"Are you ready?. ,tanong sa akin ni Amiel.
"Saglit lang!. ,sigaw ko sa kanya.
"Okay! Hintayin na lang kita sa sala ha?. ,narinig ko na ang mga yapak niya palayo.
Pupunta kami sa sayawan sa plasa ng barangay. Hindi na nga sana kami tutuloy kaya lang kaninang hapon kinatok kami ng Kapitana ng barangay at personal kaming inimbita bilang pasasalamat daw sa mga naitulong ni Amiel sa kanilang barangay. Si Amiel daw kasi ang nagpaayos ng kanilang basketball court at siya rin ang nagbigay ng karagdagang financial assistance para sa livelihood project ng barangay which is yung paggawa ng basahan at mga bag.
Muli kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin. I am wearing white midriff top and skinny jeans tapos ang aking nude stiletto. ,I hope hindi ako masyadong mapansin doon. Hindi ko kasi talaga alam kung anong klase ang sayawan dito sa probinsiya.
"Wow! Ang sexy mo talaga,sweetie!. ,sumipol pa siya ng makita akong pababa ng hagdan.
Inirapan ko siya. Napataas ang kilay ko ng mapagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng white v-neck shirt na pinatungan niya ng black leather jacket and also with his skinny jeans and black boots. Hindi kami halatang couple.
Ang gwapo niya talaga kapag ganyan ang porma niya. Ang buhok niya parang bagong gising lang,yung tipong ang sarap pasadahan ng mga kamay para maayos. Bakat na bakat ang maganda niyang katawan sa damit niya.
"You're drooling,sweetie!. ,nakangisi niyang sabi. Pinasadahan pa niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok at nag-pose na akala mo isa siyang model.
"Tse! Ang pangit mo kaya!. ,muli ko siyang inirapan bago ako nagmartsa palabas ng bahay.
Naghintay ako sa kanya sa sasakyan. Hindi kasi namin pwedeng lakarin ang papuntang plasa dahil may kalayuan yun dito sa rest house. Yung plasa kasi nila ay nasa b****a lang ng barangay.
Akbay akbay niya ako habang naglalakad kami papasok sa plasa. Ramdam ko ang titig ng mga tao sa amin partikular na ang titig ng mga kababaihan kay Amiel. Hindi ko nga sinasadyang tapunan ng tingin ang ilan at karamihan sa kanila ay agad na umiiwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang matatalim na titig ng isa sa mga babaing nakaupo sa table na malapit sa stage.
Uso din pala ang b***h dito. Napangiti ako sa aking isip.
"Ate Stephie!!!. ,sabay pa kaming napatingin ni Amiel sa tumawag sa pangalan ko. To think na ang lakas ng tugtog pero di hamak na mas malakas ang boses niya.
Napangiti ako ng makita si Marianne na tumatakbo papunta sa amin. Kasunod niya ang mga kaibigan niya.
"Ang lakas ng sigaw mo ha!?. ,niyakap ko siya. Kumaway naman sa akin ang mga kaibigan niya.
Tumawa siya sa sinabi ko.
"Ang sexy niyo po talaga,ate!!!. ,at saka ang gwapo gwapo po ni kuya Amiel,bagay na bagay po talaga kayo!!. ,tumalon talon pa siya.
Kinurot siya ni Amiel sa pisngi. ," Ikaw naman,Marianne. ,maliit na bagay pinalalaki mo. ,mayabang niyang sabi.
Kinurot ko siya sa tagiliran. ," Yabang mo ha!. ,ani ko.
Sasagot pa sana siya kaya lang nakita kong nasa tabi na niya ang kapitana ng barangay.
"Magandang gabi po,Mr. and Mrs. Santos. ,napataas ang kilay ko sa itinawag sa amin ng kapitan. Kita ko naman ang malawak na pagngisi ni Amiel. Bumaba ang kamay niya sa aking bewang. "Dito po ang table na naka-reserve sa inyo. ,itinuro niya ang table na malapit sa stage katabi mismo ng table nung babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin. Automatic ang pagtaas ng kilay niya ng makita ang paghapit ni Amiel sa aking bewang. Hindi ko na lang siya inintindi,masyado pang maaga para mabad-trip ako.
"Marianne,may table na ba kayo?. ,tanong niya dito.
Nahihiya namang ngumiti sa amin si Marianne.
"Kuya,kasama po namin yung mga pinsan ko. ,itinuro niya ang table na malapit sa gate. ,
Humawak ako sa braso niya. ,"Pwede bang dito na lang kayo sa table namin?. ,alangan namang kami lang dalawa dito. ,pakiusap ko sa kanya.
Mabilis siyang tumango. ,ngumiti rin ang mga kasama niya.
"Oo naman,ate! Magpapaalam lang po kami sa mga pinsan ko. ,babalik po kami. ,sabi niya at saka mabilis na pumunta sa table ng mga pinsan niya.
Lumapit ako kay Amiel na kasalukuyang may kausap na lalaki,may isinisenyas siya dito.
"Sige po! Dadalhin ko na lang po sa table niyo,bossing!. ,narinig kong sabi ng lalaki.
Hinalikan niya ako sa noo ng ganap akong makalapit sa kanya.
"Sina Marianne?. ,tanong niya,hinapit niya ako sa bewang kung kaya kung titingnan para kaming magkayakap.
"Magpapaalam daw sa mga pinsan niya. ,saan pala bibili ng inumin dito? Softdrinks lang ha,baka naman mapagalitan tayo ng mga magulang ng mga batang yun. ?. ,
Pinaupo niya ako sa upuan sa bandang likuran ng table. Tumabi siya sa akin at isinubsob ang ulo niya sa leeg ko.
"Huwag ka ng mag-alala sa inumin at pagkain. ,maghintay na lang tayo!. ,
"Inaantok ka na ba,sweetie?. ,tanong ko sa kanya.
"Hindi. ,maiksi niyang tugon.
"Eh bakit ganyan ka?. ,ang clingy mo. ,tukso ko sa kanya.
"Tsss! Ipinapakita ko lang sa mga lalaking naglalaway sa iyo na pagmamay-ari na kita! Tumutulo laway nila sa katitingin sa iyo oh!. ,inginuso niya yung dalawang grupo ng lalaki na nasa kabilang panig ng stage.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako ng nakita ko ang pag-upo ng babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin sa tabi mismo ni Amiel.
"Hi! Amiel. ,bati niya sa katabi ko. Tiningnan siya ni Amiel pero hindi niya inalis ang ulo niya sa leeg ko,ang kamay niya ay mahigpit pang nakahawak sa bewang ko.
"Aahh!. ,tumingin sa akin si Amiel na tila nagpapasaklolo. Malamang limot niya ang pangalan ng babae. Pinandilatan ko naman siya ng mata,baliw talaga.
Napaupo siya ng maayos,kinamot pa niya ang batok niya.
Oh,cute!
"Miss,look! I am so sorry but do I know you?. ,nag-aalangan niyang tanong. Nakita ko ang pagkadismayang lumarawan sa mukha ng babae. In fairness to her,she's beautiful. ,yung tipong pino kung kumilos. Naiisip ko tuloy baka naman may nakaraan sila ni Amiel kaya ganun na lang niya ako tingnan kanina.
Malaman ko lang talaga! Lalayasan ko 'tong palikerong ito.
"Hindi mo ba ako naaalala?. ,Aliyah,pamangkin ako ni kapitana Maria. ,yung nakisakay sa iyo paluwas ng Manila. ,sabi niya.
Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay. Ipapaalala lang kailangan talaga may pahawak hawak pa sa kamay. So touchy ha?!
"Ah,ikaw ba yun?. ,Ewan ko lang ramdam yun nitong babae pero ako feel ko ang kawalan ng interes ni Amiel sa sinasabi ng babae.
Tila naman napahiya ang babae at ilang sandaling hindi nakaimik. Agad siyang umalis ng makita ang pagdating nina Marianne.
Hindi ko na naman tuloy mapigilang mapataas ng kilay.
Kunot ang noo ni Marianne na sinundan siya ng tingin kahit ang mga kasama niya sinundan nila ng tingin ang babae.
"Ate,anong ginagawa nun dito?. ,tanong niya sa akin
I shrug my shoulders and look at Amiel.
"Kilala mo yun,kuya?. ,tanong niya muli kay Amiel.
"Hindi pero sabi niya siya daw yung minsan ay nakisabay sa akin papuntang Manila,but I remember now,tatlo silang nakisabay sa akin noon. ,sagot niya.
Tumango naman si Marianne. ,
"Di ba Marianne siya yung kausap ni Josie nung isang araw?. ,sabi nung isang kaibigan ni Marianne.
"Ah,oo nga! Siya nga yun,yung nagsabi ni nililigawan mo daw siya kuya?. ,biglang nasabi ni Marianne.
"What???. ,napalakas na sigaw ni Amiel. Kabado siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
Napatayo naman sina Marianne sa gulat.
"Eh kuya. ,sinabi naman talaga niya yun kaya nga maraming kadalagahan dito ang inggit sa kanya. ,singit naman nung isa pang kaibigan ni Marianne.
"f**k! Paano ko siyang liligawan eh may asawa na nga ako! Damn!. ,maagap ko siyang hinawakan ng makita ko siyang patayo.
"Sus! Papatulan mo pa! Hayaan mo na,libre naman mangarap! Huwag na huwag ko lang malalaman na baka totohanin mo yun ha? Alam mo kung anong kaya kong gawin. ,banta ko sa kanya. Medyo inilakas ko rin ang aking boses para masiguro ko na maririnig niya ang mga sinabi ko. I saw her bow her head.
Hay naku!
"W-what? Of course not,sweetie! Alam mo namang wala akong ibang babaing gusto kundi ikaw lang!. ,wala namang ganyanan!. ,nararamdaman ko ang kaba at takot sa kanyang tinig.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagngiti,nakita ko ang mga bata na pinipigilan din ang kanilang pagngiti.
Sa huli sabay sabay na kaming natawa nina Marianne. Pero si Amiel nananatiling seryoso ang mukha.
Ikinulong ko ang kanyang mukha sa aking mga kamay. Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.
"Mukha kang timang!. ,tumawa pa ako.
"Huwag ka ngang magbibiro ng ganun! Ayoko nun,sweetie!. ,hindi ako papayag. . ,wala ng bawian. . ,alam mo yan. ! . ,niyakap niya ako ng mahigpit.