Chapter 15

1081 Words
Nath's POV Niyaya ako ni Alice na pumunta sa night out ng class niya. Well gusto ko ngang sumama. Kasi nandun si Erin. Sa nakaraang mga linggo naging close kami. Nagsimula yun nung yayain niya akong maglunch. Sobrang gentlewoman niya. Daig pa nga niya si Dave eh. I love it when she blush. Alam ko dahil yun sa pagtawag ko sa kanya ng Erin. Napansin ko yun nung una ko siyang tawagin sa pangalan na yun. Ang cute niya. Ang sweet pa. Hay... Nalilito na nga ako sa nararamdaman ko. Hindi buo yung araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Lalo nang kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikitang nagba-blush. Pupunta naman talaga ako sa night out nila. Bigla lang sumulpot si Dave sa office kanina kaya sinama ko na. Nakita ko kung gaano kasaya yung face ni Erin nung nakita niyang dumating ako. Ang cute talaga niya. Nakakakilig din kung paano niya ako tignan. Yung feeling mo sobrang ganda mo. Ayun yun eh. Haha. Kaya lang nung makita niya si Dave nagiba agad yung itchura niya. Yung itsura ng boyfriend/girlfriend mo kapag nagseselos. Ganun na ganun yung face niya. I felt so awkward pa nung ipangalandakan ni Alice na boyfriend ko si Dave. The whole time kay Erin ako nakatingin. I saw that she was hurt. Daig pa ang nalugi dahil sa 10 billion scam. Tapos patakbong lumabas sa room. Sumunod naman si Anne sa kanya. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Almost an hour na pero hindi pa bumabalik si Erin. Si Anne kanina pa dito. Pasimple akong lumapit kay Anne. "Ahm..." "Ano?" "Si Erin?" pabulong kong sabi. "Nasa labas. Sa may bartender." "Thanks." "Wala yun. She's hurt." "I know." Nagpaalam ako kay Dave na pupunta sa washroom. Sasama pa sana siya pero sabi ko na maiwan na siya. Naglakad ako papunta sa may bartender. I saw her na nakatalikod at umiinom. "Erin." "Hmmm.." "Erin." "Yes?" "Lika na sa loob." "I'm fine here." Shemay.. Ang bango ng hininga niya kahit nakainom. Nilapit kasi niya yung mukha niya sa akin para hindi kami magsigawan para marinig namin ang isat isa. "Let's go na." "Leave me here and go back to him." "Selos. Lika na." hinatak ko siya. Nakita kong naparami na yung inom niya pero kaya pa rin naman niyang maglakad. "Wait. I need to pee." at tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Dumiretso siya sa washroom. Hinintay ko siya sa labas nung cubicle. Paglabas niya naghilamos siya to freshen up. Hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan lang niya yun at tinabig yung kamay ko. "I don't want to be the reason para magaway kayong dalawa." "But... I am happy with you." "I am more than happy kapag kasama ka. Pero hindi tama. It will be very unfair for him." Wow.. Lalo akong naiinlove sa kanya. Kung ibang tao lang ito panigurado iba ang sasabihin nila. They will take advantage of the situation. "Lika na baka hinahanap ka na." Sumunod ako sa kanya. Pagpasok namin sa room nagtanong agad si Dave. "Ang tagal mo hon. Susundan na sana kita eh." "Tsk." "Alice I'll go ahead." biglang sabi ni Erin. "Ha? Aalis ka na agad. Stay pa please?" pacute naman si Alice. "Kasi si papa ko nagtext na eh." "Sayang naman." "Next time na lang ulit ha." "Anne una na ako." "Sabay na ako sayo." "Iwan ka na. Eenjoy ka pa kasama si Yvonne. I'll be fine." "Erin." hawak ko sa kamay niya. Pati ako nagulat sa inasal ko. Nasa harap ko pa naman si Dave at Alice. Nakakalokong tinignan ako ni Alice. "Dito ka muna." pakiusap ko. "Ahm... I really have to go." "Asan number ni papa mo? Tatawagan ko." OMG! Ano ba itong mga ginagawa ko! Yung tingin ni Alice sa akin iba na talaga! "Ahm... Okay I'll stay." "Yehey!" sigaw naman ni Anne. "Hmmm..." yun lang at umupo na si Erin sa harap. Yung hindi niya ako makikita pati na si Dave. "Dave papasama muna ako kay Nath sa washroom ha. Hehe... Lashing na akes eh." "Sure." Nang makaalis na kami sa VIP room doon ako ki-non-front ni Alice. "Magtapat ka sister. Anong meron sa inyo ni Erin?" "Mahabang kwento. Pero I am happy kapag nasa malapit siya. Yung spark sa kanya ko nararamdaman." "Sa condo ka muna umuwi. Marami ka pang ipapaliwanag sa akin." "Oo na." hala ka. Ayan na eh. Padalos dalos naman kasi ako. Tsk! Bumalik na kami sa VIP room. Nakita kong may kausap si Dave sa phone niya. "Ahm...hon something came up. I have to go. Okay lang bang kay Alice ka na sumabay?" "Sure. Ingat ka." Hindi na ako nangusisa pa kung ano man yung dahilan ng pagalis niya. After few minutes umalis na rin si Dave. Yung ibang kasama nila Alice sa class eh lumabas na sa VIP room at sumasayaw na sa dance floor. Ang naiwan na lang si Anne, Yvonne at Erin. Pati so Alice nakikisayaw na rin. "Ahm... Pwede?" sabay turo ko sa tabi niya. "Umm-hmmm..." so umupo naman ako. Nakaramdam naman ata sila Anne at lumabas din. "Sorry. I didn't tell you about him." "Okay lang. Hindi mo naman obligasyon yun. Normal lang naman sa akin na mahurt. Tao lang ako." "Sorry pa rin. Can we just enjoy the night?" todo pacute na ako. Aba kailangan kong bumawi sa cute na ito. "But..." may sasabihin pa sana siya pero I stop her using my index finger. I hold her hand at sumandal sa balikat niya. Ang init ng katawan niya. Sarap yakapin eh. Pero syempre pinigilan ko ang sarili ko. Naabutan kami ni Alice na magkahawak kamay. Lagot.. Talagang kailangan kong magpaliwanag. Mga 4AM na ng magkayayaan kami umuwi. Pagdating namin sa condo ni Alice pinaliwanag ko sa kanya lahat. Simula nung highschool ako at nung nainterview ko siya sa office. Pati yung mga small talks namin kapag nagkikita sa office lalo na yung mga lunch namin together at paguusap sa phone. "Alam mo friend mahirap yan. Unfair kay Dave at kay Erin." "I know. Nahihirapan din ako." "You have to choose." "Yeah. In the right time." "Okay. Pahinga na tayo." Hindi pa rin ako nakatulog agad. Naalala ko pa rin yung face ni Erin. Sa ilang minutes lang from happiness nakita ko kung gaano siya kahurt. Hay... hindi ko siya kayang nasasaktan. Mahal ko na nga ata siya. Pero feeling ko naman kaya ako ganito dahil kay 'ERIN' na kilala ko nung highschool pa lang ako. Ang gulo talaga ng mga nangyayari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD