"Hoy! Amiel, kanina pa kita nahahalata ah! Panay ang hawak mo sa kamay ko. ,masungit kong utas sa kanya.
Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papasok sa public market ng Jose Panganiban,at yun nga hawak hawak pa rin niya ang aking kamay.
"Ano naman? Para kamay lang,ipagdadamot mo pa?. ,masungit ding sagot niya.
Inirapan ko nga.
"Ano bang gusto mong ulam natin mamayang tanghalian?. ,tanong niya.
"Ikaw ang bahala!. ,tugon ko naman.
Ngumiti ako sa mga nakakasalubong namin,napayuko ako ng mapansin kong nakatingin sila sa amin. May naulinigan pa nga akong nagtatanong kung artista daw ba kami kasi ang gwapo at ang ganda daw namin. Sang-ayon naman ako doon sa maganda ako pero itong kasama ko gwapo?ewan ko lang!. ,
Mula sa aking kamay lumipat ang kamay niya sa balikat ko. Isiniksik niya ako sa sarili niya medyo marami kasi ang namimili,hinayaan ko na lang siya.
"Tsss! Konting ingat naman po,maiipit ang asawa ko buntis pa naman ito. ,pang-ilang beses na niyang sinasabi yan sa bawat makakasalubong namin. Tuloy feeling ko iniiwasan na akong masagi man lang ng mga tao.
"Ang oa mo,natural palengke ito,malamang siksikan. ,kinurot ko siya sa kanyang tagiliran.
Umingos lang siya at nagpatuloy sa pagbili ng gulay. Hindi na niya ako inimikan hanggang sa makatapos kami sa pamimili.
Pabalik na kami sa rest house niya.
"May internet connection ka ba doon sa rest house mo?. ,tanong ko sa kanya. Kailangan ko kasi talagang kontakin ang sekretarya ko. Marami kaming mga client na nangangailangan ng mga models,ang inaalala ko kasi hindi man lang ako nakapag-abiso na mawawala ako. Kayang kaya naman kasi ni Gina yun,ang sekretarya ko kahit bigla akong mawala. Kumbaga kasi sa pag-aaral advance ang lahat ng pag-aasikaso ko sa mga business transactions ko. I am always ahead.
Tumango siya.
"Pagamit ha? Kailangan ko lang kasi talagang ipasa yung mga proposals na inaprubahan ko na sa sekretarya ko,para masimulan at maabisuhan na rin yung mga models na kailangan sa bawat project. ,okay lang ba?. ,
Tumango siyang muli.
"Okay ka lang ba?. ,tanong ko sa kanya. Parehas kasi kami nitong parang bipolar lang kung makapagpalit ng mood.
Tango lang uli ang sagot niya.
Tumulong ako sa pagbubuhat ng mga pinamili niya papasok sa bahay.
"Ako na magluluto,doon ka na lang sa kwarto para magawa mo na yung mga gagawin mo. ,tawagin na lang kita kapag kakain na. ,sabi niya.
"Uh. . ,okay!. ,badtrip pa rin siya.
Hinagilap ko ang cellphone sa aking bag. Tatawagan ko muna si Gina,baka kasi may lakad siya. ,nakakahiya naman kung maaabala ko.
"Hello! Mam Stephie?. ,tila taka niyang sagot sa tawag ko.
"Bakit ganyan naman ang tono mo? Parang takang taka ka na tinawagan kita?. ,
"Aba'y oo naman po kasi ang sabi ni Mam Ashley medyo matagal tagal kang mawawala kasi magbabakasyon ka daw po!. ,kaya nga po di ba siya muna ang papalit sa inyo?. ,
"Andiyan si Ashley?. ,sigurado ba siya? Eh ni hindi ko nga makontak yun sa sobrang paglalagalag.
"Opo! Kung kukumustahin niyo naman po sa akin kung paano siya mamahala,ay naku Mam! Parang kayo lang po,ang galing! At saka Mam,hindi niyo po sinabi na sobrang bait po pala nun? Palagi niya po akong inililibre ng lunch at miryenda. ,daldal ni Gina.
"Mabait naman talaga yun! Ayos lang ba diyan sa opisina? Wala pa naman bang client natin ang nagrereklamo sa mga models?. ,
"Wala naman po,Mam. Huwag po kayong mag-alala,mag-relax lang po kayo kung nasaan man po kayo ngayon! The office is doing very very well. ,masaya niyang sabi.
"Oh,okay! Basta kapag nagkaproblema maliit man o malaki tumawag ka sa akin ha?. ,bilin ko sa kanya. "May ipapasa nga pala ako sa email mo na mga files,yung mga proposals na napirmahan ko na,itatawag ko na lang kay Ashley na sa iyo hanapin ha?. ,dagdag ko pa.
"Sige po,Mam! Sabihin ko din po sa kanya sa Monday. ,
"Okay,sige! Alalayan mo si Ashley ha?. ,sige na ba-bye na!. ,
"Opo,Mam. ,ako pong bahala! Ingat po kayo diyan,enjoy your vacation po,bye po Mam!. ,
"Salamat,bye!. ,
Minasahe ko aking batok. nangangalay kasi. Inalis ko ang salamin sa aking mata at bahagyang iginalaw galaw ang aking ulo.
Napaigtad ako ng maramdaman kong may mga kamay na dumantay sa aking balikat.
"Tapos ka na ba?. ,tanong niya sa akin. Napapikit ako ng maramdaman kong minasahe niya ang aking balikat.
"Uh. ,huh! Anong ginagawa mo?. ,nakapikit kong tanong sa kanya. Ang sarap kasi niya magmasahe,gaya pa rin ng dati.
"Minamasahe ka. ,nakakangalay kaya ang pagharap sa computer ng halos magtatatlong oras. ,aniya.
Nanlaki ang mata ko. Ganun? Almost three hours pala akong nakaharap sa laptop. Kaya pala!
"Come on,lunch is ready! I know you're hungry na. ,ini-off niya ang laptop at inalalayan ako patayo. Hawak na naman niya ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng kwarto.
Kumislap ang aking mata ng makita ang pagkain na nakahain. Inihaw na bangus tapos may ensaladang talong,may breaded pork chop tapos may sawsawan na toyo na may kamatis at kalamansi. Paborito ko ang mga pagkain na ito,hindi pa rin pala siya nakakalimot.
"So,let's eat!. ,aniya.
Ngumiti ako sa kanya bago umupo sa tabi niya. Nilagyan niya ng kanin ang aking pinggan. Natigilan ako ng makita ko siyang naghihimay ng isda tapos inilalagay niya sa aking pinggan.
Everything that he do reminds me of how we used to be. Napansin ko din na isang pinggan lang ang meron sa mesa.
Magsasalo kami sa isang pinggan.
Just like the way we used to eat dati.
Kinagat ko ang aking labi.
Hindi ko alam kung kababawan ito,pero parang maiiyak ako. Dito pa lang sa hapag kainan,sa bawat pagkilos niya,bumabalik ang lahat lahat sa akin.
Lahat lahat ng pinagsamahan namin.
And as much as I hate to admit it pero hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na. . . . ,I miss this. . ,I miss him. . ,I miss everything about him and all the things na ginagawa niya dati sa akin.
Can I be selfish this time?
Ngayon kaya pwede ko ng sundin ang t***k ng puso ko?
Kahit kasi paulit-ulit kong paalalahanan ang aking sarili hindi ko na mapigilang umasa na sana this time totoo na ang lahat.
Na hindi na ako umaasa sa wala.