Chapter 16

1199 Words
Nagising akong mag-isa na lang ako sa kwarto. Tiningnan ko ang oras. ,alas nuebe na pala! Dahan dahan akong bumangon,ang sakit kasi ng katawan ko lalo na yung nasa pagitan ng aking mga hita. Paano naman kasi si Amiel,ang sabi maliligo lang kami pero may iba pang nangyari tapos akala ko pagkatapos naming maligo buong akala ko matutulog na kami pero we ended up making love again until I don't know kung anong oras na yun. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko talaga magawang tanggihan siya. Dahan dahan din ang naging pagligo ko kaya ang tagal ko sa banyo. Napatalon ako sa gulat ng makita ko si Amiel sa labas mismo ng banyo. "Anong ginagawa mo diyan?. ,tanong ko sa kanya. Napahigpit ang kapit ko sa tuwalya. Tiningnan ko siya pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya. Naiilang kasi ako sa mga titig niya,mukhang iba na naman ang nasa isip niya. Pumasok ako sa walk-in closet at mabilis na nagbihis. Maong shorts at pink na midriff top ang suot ko. Nakaabang na naman siya sa labas ng walk-in closet. Inirapan ko siya. "Woah! Ang taray mo,sweetie ah!. ,nakangisi niyang sinabi. Hinabol niya ako at inakbayan. Siya na ang nagbukas ng pinto ng kwarto. ,"Gutom ka na noh?. ,ako nga din gutom na. ,hindi ko nga alam kung bakit paggising ko parang ubos na ubos ang lakas ko,ni-r**e mo ba ako,sweetie?. ,parang baliw na tanong niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at saka malakas na binatukan. "Aray naman,sweetie!. ,reklamo niya. "Ang kapal kasi ng face mo! Ako pa talaga ang nang-r**e ha?. ,yamot kong saad sa kanya. Niyakap niya ako at paulit ulit na hinalikan sa noo. ,"Ikaw naman hindi ka na mabiro. . ,alam ko namang sa ating dalawa ako ang r****t. ,nag-peace sign pa siya. "Tsss! Ewan ko sa iyo. ,inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Napangiti ako ng makita ang inihanda niyang almusal. "Kain na,sweetie. ,nilagyan niya ng pagkain ang nag-iisang plato na nasa mesa. "By the way,kanina nga palang tulog ka pa dumaan dito si Marianne,sabi niya ipaalala ko daw sa iyo yung pinag-usapan niyo last week. ,sabi niya. Si Marianne eh isa mga kabataan na nakilala ko dito habang inililibot ako ni Amiel sa paligid. Actually marami silang magkakasama nung makilala ko sila pero siya yung laging nakikipag-usap sa akin. Gandang ganda kasi siya sa akin. Si Amiel matagal na raw nilang kilala kaya nagtaka daw sila ng may nakapagsabi sa kanilang may kasama siyang babae. Natutuwa din ako sa kanya kasi inamin niya sa akin na marami daw sa mga dalaga dito sa Brgy. Pag-Asa eh may gusto kay Amiel,sa katunayan nga inamin niya sa akin na crush niya si kuya Amiel niya,crush lang naman daw kaya wala akong dapat alalahanin. "Ano bang pinag-usapan niyo?. ,untag sa akin ni Amiel. "Iniimbita niya ako sa sayawan para daw sa fiesta dito. ,sabi ko naman sa kanya hindi ako sure, . ,sagot ko. "Oo nga pala,sa Monday na yata ang fiesta dito. ,aniya. "Nakaranas ka na ba ng fiesta dito? ,tanong ko sa kanya. "Hindi pa,ngayon pa lang!. ,punta tayo? Kailan ba yun?. , "Anong araw ba ngayon? Sabi niya kasi sa akin Sabado daw ang sayawan kasi Linggo daw eh awarding ng paliga ng basketball. , "Oh eh di mamayang gabi na pala yun! Pupunta tayo,hindi ko pa kasi nararanasan ang sayawan sa ganitong probinsiya,curious ako,eh ikaw sweetie?. ,tanong niya. Iniupo na niya ako sa upuan at nagsimula na siyang iligpit ang pinagkainan namin. Napangiti ako. Ano kayang klase ang sayawan dito? Katulad kaya ng sa mga clubs at bar sa Manila? "Sige,punta tayo!. ,ngumiti siya sa akin. Tinulungan ko siyang magdala ng mga plato sa lababo. "Ako na dito,sweetie! Kaya ko na ito,doon ka na lang sa sala. ,taboy niya sa akin. Sinunod ko na lang siya pero pagdating ko ng sala sa halip na magpahinga ay nagwalis na lang ako. Nang matapos ako at wala pa rin si Amiel,lumabas ako sa harapang bahagi ng bahay. Meron din ditong kubo,may bakod na kawayan sa bandang gate at may mga halamang namumulaklak sa paligid. Sa magkabilang kanto ay may dalawang malakinh puno ng mangga. ,sabi ni Amiel indian mango daw ang tawag doon. ,namumulaklak na nga silang pareho. Umupo ako sa kubo at pinagmasdan ang paligid. Sa totoo lang,ilang araw pa lang ako dito pero pakiramdam ko kaya kong tumira dito forever. Sariwa ang hangin at saka tahimik. Tapos mabait naman ang mga kapitbahay though medyo malayo ang kapitbahay. Ni hindi ko nga naalala ang city life,kahit ang trabaho ko halos hindi ko na maisip. Bahala na muna doon si Ashley,alam ko kaya niya naman yun. Humugot ako ng malalim na hininga. Alam ko hindi habangbuhay ay nandito kami pero masama ba kung sasabihin kong sana dito na lang kami? Dito kasi akin si Amiel. Akin ang panahon niya. Akin ang pagmamahal niya at malaya namin yung naipapadama sa isa't isa. Sa mga nakalipas kasing araw naramdaman ko kung paano muling magmahal at mahalin ni Amiel. I admit na dahil sa mga panahong yun kaya sumagi sa isip ko na sana dito na lang kami habangbuhay. Pero alam kong hindi pwede. Hindi maaari. "Hey! What are you thinking?. ,untag sa akin ni Amiel. Tumabi siya sa akin at hinapit ako. Isinandig ko ang ulo sa kanyang balikat. Muli akong napahugot ng hininga. "Hey! What's wrong?. ,masuyo niyang tanong. Hinawakan niya ang aking pisngi at iniharap sa kanya. I don't know why but i feel like crying. Hinalikan niya ang aking mga mata. "Sshhh!. . ,bumuntong hininga siya." Stop thinking. ! Sweetie,natatakot ako sa nakikita ko sa mga mata mo. Please,stop overthinking!. ,s**t!. ,kita ko ang pagkataranta niya sa pagpunas ng aking mga luha na hindi ko napigilang tumulo. ,"Ipinapangako ko sa iyo,sweetie itatama ko ang lahat. Alam ko iniisip mo na mali ang lahat ng nangyayari pero para sa akin. . . . ,para sa akin simula ng maghiwalay tayo,simula ng lumayo ka. . ,ito. . ,ito lang yung pinakatamang nagawa ko sa buhay ko!. ,niyakap niya ako ng mahigpit. "Ang tagal kong hiniling na makasama kita ng ganito. . ,yung nayayakap kita ng hindi sa panaginip lang at naaangkin kita ng paulit ulit. . ,naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko. ,"Nakikiusap ako,sweetie magtiwala ka sa akin,itatama ko ang lahat. ,kasi tayo ang tama!. ,sabi niya habang titig na titig siya sa akin. Siniil niya ako ng halik. Ikinawit ko ang aking kamay sa kanyang leeg at sinuklian ang halik na ibinibigay niya sa akin. Gusto kong maramdaman niya ang lahat sa pamamagitan ng aking halik. Hindi ko pa man masabi sa kanya ang salita na alam kong matagal na niyang hinihintay na marinig mula sa akin sa halik na ito gusto kong maramdaman niya yun. Nalalasahan ko ang kanyang mga luha. Mahal na mahal ko siya gaano man kamali ang lahat sa amin. Mamamatay akong alam ko sa sarili ko na siya lang ang lalaking mamahalin ko. Siya lang. "I love you too,sweetie. ,anas niya sa pagitan ng aming halikan. Napangiti ako. I know in my heart we are the right one but we are trapped in a very wrong situation. True love prevails,right? Tiwala lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD