Hapon na nagising ako at naabutan ko na wala si Jarred sa tabi ko. Walang kaso sa kanya ang kulay ng kwarto ko na color purple because it's my favorite color when I was young. Dapat nga sa guest room siya pero dahil bida-bida si mommy ay kwarto ko niya pinatuloy si Jarred.
“Saan naman kaya pumunta yun?” bumaba ako sa kama at pinusod ang buhok saka ako lumabas ng kwarto at bumaba.
“Manang, si Jarred po?” tanong ko.
“Umalis kasama ang daddy mo para mag-firing shooting range” kumunot ang noo ko sa sinagot ni Manang.
“Nang ganitong oras po?” tumango siya.
“Aba'y di ba po sa umaga lang po ginagawa yun?” tanong ko.
“Di ko alam anak alam mo naman wala akong alam sa mga pinagkakaabalahan ng daddy mo, ang alam ko lang ay mahilig yun sa golf” lumaki kasi si Daddy at Tito Kyron na kasama nila si Manang Lolit. May nanny din ako at yun ang kapatid ni Manang Lolit si Nanay Lorna pero nagretired na siya at umuwi sa Ilocos. Nung una ay di ko tanggap na aalis na siya pero pinaitindi sa akin ni Mommy. Namatay ang asawa niya dahil sa atake sa puso. May mga anak siyang naiwan kaya kinailangan niyang umalis.
“Gusto mo bang magmeryenda?” tumango ako.
“Yung paborito ko po sana” request ko.
“Sige gagawan kita”
“Padala na lang po sa labas po nasa tabi lang naman po ako ng pool” ngumiti siya sa akin kaya lumabas ako at umupo doon.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Abi. Gusto ko sanang tumawag kay Yam baka tulog pa ito. Natutulog yun sa tanghali ng two hours pero minsan ay di ito natutulog dahil may ginagawa.
“Napatawag ka?” napanguso naman ako sa bungad ni Abi.
“Grabe ka naman di ba pwedeng gusto ko lang tumawag dahil wala akong makausap” sagot ko.
“Nasaan yung fiancè mo?”
“Wala, inaya daw ni Daddy na mag-firing shooting range” sagot ko.
“Huh? May naglalaro ba nang ganitong oras?”
“Di ko alam, magugulat na lang din ako if inaya siya ni Daddy na maglaro ng golf ng ganitong oras” pamimilosopo ko. Tumawa naman siya
“Teka, saan pala siya tumutuloy?” Tanong niya.
“Sa bahay namin… sa mismong room ko”
“OMG! Totoo?” gulat na tanong ni Abi.
Mukhang nahahawa na sa akin si Abi kaya minsan napapagsabihan ako ni Tito Kyron tungkol sa attitude ko. Wala siyang magagawa may kasama rin kasi siyang balahura minsan ang bibig, sina Yam at Megan.
“Kung sa kwarto mo siya tumutuloy, anong reaksyon niya nung nakita niya yung kwarto mo na punung-puno ng mga stuff toys at dolls?” tanong niya.
Mahilig kasi ako sa mga dolls nung bata pa ako at di ko pinamimigay yun dahil ayoko. May pinamimigay naman ako yung di ko na masyadong gusto pero bata pa ako nun. Karamihan sa mga yun ay bigay nila at ang pinakagusto ko doon ay yung doll na pumipikit bigla na may kamahalan nga lang. Si Lola ang nagbigay nun sa akin at ang presyo daw nun ay umaabot ng 100k.
“Ayun sabi niya cute daw” sagot ko. Yun lang ang naging comment niya sa kwarto ko kung sa iba yan ay sasabihan na ako ng isip bata pero siya walang pakialam dahil mukhang alam niya ang kinahihiligan ko noong bata pa ako.
‘Syempre part kasi nung nang pagkaobsession niya sa akin kaya alam niya dapat ang lahat sa akin. Eme’
“Paano kaya kung nakita pa niya yung kikay days mo?” tanong niya. Naalala ko nga pala meron pala ako nung picture nun at nasa album pa. Spoil ako kay Lola noon bata pa ako at teenager kaya minsan napapagsabihan siya ni Daddy pero ang sinasabi lang ni Lola ay ito lang ang kaligayahan niya lalo na't unang apo niya ay babae pa.
“Ewan subukan lang niya ako pagtawanan sa labas siya matutulog” tumawa siya ng malakas.
“Eto na yung meryenda mo” nilapag na ni Manang ang meryenda ko.
“Thanks po manang”
“Si Manang ba yan?” mukhang nabosesan ni Abi si Manang.
“Oo naghatid kasi siya ng meryenda ko” sagot ko.
“Manang kakausapin ka daw po ni Abi” binigay ko sa kanya ang phone ko.
“Abi, kamusta ka na?”
“Eto po maayos po ako, kayo po diyan?”
“Eto humihinga pa” biro ni Manang.
“Si Manang talaga” saad ko.
“Wag mo akong aalahanin malakas pa ako at makikita ko pa rin ang magiging anak niyo sa hinaharap” napalunok ako bigla sa sinabi ni Manang.
‘Basta sigurado ako safe ako nung araw na may nangyari sa amin ni Jarred’
“Sige ibibigay ko na ito kay Xiara” bumalik ako sa wisyo at binigay sa akin ni Manang ang phone ko.
“Papasok na ako sa loob kapag may kailangan ka tawagin mo na lang ako” tumango ako at pumasok na sa loob si Manang.
“Kanina pa ako nagsasalita di ka naman umiimik”
“Sorry”
“Oo nga pala, sinabi mo na ba kay Jarred tungkol doon sa pagbabalik ng ex-girlfriend niya?” tanong niya.
“H-hindi pa”
“Ay bakit di ba sabi mo tatanungin mo siya tungkol doon dahil nababahala ka”
“Wala naman ako sinasabing ganun ah”
“Pero yung iniisip mo ay parehas din sa sinabi ko” saad niya.
“Susubukan ko mamaya”
“Sure ka?” tanong niya
“Oo, kapag di siya pagod” sagot ko.
“Ikaw ang bahala kaysa naman kung ano-ano iniisip mo” bumuntong ako ng hininga saka ako kumain ng meryenda na hinanda ni Manang.
***
“Kanina ka pa tahimik may problema ba?” mukhang kanina pa niya napansin ang pagiging tahimik ko.
“May tanong lang sana ako pero wag ka sana magagalit ah”
“Ano ba yun?”
“Ahmm…. What if bumalik yung ex-girlfriend mo, anong gagawin mo?” tanong ko.
“Kaya ba di ka kumikibo dahil ba doon?” tumango ako.
“It simple wala” kumunot ang noo ko sa sinagot niya.
“Yun lang?” bumuntong siya ng hininga.
“Mon amour, wala akong pakialam kahit bumalik siya rito sa Pilipinas at isa pa” hinawakan niya ang mukha ko.
“Ikaw na ang mahal ko at di ako papayag na siya lang ang makakasira sa atin” ngumiti ako sa kanya at hinalikan niya ako sa labi.
“Saan mo nalaman tungkol dyan?” nginitian ko lang siya.
“Ahmm kay Megan”
“Yung totoo” pumikit ako ng mariin at bumuntong ng hininga saka ako nagmulat.
“Kay Xieron” pag-amin ko.
“Mukhang close na close kayo ni Xieron may kailangan ba ako ikaselos?” tanong niya.
“Ano ka ba naman?! Syempre wala, tinutulungan ko lang siya para mapalapit kay Abi pero hanggang doon lang yun” paliwanag ko.
“Tss!! Napakatorpe talaga niya kahit kailan” napailing siya sa kinikilos ng kaibigan niya.
“Tss! Parehas lang kayo noh!” pangbabara ko.
“Anong parehas?”
“Kung di ko pa kinuntsaba si Matt na magpanggap na manligaw sa akin di ka pa magpapakita” sagot ko. Di naman siya nakasagot.
“Maghalf-bath na ako” kinuha ko ang bath robe ko saka ako pumasok sa banyo.
***
Dumaan ang monday at may nakita akong isang bulaklak na nakalagay sa basket.
“Ano pong meron?” tanong ko.
“Pupunta ng sementeryo” sagot ni Daddy.
“Ano po ang gagawin natin doon?” tanong ko.
“May bibisitahin lang tayo, sige na gisingin mo na ang fiancè mo at aalis na tayo hinihintay lang namin dumating si Xiander” tumango ako at umakyat na.
May event sila nung saturday kaya di siya nakauwi dito sa Angeles.
“SINO po ba ang dadalawin natin Lola?” tanong ko. Nakarating na kami agad sa isang private cemetery dito sa Angeles. May nakita akong lapida na may nakapangalan Baby Ellaine.
“Sino po si Baby Ellaine?” takang tanong ko.
“My daughter” sagot ni Lola. May naramdaman akong hangin na tumama sa mukha ko na ikinahangin ng buhok ko. Bumalik ang tingin ko sa lapida.
‘Di ko pala alam na may kapatid na babae sina Daddy at Tito Kyron’