Chapter 24

1221 Words
“We're here” bumaba siya sa kotse at pinagbuksan niya ako. “Wait me here” tumango na lang ako at tinitingnan ang bawat paligid ng condominium. ‘Shala! Ang ganda’ Nang sabihin ni Tito yun ay gusto ko sana umangal pero sinabi na rin sa kanila ng parents ko na pagsamahin na kami sa iisang bubong kahit hindi pa kami kasal. Pagkasabi niya ay hinanda ko na ang mga gamit ko at gamit ni Abi. Tumawag na siya kay Megan na doon muna siya tutuloy at uuwi lamang siya sa Taguig kapag weekend. “Let's go” kinuha niya ang mga gamit ko pero pinigilan ko siya. “Ako na” pero di pa rin ito tumigil at kinuha niya pa rin. Pagkadating namin sa 16th floor ay nakarating na kami sa unit niya. “Wow! Malaki pala siya” nilapag na niya ang mga gamit ko at umupo ako sa sofa niya. Kitang kita ko dito ang mga nagliliwanag na building. “Alam mo yung condominium na tinitirhan nila Tita Maris wala man lang ganito para apartment lang talaga siya” kwento ko. “Did you like it here?” tumango ako. “Oo naman maganda dito tatambay at magbabasa ka ng libro” sagot ko. “Anyway, where's my room pala?” “Let’s go ipapakita ko sayo yung room” tumayo ako at kinuha niyang muli ang mga gamit ko papasok sa magiging room ko. Pagkapasok ko ay nanlaki ang mata ko dahil parehas din ito sa living room. “OMG! Meron dito!” tumango siya. Lumapit naman ako at binuksan yun at tumama sa akin ang hangin na ikinataas ng konti ang buhok ko sabay tingin kay Jarred. “Ang ganda dito at saka ang sarang ng simoy ng hangin” saad ko. “Pumasok ka na baka magkasipon ka pa” utos niya at pumasok naman ako dahil baka magkasipon pa ako. Mahirap na masyado pa naman mahigpit ang isa sa mga teacher namin pagdating sa absent. Kulang na lang magpahospital kami para lang may pruweba na nagkasakit kami. “Ilagay mo na ang mga gamit mo sa cabinet” tumango ako at binuksan ko ang cabinet at may nakita akong bakante doon. “Kanino yung mga damit nandoon?” tanong ko. “That's mine” kumunot ang noo ko. “Sayo ito? Teka saan ba yung kwarto mo?” “Dito” “What? Why here?” “Bakit hindi dito? Dito yung kwarto ko so we're sleeping here together” sagot niya. “Wala bang ibang room dito?” tanong ko pa. “Meron naman pero nakalock yun” sagot niya. “Edi doon na lang ako” “May natutulog doon mamaya pa ang uwi” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “At sino naman?” “Si Killian” sagot niya. “Wala ba siyang bahay or condo unit na tinutuluyan?” umiling siya. “Malayo ang bahay niya” yung lang ang sinagot niya. “Magluluto na ako ng hapunan natin” tumango ako at lumabas siya. Napanguso na lang ako dahil mukhang wala na akong takas pa. *** “Kamusta ang marupok gurl” sinamaan ko ng tingin si Yam. Ilang araw lang kasi na di ko pinapansin si Jarred ay okay na kami agad kaya sinabihan nila ako na marupok. ‘Tss! Pustahan tayo magiging katulad niyo rin ako’ “Eto, nagulat dahil di lang pala kami titira sa iisang bubong kung di matutulog pa sa iisang kama” napatakip bigla ng bibig si Yam, Jessa at Patricia yung tatlo naman ay walang reaksyon. “So ibig sabihin matutulog kayong magkasama ngayong gabi?” tanong ni Jessa. “Oo tinanong ko siya kanina kung may bakante pa meron daw pero doon daw natutulog si Killian kapag di na nakakauwi sa bahay nila” sagot ko. “No choice ka girl pero kung natatakot ka na may pwedeng gawin sayo si Jarred go” sinamaan ko ng tingin si Yam. ‘Kahit kailan kung makaadvice siya akala niya sa akin easy to get girl’ “Hoy! Bibig mo Yashiro Emmanuel baka marinig ka ni Jarred” saway ni Jessa. Natawa naman ako bigla dahil binanggit ni Jessa ang tunay niyang pangalan. “Yuck! Don't mention my real name jombagin kita pagpasok natin bukas” natawa naman siya. “Sorry pero wala akong klase bukas” saad niya. “Bakit?” tanong ni Winslet. “May event alam mo naman hate ko yun” sagot niya. Senior high school pa lang siya noon at may event para sa kanilang ABM month ay siya ang nagmanage nun but may nangyaring di maganda. Nagkaroon ng sabotage at sa kanya sinisi ang nangyari dahil doon ay kamuntikan na siyang di makagraduate mabuti na lang ay second sem ay lumipat na siya ng school at naging okay naman ang buhay niya doon kaya lang kapag may mga event ay nagbabayad na lamang siya saka di siya aatend dahil natrauma na siya noon. “Jessa matagal naman na yun ah” saad ko. “Girl kahit matagal na yun kung yung scenario pumapasok pa rin sa isip ko” di na lang kami nakaimik at pumintig ang tenga ko nang may pumihit ng pintuan. “Kitakits na lang tayo bukas” bulong ko sabay patay ng iPad. Sinuklay ko ang buhok ko na patuyo na. “Naligo ka na?” tumango ako. Kumuha siya ng damit at saka pumasok sa loob ng banyo. Binuksan ko naman muli ang iPad ko at nabasa ko ang mga chat nila na puro katarantaduhan at nangunguna si Yam. Wala sina Megan, Winslet at Abi dahil mukhang nag-aaral ang mga ito pero itong tatlo ay mukhang wala pang balak matulog or mag-aral. Nagchat naman ako sa kanila at mukhang pati ako ay gumawa na rin ng kagaguhan sa chat. Nagulat naman ako nang lumabas na si Jarred galing banyo sabay patay na rin ng iPad. Napalunok ako bigla dahil sa suot niyang itim na sando na may boxer. “G-ganyan yung suot mo kapag natutulog ka?” “Yes, why? Is there a problem?” umiling ako. Sumampa na siya sa kama at ako naman ay dumadasog para lumayo sa kanya. “Bakit lumalayo ka?” “Ahhm kukunin ko lang yung cellphone ko” sabay kuha ng cellphone ko sa table at binuksan yun saka ako nagset ng alarm. ‘Mahirap na baka malate ako sa kasarapan ng tulog. Wala na rin kasing manggigising sa akin. Kung meron man baka ahas na yun sa baba ni Jarred’ “Tutulog na ako” sabay talukbong ng kumot. “Lumapit ka dito masyado kang malayo baka mahulog ka diyan” “Okay lang ako dito” saka ko pinikit ang mata ko pero napatili ako ng hilahin niya ang kumot ko ng full force kaya napayakap siya sa akin. “Magkukumot din kasi ako malamig kasi” “Edi kumuha ka ng extra na kumot” saad ko. “Wag na pwede naman ako magpainit” sabay bulong sa tenga ko. “Siraulo ka ba?” tumawa lang siya ng malakas. “Chill! Wala naman ako gagawin sayo unless gusto mo” nanlaki ang mata ko at napatili bigla sabay taklob ng kumot. “Kyahh!!!! Your so bastos!” tumawa lang siya ng malakas at niyakap niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD