Erin's POV
Hindi ako nakapasok today. Umulan kagabi nung pauwi na ako at dahil hate ko ang nagdadala ng payong basang sisiw ang peg ko. So as a result ayun nilalagNATH ako. Hehe.
Tumawag na lang ako sa principal to let them know na may sakit ako. Hindi ko na lang sinabi sa class dahil alam kong magwoworry sila.
Nakakatuwa yung plan ni Angela. Pinagseselos niya ng todo si Nath. Sabi niya halata naman daw na may something din siya sa akin eh. So yung paglapit niya sa akin tuwing nakatingin si Nath ay pakana lahat ni Angela.
Ang epic na ginawa niya ay yung nagpapalakad siya kunwari kay Nath. Kahit hindi ko narinig kung conversation nila alam kong jealousy yung nasa face niya. So confirmed nga na may gusto rin siya sa akin. Kilig much lang. *_*
Gumagawa ako ng lesson plan ng may biglang kumatok sa pintuan ng bahay. Nang buksan ko ay si Nath yung nakita ko. May dala siyang dalawang paperbags. Nagulat ako kasi school ours pa at nasa bahay ko siya.
"May pasok pa. Bakit nandito ka?"
"May sakit ka daw kasi. Wala ka sa school." Nahihiya niyang salita.
Pinapasok ko na siya sa loob ng bahay. Ng ilapag niya yung dala niya ay pagkain at gamot pala yun.
"Akala ko may lagnat ka e bakit gumagawa ka nito?" Sabi niya sabay turo sa lesson plans na nasa lamesa.
"Feeling ko po kasi lalo ako nagkakasakit kung hihiga lang ako." Paliwanag ko sa kanya.
Tinabi niya yung mga lesson plans at inayos yung food. At same sila ni Angela na pinagalitan ako dahil wala akong gamit na pangkain maliban sa mug ko at spoon.
"At paano mo balak kumain nyan? Wala kang gamit dito. Buti pala pumunta ako. Upo ka na dyan at aayusin ko n itong food. Panigurado itong cup noodles at kape na ito lang kinain mo." Sabi niya. Daig pa ang sampung nanay sa pagsesermon sa akin.
"Opo nanay." Natatawa kong sagot.
"Tawa ka pa dyan. Paano na lang talaga kung hindi kita pinuntahan." Daldal pa rin siya ng daldal habang inaasikaso ako.
Sarap naman palang loveNATHin kung siya ang personal nurse ko. At dahil parang nananadya ang sakit ko biglang tumaas yung temp ko. Pinagalitan tuloy niya ako ng bongga.
"Pasok ka na sa school. Kaya ko na ito. Wag ka na umabsent." Sabi ko sa kanya.
Kanina ko pa siya pinipilit na bumalik pero matigas duin ang ulo at ayaw akong iwan. Deep inside natutuwa ako sa pag-aasikaso niya sa akin.
"Dahil may sakit ka akong masusunod. Walang aangal sa bawat sasabihin ko. Maliwanag?"
Wala talaga ako panama kay Nath. Sumaludo na lang ako habang nakasmile.
"Nakukuha mo pang magbiro. Tignan mo nga 38.3 na body temp mo. Wag na makulit baby." Sabi niya.
Bigla siyang natahimik. Narinig ko yun! Baby daw! Narining niyo din ba?!
"Baby mo ako?" Patay malisya kong tanong while contaning the happiness inside me.
"Ahh ehh a-ano s-sabi para kang baby yung bata makulit ka kasi! Yun nga ang ibig kong sabihin! Hehe" palusot pa ito.
Naku Nath. Palusot pa siya. Hindi ako nahihibang para hindi ko marinig yung sinabi niya sa akin.
Hinayaan ko na lang siya. Nakita ko naman na nagblush siga ng marealize niya kung anong tinawag niya sa akin. Tapos with stuttering act pa siya di ba. Sino ba ang mga nauutal? Edi yung mga may tinatago. Lalo na sa harap ng crush o mahal nila. Ayyiiihh!
Nagtakeeffect na rin yung gamot na pinainom niya sa akindahil nakatulog ako. Nang imulat ko yung mata ko ay nakita ko si Nath na suot yung salamin niya at nagbabasa ng libro at nakaupo malapit sa bed ko.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong niya in a concerned voice.
"Nasa langit na ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Kumunot naman yung kilay niya. "Anong sabi mo?"
"Bingi pala mga angels dito sa langit. Hehe." Natatawa kong sabi. Alam ko naman narinig niya ako
"Sabi ko kung nasa langit na ako kasi may angel ako sa tabi." Dagdag ko.
"Kulit talaga. May masakit ba sayo?"seryoso niyang sagot. Halata naman na pinipigilan niya ang ngumiti.
"Masakit dito oh." Sabi ko sabay turo sa dibdib ko.
"Hala! Bakit masakit?" Worried na talaga siya at lumapit na sa akin.
"Sabi kasi ng puso ko wala daw nagaalaga sa kanya kaya nagkakasakit. Baka daw pwedeng dito ka na tumira sa puso ko." Nakangiti kong sagot.
"Baliw ka talaga. Sa tingin ko magaling ka na. Ang kulit mo na ulit eh. Pinagworry mo pa ako." Sabi niyang nakasmile na.
"Salamat sa nurse ko. Magaling magalaga eh. Thank you ha." Sabi ko at pinisil ko yung kamay niya.
Undeniably there was a spark brtween us. Napabitaw kasi siya sa kamay ko bigla. I am sure of it at hindi lang ako assuming. Yun ang nakita ko sa mga mata niya.
"Anong thank you may bayad yun. Libre mo ako sa Saturday sa movie out natin." Nakasmile niyang sabi.
"Sure! Yun lang pala eh."
Panira lang ng moment kasi may kumatok sa pinto.si Angela pala. Nangamusta. Akala ko nga mag-stay pa siya sa bahay pero niyaya na siya ni Nath na umuwi at kailangan ko pa daw magpahinga.
Nang makaalis na sila sa bahay ko nagtext ako kay Nath.
--thank you sa pagaalaga sa akin.mwah!--
Nagreply naman siya agad.
--wala yun. Rest na wag makulit. May food pala akong iniwan kainin mo yun.mwah!--
Ang sweet talaga niya. May kiss back pa ako. Gagaling talaga ako kung palaging siya ang magaalaga sa akin.
Habang kumakain ako dun ko narealize na kahit bata pa lang si Nath eh reliable na siya. Masyadong matured kung umasta na hindi mo aakalain na isa lamang siyang 16 year old na tao.
Napakaswerte talaga ng taong mamahalin niya. Ay mali pala. Napakaswerte ko naman pala. Hihi.
End of Chapter