"Huwag mo nga akong titigan. ,ayusin mo ang pagmamaneho mo!
,sita ko sa kanya. Kanina pa kasi niya ako tinititigan eh nagmamaneho siya.
Hindi pa kami nag-uusap simula kahapon nang mangyari yung sa kusina. Nakatulog kasi ako,nagising ako na nasa kwarto na at katabi ko siya na mahimbing din ang tulog.
Sabay kaming nagising kanina. Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa sabay kaming napangiti sa isa't isa. Nag-almusal kami ng maayos. ,walang pang pag-uusap na nangyayari sa amin but somehow alam kong alam niyang meron kaming pagkakaintindihan. Hindi kailangan ng salita sapat na ang aming pagtititigan.
Inaya niya akong magsimba. Pinagmasdan ko ang daan. Napansin ko na wala pa akong nakikitang ibang bahay bukod sa pinanggalingan naming rest house. Ang daan palabas sa rest house ay medyo makipot tama lamang para sa sasakyan niya. Pero ng makalabas kami sa makipot na daan nakita ko ang mga kabahayan.
Nakikita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taga-rito at hindi ko mapigilang mapangiti.
"Nasa Bicol tayo. ,biglang sabi ni Amiel.
"Huh! Bicol?. ,ang layo naman pala namin. Ganun katagal akong nakatulog?
"We are in Jose Panganiban,sakop ito ng Camarines Norte. ,dagdag pa niya.
"Hala! Ang layo nito sa Makati di ba? Ganun ako katagal na nakatulog? O baka naman may ginawa ka sa akin kaya ako nakatulog ng ganun katagal?. ,pinaningkitan ko siya ng mata.
Humalakhak siya habang pasulyap sulyap sa akin.
"Hay,sweetie!. ,wala akong gagawin sa iyong masama,huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. ,tatawa tawa niyang sabi.
Inirapan ko na lang siya.
"Truth is,I used my private plane para madali tayong makarating dito,binuhat na lang kita habang natutulog. ,paliwanag niya.
"May airport dito?. ,tanong ko.
Umiling siya. ,"Wala,pero sa Daet meron. ,it's just almost an hour drive from here. ,but I've heard meron dati at binabalak na ibalik ng kanilang Mayor. ,sabi niya.
Muli kong ibinalik ang tingin sa daan. Panay bahay na ang nakikita ko,may mga maliliit din na tindahan I think yun yung tinatawag nilang sari-sari store.
"Malayo pa ba ang simbahan?. ,tanong ko.
Tumango siya. ,"If I'm not mistaken apat na barangay pa ang dadaanan natin bago tayo makarating sa centro ng Jose Panganiban. ,
"Ganun? Ang layo pa pala natin sa centro,anong barangay ba yung location ng rest house mo?. ,
"Brgy. Pag-Asa. ,lumiko siya.
"School ba yun?. ,turo ko sa aking nakita.
"Yeah! That's Jose Panganiban National Highschool. ,actually diyan dating nagtuturo yung wife ni Jaypee Villanueva. ,
Nanlaki ang mata ko. When I was teenager I used to have a crush kay Jaypee. Nabalita nga yung kasal niya sa isang simple pero sabi nila very beautiful probinsiyana highschool teacher. I saw her picture at maganda talaga siya,mukhang anghel,no wonder nabaliw sa kanya ang playboy na si Jaypee.
"What are you thinking?. ,tanong niya. ,
"Wala. ,nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. ,"Anong barangay na ito?. ,tanong ko na lang uli sa kanya.
"This is Brgy. Parang. ,may itinuro siya sa aking tulay. ,"see that bridge,sa unahan niyan ang centro ng Jose Panganiban. ,
"Matagal ka na ba dito? Para kasing ang dami mo ng alam tungkol sa bayang ito. ,usisa ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin tapos ay sumulyap sa dagat.
"Sa totoo lang ang nag-introduce sa akin ng lugar na ito ay si Jaypee. ,kinausap kasi nila ako para makisosyo sa isang business venture nila dito. ,when I said I would think about it isinama niya ako dito. ,
Napatango ako sa sinabi niya.
"How about the rest house? Sa iyo ba yun o kay Villanueva?. ,
"Sa isang kaibigan ni Eloisa. ,nagkataon na nandito ako nung time na ibinebenta yun kaya binili ko na. ,I fell in love with the place the moment that I saw it. ,it felt relaxing and calming di ba?. ,tumingin siya sa akin.
He's right! Kahit naman ako unang tingin ko pa lang sa place,gusto ko na siya. Malayo sa magulo at mausok na mundo ng siyudad.
"Who's Eloisa?. ,I ask him.
"She's Villanueva's queen. ,he plainly said.
"Aahh! The lucky girl. ,she's pretty. ,nakita ko na kasi siya sa magazine. ,
Kumunot ang kanyang noo.
"Why lucky?. ,I know she's pretty but you're the prettiest for me. ,
Feeling ko nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Ang sudden kasi,walang pasabi.
Napaigtad ako ng bigla niyang sundutin ang tagiliran ko.
"Amiel ha,para kang bata! Tumigil ka diyan!. ,saway ko sa kanya.
"Sabihin mo na kasi kung paano naging lucky girl para sa iyo si Eloisa. ,
Inilagay ko ang aking daliri sa aking baba at kunwaring tumingala ako na para bang nag-iisip. ,"I think she's lucky because she's the sole reason why Villanueva changed. . ,you know from being a playboy to a lovesick puppy. !. ,and now a very devoted husband and father. ,sabay kibit balikat ko.
Natahimik siya. Taas ang kilay na sinulyapan ko siya. Seryoso lamang siyang nagmamaneho.
"Oh,bakit natahimik ka?. ,wala bang violent reactions diyan?. ,ewan ko ba kung bakit ko naitanong yun. ,medyo parang na-bother kasi ako sa pananahimik niya.
"Tsss!. ,tanging tugon niya. Napatawa na lang ako ng makita kong medyo inirapan pa niya ako.
Inayos niya ang pagkaka-garahe ng sasakyan ng makarating kami sa simbahan. Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pintuan.
Napatingin ako sa simbahan.
"Tamang tama hindi pa nagsisimula ang misa. ,aniya.
"Ang ganda naman ng church nila. ,sabi ko. Tumingin ako sa kanya.
At napatingin din ako sa kamay naming hindi ko napansin na magkahugpong pala.
Hindi na ako tumutol,hindi ko ipiniksi ang aking mga kamay kasi gusto kong pakinggan muna ang idinidikta ng puso ko at ang tanging ipinaparating nito sa akin ay tama at masaya ako sa kung anumang meron kami ngayon.
Bahala na ang bukas. ,ang importante sa akin ay ang nararamdaman ko ngayon kahit ngayon lang muli kong pagbibigyan ang puso ko at ang idinidikta nito.
Sana nga lang ganun din ang nararamdaman ng lalaking nakahawak sa kamay ko ngayon.
Aasa na naman ako.
Ang pagkakaiba lang eh noon bulag ako sa mga mangyayari. ,I was blinded by my feelings. Masyado akong naniwala na ang mga good girl na katulad ko ay binibiyayaan ng prince charming na magmamahal sa akin at hindi ako hinding hindi ako lolokohin.
This time,I am ready to take a risk of giving my all to him again at kasabay nun ang pagbibigay sa kanya ng karapatan sa posibilidad na muli niya akong masasaktan.
This time I am ready for everything.
Be it love or pain.