2

1209 Words
Iniwan ng misteryosong lalaki si Charlene sa malaking hospital at hindi na niya ito nakita pa pagkatapos noon. Ang hangin sa labas ay malamig, at bahagyang umiihip sa mukha niya habang naglalakad palabas ng emergency entrance. Inasikaso siya ng nurse, katulad ng utos ng lalaking nagdala sa kanya dito. "Ma'am, wala naman pong nabali na buto, kaya makakahinga na po kayo ng maluwag," nakangiting sabi ng nurse kay Charlene matapos ang pagrereklamo nito kanina pa. Halos maipikit na ang mata niya sa kakairita at sa sakit ng katawan. "Segurado ka? Medyo masakit kasi..." aniya, habang pilit pinipigilan ang pag-ungol. "Ma'am, ano pong silbi ko bilang nurse kung hindi ako segurado sa sinasabi ko sa inyo?" putol ng nurse, halatang malapit na ring ma-inis. "May kailangan pa po ba kayo?" Tanong nalang niya habang tumatayo, mahigpit ang mga mata ngunit may halong kabaitan. "Wala naman. Salamat," sagot ni Charlene, bahagyang napayuko at napasandal sa dingding. "Walang anuman po," sagot ng nurse bago tuluyang umalis. Ilang sandali pa, naisipan ni Charlene na lumabas na ng hospital at ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho o ng matitirhan. Ngunit inabot na siya ng gabi, at wala pa ring pagbabago sa ginagawa niya. Ang mga ilaw ng kalsada ay kumikislap at nagpapakita ng kaunting liwanag sa madilim na paligid. Gutom na siya, pero hindi na niya puwedeng gastusin ang natitirang pera, dahil inilalaan niya ito sa upa ng mahahanap niyang bahay. Pagod na, napaupo nalang siya sa tapat ng malaking restaurant at pumikit, habang nilalasap ang mabango at masarap na amoy ng mga pagkain sa loob. Halos maamoy niya ang sariwang tinapay, inihaw na karne, at pampalasa ng mga lutong bahay na dumadaan sa ilong niya. Gutom na siya, ngunit ang tanging magagawa lang niya ay maglaway sa bango ng mga pagkain at subukang pigilan ang sarili na bumili kahit isang maliit na ulam. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng makapal na jacket, dala ng lamig na paunti-unti nang pumapasok sa katawan niya. May nahaplos siya sa isa sa mga bulsa, at nang kunin niya ito, bumungad sa kanya ang business card na ibinigay ng lalaking muntik nang sumagasaan sa kanya kanina. Naalala niyang puwede niya itong tawagan kung may kailangan siya, ngunit napagtanto niyang wala na pala siyang load at kakaubos lang kanina. Inis na ibinalik niya ang business card sa bulsa at napayuko nalang. Pakiramdam niya, iniayawan siya ng Maynila. Hindi niya inaasahan na ganito kahirap maghanap ng matitirhan at trabaho kung wala kang kakilala, lalo na sa lungsod na punong-puno ng tao at pagmamadali. Samantala, nagdi-dinner ang pamilya ni Mr. Kerill sa restaurant na katapat lang ng pinaguupuan ni Charlene. Ang ilaw sa loob ng lugar ay mainit at kumikislap sa mga baso ng alak at silverware. Kasama ni Mr. Kerill ang kapatid niyang si Lander, ang tatay nilang si Mr. Winito Wang, at ang lolo nilang si Mr. Win. Kakadating lang ni Mr. Win galing sa US, kaya agad niyang inimbitahan ang pamilya sa dinner. "How’s your business, Kerill?" tanong ni Mr. Win sa apo niyang tahimik lang na kumakain, habang inaayos ang cuff ng kanyang jacket. Umangat ang tingin ni Kerill at uminom muna ng tubig bago sumagot. "We’re doing just fine, Mr. Win," sagot niya gamit ang tamang paggalang na itinuro sa kanya, ngunit may bahagyang tensyon sa kanyang balikat. "Pero... I heard na bumagsak ang sales niyo ng 1% dahil sa isang design ng kabilang brand. You do know kung gaano kalaki ang isang porsyento sa ranking ng companya mo, hindi ba?" Tanong ng lolo niya, seryoso at matalim ang tingin, pinipindot ang kahalagahan ng bawat salita. "Dad--" sinubukang putulin ni Mr. Winito ang sasabihin ni Mr. Win, pero natahimik siya sa tingin pa lang ng matanda. "You have to learn kung saan ka nagkulang, kid. Being at the top doesn’t last for a lifetime." "I know," sagot ni Kerill, walang bakas ng emosyon, ngunit may bahagyang tension sa kanyang dibdib. Pagkatapos noon, bumalik ang katahimikan, at tanging ang kaluskos ng kubyertos at baso ang maririnig. Habang ang kapatid niyang si Lander ay bored na bored na sa paulit-ulit na scenario tuwing magkasama silang apat. Dalawa lang silang magkapatid, at nagpapasalamat si Lander na hindi siya ang pinakamatanda. Alam niya na hindi sa kanya mapupunta ang lahat ng problema ng kumpanya at pamilya na hawak-hawak ng kuya niya. Ang gusto niya lang sa buhay ay mamuhay ng normal, walang iniisip na kailangan tapusin o expectations na abutin. "Oh right... you’re turning 30 this month. Kelan mo balak magpakasal?" basag muli ng katahimikan ni Mr. Win, habang inaayos ang kanyang tinidor sa plato. "Wala pa 'yan sa listahan ko," sagot nalang ni Kerill habang hinihiwa ang steak sa harapan niya, pinipigilan ang sarili na hindi sumigaw sa kaba ng emosyon. "Oh no, kid. You have to get married. Lumalaki na ang mga anak mo. And they need a mother who can--" "I’m here. I’m already enough para mabuhay ko ang mga anak ko, Mr. Win. I don’t have any plans to get married." "But I have--" putol ni Mr. Win sa sinasabi ni Kerill. Seryosong napatingin ang binata, hindi nagustuhan ang sinabi. "You know... I have a lot of friends in the US at nakilala ko ang mga granddaughters nila. And I think magugustuhan mo sila kapag nakita mo--" "Dad, let him--" "Stop it, Winito. Alam mo... dahil din sa'yo kung bakit ganito ang anak mo. You’re too soft for him. Tingnan mo ngayon, tatandang walang asawa." "Hindi ko kailangan ng asawa--" Magsasalita na sana si Kerill, pero putol ulit siya ni Mr. Win, na ngayon ay seryoso na. "Pero kailangan ng mga anak mo ng isang ina," ani niya, ikinatigil ni Kerill. "You know how hard it is, kid. Naranasan mo na ring lumaking walang kinikilalang ina. At gusto mo bang ganun din ang kalalakihan ng mga anak mo? Oh baka hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalikan ka ni Monica?" Nagkuyom ang dalawang kamao ni Kerill nang marinig ang pangalan ng babaeng minsan niyang inibig. "Hindi na siya babalik sa’yo, Kerill. Moved on na. Sundin mo ang sinabi ko. Magpapakasal ka sa isa sa mga babaeng pipiliin ko para sa’yo, or else--" "Or else what, Mr. Win? You can’t just decide kung sino ang papakasalan ko. I would rather marry someone na papasok diyan sa pintuan kesa pakasalan ang babaeng gusto nyo para sa akin. I’m not a kid anymore!" Inis na napatayo siya at naglakad palayo, dama ang tensyon sa buong katawan niya. Ngunit hindi niya inaasahan, sa pagbukas niya ng pintuan, ay biglang bumagsak ang katawan ng babae sa harap niya. Mabuti na lang at nasalo niya ito kaya mahigpit na nakakapit sa kanya. Ang malamig na hangin ay dumampi sa balat niya, at ang amoy ng pagkain mula sa loob ng restaurant ay tila nakatulong para pansamantalang makalimot si Charlene sa gutom at sakit. "Guess you have to marry that girl..." narinig niya mula kay Mr. Win. Dahan-dahang sumilip ang mukha ng babae at napamura nang makita kung sino iyon. Siya yung babaeng muntik niyang masagasaan at dinala pa sa hospital kanina--si Charlene. "Gutom na ako... pagkain... pagkain..." rinig niya mula sa dalaga bago ito tuluyang nawalan ng malay, at ramdam niya ang bigat ng katawan nito sa kanyang mga braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD