I’m here sa Sweet Cafe ni Winslet at hinihintay na dumating sina Yam at Jessa. Yung tatlo kasi ay may sariling lakad at mukhang importante yun. Mabuti na lang ay pinayagan akong lumabas ni Jarred dahil ako lang naman ang mag-isa sa unit at siya ay pumunta sa Batangas para tingnan ang site na pinapagawa nilang branch ng Mall. Bukod kasi sa mga condominium at mga iba properties ay mayroon din silang sariling Mall at marami na rin itong branch sa buong Pilipinas.
“Kanina ka pa nandito?” dumating na rin sila at umupo.
“Hindi naman” sagot ko.
“Himala, pinayagan ka?” Tumango ako.
“Ako lang ang mag-isa sa bahay at isa pa wala naman siya ngayon nasa Batangas. Tinitingnan yung pinapatayo nilang branch ng mall kaya ayun pinayagan ako” sagot ko.
“Pero ang tanong papayagan ka bang sumama mamaya?” bigla naman ako di nakapagsalita at uminom lang ng iced coffee.
“Ay napainom bigla it means….”
“Di pa ako nakakapagpaalam” saad ko.
“Ay teh kailangan pa kami ang magpaalam sayo?” tumango ako.
“Bakit di na lang ganito, what if si Izumi na lang ang magpaalam sayo?”
“Ay great idea wait tatawagan ko si Izumi” tumayo naman si Yam at tinawagan si Izumi.
“Girl akala ko pa naman ikaw ang magpapa-under kay Jarred bakit mukhang ikaw pa ang naunder?” tanong niya.
“Minsan siya naman ang nagpapaunder ahh” sagot ko.
“Pero madalas ikaw, alam mo bes kapag kinasal na kayo dapat di ka papayag na sumunod lang sa kanya dapat siya ang pasunurin mo para naman makabawi ka” tumataas pa ang kilay ng gaga sa advice niya sa akin.
‘Parehas sila ni Abi kung makaadvice’
“Nakausap ko na sakto daw nasa Batangas siya para bisitahin yung Tita namin and tatawagan daw niya para makisabay sa pag-uwi” saad niya.
“Ayun pala”
“Sasama ka ba Jessa?” tanong ko. Tumango siya.
“Para naman tuluyan kang payagan kaya lang kailangan din mag-ingat sa pagpaalam lalo na't kasama natin si Matt alam mo naman dati mo siyang manliligaw di ba?” napalunok naman ako bigla at napatingin kay Yam.
‘Mukhang wala pa silang alam tungkol sa nangyaring pagpapanggap namin ni Matt’
“Oo nga pala nasaan si Winslet?” Tanong ni Yam.
“Di ko nga alam kasi pagdating ko wala siya rito” sagot ko.
“Wait ask natin sa tauhan niya” tinawag niya ang isa sa mga tauhan ni Winslet at tinanong kung nasaan ang kanilang lady boss.
“Wala po si Mam Winslet nasa Pampanga po siya may inattend lang pong birthday party” saad niya.
“Ay oo naalala ko na birthday pala ni Hersey ngayon” saad ni Jessa.
“Wow! Updated ahh”
“Syempre accountancy din kasi ang kinukuha niya at isa pa narinig ko lang naman na ininvite niya yung crush niya sa section namin si Axell” kwento niya.
“You mean Axell Villafuerte?” tumango siya.
“Sino yun?” tanong ko.
“Di mo ba siya kilala?” umiling ako.
“Magtatanong ba ako kung kilala ko siya” bumuntong siya ng hininga.
“Si Axell Villafuerte ay kabilang sa Villafuerte Clan and take note anak siya ng isang Mafia Boss. Di ko sure ah pero may nagsasabi na siya raw ang mamahala ng mga negosyo nila lalo na yung mga armas at mga sasakyan” napahanga naman ako sa kinuwento ni Yam.
“Siya daw ang katunggali ni Xieron pero may nagsasabi daw na di naman sila nakipagtunggali pagdating sa yaman at dami ng properties nila” kwento pa niya.
“Ay shala kasing yaman pala nila si Xieron ahh” komento ni Jessa
“Oo and iba sa mga angkan ng Villafuerte ay nag-aaral sa Ateneo at siya lang daw ang bukod tanging nag-aaral sa UP” kumunot ang noo ko.
“Bakit naman na siya lang ang nag-aaral doon?” tanong ko.
