Anthony "Anthony hurry up" Pagmamadali sa akin ng pinsan kong si Matilda. Pupunta daw kami sa birthday ng owner ng binilhan nyang sasakyan. Pinilit lang nya ako dahil ang kapalit naman nun ay tutulungan nya akong mahanap ang babaeng ilan taon ko nang hinahanap. Nang makarating kami sa venue, pinakilala ako ni Matilda kay Adrian, ang may-ari ng Autohub Corp at ang may kaarawan ngayon. Nakipagusap din ako sa iba't ibang matataas na tao sa business, sa politics and Entertainment Industry. Marami ang bisita ni Adrian kaya naman napakalaki ng lugar na pinagdausan. Nang maagaw ang atensyon ko sa isang komosyon. May babaeng natapunan ng waiter sa damit nito. Nakatagilid lang ang babae, kumunot ang noo ko. Para bang kilala ko ito. Nang hindi sinasadyang napatingin sakin yung babae 'It's her' I

