Kakababa lang ng bus na sinasakyan ni Charlene nang tumawag ang kanyang kaibigan na si Sheena, at agad niya itong sinagot.
"Andyan ka na ba sa Maynila?" excited na tanong ng kaibigan niya.
"Oo. Kakababa ko nga lang. Teka, nagugutom pa ako. Bibili lang ako ng makakain. Sandali lang."
Naglibot ang dalaga sa terminal hanggang sa makakita siya ng nagtitinda ng balut. Bumili siya ng apat na piraso at nagtanong din kung ano ang susunod niyang sasakyan. Palibhasa baguhan pa lamang sa Maynila, hindi pa niya alam ang pasikot-sikot ng lugar. Taga-probinsiya si Charlene at lumuwas lamang siya sa Maynila para makahanap ng mas magandang trabaho, dahil alam niyang limitado ang oportunidad sa probinsya.
"Ang una mong gawin ay maghanap ka ng matutulugan. Marami namang puwedeng rentahan, kaso dapat maging wais ka rin, kasi kapag nalaman nilang baguhan ka lang, tataasan nila ang bayad sa’yo," paalala ng kaibigan niya.
"Segi. Maghahanap ako ng kakasya sa budget ko," sagot niya at tumayo na para iligpit ang pinagkain niyang balut. Naglibot-libot siya, pero halos kalahating oras na, wala pa rin siyang nakikitang murang matitirhan.
Nakakaramdam na rin siya ng pagod at gutom, pero tiniis niya dahil hindi niya puwedeng ipambili ng natitirang pera sa pitaka ang pagkain, ilalaan niya iyon sa upa sa bahay na mahahanap niya.
"Ano? Wala ka bang nahahanap?" tanong ng pinsan niya mula sa kabilang linya.
"Hindi pa nga eh. Medyo pagod na ako kakalakad," reklamo niya habang tumatawid ng kalsada.
"Magpahinga ka muna kaya," suhestyon ng kaibigan niya.
"Kaya ko pa naman. Tsaka magdidilim na, baka sa labas ako matutulog," pabiro niyang sagot.
"Malapit na man--ay putik!"
Gulat na sigaw niya nang malakas nang bumagsak ang katawan niya sa gitna ng kalsada dahil muntik na siyang masagasaan ng sasakyan. Inis, tumayo siya at nilapitan ang sasakyan na nakahinto na ngayon sa harapan niya.
"Hoy! Papatayin mo ba ako ha?! Hindi ka ba marunong magmaneho? Ayos ka rin, noh? May ipapalibing ka ba sa akin kapag nasagasaan mo ako?!" galit niyang sigaw.
Maya-maya, bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang lalaking matipuno, suot ay sobrang pormal na parang presidente ng kalsada.
"Miss… ikaw yung hindi tumitingin sa daan? Kalsada ito at tumatawid ka habang nagse-cellphone?! Are you insane?" sagot ng lalaki habang tinatanggal ang salamin niya.
"At ako pa ngayon ang mali? Aba! Yang ugali mo, hindi tama ‘yan! Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng mga magulang mo?!"
Napailing nalang ang lalaki sa sinabi ni Charlene. Nasa isip niya na baka isa siya sa mga taong nagpapasagasa para makakuha ng pera sa mayayamang tao. Lalo na at kilala ang lalaking ito bilang CEO ng pinaka-sikat na clothing brand sa Pilipinas.
"Tell me what you want. You want money?" bagot na tanong ng lalaki kay Charlene, na agad namang hindi nagustuhan ng dalaga.
"Mukha ba akong kailangan ng pera mo?!" angal naman ng dalaga, hindi alintana ang mga nakatingin sa kanila. Kanina pa sila nagsasagutan sa gitna mismo ng kalsada.
Sasagot na sana ang lalaki nang biglang tumunog ang cellphone niya, at kaagad niyang sinagot.
"I’ll be there in a minute. May kaunting problema lang ako dito," ani niya sa kausap at pinatay ang tawag. Kinuha niya ang business card niya mula sa bulsa at inilagay sa kamay ni Charlene.
"Aanhin ko ‘to?"
"Call my secretary if you need anything, miss. I have to go--"
"Ay, teka! Hindi ka pa nga nagso-sorry eh!"
"Stop wasting my time, miss. May meeting pa akong dadaluhan."
"Ay, wala akong pakialam sa meeting-meeting na ‘yan! Ang gusto ko lang naman ay mag-sorry ka dahil muntikan mo na akong patayin! Alam mo bang masakit yung paa at puwet ko sa pagkabagsak ko?!"
Inis na napahinga nalang ng malalim ang lalaki at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Fine. Dadalhin kita sa hospital. Now, get in. You’re wasting so much of my time, miss."
Kaagad na napailing si Charlene sa sinabi niya.
"Ayoko nga! Baka saan mo pa ako dalhin, noh? Hindi pa naman mapagkakatiwalaan ‘yang mukha mo!"
"What?! Just…" Inis na hinarap siya ng lalaki. "Just get in, miss," utos niya ulit. Ngunit dahil walang tiwala si Charlene, wala na siyang choice kundi ang buhatin ang dalaga papasok ng sasakyan niya, at ni-lock ang pintuan.
"Hoy! Pababain mo ako! Ano ba!"
"Shut up, miss! You’re wasting my time!"
"Hoy! Kung may balak kang i-kidnap ako, sinasabi ko sa’yo, walang magra-ransom sa akin. Mahirap lang pamilya ko! Sa probinsya lang kami nakatira at maliit lang ang bahay namin!"
"Quiet! I don’t care about whoever you are, miss. Kung masakit yang katawan mo, dadalhin kita sa hospital. So be quiet, or else itatapon kita sa bintana ng kotse ko," banta niya habang pinaandar ang sasakyan.