Tila palaisipan pa rin ang sinabi ni Xieron sa akin kanina.
“May problema ba?” bumalik ako sa wisyo nang tanungin ako ni Abi.
“Wala may iniisip lang” sagot ko.
“Sus! Kahit itanggi mo or ibahin mo ang usapan may problema ka” binaba niya ang kinuha niyang sandwich at juice.
Pumunta siya rito dahil wala raw siyang kasama. Tinanong ko kung nasaan si Megan pero ang sabi ay nasa bahay daw sila ni Jervy inimbitahan daw ng parents ni Jervy para doon kumain ng dinner kaya tumawag siya para pumunta rito.
“May tanong lang ako”
“Ano yun?”
“May nagkwento lang sa akin na if bumalik daw yung ex-girlfriend nung boyfriend niya ano daw ang dahilan ng pagbabalik niya” kumunot ang noo niya tila naguguluhan.
“Teh ang gulo mo bakit di mo na lang sabihin na what if bumalik ang ex-girlfriend ni Jarred ganun” napahinto naman ako sa pag-inom ng juice.
“Paano mo nalaman na may ex-girlfriend siya?” tanong ko.
“Si Megan naikwento lang niya sa akin kanina na bumalik daw yung ex-girlfriend ni Jarred alam mo naman may source yun”
‘Oo nga pala magkaibigan pala sila Jarred at Jervy tapos girlfriend naman ni Jervy si Megan’
“Pwede mo naman tanungin yung fiancè mong hilaw” napanguso ako kay Abi.
‘Grabe naman siya kapag talaga nanligaw na si Xieron sa kanya ibabalik ko lang din yung ginawa niyang pang-aasar sa akin’
“Baka di niya sagutin yun alam mo naman past is past at di na dapat pag-usapan pa” saad ko.
“Edi ganun bakit iniisip mo yun?”
“Baka kasi may hidden agenda kung bakit siya bumalik dito” sagot ko.
“Malay natin may business purposes lang o di kaya may boyfriend na dadalawin”
“Paano kung balak niyang makipagbalikan kay Jarred?” nag-alala kong tanong
“Baks, wala ka bang tiwala kay Jarred?” tanong niya.
“Meron naman kaya lang….”
“Hayss! Baks sa kakaisip mo nang ganyan magiging dagdag isipin pa yan sa quiz niyo remember mayroon kayong long quiz next week?” tumango ako.
“Kaya wag mo munang isipin ang mga ganyan bagay dapat focus ka at relax” uminom na lang ako ng juice.
“Kamusta yung case presentation and case study niyo?” pag-iba ko ng usapan
“Eto minamadali na pero kaya naman makaabot sa deadline” sagot niya.
“Baka naman pinahihirapan mo yung sarili mo at lahat sila umaasa na lang sayo” umiling siya.
“Wag kang mag-alala nagbibigay ako ng part sa kanila kapag di nila nagawa yung sila ang haharap sa mga panel namin” saad niya.
“Mabuti naman”
Oo matalino nga si Abi pero di naman lahat ay aasa sa kanya. Based naman sa kwento niya ay tinutulungan siya nung girlfriend ni Dave. Mabuti nga nakamove on na yun syempre may pinagkakaabalahan na siya yun ang paghahanap niya kung sino ang nagpapadala sa kanya ng food and flowers.
‘Wag naman sana malaman niya agad na si Xieron yun dahil panigurado ay ilaglag niya ako kay Abi’
***
Tumagal pa siya rito at dumating si Jarred na nandito pa siya kaya inaya ko na dito na siya kumain.
“Huy basta yung sinabi ko ah di naman masama ang magtanong” paalala niya.
“Sige, ingat ka ah” tumango siya at dumating na ang ipinagrab ni Jarred saka siya sumakay.
Pagdating ko sa unit ay naabutan ko si Jarred na naghuhugas ng plato.
“You can take a bath mon amour” saad niya kaya pumunta na ako sa kwarto para maghalf bath na.
“HOW'S school?” nakadantay ako sa dibdib niya.
“Eto di ko inaasahan na magtanong yung iba namin kaklase kasi kilala nila ako na isang araw lang ako nilalagnat pumapasok na ako kinabukasan” sagot ko.
Totoo yun minsan pa nga ay binibiro pa nila ako na immune or immortal dahil nga kapag nilalagnat ako ng isang araw ay pumapasok na ako kinabukasan. Yung iba kasi ay nagtatagal ng 3 days ako naman ay isang araw lang.
“You mean pumasok ka agad kinabukasan after mong magkasakit?” tumango ako.
“Mahirap kasi umabsent lalo na't yung iba namin teacher di marunong makaitindi na may sakit yung tao kahit naman may medical certificate kami. Di namam kasi inaasahan na magkakasakit ang isang tao di ba?” tumango siya.
“Kaya kahit may sinat pa ay pumapasok na ako sa school at umiinom lang ako ng gamot” dugtong kong tugon.
“Anyway, do you have plans for tomorrow? It's holiday on monday and tuesday medyo long weekend kayo” napaisip ako bigla at may naalala ako na nagtext si Daddy sa akin.
“Pwede ba tayong umuwi sa Pampanga bukas?” tanong ko.
“Sure, pinauuwi ka ba?” tumango ako.
“Nasa bahay kasi sina Lola at Lolo and namimiss ko na kasi sila. Di naman kasi ako nakauwi nung birthday ni Tito Kyron dahil may pasok pa and maraming pinapagawa sa amin” sagot ko.
“Maaga na lang tayo umalis bukas baka matraffic tayo niyan lalo na't marami rin uuwi” tumango ako at niyakap siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
‘Bukas ko na lang siya tatanungin tungkol doon sa pagbabalik ng ex-girlfriend niya’
***
“We're here” bumaba ako sa kotse at nakita ko ang bahay namin na nag-iba ang kulay.
“Why? Is there a problem?”
“Nag-iba yung kulay ng bahay namin. Ano kaya ang naisipan nila Mommy na baguhin ito” pumunta ako sa gate para magpress ng doorbell.
May nakita naman akong lumabas galing sa kusina mukhang si Ate Inday ito.
“Mam Xiara” ngumiti ako sa kanya.
“Si Mommy?”
“Nasa loob po nagbreakfast” kinuha ni Jarred ang duffel bag niya. May mga gamit kasi ako dito na di ko naman dinala lahat kaya wala na akong dinalang damit.
Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko silang kumain ng breakfast.
“Sweetie” humalik ako kay Mommy.
“Xiara apo” ngumiti ako kay Lola at humalik sa kanya.
“You must be Jarred right?” tumango siya.
“Good morning po” bati niya.
“Ang aga niyo naman dumating?”
“Baka po maipit kami sa traffic palabas ng Quezon City kaya po around 6:00 am ay umalis na po kami sa unit” sagot ko.
“Sina Kyron at Maris di ba pupunta rito?”
“Mom, alam niyo naman kung gaano ka-busy si Kyron tinutulungan na nga siya ni Gayle para matapos agad” mom said
“Have you eaten breakfast yet?” umiling ako.
“I’m on fasting mom kaya ngayon pa lang ako kakain” sagot ko.
“Xiara, kagagaling mo lang sa sakit tapos magpapalipas ka ng gutom” sermon niya.
“Pinilit ko na rin po siya na kumain kami sa daan pero ayaw lang niya” sumbong niya. Sumimangot lang ako kay Jarred.
“Hayaan mo na wife iba na kasi ang generation nila ayaw na kasi nilang tumaba” pangbabara ni Daddy pero sinamaan lang siya ni Mommy. Di na lang siya nakaimik pa at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.
‘Kaloka talaga si Daddy kahilig niyang mangbara pero kapag tiningnan na siya ng matalim ng tingin para siyang pusang babait at maamo’