Erin's POV
As days passed by palaging school at bahay ang routine ko. Nakakatuwa naman kasi nagiging close na kami Nath.
Since saturday ngayon I decided to visit my Mom. Baka nagtatampo na yun at ilang months na rin ang nakalipas at hindi ko siya nabibisita.
Bago at pumunta sa telephone booth bumili muna ako ng pasalubong.
-Telephone booth-
Dial...
Dial...
Dial...
Vaccuum feeling...
At wola! Nasa time na ako ni mama.
Naglakad na ako papunta sa bahay namin at nakita ko naman si mama at baby Erin na nasa veranda. Kumaway ako.
"Irene!"
"Gen! Ang tagal mong hindi napadalaw. Namiss ka namin ah."
"Sorry. May bago kasi akong trabaho. Teacherl na." paliwanag ko tapos umupo katabi nila at nilaro si baby Erin.
"Asensado ka na ah. Mabuti naman pala."
Dahil sa namiss ko si mama nagkwentuhan kame ng bonga. Naikwento ko rin yung tungkol kay Nath. Pero hindi ko naman sinabi na student si Nath. Hehe.
Nang gumabi na ay nagpaalam na ako para umuwi.
Naglalakad na ako pauwi ng masalubong ko si papa.
"Gen? Ikaw ba yan?"
"Opo. Bumisita lang." sagot ko.
"O bakit hindi ka pa sa bahay kumain? Halika balik tayo at sabayan mo na kami kumain."
Wala naman akong nagawa kasi hinila na ako ni papa pabalik sa bahay.
Kumain na kami at roasted chicken ang ulam na dala ni papa. Ang sweet nilang tignan. Feeling ko napapaluha ako habang tinitignan sila. Lalo ko namiss si mama
L
"Oy Gen, ganyan yang itsura mo?" tanong ni mama.
"Ang sweet niyo kasi. Namimiss ko lang parents ko."
"Aisus... Mahirap ba yun? Eh di dalawin mo sila." Sabi ni mama.
Naisip ko sana nga ganun na lang yun kadali.
"Oo sa bahay na ako tutuloy niyan." Palusot ko.
Pagkatapos makapagligpit ay umuwi na rin ako. Sinabi kong marami pa akong i-che-check na papers which is totoo naman.
Nang makauwi na ako sinimulan ko na ang pagbabasa ng mga journals ng mga makukulit kong studyante. Huli ko ng
babasahin yung kay Nath. Sabi nga save the best for last.
Hindi ko mapigilan ang matawa sa mga sinulat ng mga bata na nauna ko ng basahin. Puro tungkol sa crushes nila at teachers. May mga code names pa nga. Haha. Naalala ko tuloy nung nag-aaral pa ako. Ganun din kasi ako lalo na sa mga nakakainis na profs.
Parang kakailanganin ko rin ang isang pabrika ng red ballpen ah. Haha. Medyo marami kasi ang wrong grammar. Pero the good thing is na-e-express nila ang gusto nilang sabihin.
Nakakasampung journals na ako at bumibigat na yung talukap ng mata ko. Akala ko matatapos ko lahat yung journals pero hindi na kinaya ng powers ko.
So nahiga na ako sa bed and turned of my lamp shade. Tinignan ko muna yung phone ko to check kung may text. Almost 4am na pala. Sobrang late ko na makakatulog.
I closed my eyes pero naramdaman kong nagvibrate yung cp ko.
--good morning Erin have a nice day! Be safe:)--
Parang nawala bigla yung antok ko. Si Nath nagtext! Nagreply naman ako agad.
--good morning too. Aga magising ah. Keep safe din. :)--
I've waited for few minutes pero wala ng reply. Nakatulog na tuloy ako.
--10am--
Naligo na ako at lumabas to look for something to eat para diretso na yung trabaho later. Nagpunta ako sa KFC. Favorite ko kasi. Namiss ko tuloy si Anne.
Nakapila na ako ng mahagip ng pheriperal vision ko ang love of my life. (Amnin ninyo readers kapag may gusto kayo na isang tao kahit dulo lang ng buhok niya makita niyo alam niyong siya yun. Hehe) Sumaya ako bigla. Naka sun dress siya tapos nakabraid yung hair. Napansin niya ako at nginitian pa ako.
Sana lagi niya ako binibigyan ng ganung smile para palaging hayahay ang buhay. :)
Pagka-order ko ng food na iuuwi ko na sa bahay lumapit si Nath sa akin. Sobrang naamoy ko yung lavander scent niya.
"Hello Erin! Pakilala kita kay mom." Aya niya sa akin.
"Hala nakakahiya. Pakikilala mo ako na teacher mo?"
"Ayaw mo ba? Pwede naman kita ipakilala as my friend ah."
"That will be better." smile ko sa kanya.
Lumapit kami sa table kung saan sila kumakain.
"Mom friend ko po. Si Erin. Bago lang siya dito sa atin. Nakilala ko sa school."
"Good noon po ma'am.' bati ko naman.
"Ang pormal mo naman iha. Tita na lang. Nice to meet you. Pakibantayan mo itong si Nath sa school ha?" nakangiti niyang sabi.
Akala ata niya classmate ko si Nath. Babyface talaga ako.(walang kokontra :D)
"Opo tita, wala pong problema ako pong bahala kay Nath." Nakasmile kong sabi.
"Thanks. O why don't you join us? Dito kana kumain sa table namin." Aya niya
"Hindi na ako umangal pa. Pagkakataon ko na rin ito eh. So nakwentuhan lang kami.
Hayahay na ang araw ko. Nakita ko siya at nakilala ko ang mom ni Nath.
Umiwi na ako sa bahay. Syempre ganado ako na gawin ang mga teacher's chores ko. Tinapos ko na muna yung 4 na journal na hindi ko pa nababasa.
Nung kay Nath na yung binasa ko grabe twice ko lang nalagyan ng red ballpen para sa correction. Nagkwento siya tungkol sa family niya kaya nalaman kong dalawa lang sila magkapatid at parehas na proffesionals ang parents niya. Nagkwento din siya tungkol sa "new" crush daw niya. Weird, may pagkaisip bata at cool daw yung taong un. Tapos palagi daw niyang napapansin na nakatingin yun sa kanya. Ang nakakapagtaka lang hindi siya gumamit ng pronoun kaya hindi ko alam kung lalake ba yun o babae. Puro "Spy Kid" lang ang binabangit niya. Grrr... nakakawalang gana ah! Pero hindi ako susuko. Malalaman ko rin kung sino yun. At ipapasalvage ko siya. Hahaha. Evil laugh. (guys imagine yung mga kontra bida na tumatawa. Hehe.)
Feelingera lang naman ako na magagawa ko yun. Kung sino man si "Spy Kid" wala siyang panama sa akin. Nagnote na lang ako sa journal ni Nath. Syempre pakunwaring mabuting guro ako eto ang nilagay ko sa note ko pero ang totoo eh ayoko lang na yun ang topic niya palagi.
"Nathalie Belle Cruz, you still have a very long journey ahead of you. Focus on your studies first."
At dahil nawala ang momentum ko ay naisipan ko munang lumabas para magpahangin. Nilalaro ko yung phone ko ng biglang may nagtext. Unknown number lang. Baka scam lang. Naalala ko kasi ganitong year yung sandamakmak na text scam na nanalo ka daw ng million eh. So binura ko na lang. Lahat naman ng kilala kong tao nakasave sa phonebook ko yung numbers nila.
Naisipan ko ng pumasok ulit sa room ko dahil gumagabi na rin. Nakahiga na ako at nagmumuni muni ng may natumawag naman sa phone ko. Unkown number nanaman. Kulit lang eh. Ni-reject ko yung call at kinuha yung tablet ko para magpatugtog ng music.
Aba makulit yung tumatawag. Nagri-ring nanaman yung cp ko. So sinagot ko na.
"Hello. Sino ka ba?"
"Aw... ang sungit naman ni teacher Erin." Sabi ng nasa kabilang line at tumawa pa.
"Sino ka ba kasi?" Tanong ko ulit.
"Your guardian Angela. Hehe. Sungit mo."
"Sorry naman daw. Kanino mo nakuha number ko?"
"Kanino pa edi kay Nath."
"Pano ka naman nakakasiguro na may number ako kay Nath?" Mataray kong sagot.
"Uy si Erin taray-tarayan para hindi halata. Hahaha!"
Itong babaeng ito nakuha pa akong tawanan. Grrr!
"Kung wala kang magawa bye na. I'm busy." cold na sabi ko.
"Sungit talaga. Kaya gusto kita eh. Hehe. I had a feeling lang na meron kang number sa kanya. At alam kong hindi ka busy. Ang lakas ng patugtog mo ng music mo eh."
Doon ko napansin na yung background music niya same sa tumutugtog sa player ko.
"Okay. So hindi nga ako busy. Pero it doesn't mean na pwede mo na akong istorbohin."
"Aisus... kakahurt ka na Erin. Sa akin ka lang talaga masungit. Pagdating kay Nath palagi kang nakasmile."
"Tantanan mo nga ako ANGELA!" bulyaw ko sa kanya. Iritable na ako eh.
"Chilax naman. Sorry hindi na. Labas ks saglit."
"At bakit naman ako lalabas?"
"Kasi po may dala akong dinner natin at sana po ay papwsukin mo na ako sa bahay mo."
"Sinong nagsabi na sasabay akong magdinner sayo aber?" Tapos pinindot ko na ang end button ng cp ko at pinagbuksan siya ng pinto.
Todo smile naman si Angela pagbukas ko ng pinto.
"Nagtext kasi ako sayo kanina pero hindi ka sumagot tapos tumawag ako bago nagpunta dito nireject mo naman."
Siya pala yung unknown number kanina.
"Whatever. Lika pasok ka."
Dinala niya sa lamesa ko yung binili niyang food. Feeling at home lang eh.
"Wala kang mga plato? Isang tasa at spoon lang ang meron ka?"
"Bakit ba? E sa yan ang trip ko eh."
"Ang sungit mo talaga. Kaya nga dito ko na dinala itong food alam ko hindi ka papayag na sumama sa akin eh. Paano ka pala kumakain?"
"May kinakainan ako sa labas. So hindi ko na kailangan ang mga yun. Kain na nga tayo. Buti pala dumating ka. Makakalibre ako ng dinner ko."
"Hehe. See? I' m your guardian ANGELA talaga."
"He! Tumigil ka na nga at kumain na tayo." sagot ko naman at ngumiti na rin.
After namin lumamon eh nagkwentuhan kame. Nalaman ko na lesbian nga si Angela at out siya sa parents niya. Hindi lang halata kasi femme lesbian siya. Nang tanungin niya ako kung ako daw ba. Pansexual. Yun lang ang sagot ko.
"Pansexual? May ganun ba? Nakakanose bleed naman TEACHER ERIN."
"Teacher Erin talaga? Kung pauwiin na kaya kita? I-google mo na lang yun." natatawa kong sabi.
"Pahihirapan pa ako pwede namang ipaliwanag na ngayon." sagot niyang napakamot sa ulo.
"Ahh basta. Assignment mo yan. Anyway, 8pm na hindi naman sa tinataboy kita pero gabi na. May pasok pa tayo bukas."
"Hindi daw tinataboy pero pinapauwi na ako. Eto na nga uuwi na po." at tumayo na siya papuntang pinto.
Hinatid ko siya sa door.
"Wala ba akong good night kiss?" pahabol niya.
"Sapak gusto mo?"
"Joke lang naman. Alam ko naman sinong gusto mong i-goodnight kiss eh. Haha! Lakad kita sa kanya. Bye!"
"Sira ulo ka talaga! Shoo! Uwi na!" Natatawa kong sagot.
"Ingat ka ha!" Pahabol kong sigaw.
Sumaludo naman siya na parang timang. Hindi ako pumasok kaagad sa bahay at hinintay na makasakay siya ng tricycle.
Katatapos ko lang maghilamos ng mapansin kong may nagtext pala sa akin.
**from Angela**
--D2 na ako sa house. Tnx sa tym. I enjoyed a lot. Seryoso ako knina ila2kad kita kay Nath. ;) --
Napangiti naman ako. Kahit makulit si Angela masaya siyang kasama. Hindi pa nga ako nag-a-agree new best friends na nga daw kami sabi niya kanina. Nagreply ako sa kanya.
--bata tnx sa dinner. Sa uulitin pra mkatipid ako. Haha! rest na. May pasok pa tayo bukas. Nyt!--
Naggood night na rin siya sa akin. Humiga na ako at tinitigan yung wallpaper ng phone ko. Si Nath yun sa present nung inaya ko siyang kumain sa labas. Nakakamiss na siya. Sana may progress na ang love story namin.
Nakatulog na rin ako.
ZzzzzzZzzzZzZzZ.....
End of chapter