Puro puti ang bumungad sa paningin ni Charlene nang dahan-dahan niyang imulat ang mga mata. Kumurap-kurap siya, pilit inaayos ang paningin, ngunit hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Ang mga ilaw sa kisame ay malakas at malamig, nagre-reflect sa makintab na sahig, na tila nagpapadagdag sa pagkahilo niya. Dahil doon, mabilis siyang bumangon—ngunit agad din niyang nasapo ang ulo nang biglang umikot ang mundo sa paligid niya.
"Aray…" mahina niyang ungol habang napapikit muli, pinipilit pigilan ang pagkahilo.
Ilang sandali pa, muli niyang nilibot ang paningin. Isang malinis at tahimik na silid, may amoy ng gamot at antiseptic na bahagyang nakakapangilabot. Nakita niya ang mga medical equipment sa paligid: infusion stand, oxygen tank, at monitor na tahimik na kumikindat ng ilaw. May mga litrato ng anatomy at medical charts na nakasabit sa dingding, na nagbigay sa kanya ng ideya kung nasaan siya. Nasa ospital siya.
Ngunit agad ding kumunot ang noo niya. Hindi niya maalala kung paano siya nakarating dito o kung sino ang nagdala sa kanya. Ang pakiramdam ng kawalan ng kontrol ay nagpapabilis sa t***k ng kanyang puso, at tila lumalala ang pagkahilo.
Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse, may hawak na clipboard. Agad itong lumapit kay Charlene at sinuri ang kanyang kalagayan.
"Anong nangyari?" tanong ni Charlene, bakas ang pagkalito sa boses.
"Nahimatay po kayo, ma’am, dahil sa matinding gutom," mahinahong paliwanag ng nurse habang tinitingnan ang chart. "Buti na lang at nadala po kayo agad dito ni Mr. Wang."
Bahagyang napalaki ang mga mata ni Charlene.
"Mr. Wang?"
"Oo po. Pero huwag po kayong mag-alala. Maayos na po ang lagay ninyo at puwede na po kayong makalabas mamaya," nakangiting dagdag ng nurse, na may halong kabaitan at propesyonalismo.
"A-ah… sige po. Salamat," alanganing sagot niya, pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib.
Nagbilin pa ang nurse ng ilang paalala: huwag lalakad nang mag-isa sa labas, uminom ng tubig, at iwasang magmadali. Pagkatapos, tuluyang lumabas siya, naiwan si Charlene mag-isa sa tahimik na silid.
Agad niyang naramdaman ang malakas na pag-ungol ng kanyang tiyan. Gutom. Sobrang gutom. Napahawak siya sa sikmura at huminga nang malalim.
"Grabe…" bulong niya habang pinipilit pigilan ang sarili na magpanic.
Ngunit hindi niya alam kung saan kukuha ng pagkain.
Tila sumagot ang langit sa kanyang panalangin nang biglang bumukas ang pinto. Isang lalaking naka-sunglasses ang pumasok, may dalang supot ng pagkain. Pormal ang suot nito, itim na itim, na para bang miyembro ng isang lihim na organisasyon. Ang kanyang bawat galaw ay tiyak, tahimik, at kontrolado, halos robotiko.
"The food is here, miss," malamig ngunit malinaw na sabi nito.
Kinuha ng lalaki ang mga lalagyan at inilagay ang tatlong putahe sa maliit na mesa sa tabi niya. Ang bango ng pagkain. Sariwang kanin, inihaw na karne, at mainit na sabaw ay agad na nagpaikot sa utak ni Charlene. Pilit niyang pinigilan ang sarili, ngunit parang pinukaw ng aroma ang bawat nerve ending niya.
Tahimik na inabot ng lalaki ang kutsara at tinidor, at umatras ng kaunti, tuwid ang tindig, walang ekspresyon sa mukha.
Kunot-noo, tiningnan ni Charlene ang pagkain.
"P-para sa akin ‘to?" tanong niya, halatang nag-aalangan.
"Yes, miss," maikling sagot nito, walang pagbabago sa tono.
"H-hindi naman ako umorder nito… at wala rin akong pambayad," dagdag niya, pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng kasakiman.
"Wala po kayong babayaran. Utos po ito ni Mr. Wang," sagot ng lalaki, parang robot. "Busugin daw po kayo. Mamaya, mag-uusap kayo."
"Mr. Wang?" lalong nagtaka si Charlene. "Wala naman akong kilalang Mr. Wang. Baka nagkamali ka ng room--"
"Paparating na po si Mr. Wang. Please, eat your food," putol nito.
Wala na siyang nagawa kundi kumain. Dahil sa matinding gutom, hindi niya namalayan na halos maubos niya ang lahat ng pagkain. Ang bawat kagat ay tila nakapagpasigla sa katawan niya, na nagpapagaan sa pagkahilo at pagod.
Nasa kalagitnaan siya ng pagsubo nang bumukas muli ang pinto. Pumasok ang isang lalaking agad niyang nakilala.
Nanlaki ang mata ni Charlene.
Ikaw.
Siya ang lalaking muntik nang makabangga sa kanya noon. Ang tension sa hangin ay biglaang tumindi.
"Are you done?" tanong nito habang tinitingnan ang mga platong halos wala nang laman.
"Ano’ng ginagawa mo dito?!" inis na tanong ni Charlene, biglang nagbago ang mood niya mula sa gutom at pagod, sa galit at pagkalito.
"Is that how you thank me? For saving your life?" sarkastikong sagot ng lalaki.
Napasinghap si Charlene. Mabilis na pumasok sa isip niya ang sinabi ng nurse.
"Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" mahina niyang tanong.
"Obviously," sagot nito, tumingin kay Edgar, ang personal bodyguard nito. Agad namang niligpit ni Edgar ang pinagkainan at tahimik na lumabas, na parang wala lang.
Lumapit ang lalaki kay Charlene at iniabot ang kamay.
"My name is Kerill Wang. But you can call me Mr. Wang."
Tinitigan lamang ni Charlene ang kamay nito, hindi gumalaw.
Matapos ang ilang segundo, binawi ni Kerill ang kamay at bahagyang tumikhim.
"I have a proposal for you."
"Ha? Proposal?" gulat na tanong niya, tumayo nang bahagya sa kama.
"Edgar. The paper."
Mabilis na inabot ni Edgar ang mga dokumento. Ibinato iyon ni Kerill sa kama sa harap ni Charlene.
"Aanhin ko ‘yan?" tanong niya, halatang nagulat.
"Sign the contract. You’ll be my temporary wife for ninety days. Lahat ng gastos mo—sagot ko," diretsong sabi ni Kerill.
Nanlaki ang mata ni Charlene habang binabasa ang kontrata. Halos manlaki ang mata niya sa laki ng halaga at benepisyo na nakasaad.
"I-isang milyon?" bulong niya, hindi makapaniwala.
"Be my fake wife," diretsong sagot ni Kerill.
"Baliw ka ba?!" sigaw niya. "Sinong gugustuhing maging asawa mo?"
Napahawak si Kerill sa noo at napabuntong-hininga.
"Just temporarily. And don’t make me beg for your approval, miss."
"Siguradong naka-shabu ka," bulong ni Charlene habang bumababa sa kama. "Bahala ka sa buhay mo!"
Papunta na siya sa pinto nang marinig niya ang boses ni Kerill.
"Charlene Rosarios. 28 years old. Born August 19, 1996. From Pasi, Iloilo. Itutuloy ko pa ba?"
Nanigas si Charlene sa kinatatayuan.
"I know everything about you," dagdag ni Kerill. "Even your secrets."
"Iniimbestigahan mo ako?!" nanginginig na sigaw niya.
"I need to know my fake wife."
"Never!" sigaw niya. "Idedemanda kita!"
"Is a million not enough?"
"Sa’yo na ‘yan!" galit niyang sagot bago tuluyang lumabas.
Napabuntong-hininga si Kerill at napatingin sa pintuan.
"This won’t be the last time we meet," bulong niya, at dahan-dahang lumabas.