Nath's POV
Urgh... Ang sakit ng ulo ko ah. Hindi naman ako nakainom ng masyado pero masakit pa rin. Buti na lang sunday ngayon at walang work.
Bumangon na ako at naligo. Nasa condo pa rin ako ni Alice. At ayun siya nakahilata pa rin sa kama niya at natutulog.
I checked my phone. 1pm na pala. I put a note sa table ni Alice at umuwi na. Ayoko naman gisingin yun. Daig pa ang dragon kapag naistorbo sa pagtulog eh.
Naisip ko lahat ng nangyari kagabi. Yung paghawak ko sa kamay ni Erin. Yung feeling na ayoko ng mahiwalay sa kanya. Pero nalilito pa rin ako. Parang nakikita ko kasi yung "Erin" na kilala ko from the past sa kanya. Hay...
I am happy kapag kasama ko siya. Pero tama si Erin. It will be unfair para kay Dave dahil alam kong loyal siya sa akin.
Speaking of Dave hindi pa ako ki-no-contact ng lalaking yun pagkatapos niyang umalis sa bar.
Hays... I have to stop na. Kailangan ko nang pigilan kung ano man ang nararamdaman ko kay Erin. Nalilito lang ako dahil binubuhay niya yung feelings ko kay "Erin" from the past.
Erin's POV
Wuuhuuhuu!!! Grabeng hangover ito! Sakit ng ulo ko.
"Erin anak eto ang kape at pain reliver dyan sa sakit ng ulo mo." sabi ni tita Beth.
"Thanks tita. Si papa po?"
"Nasa work. May biglaang meeting daw kasi kaya maagang umalis kanina."
"Ahh... Buti wala siya kundi mapapagalitan ako."
"Haha. Talaga. Alam mo bang ako ang ginugulo niya na gisingin ka at sesermunan ka daw. Pinapasok ko na sa work niya. Minsan ka na nga lang magnight out eh."
"Thanks po talaga tita. Well sa inabot ko ngayon ayoko ng uminom. Last na yun. Sakit sa katawan eh."
"O siya bangon ka na dyan at maligo. Si Anne nasa baba eh."
"Hala ang aga naman ng babaeng yun. Sige po maliligo na ako."
Habang inaayos ko ang kama ko naalala ko nanaman si Nath. Masaya na hindi yung nangyari kagabi.
Masaya kasi nalaman kong masaya si Nath kapag kasama ako. The only bad thing happened was may boyfriend na pala siya.
Hay... But aside the fact na may boyfriend siya I still want her. Yung pakiramdam na gagawin ko lahat para maging akin siya. Yun ang napupush sa akin ngayon.
Pagkatapos kong makaligo bumaba na ako at ayun nanaman si Anne. Nakaupo sa sofa habang kumakain ng sandwich nanonood ng tv at nakataas pa ang paa.
"Wow. The last time I check yung bahay ninyo nasa ikatlong kanto pa. Kelan ka lumipat ng bahay?" sarcastic kong salita.
"Ouch naman babe. Masama bang magfeeling at home sa bahay ng best friend ko? Pagkatapos ng mga ginawa ko para sayo kagabi?"
"Ahm. Sabi ko nga feel at home eh."
Tameme naman ako dun. Sobrang thankful ako kay Anne. Nung nalaman ko yung tungkol kay Dave eh she comforted me. Ayaw nga niya akong iwan nun kaya lang sabi ko gusto kong mapagisa kaya she went back sa VIP room.
"Kamusta naman yang puso mo?" sabi niya habang nilalantakan yung tinapay ko.
After kasi niyang kainin yung sandwich na binigay ni tita Beth yung akin naman ang kinain niya. Walang hiya to ang takaw eh.
"Okay naman. Buo pa naman."
"Buti naman kung ganoon. Anong plano natin?" sabi niya na yung juice ko naman ang tinatarget ubusin.
"Anne ang balita ko akin yan almusal eh. Haha. Anyways, wala pa ako naiisip. Pero mahal ko na siya eh."
"Walangjo ka naman Gen. Mahal mo naman wala kang plano. At hindi mo naman ginagagalaw itong hinanda ni tita kaya kesa masayang ako ang kakain. Hehe."
"Sinabi ko bang masasayang? Nagugutom din ako! Haha. Mahal ko nga siya at lalong wala ako sinabing wala akong gagawin noh!" sabi ko na inagaw na yung juice.
"Hehe. Eh ano ngang plano? Gusto mong i-pa-kidnap na natin si Dave para mawala na siya?"
"Sira ka talaga! Basta. Bahala na muna."
"Sige boss. Hehe."
"Bakit pala ang aga mo dito sa amin?"
"Wala lang. Hehe."
Kilala ko na itong si Anne. Nandito siya kapag nasa bahay nila ang mommy at daddy niya. Well I can't blame her. Kung bang minsan na nga lang dumating ang parents niya kung makita pa walang ginawa kundi magaway eh.
Nakalipas ang araw at puro kwentuhan lang kami ni Anne at tita Beth.
Nung dumating na si papa sangkaterbang sermon ang inabot namin ni Anne. Pati siya napagalitan kay papa. Hehe. Parang papa ni rin kasi niya si papa ko eh.
"Oh uwi na ako babe."
"Tara hatid na kita." sabi ko naman.
"Wow. Kakainlove ka talaga babe."
"Hahatid lang kita kakainlove na agad?" sabi kong natatawa.
"Trip lang. Haha!"
"Sumbong kita kay Yvonne eh."
"Sumbong ka. Samahan pa kita." sabi niya habang naglalakad na kami papunta sa bahay nila.
"Ano bang meron sa inyo ni Yvonne?" tanong ko.
"Wala. Ewan ko. Fling lang yun. Hindi naman ako inlove. You know me kapag inlove ako. Haha!"
"Sabagay. Akala ko kasi seryoso ka na dun."
"Dadating din tayo dun. Haha. Oh eto na bahay namin. Thanks sa hatid."
"Yep. Bukas sabay tayo pumasok ha. Night shift na di ba?"
"Oo. Punta na lang ako sa inyo"
"Okay. Night Anne."
"Night babe."
At naglakad na ako pauwi sa bahay. Habang naglalakad nagisip ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin?