan siya” sagot niya.
“Bakit di muna kay Tito na magpaalam siya kasi maliliwanagan ni Tito yun kay Tita?” tanong ko. Pero ewan ko lang kung maliliwanagan yun dahil under yun kay Tita.
“Okay I told him later but if he talks to you about what she likes please help him kaysa naman bulabugin niya ako dito” sagot niya.
“Oo na and sa tingin ko naman bagay naman sila” saad ko.
“Ay boto ka agad kay Kuya di ba gwapo yun paano na”
“Kahit gwapo at least mayaman at loyal” saad ko.
“Speaking of loyalty, can I ask you something?”
“Ano yun?” tanong ko.
“Did you like Kuya Jarred na?” nabulunan naman ako sa kinakain kong cake.
‘Eh?’