Ako yung klase ng tao na kapag nagsimba seryoso. Seryoso ako kung makinig sa sermon ng pari kasi kahit naman ganito ako malaki ang paniniwala ko kay God.
Kahit na minsan sa buhay ko nakaramdam ako ng tampo sa kanya dahil sa mga nangyari sa buhay ko hindi naman nabawasan ang paniniwala ko sa Kanya. Naniniwala naman kasi ako na lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may dahilan at hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok sa buhay kung alam Niya na hindi natin ito kaya.
Pero ngayon sa totoo lang hindi ako maka-concentrate sa misa. Nadidistract kasi ako sa pagkakahawak ni Amiel sa aking kamay. Simula pa kaninang pagbaba namin sa sasakyan hanggang sa makapasok kami sa simbahan at makahanap ng mauupuan hindi na niya binitiwan ang aking mga kamay.
Panaka naka siyang humihilig sa aking balikat at madalas niyang parang nilalaro laro ang aking mga daliri.
Nahihiya nga ako sa mga kabataang nasa likuran namin,naririnig ko kasi kung paano nila sabihin na bagay na bagay daw kaming dalawa at sobra daw ang sweet namin. Nahihiya ako kasi simbahan ito parang ang pangit tingnan na ganito kami dito.
"Amiel,umayos ka nga! Nasa simbahan kaya tayo. ,nakakahiya sa mga tao. ,bulong ko sa kanya.
"So what! Hayaan mo sila,i am just showing to God kung gaano ko naaappreciate na ibinigay ka Niya sa akin. ,sagot niya sa akin.
Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya na hawak niya ang aking kamay hanggang sa matapos ang misa.
"Hey! Ang bilis mo namang maglakad. ,sabi niya.
"Ewan ko sa iyo. ,inis kong singhal sa kanya.
"Naman,sweetie. ,katatapos lang natin magsimba inaaway mo na agad ako?. ,sabi niya uli. Medyo malakas ang pagkakasabi niya nun kaya tuloy nagtinginan ang mga kasabay namin sa paglabas ng simbahan.
Yung mukha niya talaga nagpapaawa. Bwisit talaga itong lalaking ito,mukhang tanga lang.
"Kuya,ano pong nangyari sa inyo? Parang kanina lang ang sweet sweet niyo pa ni Ate. ,hindi na yata nakapagpigil yung isang teenager na nasa likuran namin kanina.
"Ewan ko ba diyan sa ate niyo,lagi na lang yan ganyan inaaway ako pagkatapos ko siyang lambingin. ,sagot niyang may kasamang pagpapaawa sa mga ito.
"Ay,kawawa ka naman kuya. ,baka naman po naglilihi na si ate kaya siya ganyan. ,napalingon ako sa sinabi na yun ng kausap niya.
At ang hudas ang lawak ng ngiti,akala mo nanalo sa lotto. Alam naman niyang wala pang nangyayari sa amin kung makangiti akala mo talaga expecting. ,para talagang tanga.
Oh my god,Stephie!! Saan nanggaling yung wala PANG nangyayari? Isa din pala akong asa. ,kasalanan 'to nitong lalaking ito,kung anu-ano na lang tuloy ang naiisip ko.
"Know what,maybe you're right baka nga naglilihi na ang misis ko. ,pagpapasensiyahan ko na lang mula ngayon. ,nakangisi niyang sabi sa mga kausap niya.
Pinandilatan ko siya ng mata ng tumingin siya sa gawi ko. Kinindatan lamang niya ako.
"Naku,kuyang pogi ang sweet niyo po talaga kay ateng maganda. ,bagay na bagay po talaga kayo. ,kinikilig na sabi nila.
"Sus! Maliit na bagay. ,mayabang niyang sinabi.
Tiningnan ko siya ng matalim habang nakahalukipkip. Nang mapatingin sa gawi ko ang mga kabataan,ngumiti ako sa kanila. Tumaas naman ang kilay ni Amiel sa ginawa ko.
Inirapan ko na lang siya at tuloy tuloy na naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Narinig ko pa ang kanyang pagpapaalam sa mga kabataan at ang mabilis niyang paglalakad para mahabol ako.
Pinatunog niya ang kanyang sasakyan,hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako agad na akong sumakay.
Kinurot niya ang aking pisngi ng makasakay siya.
Hinampas ko naman siya sa kanyang braso.
"Hala! Bakit ang sungit mo?. ,huwag mong sabihing wala pa mang nangyayari sa atin,buntis ka na talaga?. ,nakangisi niyang tanong.
Muli ko siyang hinampas. Tatawa tawa naman siyang umilag.
"Nakakainis ka talaga! Eh di kung buntis ako malamang hindi ikaw ang ama. ,pabalang kong sagot sa kanya.
"Kahit pa,kahit na hindi ako ang ama. ,handa akong akuin yan ang mahalaga nasa akin ka. ,akin ka lang gets mo?. ,kumindat pa siya sa akin.
"W-weh! M-maniwala ako sa 'yo. ,ikaw umako ng responsibilidad ng iba?. ,tumawa pa ako ng pagak.
"Tsss! Oo naman,kung sa iyo,basta para sa iyo. ,lahat gagawin ko. . . ,kung alam mo lang!. ,sabi niya.
"Anong sabi mo?. ,hindi ko kasi masyadong naintindihan yung huling sinabi niya,pabulong na lang kasi ang pagkakasabi niya.
"Tsss! Ipapaulit pa!. ,
Hindi ko na nga siya kinulit,kung ayaw niyang sabihin eh di huwag. ,ang arte nito. ,