“Ewan di alam nang karamihan kung anong dahilan kung bakit mas pinili niya doon mag-aral” sagot niya.
“Pero girl alam mo ba kung sino pa nandun sa birthday ni Hersey” saad ni Jessa.
“Sino pa ang nandun?” tanong ko.
“Si Megan” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Ano?!”
‘Ang sabi nila may importante silang lakad, ano ito?’
“Nakita kasi namin yung story ni Megan kanina lang and nakalagay yung lugar so speculation ko ay kasama niya si Jervy doon” sagot niya.
“Ay oo nga pinsan pala ni Hersey si Jervy” hinayaan ko muna sila mag-usap at uminom ng Iced coffee.
Lumipas ang dalawang oras at nanonood lang ako sa kanila at nakikitawa din kapag may mga nakukwento sila tungkol sa school at sa mga teacher namin.
“May tumatawag ata” napahinto naman sila nang may narinig silang tawag.
“Sayo ata Xiara” kinuha ko ang phone ko at si Jarred ang tumatawag.
“Si Jarred” suminenyas siya na sagutin ko yun.
“H-hello”
“Mon amour, I allowed you na sumama kay Izumi sa restobar niya” napalunok ako at tumingin kay Yam.
“Talaga ba?”
“Yeah I know Izumi a lot kaya papayagan kitang sumama sa kanya” gusto kong tumili pero bawal.
“Thank you hubby” sabay baba ng phone at nakatitig lang sa akin ang dalawa.
“Bakit?”
“Ay shala may endearment na sila” namula ang mukha ko at naalala ko ang sinabi ko kanina.
‘s**t!!’
“Ano ka ba naman normal naman na may endearment sila remember ikakasal na sila next year” napakagat na lamang ako sa labi.
***
“Mabuti na lang malakas ako kay Kuya Jarred” saad ni Izumi.
Nandito kami sa bar niya at nasa baba pa. Di alam ni Jarred na dito kami pupunta, ang alam lang niya ay sa restobar ni Izumi lang kami pupunta.
“Izumi, di kaya puntahan tayo ng kuya mo doon sa restobar?” tanong ko.
“Di yan kasi busy yun lalo na't may dinner meeting yun sa kliyente niya” sagot niya.
“Oo nga pala anong purpose at nag-aya ka Izumi?” tanong ni Yam. Hinawakan naman ni Matt ang kamay ni Izumi.
“Ano yan bakit may pahawak sa kamay?” ngumiti sila kay Yam.
“We're official” nanlaki ang mga mata namin at tumili sila at niyakap si Izumi.
“Kaya pala iba yung ngiti ni Matt kahapon ahh” panunukso ko sa kanya.
“And confident pang sumagot” namula naman ang mukha ni Matt.
“Ay kalalaking tao namumula” binato naman ako ni Matt ng mani.
“Wag niyo na siyang asarin” saway niya sa amin.
“Opo di na po” sagot namin.
“Ano pa hinihintay natin let's celebrate” sigaw namin.
“Cheers!!” sabay inom ng margarita.
“Namiss ko ‘to” saad ko.
“Kaya sulitin mo na baka sa susunod di ka na payagan ng husband-to-be mo” saad ni Izumi.
“Talaga susulitin ko ito” may narinig kaming beat ng music at sinabay namin yun. Inaya ko sina Jessa at Yam sa center stage para makisayaw sa kanila.
“Let's party!!” Sigaw ko at nagheadbang kami dun. Mukha nga kaming mga tanga doon pero syempre kakaganun namin ayun nahilo kami.
“Wait kukuha ako ng inumin” pumunta ako sa gawi nila. Iniwan namin ang dalawa na naglalampungan doon pero namutla ang mukha nila na may nakita silang kakaiba. Kumuha ako ng margarita sa bar counter at saka ko ininom yun. Humingi akong muli pero nahinto lamang ang bar waiter sa pagbigay sa akin ng margarita.
“Xiara….” Napalunok ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Napalingon naman ako bigla at laking gulat ko na si Jarred pala yung at masama ang tingin niya sa akin.
“H-hi Jarred” kaway ko.
“Let's go umuwi na tayo” bigla niya akong hinila at nagpaalam na kina Izumi at Matt. Di na ako nakapagpaalam sa dalawa at mukhang busy sila sa kakasayaw doon.
‘Paktay ako nito pagdating namin sa bahay’