Kinabukasan ay nag-alarm agad ang cellphone ko at saka ako biglang bumangon.
‘Ngayon ko lang naalala na wala pala ako sa bahay’ bumaba na ako sa kama at saka ako dumiretso na sa banyo para maligo.
“Good morning” naabutan ko si Jarred na nagluluto ng agahan namin.
“Morning din”
“Patapos na ito umupo ka na” umupo na ako at kinuha ko ang cellphone ko saka ko binuksan.
“Ano naman problema ng mga ito?” sabay chat sa kanila.
“May problema ba?” umiling ako.
“Wala sa reporting lang” sagot ko. Nilapag na niya ang mga ulam at kanin saka ako kumuha.
“Anyway balak na sana kitang gisingin kanina after kong magluto because sinabi akin ni Abi kaninang umaga na kailangan kitang gisingin dahil minsan daw na nag-alarm ka ay di ka agad nagigising baka tanghaliin ka pa sa pagpasok” napatigil ako sa pagsubo ng pagkain sa sinabi niya.
‘Lokong Abi na ‘to pati sa paghirap kong paggising sinabi niya. Lagot siya sa akin mamaya’
Napanguso na lang ako dahil wala akong masabi sa kanya sabay subo ng pagkain.
***
Pagkadating namin sa Sweet Cafe ay naabutan ko sina Abi na nagbabasa ng kanilang libro.
Hinila ko ang buhok niya.
“Aww!!” Napalingon ito sa akin.
“Grabe! Gigil na gigil ka” sinamaan ko siya ng tingin.
“Bakit mo naman binanggit kay Jarred tungkol doon sa di ko paggising agad” maktol ko.
“Ay nasabi ko ba?” Palusot niya.
“Ay hinde” sabay hila ng upuan at kinuha ang matcha cake niya. Tinikman ko naman yun.
‘Mukhang may magbibigay na naman ng cake sa kanya mamaya’ dahil sasabihin ko yun kay Xieron. Wala naman palag si Jarred dahil kapag binawalan niya ako makipag-usap kay Xieron tungkol lang kay Abi ay sa sala siya matutulog.
“What's up!” nakita ko si Winslet na lumabas galing sa office at mukhang happy.
“Mukhang happy ka ah” ngumiti siya sa akin pero ang ngiti niya ay ngiting in love.
“Hmm…. Parang may kakaiba ang ngiti mo ah” tukso ni Megan. Namula naman ang pisngi nito.
“Ano ba naman kayo masaya lang ako kasi maganda yung kita ngayon ng Sweet Cafe ngayon buwan” palusot niya.
“Sus! Maniwala” panunukso ni Yam.
“Oo nga wait bibili na ako ng snack dahil sasabay ako sa inyo pagpasok” tumayo na siya at bumili ng kakainin niya.
“Alam mo maganda maging kasosyo si Winslet” saad ni Megan.
“Why?”
“Kasi di siya yung tipo ng tao na kapag sarili niyang negosyo ay di niya babayaran. Alam niyo ba nung unang nakilala namin si Winslet ay bumili siya ng food niya at binayaran pero syempre tinanong namin yun at sabi niya ay mas maganda raw kung babayaran mo yung binili mo para daw makita mo yung tubo at puhunan mo sa negosyo” kwento niya.
“Ay korek ka dyan sis sinabi din sa amin yan ng entrep teacher namin” saad ni Yam.
“Lahat naman ata ng course may entrep” saad ni Abi.
“Pati tayo meron?” tanong ni Patricia.
“Oo, nakita ko yung mga schedule ng ibang year pero second sem pa naman yun girl ng third year” sagot ni Abi.
“Anong purpose naman yun at meron tayong ganun?” kumibit balikat siya.
“THAT'S all thank you” nagpalakpakan naman ang lahat ng natapos kaming magreport. May mga tanong din ang mga prof namin at sinagot ko naman yun iba at sila naman sa mga madadali.
‘Grabe parang gusto kong magwala ah pero okay naman yun dahil natapos na rin ang walang katapusan report’
“Natapos din sa wakas” ngumiti ako sa kanila.
“Celebrate tayo” saad nila.
“Kayo na lang” saad ko.
“Ay oo nga pala may bebe Jarred na pala siya” napanguso ako sa kanila.
“Alam niyo naman na di ako papayagan nun” saad ko.
“Try mo kapag di pumayag tumakas ka na lang” bigla akong napaisip.
“Try ko mamaya” saad ko. Nagapir naman silang lahat.
‘Minsan lang naman ihh’
“SIGE na pumayag ka na di naman kami baba magpapareserve naman sila ng VIP” pakiusap ko.
“Still no mon amour paano kung may mangyari sayo na di maganda baka di ka pa tulungan ng mga kaklase mo remember nung nalasing ka naaksidente mo akong nahalikan” napanguso naman ako.
‘Alam ko naman yun kaya nga nandito ako sa unit mo at nakatira kasama ka’
“Di naman ako magpapakalasing” pilit ko.
“Sige na magpalit ka na doon matatapos na ‘to” tumango naman ako at wala na akong magawa kung di pumasok sa loob ng kwarto namin.
***
“Ay di kaya pinayagan” tumango ako. Kausap ko ang isa sa mga kaklase namin at kagrupo ko sa reporting. Naliligo ngayon si Jarred at ako naman ay kanina pa ako naligo.
“Edi tumakas ka na lang” suggestion niya.
“Di ako makakatakas bantay sarado yung condo na tinutuluyan namin” saad ko.
“Ano bang name nung condominium na tinutuluyan mo?”
“Luxury Stars Condominium” sagot ko.
“Ay di ka nga makakatakas” sumulpot naman ang isa ko pang kagrupo.
“Bakit naman?”
“Dahil yung fiancè ni Xiara ang may-ari nun” sagot niya.
“Ay oo nga pala” napanguso na lang ako.
“Babaunan ka na lang namin ng pulutan” biro niya.
“Mas mahal pa nga itong pulutan kaysa inumin biruin mo binili nila 5 sisig hati sila sa isang sisig tapos yung isa kulang na lang magdala ng kanin” reklamo nila. May narinig naman akong nag-ring at kinuha ko yun.
“Oh siya enjoy na lang kayo diyan” nagpaalam na sila at ako ay pinatay na yung tawag saka ko sinagot ang tawag ni Yam.
“Mukhang di ka natuloy ah” tumango ako.
“Ayaw akong payagan tapos sinabi pa niya kung may balak raw akong tumakas di ko raw magagawa yun dahil bantay sarado ako doon sa parking at sa lobby” tumawa ng malakas ang gaga.
“Mukhang natakot si Jarred na gawin mo sa iba yung ginawa mo sa kanya” napanguso ako sa pang-aasar sa akin ni Yam.
“Di naman kasi ako magpapakalasing” sagot ko.
“Edi pwede naman natin gawin yan bukas” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Paano?” tanong ko. May pinakita sa akin message si Yam.
“Si Izumi nagchat sa akin magbar daw kami kasama si Matt and then she said na isama kita kaya sakto di ka pinayagan magbar so baka bukas pwede na” sagot niya.
“Paano naman yun baka di pumayag yun?” tanong ko.
“Kaming bahala ni Izumi dun” sagot niya.
“Sige, ipapaubaya ko na lang basta ahh di ako mapapahamak dyan”
“Oo sige na mukhang nandyan na yung bebe mo” pinatay na niya ang tawag saka ako humiga at tumagilid narinig ko naman bumakas ang pintuan ng banyo at naamoy ko ang bagong ligo niyang amoy. Pinikit ko na lamang ang mata ko pero di pa natagal ay may yumakap sa likuran ko.
“Nagtatampo ka ba?” Di ako sumagot.
“Ayaw lang kita mapahamak dahil di ko naman masyadong kilala ang mga kagrupo mo sa reporting niyo” napapikit na lang ako ng mariin.
“Hey, mon amour , please talk to me. Kakabati lang natin nag-aaway na naman tayo” di ko siya pinansin at tila may kuryenteng dumaan sa katawan ko nang halikan niya ang leeg ko.
‘Masyado naman advance si dadeh’ kaya humarap na ako baka kung saan pa mapunta yung halik niya.
“Di naman ako galit naiinis lang ako, minsan lang kasi ako magbar ulit” saad ko. Ngumiti siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.
“Next time na lang mon amour pero dapat kasama ako” saad niya.
‘Paano kaya kung sina Izumi at Yam na ang magpaalam sayo, papayagan mo ba kaya ako?’