Tila palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni Abi kagabi tungkol kay Megan.
“Huy! Okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala” tanong ni Yam.
“Wala may iniisip lang” sagot ko.
“Sino naman? Wag mong sabihin si Jarred ah” umiling ako.
“Edi sino?”
“Si Megan” bigla naman ito natahimik.
“May sinabi kasi sa akin si Abi kagabi na baka raw kaming dalawa ang mauunang mabubuntis pero yung narinig ko yung name ni Megan parang iba yung iniisip ko kasi di ba ayaw ni Megan kay Jervy dahil lagi siya napapahamak” saad ko.
“Teh, in a relationship na sila, one month ago pa” nanlaki ang mata ko sa rebelasyon na sinabi sa akin ni Yam.
“Ano? Bakit di ko alam?” tanong ko.
“Kailan lang namin nalaman tungkol doon at akala ko nga alam mo na pero di pa pala. Di ba sinabi ni Jarred tungkol doon?” umiling ako.
“Kaasar!” binuklat ko na lang ang libro at saka ako nagbasa.
***
“Why are you so quiet?” tiningnan ko naman siya at di pinansin.
“Mon amour” bumuntong ako ng hininga at binaba ang phone ko sa mini table nito.
“Why didn't you tell me na in a relationship na sina Megan and Jervy?” tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.
“Mon amour” umatras naman ako.
“Bakit? Dahil di naman siya importante sa akin?”
“Hindi naman sa ganun” pero sinamaan ko siya ng tingin.
“Pero yun ang nararamdaman ko Jarred sa lahat ng kaibigan namin ako lang ang walang alam. Importante rin sa akin si Megan dahil nauna ko siya nakilala kaysa sayo” kinuha ko ang bag ko at saka ako lumabas sa office niya.
“KINOMPRONTA mo siya?” tumango ako. Nandito ako sa cafeteria dahil panatag naman ako at isa pa wala na sina Leila dahil expelled na siya kasama ang mga alipores niya. Di nila pwedeng sabihin na isa sa mga may shareholder sila dito sa University dahil mas malaki ang share ng mga Caballero kaysa sa kanila. Wala silang nagawa kung di expelled ang anak nila. Nalaman ko kay Jarred na pinag-aral na nila sa abroad si Leila dahil sa kahihiyan na ginawa niya dito.
“Ay teh bakit mo naman ginawa yun?”
“Nakakaasar ihh! Halos araw-araw na kaming magkasama ni Jarred tapos di pa niya magawang sabihin sa akin tungkol sa kanila at ako na lang talaga ang walang alam. Iniisip niya na di siya importante sa akin, mas nauna kong nakilala si Megan kaysa sa kanya noh” kinuha ko ang phone ko at nagchat sa akin si Xieron.
‘Sinabi ko na sa admin tungkol sa scholarship niya’ chat niya.
“Sino yun?” tanong ni Yam.
“Si Tita lang” palusot ko.
‘Okay sige, sinend ko naman yung mga paborito pa ni Abi. Ikaw na ang bahala kung paano mo yan ibibigay sa kanya baka magtaka yun sa akin. Alam mo naman malakas ang pakiramdam nun’ sabay send at nagthumbs up lang sa akin.
‘Pare-parehas sila ni Jarred’
Umuwi ako ng bahay ng mag-isa dahil naasar pa rin ako kay Jarred pero naabutan ko si Abi na nagluluto ng hapunan.
“Ohh ang aga mong umuwi”
“Maaga kasi kami natapos”
Nagring naman ang phone ko at kinuha ko yun.
“Si Tito bakit kaya?” sinagot ko naman ito.
“Hello Tito”
“Xiara, umuwi muna kami ng Tita Maris mo dito sa Pampanga may inaasikaso lang ako importante” saad niya.
“Ganun po ba”
“Pakisabi na lang kay Abi pagdating niya” tumango naman ako.
“Noted Tito” sabay patay niya ng tawag.
“Baks, nasa Pampanga daw sila Tito may inaasikaso lang daw siya doon”
“Kaya pala di ko nakita si Tita na nanonood kanina pagdating ko” saad ni Abi.
“Magpalit ka na doon at maaga tayong makakain dahil gusto ko nang magpahinga” umakyat na ako sa taas.
“Xiara! Si Jarred tumatawag” napahinto ako sa ikalimang baitang ng hagdan.
“Hayaan mo, kung di pa rin tumigil sagutin mo na lang at sabihin mo na tulog ako” sabay akyat sa taas.
‘Ayoko pa rin siya kausapin’
***
Lumipas ang ilang araw ay sinusuyo ako ni Jarred at ako naman ay panay iwas sa kanya. Kamuntikan ko na ngang sumama kay Matt pero ang sabi ng loko mahal pa daw ang buhay niya at gusto pa niya makaranas ng heaven kaya wala akong choice kung di wag idamay si Matt dahil kawawa naman si Izumi.
“Mon amour” patuloy lang ako sa paglalakad.
“Please talk to me di ko naman intensyon na di sabihin sayo tungkol sa kanila at isa pa wag mong iisipin na sinasabi ko na di siya importante sayo. Lahat ng kaibigan mo alam ko na sobrang importante sayo” saad niya. Di na akong muling naglakad pa at humarap sa kanya.
“Pero yun ang nararamdaman ko Jarred” angil ko.
“Sorry please bati na tayo, di ko kaya na galit ka sa akin” hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Akmang hahalikan na sana niya yun pero may tumawag sa phone ko.
“Si Tito” sinagot ko naman ito.
“Okay po Tito” sabay baba ng phone.
“Why? Is there a problem?”
“Ewan, sabi lang niya umuwi muna ako at may importante lang daw siyang sasabihin” sagot ko.
“Let's go ihahatid na kita” kinuha na niya ang kamay ko at nakita yun lahat ng mga student dito sa University.
‘Kapag inggit pikit na lang, eme!’
Pagdating ko ng bahay na kasama si Jarred ay naabutan namin nagiiyakan ang mag-Tita.
“Ano pong nangyari Tito?” tanong ko. Umupo naman kami sa sofa.
“Your Tita Maris’ mother got accident 2 days ago” napatakip ako bigla ng bibig dahil sa labis na pagkagulat. Hinaplos naman ni Jarred ang likod ko.
“Paanong naaksidente?”
“Sabi ng mga nakakita di daw yung basta aksidente lang daw dahil nakita nila yung kotse at yung plaka ay kotse daw ng mayor namin sa San Jose Del Monte sa Bulacan” kwento ni Tita.
“Iniimbestiga na nila Damien ang nangyari kaya kami bumalik dito sa Maynila para sabihan kayo na lumipat na” saad ni Tito.
“Bakit po kailangan din namin lumipat?” tanong ko.
“Dahil delikado kayo dito lalo na si Abi dahil alam ng mayor na yun na malapit siyang pamangkin ng Tita mo baka siya ang gawin pain para lumabas ang Tita mo at magpakita sa kanya” sagot ni Tito.
‘Grabe naman ang pagkaobsession nun kay Tita kahit may mamatay o madisgrasya okay lang sa kanya. Mabuti na lang mabait si Jarred’
“Ihh saan naman po kami lilipat?” tanong ko.
“Kami ng Tita mo ay doon muna kay Tati Gayle mo habang pinapagawa ko pa ang bahay namin sa Makati habang kayo ay maghahanap ng dorm or condo unit pansamantala pero si Abi ay doon daw muna siya sa dorm ng kaibigan niyo”
“Ako saan?”
“Sa condo unit ni Jarred” nanlaki ang mata ko.
“What?” tumingin naman ako sa katabi ko at ngumisi naman ito.
‘No cannot be!’