Chapter 17

1404 Words
Nath's POV Sa buong araw ng sunday si Erin lang ang nasa isip ko. Kung anong gagawin ko sa aming dalawa. I know wala naman kaming commitment. Pero maganda pa rin yung clear di ba? Para naman walang umasa sa amin. Hays... Hindi ko naman makausap si Alice tungkol dito dahil alam ko naman ang sasabihin nun. Na si Dave ang piliin ko. Well I guess I am just looking for a reason para ipamukha sa akin na si Erin ang pipiliin ko. But the thing is I am still confuse. Kung ang nararamdaman ko ba ay dahil si Erin ay kaugali at kamukha ni "Erin" from the past o dahil si Erin ay si Erin ngayon na nasa present. Magulo ba? Ako rin naguguluhan na talaga eh. Hay! -Monday morning- Naglalakad ako papuntang office. Balita ko night shift na sila Erin kaya malabong makita ko siya. One month din kasi ako sa morning shift at next month pa ako magpapalit ng schedule. "Nath, problemado itsura mo." sabi bigla ni Alice. "Kakagulat ka naman sis. Wala ito. Stress lang." "Wow. Si Miss Workaholic stressed daw." "Haha. Tao lang naman ako uso din ang mapagod noh." sagot ko naman. "Lokohin mo lelang mo." "Oo nga." palusot ko. "Dahil sa trainee ko yan noh?" pangungulit niya. "Sinong trainee?" pataymalisya naman ako kahit alam ko na sino tinutukoy niya. "Sino pa ba? Erin Genesis? Does it ring any bell?" "Haha. Siya agad ang reason." "Oo naman sister. Talk to me." "Ahm... Maybe some other time. Gotta go. Bye sis." at pumasok na ako sa office ko. Hay... Pati ibang tao nakakaramdam na hindi ako okay. Erase! Erase! Erase! I need to focus. Mas paglalaanan ko na ng pansin itong work ko. Baka sakaling mawala siya sa isip ko. Erin's POV Night shift na at sasabak na kami sa gera. Hehe. Sabay nga kaming pumasok ni Anne. Well actually mga 4 hours pa lang naman kame magtetake ng calls eh. Kaya hindi pa masyadong gera ang haharapin namin. "Kinakabahan ako babe." bulong ni Anne. "Aisus. Ikaw pa. Keri natin ito." pagpapalakas ko sa loob niya kahit na pati ako kinakabahan pa rin. "Basta tabi tayo babe." "Sure." Ayun na nga. First two hours ng pagtatake namin ng calls. Yung unang customer ko lahat na yata ng naimbentong mura nasabi sa akin. Pero sabi nga diba it's nothing personal. Kaya pasok sa isang tenga labas sa kabila. Hihi.. Kung didibdibin ko yun sayang naman ang work at tatanda ako agad. Sayang beauty ko. Haha! Maganda palang diversion itong work ko. Hindi ko naisip kahit isang minuto si Nath. Well ngayon lang ulit. May bigla ba naman kasing sumigaw na Nath sa hallway. Akala ko nga si Nathalie Belle eh. Iba pala. Kinabahan pa naman ako. Alam mo yung may something ka sa isang tao tapos ginagawa mo ang best mo to forget pero may biglang magpapaalala. Ayun yung naramdaman ko kaya itong puso ko parang na-electric shock at ang bilis ng t***k. "Oh babe hindi si Nath mo yun." sabi bigla ni Anne. "I know." "Alam mo pala lumingon ka pa para tignan kung sino yung tinatawag. Hehe. Denial ka babe." "Stop teasing me." matabang kong sagot. "Haha! Denial ka talaga babe." "Asar ka. Okay na sana hindi ko siya naisip kasi nageenjoy ako sa ginagawa natin." "Babe ikaw lang ang may kasalanan para maalala mo siya. Masyado mong binibigyan ng meaning ang lahat ng bagay." "Wow.. Ang lalim nun ah. Hehe. Pero thanks sa paalala Anne. Kaya love kita eh." sapul ako sa sinabi niya eh. "Sana dati mo pa ako minahal para wala kang problema. Hehe" "Baliw. You know what I mean." "Oo na!" "Ayan kakadaldalan natin tapos na yung break." sabi ko na napatingin sa relo ko. "Ay oo nga! Teka naiihi pala ako. Wait mo ako." "Sige daliaan mo ha." Pumasok na kami ulit sa production floor. Ilang calls pa at natapos na rin ang phone time. Discussion naman. Si Alice pa rin ang trainer namin. After ng debriefing sa mga nangyari ay 6am na. It means uwian na rin. Paglabas namin sa building eh maliwanag na. Sakit lang sa mata kaya nakashades ako. "Wow! May artista!" biglang sigaw ni Anne. Parang nasa palengke lang at nagtatawag ng mga mamimili eh. Haha! "Eto oh!" sabay turo sa akin. "Wow naman. Anong gusto mo?" "Huh?" nalilitong tanong niya. "Makapuri ka wagas eh. Magpapalibre ka lang naman." "Haha. Wala noh. Bahala ka nga dyan pogi." "Haha! Excuse me maganda ako." "Ay sorry ha. Ako pala pogi ikaw maganda." sakay naman niya sa sinabi ko. "Ayan. Maganda na yung malinaw. Tara uwi na tayo antok na ako." Sumakay na kami ng bus at umuwi na. --After Two Weeks-- Palaging naka-concentrait ako sa work. Ayoko muna kasing maisip si Nath. Makakagulo pa sa work ko. Pero ngayon 2 weeks is enough. I have to do something about us. Off namin ni Anne ngayon. Kaya naisipan kong pumunta sa past para bisitahin si mama. Syempre naman before ang lovelife ko family na muna. Nagpaalam ako kay papa na may pupuntahan ako. Alam naman na ni papa kung saan ako pupunta. Death anniversary kasi ni mama ngayon. Kaya pupuntahan ko yung puntod niya. Pinahiram ni papa yung sasakyan niya. Alam na kasi niya kung saan ako pupunta. Drive... Drive... Drive... Ayun dumaan muna ako sa isang flowershop at bumili ng 3 stems na sunflower. Favorite kasi ni mama yun. Drive... Drive... Drive... At nakarating na ako sa simenteryo. Umupo ako sa ilalim ng puno. Doon kasi yung pinili ni papa na spot noon. "Hello ma. Kamusta na? Ako eto medyo problemado sa lovelife. Pero huwag ka po mag-alala. Masaya naman ako kasi nandiyan si papa at si tita Beth." Nakaisang oras din ako sa simenteryo. Napagdesisyonan kong puntahan si mama from the past. Nalulungkot kasi ako lalo. Drive... Drive... Drive... Inuwi ko muna yung sasakyan ni papa at dinala yung motor ko. At nasa phonebooth naman na ako. Dial... Dial... Dial... After the roller coaster ride ay naglalakad na ako papunta sa bahay namin. "Hello Gen!" Nakita ako agad ni mama. Ayun gumaan na yung pakiramdam ko. "Hello Irene. Namiss ko kayo ah." "Lika na sa loob. Ang late mo naman dumaan. Namiss din kita. Pati itong si Erin nga hinahanap ka." Yung pinili kong time kasi yung nakakalakad at nakakapagsalita na yung baby version ko. Mga 4 years old na rin ako. Hindi naman nila ako nakalimutan kasi mapalapit na rin talaga ako kay mama. Palagi niya daw akong kinukwento kay baby Erin. "Pasyensya na may dinaanan pa kasi ako eh. Kamusta na kayo?" "Okay naman kami. Kaya lang si Erik wala eh. Nasa Maynila. Napromote kasi ulit." "Wow! Congrats sa inyo." "May magagawa ba ako sa problema mo?" "Ha? Wala naman akong problema." denial queen pa ako. "Aisus Gen. Sa tagal na nating magkakilala alam ko na kapag may problema ka." "Kasi ano..." sapul naman ako. Malamang mararamdaman ng nanay yun. Mother's instinct nga eh. "Ano nga? May magagawa ba ako? Kung wala makikinig ako." "Kasi may nagugustuhan ako. Pero may boyfriend na siya." hinintay ko kung magbabago yung mukha ni mama. Hindi pa kasi niya alam kung ano ba talaga ang gusto ko. "Tapos?" Hindi nagbago yung facial expression niya. Nandun pa rin yung eagerness to listen and help me. "Tapos na." "Impossible namang tapos na yun." pilit ni mama na tanong sa akin. So wala akong nagawa kundi ang ikwento ang lahat sa kanya. "Wala akong magagawa tungkol dyan. Pero ikaw sa tingin mo may magagawa ka ba? Susuko ka na ba ng wala pang ginagawang hakbang?" motherly advise niya. "Hmmm..." napaisip ako. Ano nga ba ang gagawin ko? "Alam mo pagisipan mo yan. Bawal ang sumuko agad!" "Haha. Oo na! Hindi na susuko. Nga pala salamat sa pagtanggap sa akin." "Ano ka ba. Kung dyan ka masaya sino ba naman ako para pumigil sayo. Masaya nga ako kasi nag-open ka sa akin. Ibig sabihin pinagkakatiwalaan mo ako." "Wala yun. Nagwo-worry nga ako sa magiging reaction mo." "Ano ka ba. Best friends na tayo kaya kung ano o sino ka man tanggap kita." Napasmile ako sa sinabi ni mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ano nga bang dapat kong gawin? Hay...makauwi na nga at makapagisip na ng magandang gawin. Naglalakad na ako papunta sa booth ng biglang... Ting! (bumbilyang umilaw sa taas ng ulo ko) Aha! Alam ko na kung paano ako mapapalapit kay Nath! Haha..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD