Chapter 12

1555 Words
Erin's POV (aka Gen) Grrr... Nakaisa yung Anne na yun! Naku! I admit nung kafling ko siya we kissed a lot pero hanggang doon na lang yun. Parang linta. Hindi ko maalis ka pagdikit sa akin. Nakita tuloy ni Nath yung kanina. Grrr... Pano na ako poporma sa kanya ngayong may palaging nakadikit sa akin. Hay... Bahala na nga. Pagdating ko sa bahay gising pa si papa. "O pa bakit gising ka pa?" "Nagising lang ako kanina. Wala pa kasi ang baby girl ko." "Si papa. Hindi na po ako bata." "Kahit na. Baby girl pa rin kita. Kamusta sa work?" "Ayun okay naman po. Daming magandang benefit pa. Asar lang, si Anne kawork ko pala." "Haha! Ayan na nga ba kasi ang sinasabi ko sayo eh. Nakahanap ka ng katapat. Hindi naman kita pinipigilan sa mga ginagawa mo. I know who you are." "Papa naman. Nakakainis na kasi yun. Hindi pa ako lubayan." "Madali ka kasing mahalin baby girl. O siya tulog na. Ako rin at maaga pa ako papasok mamaya." "Goodnight pa." "Goodnight baby girl." Umakyat na ako sa room ko. Alam naman ni papa kung anong gender ko. Akala ko nga dati nung nahuli niya akong may kasamang babae sa room ko itatakwil ako eh. Pero he just talked to me. Wala naman daw siyang magagawa kundi ang maging masaya kung saan ako masaya. Kaya nga nagsisisi na ako sa pagrerebelde ko before. Now I know how much he loves me. Naligo na ako at nakatulog ng mahimbing. --10am-- "Erin anak! Gising na at baka malate kana sa work." "Gising na po tita!" "Sige dalian mo may naghihintay sayo eh." Sino naman kaya itong bisita ko. Ang aga lang ha. Pagbaba ko ng sala ayun si Anne prenteng nakaupo sa sofa namin. Tsk.. Ang aga mambubuwisit nanaman ito. "Morning babe. Sabay tayo ha." "Will you cut it! Naririning ni tita Beth! Makatawag ka ng babe ha parang tayo." "Erin... Wag mo naman siyang sigawan. Ang gandang bata oh. Kain na para makapasok na kayo." "Pasalamat ka nandiyan si tita." bulong ko kay Anne. Ngumisi lang naman siya. GRRR... Alam kasing kakampi si tita Beth. After kong kumain nagmamadali akong naligo at nagbihis. Mahirap na baka malate pa kami sa unang araw ng training. Makakapit naman itong si Anne parang tuko. Hays... Pagdating namin sa building ng TalkANet dumiretso na kami sa training room. Nagulat ako kasi nandoon si Nath. Kausap yung trainer namin. Hay... Buti na lang may pambawi. Nakita ko siya. Atleast may magandang nangyari sa araw ko. Nagsimula na ang training. Parang back to school lang eh. English training kasi. Tapos papakilala pa sa lahat. Nung ako na yung magpapakilala kinabahan ako. Paano yung mga kasabayan namin puro may experience na sa call center. Samantalang ako newbie pa. Nakadagdag pa sa nerbyos ko kasi magoobserve daw si Nath sa first day namin. "Ahmm... He-hello everyone. I am Erin Genesis Reyes. You can call me Gen. I'm 23 years old. This is my first call center job. And my hobbies are motorcycling and taking pictures. Thank you." Namen... Nanlamig yung palad ko dun ah. Haha. Kay Nath lang ako nakatingin. Tapos parang nagulat siya nung sinabi ko yung whole name ko. Hmm... Naiintriga na talaga ako kay Nath. Si Anne naman yung susunod. "Hi! I'm Anne. 22 years old. Newbie in the call center industry and my hobby is teasing Gen here." Tsk! Asar! Ayan si Nath nakangiti pa. Akala niya ata may something sa amin ni Anne. Yung buong class pa sumigaw ng "UUUYYY". Grr... Buong araw na talaga akong badtrip nito. Binulungan ako ni Anne. "Sorry. I love you babe. :)" "Stay ayaw from me. Please." "No." At nakuha pang ngumiti. Bruhang ito. Sarap sabunutan. Makalipas ang ilang oras eh break time na. Binigyan kami ng 20 minutes ng trainer namin. Dali-dali akong lumabas. Kanina pa mainit ang ulo ko eh. Dumiretso ako sa pantry at bumili ng coke at chocolate para umayos ang mood ko. Napansin kong nakatingin si Nath sa akin so I smiled at her. "You don't look okay." "Ahm... Yeah. Just pissed a little bit." "I am guessing because of her? What's her name again?" "Umm-hmm... Anne." sabi ko sabay nod. "Are you two together?" Nakita niyang nagulat ako. "Sorry none of my business." sabay ngiti. Makalaglag panty naman yung smile niya. Parang nasa cloud 9 na ako. O mas pa sa cloud 9! "No. It's fine. I'm not with her. Well she thinks we are but no. I am SINGLE." I-nem-phasize ko talaga yung word na single. Haha. "Oh... That's why you don't look okay. Anyway I have to go now. See you around Erin." Naiwan lang akong nakanganga sa pantry. --See you around Erin...-- --See you around Erin...-- --See you around Erin...-- Hala ka... Paulit ulit sa utak ko yun. Sarap pakinggan na bangangit niya yung name ko. Namen! Akala ko sirang sira na ang mood ko. Hahaha. Naalala niya yung name ko tapos yung kay Anne hindi. OW. EM. GI!!! Haha... "Babe nakangiti ka dyan. Naramdaman mong parating ako noh?" Deadma ko lang si Anne. Kahit ano pang gawin niya hindi na masisira yung mood ko. Haha! Hindi naman boring yung training. Maraming games ang ganawa namin. Gusto ko yung way ng pagtuturo nung trainer. Learn while you play nga kagaya ng sabi niya. "Babe kanina pa maganda mood mo. Sana ako ang dahilan." bulong ni Anne. "Shh..." bawal ko naman sa kanya. Bawal kasi ang tagalog eh. "Happy ka nga." Nakakunot ang kilay ko na tumingin sa kanya. "Hindi mo ako sinungitan." Napasmile naman ako sa sinabi niya. "Kinikilig na talaga ako." "Shut up and listen." "Ayan nanaman si sungit. But okay lang. Nagsmile ka eh." Buti naman hindi na siya nangulit. Nakaramdam ako na naiihi kaya lumabas muna ako ng room. Kapag sinuswerte ka nga naman. Nakita ko si Nath. "Hello." bati ko. "Hi Erin." Yiiih... Kinikilig ako. Alam niyo yung feeling na parang may kung anong energy na bumalot sa katawan mo at nakakahype ng blood pressure. Tapos parang lumulutang ka at hindi mo maalis yung ngiti sa muka mo kahit parang tanga ka na dahil na starstruck ka sa kaharap mo. Ayun tumpak ang nararamdaman ko. Parang nasa highschool lang eh. Haha. "I can sense you're in better mood now." "Yeah. Because of you." confident kong sagot. Hehe.. "Good to know. Well tata for now Erin." "Yeah. See you around Nathalie Belle." akala niya hindi ko alam buong name niya. She just smiled at lumabas na sa washroom. Yiiih... Sobrang kinikilig ako. Bilis ng t***k ng puso ko. Parang nagpapalpitate nag sobra. Yung ngiti ko sa mukha hindi ko matanggal. Tapos ang gaan ng pakiramdam ko. Mas malala pa pala yung epekto ng smile niya sa akin. Woohoo! Nakita ko pa ngang nakatingin yung isang babae sa akin. Parang adik na kasi ako sa pagkakangiti ko. Hehe. Pakialam ko pa sa kanya. Happy ako eh. Ayun na. Uwian na namin. Hehe. Sa sobrang happy ko nga hindi ko napansin yung oras. Tapos ni hindi ako nainis sa mga kilos ni Anne. "Babe bakit ba nagbago ang mood mo?" pangungulit niya. "Anne I AM IN LOVE." "Talaga? In love ka na sa akin?" "Assuming ka te? Hindi sayo. Sa kanya." sabay turo ko kay Nath na kausap yung isang tao sa office. "Ow... Sakit naman babe. Anong laban ko sa kanya. Dyosa eh. Pero hindi naman papatalo ang sirenang beauty ko ah. Hindi pa kayo kaya may pag asa pa ako." exagerrated niyang litanya. "As if naman. Lika na nga uwi na tayo. Baka iwan pa kita eh." Nauna na akong naglakad. Napansin ako ni Nath. "Bye Erin." "Bye Belle! Ingat!" "You too." At ayun hinila ko na si Anne palayo. Parang gusto na kasi niyang balatan ng buhay si Nath eh. Haha. "May Erin bye pa kayong nalalaman." "Paki mo ba?" "May paki ako. Sa akin ka eh." parang batang napapadyak pa siya. "Kakahiya ka uy.. Bahala ka nga dyan!" "Asar ka. Hindi man lang ako i-comfort." "Tara na!" sabi ko at nakasmile pa. Hinila ko na yung kamay niya para makasakay na kami sa bus. Isang daang kembot pa at nakauwi na din kame. Hanggang ngayon parang timang parin ako na nakasmile. Hehe. Same routine. Kain. Ligo. Tulog. Zzzzzz... --After two weeks-- "Hello Belle!" Maaga talaga akong pumasok ngayon. Iniwasan ko talaga na makasabay si Anne eh. "Oh hi Erin. Wala yata yung anino mo?" "Haha. Anino talaga. Pumasok ako ng maaga eh. May gagawin ka na ba? Pwede tayong magcoffee?" "Sure. Actually lunch ko. Kaya instead of coffee kain na lang tayo. Saan mo gusto?" "Ikaw.." "Huh?" "I mean ikaw bahala." "Ahm... KFC na lang tayo. Sa kabilang building lang yun eh." "Sige! Tara na?" "Tara!" At naglunch na nga kame together. Kwentuhan at kulitan lang. Ang sarap kasama ni Nath eh. Nakakawala ng pagod. Ganito kami everyday. Maaga akong papasok para makasabay so siyang kumain ng lunch. Naiinlove na nga ata ako sa kanya lalo. May mga oras pa na sinusubuan ko siya. Feeling ko nga kame na. Haha. Wala naman siyang angal sa mga sweetness na pinapakita ko. Hay.. heaven yung mga oras na kasama ko siya. Nakakainis lang kasi nahihiya naman akong tanungin siya kung may boyfriend na. Feeling ko naman wala. I just hope na tama yung pakiramdam ko na wala nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD