Chapter 22

1196 Words
“Huh?” “I said I love you” sagot niya. “Kailan pa?” tanong ko. “Noong naaksidente mo akong nahalikan” sagot niya. “Huh? Di pa naman tayo nagkakilala noon paano mo naman nasabi na mahal mo ako?” “Na-love at first sight” sagot niya. “Actually ngayon lang ako nakaramdam ng ganito because di naman ako naging ganito sa past relationship ko” saad niya. “Oo nga pala speaking of past relationship may nabanggit sa akin si Tita Dhalia tungkol doon sa ex mo. Ano bang nangyari at maghiwalay kayo?” Bigla naman siya natahimik. ‘Mukhang di niya nagustuhan yung tanong ko ah’ “Naku okay lang kahit di mo na sagutin yung tanong ko” pero bumuntong siya ng hininga. “I have a girlfriend named Pauline and nagtagal ang relationship namin almost 5 years. Maayos naman ang naging relasyon ko sa kanya at di naman kami magtatagal kung di ako masaya, right?” tumango ako. “Paano humantong sa hiwalayan niyo kung nagtagal kayo ng 5 years?” “She cheated on me” sagot niya. “Palagi sinasabi ng mga kaibigan ko na matagal na akong niloloko ni Pauline dahil nasa France siya at doon nag-aaral. Sumunod din ako sa kanya dati para doon na mag-aral ng kolehiyo. Di ko sila pinaniniwalaan at siya lang pinaniniwalaan ko dahil mahal ko siya. Ilang beses na din ako sinabihan ng parents ko pero ako rin yung di nakikinig sa kanila” kwento niya. ‘Tama nga si Tita Dhalia tanga pa nga siya noon sa pag-ibig’ “Hanggang sa bumalik na ako sa France at nahuli ko sila sa kwarto niya na wala nang saplot. Nagmakaawa siya sa akin na wag ko siyang iwan pero nagmatigas ako dahil feeling ko naapakan niya ang p*********i ko dahil di ko lang maibigay ang gusto niya” kwento pa niya. “Hanggang sa di ko na kayang magtagal pa doon dahil iniisip ko pa rin ang katarantaduhang ginawa sa akin ni Pauline kaya nagdecide ako na lumipat na lamang sa US para ipagpatuloy ang pag-aaral ko” ‘Kaya pala di ko siya kilala dahil di pala siya dito nag-aral ng college dito’ sina Xieron, Killian, Stephen, Jervy and Mico lang ang nakikita ko kapag dumadaan sila sa cafeteria. “So after nun wala ka nang balita sa kanya?” tanong ko. “Wala na matagal na at isa pa yung parents na lang ni Pauline ang nagpapakita kina Mommy dahil sila ang isa sa mga investor namin” sagot niya. “Pero grabe humantong ka talaga sa pagiging stalker ah para lang makita mo ako, yung totoo anong naisipan mo at bigla kang nagpakita” tinaasan ko lang siya ng kilay. “Dahil nararamdaman ko na balak mo nang sagutin si Matt kaya inunahan ko na siya” saad niya. ‘Kung alam mo lang patay na patay yun sa pinsan mo’ gusto ko lang matawa sa pinaggagawa namin ni Matt pero di ko na lang tinuloy baka malaman niya na nagpapanggap lang kami. “Kaya ganun ang ginawa mo grabe ka parang ayaw mo na akong pakawalan ah” “Ganun talaga dahil ayokong mawala ka sa akin dahil mahal kita” saad niya. “Ikaw ba, mahal mo ba ako?” tanong niya. Bumilis ang t***k ng puso ko at inisip ko ang sinabi ni Abi sa akin kahapon. ‘Kung ano ang tinitibok ng puso mo edi sundin mo kaysa naman pilitin mo na di mo siya mahal baka masiraan ka lang ng bait’ bigla naman ako napanguso sa huling sinabi niya. ‘Masasabi ko rin niyan kapag tuluyan nang nanligaw sayo si Xieron’ “Syempre, di ba ako maiinis or magseselos kapag may ibang babaeng kumakapit sayo na parang linta. Di rin naman kita hinahanap sa hapon kapag di ka pa dumadating” ngumiti siya sa akin at napatili ako ng buhatin niya ako at inikot. “Hoy! Ano ba! Nahihilo ako!” sigaw ko. Hinampas ko naman ang matigas niyang dibdib. Ako pa nga yung nasaktan ihh. “I’m so happy na mahal mo rin ako” ngumiti ako sa kanya. “I love you Xiara” hinaplos ko ang mukha niya. “And I love you too” sagot ko saka niya ako hinalikan. ‘Kahit dalawang buwan pa lang kami nagkakilala ay masasabi ko na ang pag-ibig ay di tiningnan sa mahaba o maiksing panahon kung di kung ano talaga ang nararamdaman mo sa isang tao’ *** “Taray, saya natin ah” pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si Abi na gumagawa ng assignment niya. “Bakit di ka gumagawa na assignment sa kwarto natin?” tanong ko. “Wala lang” tumingin naman ako sa itaas. ‘Mukhang gumagawa na naman sila ng milagro’ “Teka wag mong ibahin ang usapan” saad niya. “Inaya ko siya doon sa Memorial Circle” saad ko. “Huh? Ikaw ang nagyaya na pumunta doon? Baligtad ata dapat lalaki ang nagyaya di babae” sinamaan ko ng tingin si Abi. “Gaga! Siya kasi nagsabi na kung saan ko gustong pumunta kaya inaya ko siya doon sa Memorial Circle tapos inaya ko siyang bumili ng ihaw-ihaw” nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Pinakain mo siya ng ihaw-ihaw?” tumango ako. “Nung una nga nag-alinlangan pa siya pero nung tinikman na niya halos ubusan na niya ako ng isaw” napanguso ako at natawa naman siya sa reaksyon ko. “Tapos?” nag-init naman bigla ang mukha ko noong naalala ko kung paano niya ako hinalikan. Napakagat na lamang ako ng labi. “Ano? Bakit may pakagat ka ng labi?” “Hinalikan niya ako” sagot ko. Tumili naman siya. “Ano ka ba naman hinaan mo naman yung boses mo baka magising sila” saway ko. “Kinikilig lang ako! OMG nakuha na ni Jarred yung first kiss mo” mahina niyang tili. “Pero di ko alam kung tutugon ba ako sa halik niya” saad ko. “Ay, ano ka feeling innocent? Baks kahit sabihin mo first kiss mo siya abay nanonood ka ng mga kissing scene kapag nanonood tayo ng k-drama tapos sasabihin mo di mo alam kung paano tumugon ng halik” saad niya. “Syempre di naman agad natin mangyayari sa totoong buhay” depensa ko. “Baks kahit na dapat may alam ka din malay mo may mas hihigit pa doon sa halik syempre kailangan mo rin paghandaan yun” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Anong mas hihigit pa sa halik? Hoy! Abigail Jane Hernandez iwas-iwasan mo nga yung pagbabasa ng mga R-18 nahahawa ka na dyan ah baka bukas-bukas ikaw na ang mauunang magbuntis sa atin” banta ko. “Tss! Sinong bubuntis sa akin wala naman akong jowa baka kayo ni Megan ang mauuna” kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Abi. “Anong kinalaman ni Megan dito?” tanong ko. “Malalaman mo rin soon” akmang tatawagin ko sana siya pero umakyat na siya taas. ‘Bakit naman nasama si Megan? May nangyari na kaya sa kanila ni Jervy?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD