Chapter 20

3837 Words
Erin's POV Ayun. Nakakastress na nga ang maging call center agent mas pa pala ang maging teacher. Buti pa ang call center agent walang lesson plan at paper works pag uwi mo kung ano dala mo papunta yun din ang dala mo pauwi. Haha. Nagchecheck nga ako ng mga papers nila. Syempre inuna ko yung paper ng cute na cute na batang si Nath. Hmm. Matalino talaga siya. i lang ang mali nya eh. Walang nagbago sa attitude nya. Smart parin ang dating niya, same smile, at yung mata nya gaya padin ng present. Pag nagdidiscus ako sa mata niya ako nakatingin. Alam ko nacoconcious siya kaya minsan nagpapasimple na tumingin sa labas. After ko titigan ang answer sheet nya. Nilagyan ko ng sulat. "Good job Nath! Keep it up!" Tapos yung pirma ko with smiley. Haha. Siya lang may ganun sa mga papel na nicheck ko. Para na ako timang. Alam ko namang bawal eh ang teacher-student relationship but the hell I care! Yun ang main purpose ko kaya andito ako. Hayyy..Ewan ko ba ang adik ko. Haha. Bago ako matulog nag isip ako kung pano ako mapapalapit pa sakanya. Pano nga ba? Gusto ko din siya makilala eh. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Ang dating eh para na akong stalker. Haha. Parang lang naman. -Kinabukasan- Hindi ako nakauniform, nag jeans lang ako at snickers. Pano ba naman magtuturo ka sa class ng isang oras ng nakatayo eh. Ayoko. Di ko bet ang skirt at heels no. Sub lang naman ako. Kaya wag silang umangal. Hahaha. So ayun nga English class na naman. Mapapasabak na naman ako sa Englishan as usual. Haha. Pagbungad sa classroom siyempre hahanapin kong una yung cute na love ko. Hinahanap ko kaso wala siya. Nadisappoint ako. Parang nawalan ako ng gana magturo ngayon ah. Tsk. Ang gulo pa ng mga students ko. Sumigaw ako. "Class!!!! Tahimik!" Sabi ko ng naiirita ang boses. Nagulat ang buong class. Umupo sila ng maayos at tumahimik. Natawa naman ako. Kulang lang pala sila sa gulat. Haha. Umupo ako sa desk at sinampa ang paa ko sa chair. Nagulat ang class. "Anong tinitingin nyo guys? Haha. Teka? Parang kulang kayo? San si Ms. Cruz ba yun? (haha, kunware di ko kilala)" Student: "Ma'am malelate daw po." "Sinabi ko bang mag tagalog ka? Ako lang may karapatang mag tagalog dito." (kunware seryoso) Student: "Ah. Ah eh.. Hmm. Ma'am Nath will late himself because her, she text me and tell me that . That the." Hahaha, di ko nakeri yung english nitong studyante ko. Tumawa ako ng malakas. Nawirdohan na ata ang mga studyante ko siguro saakin. "Haha. Come on you can do it." Student: "That her brother is sick and she take care her brother while wait for her mother to go home." "Haha! Great. At least you can express yourself. Well work on your grammar don't worry, good job. Thank you for that Miss? whats your name?" Student: "Mae Ma'am.." "Well thank you Mae. Oh class. Ganyan dapat. Kahit hirap na hirap. Sanayin ang english. Haha. Mag break na nga muna kayo. 30 minutes. Haha. Sikret lang natin yan ha. Alam ko gusto nyo yan. Hehe." Studen 2: "Wow ma'am! Your such an angel! Thank you." Sabay takbuhan sa labas. Tinatamad talaga ako mag turo pero I'll make sure na may matututunan sila saakin. Ayoko na matakot ang mga studyante ko saakin. Gusto ko malapit sila saakin. Lalo na si Nath. :) Nakaupo lang sa desk at nakasampa ang paa sa upuan. Ang tagal ni Nath eh. Nag headset ako at nagsoundtrip, head bang pa at sayaw! Nakakaindak talaga ang kanta ng 1D haha. Di ko agad napansin na pumasok si Nath na nagpipigil ng tawa.  Naconcious ako. Haha. Kaya tinanggal ko yung headset ko. "Oh hi Miss Cruz? You are late. Okay ka lang ba?" "Im okay Ma'am. Sorry Im late." Ang cute nya naman oo. Yung smile nya kakatunaw. "Okay. Im happy to hear that you are fine." Gusto ko siya lapitan at sabihin na gustong gusto ko siya eh. Kaso masyado pang maaga. Baka magulat. Hehe. Tinitigan ko lang siya habang nakaupo siya sa armchair nya at nagbabasa. Hay kakain love talaga siya kahit kelan. Tapos bigla-bigla pumasok ng magulo ang mga studyante ko. "Sabi ng tahimik diba?! Class naman. Pagagalitan ako ni madam principal eh. Umayos kayo." Napakamot ako ng ulo. Napansin ko si Nath napatingin saakin at napangiti. Yung smile na yun eh. Hay. Natawa nalang ako. Pinaupo ko na sila at ng start na ako mag discuss. Alam ko kung sino ang nakikinig at sino ang hindi kasi gawain ko din yun. Kaya kinukuha ko attensyon nila. Nagpapaactivity ako at games para hindi sila mainip yet may matutunan sila. Natapos ang class namin ng masaya at puro kame tawa. Pansin ko na naenjoy naman ng class ko. Tapos sabi ko sa kanila bago magdismiss required sila gumawa ng journal, Everyday. Kahit anong nararamdaman nila saakin at sa mga teacher nila or pag may problema sila ilagay nila sa journal or mga bagay na nagpasaya sakanila sa araw na yun at babasahin ko lahat. At walang makakalabas. Nothing personal pag may nabasa akong negative about saakin or sa ibang teacher nila. Amin amin nalang. Well as usual ang mga estudyante ko nagrereklamo. Pero wala silang magagawa dahil teacher nila ako! Haha Ganda talaga ng naisip kong paraan para makilala ko ng lubos si Nath. :D pagkatapos ng pagtuturo sa ibang sections, Uwian na naman. Wala pa ako talaga nagagawang hakbang para mapalapit kay cutiepie. Malapit lang ang bahay ko sa school. Umupa ako ng bahay eh. Good for 1 month habang wala pa ang teacher nilang tunay.  haha. Pag uwi sa bahay well nakakamiss ang usual na ginagawa ko, drive drive pag may time,gala kasama si Anne at namimiss ko si trabaho ko at si Nath.  Nakakainip wala pang progress sa plano ko eh. Naisipan munang ilabas ang tablet ko. Wow! Sa present hirap sumagap ng signal pero dito sa past nakakasagap ng signal. Full bar pa. Haha. Sabi ko nga katabi ko lang yung globe tower dito eh. Globe ako pero may smart ako. Haha Siguro pag nakita nila ang gadgets ko magulat sila. Ang uso lang sa kanila cellphone na may antena at yung unang cellphone na may camera na nokia na walang bluetooth, infrared ang meron. Pag magpapaprint ka ng picture kaylangan mo itutok yung cellphone sa parang machine at matagal bago nya masagap yung iiasang picture. Ang kakapal ng cellphone nila at ang bibigat.Haha. I remember nung kaedad ako ni Nath ang cellphone ko 3310, pinangarap ko magkaroon ng nokia6020 at mayaman lang dati ang meron nun. Haha wala nashare ko lang. Umupo ako para mag sulat ng lesson plan. Nakakatamad nga gumawa eh. Pag nagdala kaya ako ng pocket wifi dito makakasagap kaya ako? Haha. Madali lang kasi mag copy paste ng lesson plan eh. Magpapakahirap pa ako gumawa. Gagawa na nga. Kaya ayoko maging teacher eh! Dame dapat gawin. Hay.. Pagkatapos gumawa ng lesson plan nahiga na ako at sinubukang matulog. Pag pumipikit ako si Nath ang nakikita ko. Hay. Adik na ata ako. Yung lips nya. Sarap ikiss. My gas balbas! Naiimagine ko talaga siya. Ano ba ito timang na ako. Di ako ganito eh. Hay. I will do everything maging akin ka lang.  Makalipas ang ilang minutes. Orlok na zzzz zzzz zzzzzzz zzzzzzzzz Nag alarm ang cp ko. Nagising ako agad. Magandang sign. :) pasok na naman. Makikita ko na naman si ganda, nagmadali ako bumangon nagbihis at nagtooth brush. Wala ng kain kain. Mamaya na yun. Haha. Naglakad na ako papunta sa school. Walking distance eh. At totoo ba ito? Ang swerte ko. Maaga ngayon si Nath.Nauna siya ng konte saakin. Binilisan ko maglakad para makasabay sakanya. Parang hindi ako titser sa ginagawa ko. Who cares. Nung malapit na ako pasimple ako na di ko siya nakita. Tapos napansin nya ako. "Good morning ma'am!" Sabi nya. Grr ayoko tinatawag ng ma'am. Ayaw nya din yun. Naalala ko nga nung interview. Nag smile ako ng maganda sakanya. "Oh Miss Cruz! Its you. Good morning. Ang aga mo ha. Nagbreakfast ka na?" Tanong ko. Nagulat siya. Feeling close sabi nya siguro sa isip nya. Haha. "Ahm. Hindi pa po. May snack naman po ako ma'am. Okay na to." Natawa ako. Lumapit ako sakanya at bumulong. "Guess what Ms. Cruz, ayaw ko natatawag ng Ma'am. Nasa labas pa naman tayo ng campus. Erin nalang :) " Question mark na naman ang mukha nya. Tapos biglang tumawa. "Ang cool nyo naman po ma'am Erin!" Sagot nya. Napakamot ako ng ulo. Mahinang salita ko. "Erin nalang please. Dito pa tayo sa labas eh." "Ah, okay po." Tapos nag smile siya ng nakakatunaw. Ang cute cute ng batang ito. Haha. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila papunta sa canteen sa labas. "Tara kain tayo. Treat ko. :)" sabi ko. Wala na siyang nasabi kaya sumama nalang siya. Pag dating sa pantry bumili ako ng makakain siya halatang nahihiya siya saakin pero ginawa kong palagay ang loob nya. Patawa ako ng patawa tapos parang nawala yung hiya nya tawanan lang kame ng tawanan tapos sabi ko may ipapakita ako sakanya. Naisip ko ilabas ang phone ko na android. "Ano yan?" Tanong nya "Ahm. Wala. Gadget na pang mayaman." Haha. Smile ka sabi ko sabay picture. Tapos pinakita ko sakanya. "Wow! Ma'am astig naman nyan. San mo nabili yan? Para kang yung mga nasa spy movies ha. Ang cool." "Pwede mong tignan." pinahawak ko sakanya. Nakita ko yung itsura nya amazed na amazed talaga siya. Natuwa siya kasi yung touch screen, hinahanap nya yung keypad kaso wala sya mahanap. Nagulat siya ng may napindot siya at naexit yung picture nya. "Halla ma'am sorry nabura na yata." "Haha. Baliw naexit mo lang. Eto oh. Ganito gamitin ito." Tapos natuwa siya nung pinipindot ko. "Dito ka magtetext, dito yung camera, dito yung sounds, tapos my mga games dito. Wanna try?" Nagsmile siya na parang naeexcite ang mukha. "Eto oh. Candy crush. Kakaaddict yan. Yan yung mga candy. I drag mo yung kakulay nya. Dapat maclear mo yang mga jelly na yan" sabi ko. Natuwa siya. Naging busy siya sa paglalaro. Nakasmile nga siya eh. Ako naman nageenjoy sa pag titig sakanya. Ang ganda nya kasi talaga. Hay. "Im so in love with you Nath." Bulong ko. "Ano po yun ma'am?" Tanong nya, "Ah..." sabi ko. "Im so-so happy na nagustuhan mo yang phone ko. Haha. Sikret lang natin yan ha. Di pa kasi labas yan sa market ako lang meron nyan. Imported eh. Haha." Sabi ko. "Opo" sabi nya naman. Hindi namin namalayan ang time at malelate na pala kame. Binalik nya yung cellphone ko.  "Wait" sabi ko. "Ano number mo? Itype mo dito" sabi ko sakanya. Pinatype ko yung number nya. Mabilis naman pala siya natuto mag cp. Kinuha ko yung kamay nya para aluking tumayo. Inabot nya saakin yung kamay nya. Grabe may sparks. Feel ko. Nagmadali kame maglakad papunta sa class room. Pag pasok namin sa room magulo na naman ang mga studyante ko. Hay! Si Nath pumunta na sa kinauupuan nya. Nag smile ako sakanya at nag smile din siya saakin. Kilig naman ako dun. Tapos ang mga studyante ko sabay sabay na nag good morning maam. "Good morning class. Anong meron bakit magulo na naman kayo? Okay lang ang magulo wag lang aabot sa principal's office ang boses nyo. Alam nyo na si madam pag nagalit lagot tayo. Haha. " Natawa ang mga studyante ko sa sinabi ko. Naiintindihan ko kasi sila. Magulo din ako dati at lage ako napapagalitan. Eh nag eenjoy lang naman ang tao. Haha student 1: "maam ang baet nyo na ang ganda nyo pa! Haha" lahat ng studyante ko nag agree.. Leche! Unang una Miss? Sabay turo sakanya. Student 1: "Hernandez po." "O yun, Ms. Hernandez pag nandito na ako english tayo ha? At pangalawa, ang galing nyong mang uto class! Haha." Napatingin ako kay Nath. Natawa siya sa reaction ko. Hehe. Ay di lang pala siya ang natawa pati ang mga studyante ko. Siya lang una ko napansin. Nag umpisa na kame mag lesson. Binigyan ko ulit sila ng activity na mag eenjoy sila at matututo. Hirap talaga magturo ng english. Wew! Kaya hindi ako masyado nag i-english dahil nahihirapan ako. Haha. Strict naman ako sakanila. Dapat nilang sanayin magsalita ng english para maging natural nalang sakanila. Habang andito ako hindi sila pwede magtagalog. Nakakainis ang rule na yun pero kaylangan para matuto sila. My gawd! Nagiging teacher na ako talaga. Haha, baka maisapuso ko pa ang pagiging huwarang guro neto. Haha. Ayun natapos na yung class. Pumasok ako sa isa pang year at isang pang year at nagturo ng englis. Boring ang mga class na yun. Higher section kasi. Matalino pa ata sila saakin. Haha. Yung advisory class kasi na hinahandle ko as a sub teacher matalino naman sila kaso makukulit. Nagtataka nga ako bakit di nasama si Nath sa higher section eh. Pagkatapos mag turo tumambay lang muna sa faculty room. Mamaya na ako uuwi yung love ko may pasok pa. Hehe. Pag vacant nila pumupunta ako sa room nila. Nakikipagkwentohan lang ako sa mga studyante ko. Ng kung ano anong kalokohan. Hindi ko sila tinuturuan. Lumalabas lang ang natural nila pag kasama ako. Haha. Hindi nga sila nahihiyang magshare saakin eh. Nakakatuwa ang class na to. Parang mag eenjoy ako. Kahit makukulit sila eh may respect sila saakin. Tahimik sila pag nagdidiscuss ako. At pansin kong nagpaparticipate sila. Ewan ko lang sa mga teacher nilang iba kung same din. Yung isang girl na studyante ko lumapit siya saakin. Student: "ma'am. I dare you!" Sabay patong ng chess board sa desk ko. Natawa naman ako. Ang yabang kasi pero hindi nakakairita. Ang name nya yata Jenette. Di talaga ako magaling magmemorize ng mukha at name eh. "Wow. Anong gagawin ko pag nanalo ako? Utusan kita lage tapos kutuhan moko at magdadala ako ng yema ibenta mo sa class." Biro ko sakanya. Natawa ang class saamin. Student: "Pag ako nanalo ma'am, libre magtagalog ng 1 week ha?" "Wow. Sige ba! Pero asa ka naman na matatalo moko. Haha" Class: "yes maam! Talunin mo si ma'am, Jenette! Wooooh.." "Asa kayo. Haha." Tinignan ko si Nath at nakasmile lang siya. "Hey Miss Cruz. Kakampi kita dito ha?" Tumango lang siya at nakasmile. Umupo kame sa gitna sa may board may table dun. Nagstart na ang laro ako ang white kaya nauna ako. Sa totoo lang natapakan lang ang pride ko. Hindi talaga ako marunong mag chess eh. Alam ko lang yung moves nila. Napalunok ako. Nako ayan naunahan ko ng yabang. Pano kaya ito? Pawn ang first move, tapos knight, tapos pawn, ganun lang. Di ako nag iisip. Parang dama ang tingin ko. Kasi kain lang ako ng kain. Natatawa ako. Diba sa dama kung sino marami ang nakain siya ang panalo? Haha. Tapos yun. Kinain ko yung pawn nya. Paharang harang kasi eh tapos hindi ko alam na nabigyan ko pala siya ng daan. Check mate ako. My god! Nakakahiya talaga yun. Sabi ko nagkamali ako ng move ulitin namin kaso nag react ang mga magaling kong studyante. Class: wala ma'am! Talo ka.. Yehey! Tagalog tayo ng 1 week! Napakamot na naman ako ng ulo. "Ano pa nga ba magagawa ko class? Haha.." Tinignan ko si Nath ulit at ang cute nya. Tahimik lang at nagpipigil ng tawa. Gandaaaah grabe!! Natalo ako sa pustahan. Tsk di ako marunong nun. "Makauwi na nga! Wala na akong pasok kayo may last subject pa. Mga bwisit kayo! Pinapasubo nyo ako eh. Haha. Bye guys." "Class: bye maam! Baet nyo!" "Heh!! Tahimik!" Tinignan ko si Nath. Nag smile ako ng bongga. Nag smile din siya, Tapos naglakad na ako pauwi. Hays. Bukas ulit. Pano nga ba ako mapapalapit sa kanya? Natanong ko lang. Pag uwi ko... Gawa lesson plan, check ng quiz, kain tulog. Zzz zzzz zzzzz kinabukasan: Nag alarm na naman yung cp ko! Yehey! Umaga na! Hinanda ko na mga gamit ko. Nag luto ng breakfast, naligo, nag tooth brush, mouth wash, perfume, konting blush on at lip gloss! Tingin sa salamin, perfect! Ganda ko. Anyare? Bakit nagpapaganda ako ngayon? Haha. Pag labas ko ng bahay lakad ng konte school na. Akala ko makakasabay ko si Nath tulad kahapon kaso hindi pala. Pag pasok ko sa gate nasalubong ko ang mga studyante ko. Student 1: ma'am! Good morning po. Ang ganda nyo ah. Umagang umaga nang uuto ka! Haha. Sabi ko Student 2: ma'am akin na yung bag nyo..help kita. Asus ang mga studyante ko ambabaet. Ano kaylangan nyo saaken? Haha student 3: wala naman ma'am. Bakit sino hinahanap nyo ma'am at kung saan kayo nakatingin? Haha. Layo ng tingin nyo nandito naman ako.. Natawa naman ako sa studyante ko. Haha. Baliw. Baka nakakalimutan mong teacher moko? Ahahaha. Pasok na nga tyo. Naglakad na kame papasok sa classroom. Pag bungad ko sa room mukha ni Nath ang una kong hinanap. Syempre. Napansin ata ni Student 3. Nasesense nya ata ako. Nasesense ko din sya. Ehe. Naaamoy ko ang gender ng babaeng to. Haha student 3: (lumapit sya saakin at bumulong. ) Ma'am. Ganda nya no? Pasimple ako. Kunware di ko alam. "Sino? Umupo na nga kayo mag clase na tayo!" Ngumiti lang nga siya ng nakakaloko. Tapos umupo na nga sila.Haha.. Tumayo ako sa harap. "Good morning class!" class: magandang umaga po guro! Anu daw?! Bakit tagalog?!! Student 1: ma'am! Natalo kayo sa deal remember? Tagalog tayo ngayon. Hahaha.. "English ang subject ko, hindi Filipino! Sige pag normal na usapan tagalog ha? Pero pag magrerecite english." mga studyante ko talaga di ko maisahan. Hahaha. "Kumusta pala yung diary guys na pinapagawa ko? I said, everyday you have to make one diba? Im going to get it on friday." class: yes ma'am! Tapos nag start na ang discussion. May reading comprehension kame ngayon.May story din sa book kaso di yun ang pinili ko. Boring yung story eh. May alam akong story na makakarelate sila. About love kasi. Haha. My lesson naman yun ah. Kasi kahit sinong kabataan naman yun ang pag iinteresan.  Nakasave na itong story na to. Dinownload ko dati sa youtube, slide sya na babasain eh. Tapos may back ground music! Nilabas ko yung speaker ko. Nagtataka sila bakit daw my softdrinks. Astig kasi yung speaker ko. Dalawa na  ang design ay coke in can. Haha. Malakas yun. Nabili ko sa baclaran. Alam nyo yun? Haha Pinili ko yung hindi sabog na speaker. Student 4: ma'am! Ano yan? "Wag magulo. Sikretong malupet natin ito ha? Haha promise?" class: yes ma'am. Nilabas ko yung Tablet ko na may kalakihan. Di nila alam yun. Di pa uso ang tab noon. At alam ko magugulat sila. Sarap pag tripan ng mga studyante ko. Haha..pinagyabang ko yung tablet. "Tignan nyo ito class? Smile kayo." Sabi ko sabay kuha ng picture. Tapos pinalapit ko sila para tignan. Class:Wow! Ang astig ma'am! San galing yan? (mga ignorante haha) "Tawag dito tablet. Padala ng tatay ko sa US. Haha.(palusot ako)" Tapos nilagay ko yung stand ng tablet at pinalapit ko sila para mapanood nila lahat at mabasa. 15 lang ang studyante ko. Konte lang sila kaya lahat sila makakapanood ng sabay Tuwang tuwa naman sila at halatang interesado sila sa kwento, Dahil ata sa back ground music na malungkot napaiyak sila sa story. Thats a good sign. Ibig sabihin naiintindihan nila at talagang binabasa nila. Yung story kasi ganito. Summary: A girlfriend gave a challenge to her boyfriend to live a day without her. No communication at all and said if he passed it, she'll love him forever. The boyfriend agreed. He never texted nor called his girlfriend for the whole day without knowing, hid girlfriend has only 24 hours left because she was dying because of cancer. After a day, he excitedly went to this girlfriend, "I did it baby" but tears fell as he saw his girlfriend lying in a coffin with note "you did it baby.. Now please do it everyday... I love you (salamat google sa story ^_^ ) After noon ay pinagawan ko sila ng reaction paper. At binigyan ko sila ng tanong. 1.Ano ang gagawin nyo pag kayo ang nasa part ng girl? 2.Anong gagawin nyo kung kayo naman ang nasa part ng boyfriend? Binigyan ko sila ng oras para magsulat. Tapos habang nag hihintay sa kanila nagpatugtog ako sa tablet ko at nakaspeaker. Hindi ko masyado nilakasan dahil maririnig sa kabila. Sakto lang. Haha. Now playing> "bu "bubble butt" di ko alam bakit pag naririnig ko yan napapasayaw ako ng di ko namamalayan. student 4: maam! Ano yang kanta nyo parang kanta ng adik. Haha. Ang wirdo nyo maam saan lupalop kayo ng mundo nanggaling? Aba. Nagulat ako. Estudyante ko ganun ang salita saakin. Walang modo. Haha.. "alam mo san ako galing? Doon oh sabi ko sabay turo sa langit. Anghel ako na nagkatawang tao para hanapin ang taong mahal ko" biro ko sa kanila. class: wooooooh. Nandito ba siya maam? Sabi ng isa. Gwapo ba? Sabi ng isa. Teacher ba? Sabi na naman ng isa. student 3: hahaha. Maam. That was epic!  i will help you. I think i know who that is! None of your bussiness guys. Haha. Tinignan ko ng masama si student 3. Di ko alam pangalan nya. bakit alam nya? Halata ba ako? Nanahimik lang siya nun inirapan ko siya. Haha. Mga studyante ko nasasabi ang gusto saakin parang tropa palibhasa kasi isip bata din ako. Haha Si Nath hindi nagsasalita nakikitawa lang. Tapos pinagpatuloy ko magsounds. Pati class napapaindak. Pinalitan ko yung kanta. Yung luma. Pero sweet. Kanta ko sa present na Nath. Tinignan ko ang highschool na si Nath. At ni play ko yung song. (When you say nothing at all) corny ko nga minsan. Haha Intro palang alam na ata nila ano yung kanta. Ehe Class: yihhhhh. Maam ang sweet. Kakain love kayo! . Narinig ko yung isang studyanteng lalake. Haha Habang nag peplay yung song napatingin sa akin si Nath. At nakuha ko yung matamis na ngiti na. Ang cute nya talaga. Nag smile din ako sakanya. Tapos nag blush sya. Totoo ba to? Haha. My progress. Tapos my narinig ako si student 3. Bigla umepal. Student 3: (ubo, ubo) ehem. May plema ako. Hays.. Ehem ehem. Kati ng lalamunan ko. Tinignan ko siya. Ano kasi pangalan mo? Student 3: Im  Angela. Call me your angel. Natawa ako di ko makeri. Haha. Class: wooh.. Maam lesbian yan. Di lang halata. Haha sabi ng isang studyante. Haha. Ah. Angela. Makati lalamunan mo diba? Itry mo mag punta ng clinic sabi ko ng sarcastic. Haha student 3: okay na maam. Nasamid lang kanina. Haha. Hmm. Okay. Minsan aralin mo tumiming kung kelan ka masasamid ah? Sabi ko.haha Ituloy nyo na yang ginagawa nyo guys. Wag nyo ako pansinin. Natapos na run ang activity na pinapagawa ko sa kanila. Kailangan kong tapalan ang bibig nung Angela. mahirap na baka mabulilyaso pa yung plan ko. End of chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD