Erin's POV
Kinabukasan ay nakapasok na ako. Ang galing kasi nag-alaga sa akin eh.
Naglalakad ako sa hallway ng tawagin ako ng principal.
"Ms. Erin buti naman at magaling ka na. May meeting tayo mamaya ha?" bati niya sa akin.
"Opo principal. Tungkol po saan yung meeting?" tanong ko.
"Sa nalalapit na annual camping ng school."
"Sure po punta na lang po ako sa office." sabi ko.
Pinuntahan ko na ang next class ko. Hay... ang mga nerd na students nanaman. Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Hindi dahil sa magulo sila kundi dahil sa matalino sila. Sobra. Haha! Pure english hindi katulad sa class nila Nath. Sobrang light ng atmosphere dun sa section na yun eh.
Habang nagtuturo ako sa harap ng class dumaan si Nath bigla. Nginitian ko siya. Tapos mga 2 minutes ata akong walang nasabi sa klase ko. Hehe. Parang sumama kasi sa kanya yung isip ko. Kinailangan pa tuloy ako tawagin ng student ko para ituloy yung tinuturo ko.
Hindi ko na nasabayan sa break time si Nath or si Angela. Sobrang busy kasi yung mga natambak na work dapat kahapon.
Kaya nagulat na lang ako nung may chuckie at nova sa desk ko. (Favorite kasi ni author yan eh. Hihi) from NBC daw.
Kilig to the max naman ako. Special ako sa kanya alam ko yun. Kaya naman nung lunch time na niyaya ko siya sa KFC. Mga 5 minutes lang kasi from school kung sasakay ng tricycle. Nagtext na lang ako sa kanya to meet me sa KFC at sabay kaming kakain.
"Wow! Ang init naman sa Pilipinas!" Reklamo ko ng umupo ako sa table na napili ni Nath.
"Kahit saan naman mainit ah. Reklamo pa." natatawa niyang sabi.
"Ang init kasi nitong uniform namin. Kainis. Kanina ka pa?"
"Kadarating ko lang din. Order na tayo?" sagot niya habang pinapanood ako na pinupunasan yung pawis ko.
"Ako na lang. Daming tao mawawalan tayo ng table eh. Anong gusto mo?"
"Ikaw na bahala. Eto share ko oh." Sabi niya sabay abot ng 100 pesos sa akin.
"Anong gagawin ko dito?" Nakakunot ang kilay na sagot ko.
"Sorry kulang ba? Share ko sa pambili ng food." nahihiya niyang paliwanag.
"Patawa ito. Ako nagyaya sayo kaya my treat. Just sit back and relax." Nakangiti kong sagot.
Ngumiti naman din siya. Pumila na ako para makaorder ng food. Naalala ko nung sa present time niyaya ko din siya sa KFC at yung inorder niya ay bacon cheesy pasta, fries at mac salad. So yun ulit ang inorder ko para sa amin. Dinagdagan ko na rin ng chicken burger parang bitin kasi yung food.
Nang makabalik na ako sa table namin nakangiti agad si Nath.
"Ang dami nyan. Buong class ba namin ang balak mong pakainin?" Natatawa niyang sabi.
"Gutom ako eh. Lika na umpisahan na natin lantakan ito para hindi tayo malate." sabi ko.
Inumpisahan na namin ang pagkain. Eto ang isa pang gusto kong ugali ni Nath. Hindi nahihiyang kumain katulad ng iba na kahit sobrang gutom na e konti pa rin kumain. After namin kumain ay bumalik na agad sa school.
So far masaya naman yung araw ko kahit na pagod. Yung meeting lang ang super haggard. Ang daming suggestions tungkol sa annual camping na gaganapin sa susunod na week pero wala naman sila mapagdesisyonan.
Buti na nga lang ay nakialam na si principal kaya sa wakas ay natapos rin. Kailangan na lang namin i-cascade sa mga students ang result ng meeting.
Pagkasabi na dismissed na ang meeting agad na akong umuwi. Grabe. Ang daming papers na kinailangan kong icheck. Buti na lang hindi ko tinuloy ang course ko hindi ko kakayanin ang ganitong trabaho kaya sobrang saludo ako sa mga teachers.
Naligo lang ako at natulog na. Kailangang mukhang fresh ako bukas para kapag nakita ako ng love of my life ay maganda ako. Hihi. Good night people!
-The next day-
Naunahan ko pa gumising ang alarm ko. Ganun talaga inspirado eh. ^_^
Naligo na ako, nagbihis, kumain at hola! Nagpunta na ako sa school.
Naglalakad ako papunta sa campus at nakita ko si Angela. Panigurado magseselos si Nath which is pabor sa akin. Hehe.
"Hey!" bati niya.
Talagang feeling close na siya eh. Walang ng ma'am or miss.
"Hey ka dyan. May makarinig sayo isipin nila wala kang respeto sa TEACHER mo. Haha!"
"Wala naman eh. Kamusta ang date ninyo ni Nath kahapon? Akala mo hindi ko alam ha."
"Hindi naman yun date ah. Kumain lang kami ng lunch." sagot ko.
"Aisus. Hindi daw date. Bakit sa labas pa?"
"Para iwas intriga noh. At hindi naman kami sabay na umalis at bumalik. Parang coincidence lang."
"Wow ha. Gusto ko yang the moves mo. Hehe."
"Ewan ko sayo. Paano mo pala nalaman?" Tanong ko.
"Eh kasi po yung mahal mo kung makangiti after lunch time wagas. Pati ako hindi sinungitan. Eh sobrang sungit kaya nun. Nakita ko rin na umalis ka at siya." mahabang paliwanag niya.
Nagharlem share naman yung puso ko sa narinig ko at hindi naiwasang mapangiti.
"Uy MISS ERIN JAIME para ka ng baliw sa pagkakangiti mo." Siko niya sa akin.
"Eh sa masaya bawal?" Sagot ko naman.
"Hay naku. Kayong mga inlove hindi ko kaintindihan. Una na nga ako at magsisimula na yung flag ceremony oh." at naglakad na siya palayo sa akin.
Naks naman. Hindi ko pa nakikita si Nath happy na yung kalahati ng araw ko. Syempre mabubuo lang ang happiness ng araw ko kapag nakita ko na siya.
Pagkatapos ng routine before class ay dumiretso na ako sa classroom. Since hindi sila Nath ang first subject ko ay nakaainip ang oras. Nagpagawa na lang ako ng essay sa class after ko magdiscuss ng topic nila.
As usual may activity ulit ako para sa kanila.
I grouped them into 7 teams consisting 2 members each. Mala amazing race naman since 4hrs straight ang class nila sa akin tuwing thursday dahil wala kaming class kapag friday.
Isa pa itong reason kaya pagod ako kahapon. Nag set up pa ako ng mga clues, locations sa loob ng campus at instructions. At sa end ng game kung sinong makabuo sa pinaka mabilis na oras ang puzzle na ibibigay ko sila ang panalo. Kung sino mang manalo ay may plus points sa quarter exams. Sulit naman ito dahil 3 stories sa book nila ang madidiscuss ko at gagamitin ko rin ito sa ibang section.
After ko madiscuss yung rules ay mabuhayan ng dugo ang class ko. Syempre maglalaro sila ulit.
Kung itaanong ninyo kung sinong kateam ni Nath. Syempre walang iba kundi si Angela. Hindi ko naman sinadya yun dahil draw lots ang naging pagpili ng kateam. Nakita ko na nag pout si Nath nang malaman niya ang kateam niya. Kung nakakayaman ang pagiging cute pinakamayaman na si Nath. ;)
Dahil dala ko yung camera ko panay ang kuha ko ng pictures sa mga studyante ko. Ang cute kasi nila. Yung iba 10 years na e hindi pa nakakalipat sa next na clue. Kailangan kasi nila ipakita ang correct answer sa akin sa bawat station na pupuntahan nila at hindi sila makakalipat kung hindi tama ang answer.
Naengganyo naman ang ibang teachers na walabg class at nanood sa activity namin. Pati nga si principal ay nakinood na rin.
Kinausap ako bigoa ni principal.
"You know this is one great way to teach them. At base sa deliberation natin mataas ang grades ng section nila simula ng ikaw ang maghandle."
Napasmile naman ako sa sinabi ni pricipal. Compliment kaya yun. Ibig sabihin effective at efficient teacher ako. Hihi.
"Can we do this sa camping? Tutal naman that will be a 3 day camping at pwede natin itong gawin sa last day at siguradong matutuwa ang mga bata." Sabi ni principal.
Nag-agree naman ang ibang teachers na nakikinood sa mga students.
"That's a great idea po principal." Sabi ko naman.
"Alright. I'll have some of the teachers to talk to you and create a committee para dito. Iwan ko na kayo. May gagawin pa ako."
Nagpatuloy ang paglaaro ng mga bata ng amazing race. After 3 1/2 hrs ay natapos lahat ng teams ang challenges. At sino pa nga ba ang mananalo? Si Nath at Angela. So far kasi silabg dalawa ang pinakamatalino sa class. Ang dami ko rin nakuhang pictures. Well actually most of them are pictures of Nath.
Student 1: "ma'am it is unpair po!"
"What do you mean by UNPAIR?" Sabi ko.
Student 1: "ma'am unpair because they win. We all know the will won the competitions."
Grabe naman. Sakit lang sa tenga ng grammar ng student na ito. Ang maganda lang hindi na sila nahihiya na magsalita in english di katulad noong una ko silang makilala.
"It is not unFair because they did their best to win the game. You all did. It's just that they finished first. It should be a challenge to all of you instead of saying it's unFair." paliwanag ko na hindi naman masyadong pinahalata na ki-no-correct ko yung pronunciation niya.
Student 1: "okay ma'am. We will do our best next time."
"That's the spirit guys! So the winner will get 5 additional points in the exams. And the rest of you will get plus 4." Pagkasabi ko nung parang nanalo silang lahat sa lotto. Hihi.
Student 2: "ma'am what if they get 100 in the exam?"
"Then they can can still use the additional points to quizzes."
Nagpalakpakan naman sila. Parang baliw talaga itong class ko.
After ng activity namin ay nagdiscuss na ako tungkol sa camping.
I counted the names ng mga sasama. Kulang ng isa! The heck! Si Nath my loves pa!
"Nath I can't see your name here. Aren't you going to attend the camping?" Hindi ko mapigilang itanong.
"I won't Miss Erin. My parents don't like me to attend." sagot niya.
Nakakadisappoint naman! Siya ang inaasahan kong sasama eh. Excited pa naman ako. Pero without her knowledge e nilista ko pa rin ang name niya na ipapasa ko sa principal. I will make sure na kasama siya.
End of Chapter