Chapter 21

1413 Words
“Parang ang lalim ng iniisip mo ah, may problema ka ba?” napatingin ako bigla kay Abi. “Wala naman” sagot ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Winslet sa akin kahapon. ‘May gusto na ba ako sa kanya?’ Minsan kasi tuwing may nakikita akong may kausap na babae na client nila ay parang gusto kong sugudin at sabunutan yung mga babaeng parang lintang kumapit sa kanya. Di naman siya mahirap magustuhan na sa kanya na kasi ang lahat mayaman, husband material at higit sa lahat gwapo. “Kung wala naman bakit parang ang dami mong iniisip?” tumabi naman ito sa akin. “Medyo naguguluhan lang” “Naguguluhan?” tumango ako. “Di ko mawari yung feeling ko na minsan naiinis ako sa kanya, minsan hinahanap ko siya tuwing hapon dahil kapag uuwi na ako nasa labas na siya ng classroom namin para sunduin niya ako at ihatid at di ako maiinis sa mga babaeng parang lintang kumapit sa kanya” kwento ko. “Sino ba ang tinutukoy mo? Si Jarred ba?” “Sino pa ba ang iniisip mo?” tanong ko. “Si Matt” sagot niya. “Baliw! Maayos na yung sa kanila ni Izumi” napatakip ako bigla ng bibig. ‘Paktay ako nito’ “Sinong Izumi?” tanong niya. “Ahhh pinsan ni Jarred” sagot ko. ‘Kapag nalaman nila na nagpapanggap lang kami ni Matt panigurado magtatanong sila kung bakit namin nagawa yun’ “Oo nga pala yung promise mo ah” kumunot ang noo niya. “Nakalimutan mo na agad? Okay sasabihin ko na lang kay Tita” akmang tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. “Huy! Oo na bukas ng breaktime” ngumiti ako sa kanya. “Makakatipid na din” napasimangot naman ang gaga at tinawanan ko lang. *** “Hmm sarap ng slurpee” sabay higop. Pumunta kami sa 7-Eleven para bumili nito. Pinayagan naman ako ni Winslet dahil matagal na ako nagcrave ng slurpee sa 7-Eleven. “Tss!! Malaki pa yung binili mo” simangot niyang tugon. “Baks, mura naman ito noh” saad ko. “Di mo siya sinumbong kaya ito ang naging kapalit nun?” tumango ako. “Ang sarap nga ihh sana makagawa ka ulit ng kasalanan tapos sabihin mo na ililibre na lang kita para di ako magsumbong kay Tita” umaangat-angat pa ang kilay ko at sinamaan lang niya ako ng tingin sabay simangot. “Sigurado ka ba na wala pang nangyayari sa inyo?” kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Ay feeling inosente ang gaga, hoy Xiara kilala kita may pagbalahura minsan ang bibig mo” parang gusto kong busalan ang bibig ni Yam. “I’m still a virgin, duh!” sabay irap sa kanya kaya napa-aray naman ako nang sabunutan niya ako. “Virgin pa sa baba pero sa taas hindi na!” binato ko lang sila ng tissue galing 7-Eleven. “Hey! Bawal magkalat dito” saway naman ni Winslet. Lumapit naman siya sa akin at may binulong. Tumango naman ako. “Paano si Jarred baka malaman niya yun alam mo naman saksakan ng seloso kahit sariling kaibigan niya pagseselosan pa niya” bulong ko. “Nagchat na daw siya kay Kuya Jarred pero binantaan lang siya ni Kuya Jarred na wag masyadong touchy” napanguso na lang ako sa sinabi niya. ‘Paano kaya kapag nalaman niya na may gusto na ako sa kanya kahit isang buwan pa lang kami nagkakakilala’ “HUH? Gagawin mong full scholarship ang scholarship niya dito?” tumango siya. Nandito na ako sa office niya at nakaupo sa sofa niya. Dapat nga doon sa upuan sa harap niya dapat ako uupo pero dito niya ako pinaupo baka raw may biglang may sniper daw na nakatutok sa kanya at kalabitin bigla sa selos daw baka raw di niya maligawan si Abi. “She's good at her class and especially she's also on the Dean's List, so she deserves it” he said. “But, how to doing that na di niya malalaman na ikaw ang nagdeclare ng full scholarship niya” sagot ko. “That's so easy” sabay sandal sa swivel chain niya at pinangliitan ko lang siya ng mata. “OH” abot ko sa kanya ang isang baunan. Nagpabili na ito sa akin dahil wala na raw siyang balak lumabas at bumili sa cafeteria baka raw balikan sila ni Leila. ‘Kung alam mo lang na pinatanggal na ng bebe boy mo sina Leila’ “Baks, di naman ito yung order ko ah” saad niya. “Di ko naman binili yan” palusot ko. “Eh saan galing ito?” tanong niya pang muli. “Pinaabot lang sa akin nung janitor natin pinabibigay daw sayo” napamura na lang ako ng mahina dahil sa ginawa kong palusot. ‘Sana po di matisod si Mang Teddy’ siya kasi ang janitor namin dito. Tumalikod na ako at lumabas na sa classroom nila. Mga paborito ni Abi yun dahil nagtanong na siya at pinaluto niya yun sa kasambahay nila. ‘Magkaibigan nga talaga sila’ *** “Hi! Kanina ka pa?” tanong ko. Tumango siya. “Where do you want to go?” “Sa memorial circle tayo maganda kasi doon lalo na’t madilim na” turo ko sa labas. Late na rin kasi sila nagpalabas kaya ginabi na ako. Medyo nakonsensya nga ako kasi kanina pa siya naghihintay dito. May saltik kasi yung guro namin bitter ihh. “Ay! sumakto tayo ng dating bukas na” nakita ko ang bawat flow ng tubig pataas na may kasamang ilaw. “Tara doon may masarap na food doon” hinila ko siya at nakarating din kami sa isang ihawan. “What's that smell?” “Wag ka kasing lalapit masyado” sagot ko. Saka ako kumuha ng isaw, betamax at hotdog pati na rin barbecue. “Pahingi na rin po kami ng suka sa isang mangkok kuya ah. Ipapatikim ko lang dito sa kasama ko kung gaano kasarap ang tinda niyo” napasigaw sila sa saya. “Bibili ka rin ba ng s**o’t gulaman?” “Bakit kuya may gulaman at s**o ba yan?” tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo. “s**o lang po ang lahok niyan flavor lang po yung gulaman” nagtawanan naman ang lahat pati ang mga costumer niya. “Sige kuya 2 tig-20” tumango naman siya at inaya ko na si Jarred umupo sa loob. “Kilalang-kilala ka nila ah” “Dito kasi kami gumagawi ni Abi kapag nakakasabay kaming umuwi or minsan ako ang pumupunta rito kapag wala kaming ulam dito kami bibili” kwento ko. Nang naluto ay nilapag na ni kuya ang inorder namin pero ang mukha niya ay parang di maipinta. “Alam ko ang nasa isip mo, malinis yan at masarap pa di ba kuya?” tumango siya. “Opo sir di kayo magsisi kapag kinain niyo yan babalik-balikan niyo yan” kinuha niya ang isang isaw at kinain yun. “Hmm…. masarap nga” saad niya. “Di ba Sir” tumango siya. Kukunin ko na sana yung isang isaw ay kinain niya yun. “Ay grabe siya” *** “Ano? Solve ba?” tanong ko. “Thank you for experience sa pagkain ng ganun food” ngumiti ako sa kanya. “Naku, kailangan mo rin kumain ng kinakain talaga ng mga pinoy para naman di ka masabihan ng ignorante” saad ko. Tumawa lang siya sa sinabi “Yeah you're right kailangan ko na rin kumain ng mga yun” umupo kami sa isang upuan na malapit sa memorial circle. “Pero may limitasyon dapat dahil bawal ang sobra nakakasama sa kalusugan” paalala ko. “Opo nanay” napasimangot naman ako at tinawanan lang niya ako. “But you are health conscious huh?” “Syempre may pinsan akong student nurse” sagot ko pero nakatitig pa rin siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko. “I've been wanting to do this for a long time” nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako. Napapikit naman ako at di naman ako makaganti ng halik dahil di ako marunong humalik. Oo nakikinood ako sa mga kaklase ko pero sa totoong buhay ay di ako marunong humalik. Bumitaw naman siya at hinaplos niya ang mukha ko. “I love you Xiara” napatigil bigla ang nasa paligid ko nang sinabi niya ang katagang yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD